CHAPTER 5: A Better Place

1352 Words
-=Brielle's Point of View=- "Bri." kumain ka naman. Narinig kong sinabi ni Cassie, narinig ko naman iyon, pero parang hindi umabot iyon sa utak ko, napatingin lang ako dito na para bang hindi ko ito nakikita. Tulala lang ako habang nakatingin dito, halos wala na akong napapansin sa paligid ng dahil sa pagkamanhid na nararamdaman ko, pakiramdam ko nga din ay naubos ko na ata ang mga luha ko sa mga mata ko, magmula kasi ng sabihin ng doctor sa amin na wala na si Tatay ay nagpatuloy ang pagdaloy ng mga iyon sa mga mata ko, kaya ngayon ay para na siyang natuyuan at bigla na lang ako nawalan ng emosyon. "Brielle alam kong masakit na wala na siya, pero mas malulungkot si Tito Gerry kapag nakita ka niyang ganyan." umupo pa ito sa tabi ko, naramdaman ko pa ang kamay nito sa balikat ko na tila ba pinapalakas nito ang loob ko. "Pa.....ano na ako? Hindi ko kayang mawala si Tatay." akala ko ay ubos na ang luha ko, pero malayang naglandas ang mga luha sa mga mata ko nang sinabi ko iyon. Bigla na lang ako nitong niyakap ng mahigpit, sobrang higpit na lalong nagpalakas ng iyak ko, para akong batang iyak lang ng iyak nang mga oras na iyon. "Ang daya daya naman kasi ni Tatay, hindi niya man lang nahintay na maipon ko ang pagpapaopera niya. Nabigo ko siya." patuloy kong pagtagis. "Huwag na huwag mong iiisipin na binigo mo si Tito, ginawa mo ang lahat para sa Tatay mo at alam ni Tito Gerry yan." pagalit nitong sita sa akin. "Kung hindi ko siya nabigo ay hindi sana namatay si Tatay." umiiling akong lumayo sa yakap nito, hindi ko pa din kasi mapigilang hindi sisihin ang sarili ko. SIguro nga hindi naging sapat ang mga pagtatrabaho ko, kung nagkaroon lang ako ng madaming pera ay napaopera ko na agad si Tatay at hindi na aabot sa ganito ang lahat. "Listen to me Bri...... ginawa mo ang lahat para sa Tatay mo at alam iyon ni Tito. Hindi mo na nga nagagawang magpahinga ng maayos para lang kumita ng pera." patuloy nitong pangungumbinsi sa akin, ngunit patuloy pa din ako sa pag-iling. "Nakakausap ko si Tito, pinag-uusapan ka namin, lalo na kapag wala ka sa bahay. Hindi mo lang alam kung gaano kaawa ang nararamdaman niya dahil sa responsibilidad na nakaatang sa mga braso mo. Sobrang sakit sa part niya na makitang nahihirapan ang pinakamamahal niyang anak. Alam mo ba kung gaano kahirap at kasakit sa isang ama na makita ang anak niyang nahihirapan samantalang siya ay walang magawa?" pagpapatuloy nito. "Ginawa ko iyon dahil mahal  na mahal ko siya, lahat gagawin ko para lang gumaling siya, para lang makasama ko pa siya nang mas matagal. Dapat nandoon siya kapag nagkaasawa na ako, kapag nagkaanak na ako, dapat nandoon siya para ispoil ang anak ko, dahil gusto ko siyang makasama sa lahat ng parte ng buhay ko." sagot ko naman dito. Wala na itong magawa kung hindi muli akong yakapin ng mahigpit, hinayaan ako nitong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon, pero habang yakap ako ni Cassie ay nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa. "I'm tired." ang tanging nasabi ko dito, habang nanatili sa mga yakap nito. "Magpahinga ka na muna Brielle, alam kong masakit at mahirap ang nangyaring ito, pero naniniwala pa din ako na may dahilan ang lahat ng bagay." halos hindi na nagregister sa akin ang huling sinabi nito, dahil tuluyan na akong ginupo ng antok. Ngayon ko naramdaman ang labis na pagod, mula nang magkasakit si Tatay hanggang sa tuluyan na itong nawala. "Brielle anak........." narinig kong tawag sa akin, sobrang bigat ng mga mata ko na talaga namang nahirapan akong imulat iyon, ngunit biglang napuno ng sobrang pangungulila ang puso ko nang mamulatan ko ang nakangiting mukha ni Tatay. "Tay kayo po ba yan?" tanong ko dito, habang tinitignan ito, kaiba ito sa huling kita ko sa kanya, mas puno nang buhay at mas masigla ito ngayon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tumango ito, dali dali akong bumangon, at mahigpit itong niyakap. This time walang luhang pumatak sa mga mata ko, ang tanging nararamdaman ko ng mga oras na iyon ay ang labis kong pagmamahal dito at ganoon din ito sa akin. "Tatagan mo ang sarili mo Brielle, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Tatay." bulong nito sa akin. "Mahal na mahal ko din po kayo." tugon ko naman dito. Ayoko nang matapos ang pagkikita naming iyon, pero alam ko naman na panandalian lang ang pagkikita naming iyon, kaya mabigat man sa loob ko ay kumawala ako sa mga bisig nito. "May gusto lang akong malaman." ang sinabi ko dito, nanatili lang itong nakatingin sa akin, kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Gusto ko lang.... malaman, kung masaya po ba kayo?" nag-aalangan kong tanong dito. "Masaya na ako sa pupuntahan ko anak,pero gusto kong ipangako mo, na magpapatuloy ka sa buhay mo, gawin mo ang mga bagay na hindi mo nagawa nang dahil sa akin, nang dahil sa naging responsibilidad mo ako" sagot naman nito. "Ginawa kong lahat iyon, dahil mahal na mahal ko kayo." ang sinabi ko. "Alam ko, at maraming salamat sa lahat ng pagsasakripisyo mo, pero gusto kong mangako ka sa akin na magiging masaya ka, kahit na wala na ako, ipangako mo." nararamdaman kong malapit nang matapos ang pagkikita naming iyon, kaya naman tumango na lang ako. "I love you Tay." ang huling nasabi ko bago tuluyan itong nawala. Nagising ako na nakahiga na sa sofa sa sala, agad dumapo ang paningin ko sa kabaong nasa gitna ng sala namin. Kumpara kanina ay mas magaan na ang loob ko, at dahil iyon kay Tatay, nararamdaman ko na kaya ko nang magpatuloy dahil alam kong masaya na si Tatay. Agad akong bumangon at pumasok sa kusina kung saan ko naabutan si Cassie. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito, agad itong naghanda ng pagkain at inabot iyon sa akin. "Ok na ako, salamat." sagot ko naman dito, tinanggap ko na din ang pagkain na binigay nito. Matapos kumain ay sakto naman dumating ang ilan sa mga katrabaho ko sa mall sa pangunguna ni Jacqueline. "Brielle!" ang umiiyak na salubong sa akin nito, pinigilan ko ang sarili kong hindi matawa sa reaksyon nito, dahil parang mas tinalo pa ako nito, pero alam ko naman na nag-aalala lang ito sa akin, kaya ganoon ito makaiyak ngayon. "Ok lang ako Jack, huwag kang mag-alala, kakayanin ko ito." ang sigurado kong sagot dito. Isa isa naman nanaglapitan sa akin ang mga katrabaho ko, saka ko lang din napansin na nandoon din pala si Sir Ricky. "I'm sorry for your lost." ang salubong nito sa akin sabay abot nang kamay nito, bahagya akong nailang nang maramdaman ko ang may kadiinan nitong paghawak sa kamay ko. "Sa....salamat po Sir, pasok na po kayo." nang makapasok ay agad akong nagpaalam sa mga ito para ihanda sila nang makakain. Naabutan ko pa si Cassie na mukhang kanina pa nakasilip. "Iyon ba ang boss mo na nangliligaw sayo?" tanong agad nito. "E oo siya nga." sagot ko naman dito, habang naghahanda ng sandwich at sopas na niluto ni Cassie. "In fairness pogi si Kuya ha, pero bakit parang ayaw mo?" muli nitong tanong. "Wala talaga akong gusto sa kanya, at ilang beses ko nang sinabi sa kanya na huwag na siyang mangligaw." sagot ko. "Ahhhh so sinabi mo talaga sa kanya yan?" muli itong nagtanong. Sandali akong napaisip sa sinabi nito, actually hindi ko naman talaga binasted ito, ang natatandaan kong sinabi ko dito ay hindi ako handang makipagrelasyon dahil kay Tatay, pero ngayong wala na si Tatay ay mukhang hindi ko na ito mapipigilan. "I guess, kailangan ko nang maghanap nang bagong trabaho." hindi ko namalayan na nasabi ko pala iyon. "Ha anong sabi mo?" maang na tanong nito Cassie. "Wala ang sabi ko, serve ko na ito." pagdadahilan ko, pero buo na ang loob ko maghahanap na ako ng ibang trabaho para malayo sa anak ng amo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD