-=Brielle's Point of View=- Apat na araw ding binurol si Tatay, at sa loob ng apat na araw na iyon, ay iba't ibang tao ang dumalaw. Madami sa mga iyon ay ang mga natulungan ni Tatay. Nakakatuwa lang na marinig ang mga kuwento ng kabutihan ni Tatay. Hindi man kami mayaman ay tumulong si Tatay sa mga taong ito na labis na nangangailangan sa abot na makakaya ni Tatay, kaya nakakatuwa na makita sila dito ngayon para magbigay galang kay Tatay. Matapos ang huling araw ng burol ni Tatay ay kinabukasan ay inilibing na din si Tatay. Oo nga at natanggap ko nang wala na si Tatay, pero sobrang sakit pa din pala kapag nakikita mong pinapasok na ang kabao nito sa nitso at alam mong hinding hindi mo na makikita ang sarili mong ama. Sobrang sakit, pero kinailangan kong magpakatatag, dahil nangako ako

