EHC 3

3986 Words
KDEN'S POV sa labas ng room. "Anong problema mo Mr. Moore??!.. bakit ganun kana lang kung umasta ha!? pasigaw na sabe niya, makikita mo talaga sa mata niya na nagagalit siya sakin kaya naman nakaramdam ako ng konting kaba, napatungo na lang ako at saka nag isip ng dahilan. "Pasensya na po maam, masakit po kasi ulo ko, tas binatukan pa po ako kanina anlakas po kaya ng batok, kaya po nanggigil po ako." pagdadahilan ko sakanya. "Edi sana di kana pumasok kung masakit naman pala yung ulo mo, hindi yung makanti ka lng ng konti magwawala ka. pano pala kung wala ako don? edi baka nag away na kayo don ano na lng sasabihin ng ibang Prof jan?? dko kayo kayang pasunurin?? na wala akong pake kahit mag p*****n ang mga estudyante ko??" Pigil na inis na sabe niya. "Sorry po talaga maam, hindi na po mauulit " nakayuko kong sabe, tas bigla kong naalala yung mukha niya. Parang ngayon ko lang siya nakita ah, magdadalawang linggo na mula nung mag umpisa yung klase ah, ano yun transferee?? "Hindi mo manlang inisip na babae yon? Bakit mo pa papatulan diba? Bakla ka ba? " galit pa din na sabe ni maam kaya nag reak ako "HINDI MAAM!!   NAINIS LANG PO TALAGA AKO KAYA GANON " Napapatungo na sabe ko habang nakanguso. "Oh hindi naman pala e! Nainis ka kaya nag sisigaw ka don? Nainis ka kaya muntik ka nang pumatol sa isang babae? " Si maam,  kaya napatungo na lang ako "Hindi ako nanay mo pero alam kong alam mong mali yung ginawa mo kanina--" "Eh mali din naman si--" "Kahit pa! Babae yun e ano papatulan mo talaga? " "hindi po" nakanguso pa din ako "E bat ganon ka umasta? Tingin mo matutuwa mama mo o papa mo pag nalaman nila na yung anak nila na gwapong gwapo e pumapatol lang sa babae? " mahabang sabe niya habang nakatitig sa akin, hindi pa din ako sumagot dahil sa hiya ko. Actually alam ko naman na mali yung ginawa ko pero hindi ko naman siya sinigawan diba? Tinitigan ko nga lang siya e, Siguro nagkaganon lang ako kasi ang buong akala ko lalake yung bumatok sakin. "Alam ko naman na mabait kang bata, pero ilagay mo naman sa lugar yung pagtulog tulog mo. Matagal ko nang napapansin sayo yan e, kung hindi ka natutulog e pupungay pungay naman mata mo sa antok tama ba naman yon? E nasa school ka? " mahabang sabe ni maam, sa maniwala ka o sa hindi literal na antukin ako kahit san kaya ko matulog "Nagtatrabaho ka ba? " tanong ni maam kaya napaangat ako ng tingin. "H-hindi po " "Eh bakit aantok antok ka lagi sa klase? Tuwing titingin na lang ako sayo, pikit yang dalawang mata mo e" "S-sorry po talaga, malamig po kasi maam tapos ang aga aga pa po" pag dadahilan ko "Maaga? E kahit daw sa ibang subject ganyan ka e" biglang sabe ni maam kaya napatingin ako sakanya. We ba? Ganon na ba ako kaantukin leche "Sabe ng ibang professor ay ganon ka din daw sakanila,  hindi ka lang daw nila pinupuna dahil pag tinatanong ka naman ay nakakasagot ka" si maam "At yun naman yung maganda sayo, na kahit tutulog tulog ka e talaga naman may maisasagot may maisasagot ka" dagdag ni maam dahilan para mapangiti ako peri di ko pinahalata sakanya yon. Lumipas ang ilang segundo na katahumikan sa pagitan namin kaya nung nag angat ako ng tingin sakanya saktong nakatingin na siya sakin dahilan para mapaiwas ako agad ng tingin. "Sana hindi na maulit yun mr. Kayden, hindi kana bata para parusahan pa alam kong alam mo na kung anong tama at mali. At alam kong bilang estudyante gagawin mo yung tama" malumanay na sabe niya. "Nagkakaintindihan ba tayo dito? "tanong niya "O-opo maam" "Aasahan ko yan Mr.Moore, maski talaga ako ay nagulat pero kasi mali din yung ginawa mo " sagot niya. habang humihinga ng malalim. "So-sorry po talaga maam" sincere na sabe ko "Okay na yon, wag mo na lang sana ibigdeal yung pagbatok niya sayo " sabe niya tas bigla pang natawa  "hindi maam hehe" sabe ko Tinawanan pa ako tibay "O siya sige na pumasok na tayo sa loob at mag checheck na tayo" sabe niya pa  "Opo" sagot ko, dali dali na sana siyang aalis pabalik ng room pero pinigilan ko siya Matanong nga kay maam. "Ahh maam??" "Bakit iho??" "May itatanong lang po sana a-ako?" tanong ko habang nagkakamot sa ulo ko. "Sige ano ba yun??" nakangiting sagot niya. "May bago po ba kaming classmate??"  "Wait tingnan ko sa Class Record ko.. sabay angat ng class record niya at saka niya tiningnan , maya maya lang "MERON, Galing siyang Section 3 Leira Doyle ang pangalan." "Leira doyle hmmm panget naman ng name niya" bulong ko "Anong sabe mo?? " nagtatakang tanong ni maam. "Ahh wala wala maam  Hehe " pagsisinungaling ko. "Nako mukhang siya pa ata yung bumatok sayo iho ahaha " natatawang tanong niya. Pinaalala paaaa tibayyy "Bat parang natatawa ka pa maam? " pigil na inis na sabe ko. "Hindi ako natatawa iho, natutuwa ako hahaha babae yun e  bibihira lang yun ganong klase. tas nung makita mo siya natulala ka lang, tinitigan mo lang para kang natakot sakanya pero ayos na din yun iho. Mabuti nang wala kang ginawa sakanya kasi bukod na mas malakas ka e babae yun. " Mahabang sabe niya habang tatawa tawa. Ako natakot wew? kung wala ka dun maam baka pulbos na sakin yon grr Tsaka hindi ako natulala! nakakairita kaya yung mukha niya Yes she have the face but she doesn't have the looks tch.   "Ahh hehe, di naman ako ganun maam, babae yun e tsaka liit na bagay maam, parang yun lang e hehe." sakyan na lang kita maam haha. "Liit na bagay?? e bat ganun ka na lng kung magalit kanina ha??? " Nanlalaking matang tanong niya. nabigla naman ako sa tanong niyang yun kaya d agad ako nakasagot kaya nung sasagot na sana ako. "Normal naman po siguro yon, nasa kasarapan po ako ng pagtulog e " "Hahaha okay okay no need to explain  i was just  kidding" nakangiting sabe niya sabay tapik sa balikat ko "Ahh ehheh" pilit na lang talaga tawa ko. dahil nawiwirduhan ako sakanyaaa Yun lang at bumalik na kame sa room pag dating sa room ay tahimik na kaming lahat , di ko muna pinansin si leira tiningnan ko lang siya ng mabilis tsaka ko iniwas ulit. Mamaya ka sakin Pinapasa naman ni maam kanina yung quiz sa harap tas binigay sa iba then sabay sabay chineckan matapos macheckan ay nag bilin lang siya ng konti at nag bigay ng assignment. Habang nagsusulat si maam ng assigment sa whiteboard ay pasimple naman akong lumilingon ke leira. nakaupo siya sa likuran ko may isang upuan lang na pagitan kaya naman naabot niya ako kanina. Tch kala mo maganda, parang airport naman yung noo sa lapad Matapos niyang isulat yung ass ay agad niya kaming dinismiss tsaka siya nag dirediretsong lumabas. Nag tayuan naman agad ang mga kaklase ko para makipagkwentuhan, ako naman ay nagtingin tingin habang nakaupo na lang sa loob kasi ng isang linggo nagawa nilang makakuha ng ka close sa room pero kami naman ni kyetan ay walang balak makipag usap sa mga kaklase namin kaya kami kami lang nila lenard ang nakakapag usap. Hindi kasi kami sanay na umapproach ng tao nakakahiya, siguro kung sino lang yung kumausap samin e yun lang yung magiging close namin. Kinuha ko naman ang gamit ko tsaka ko ipinasok sa bag ko, pero pag lingon ko ulit sa harapan ko si kyetan ay nakaharap na sakin at nakangisi na siya na parang ewan kaya inis kong iniwas ang paningin ko sakanya. "Ano pre? Gising kana ba?? HAHAHA pucha sigurado hanggang bukas makalawa gising na gising ka haha solid si ate gorl magbigay ng batok ee HAHAHAHA" Malakas na sabe niya habang tumatawa pa. "Tumahimik ka nga ! nakakabwisit na nga e !  " inis na sabe ko. "Kumalma ka nga!  natawa lang talaga ako sa reaksyon mo kanina hahaha" tumatawa paring sagot niya. "I dont care okay?? " sabe ko pa sabay talikod pero muli ko siyang nilingon "Can you please shut your mouth?? Atleast just for a minute or maybe an hour, pleaseeee??" nagmamakawang  sagot ko. Ano bang meron kanina sa reaksyon ko?? Nakakatawa ba talaga?? Di ko na lng siya pinansin, alam ko kasi na sa asaran nanaman uwi nito. Sakto naman ang biglang lapit ni lenard kaya di na din nag salita si kyetan (Kyetan= " Keytan " ang basa haha ) "Pre? Pasensiya kanina ah?? " sabe niya sakin kaya bumalik ang inis ko. "Bat ikaw ang nag sosorry? Di ba dapat siya?? " sabe ko habang nakatingin ako sa kung saan " Oo nga, pero kasi -- "Ano?! Walang pero pero! kaano ano mo ba yun?? bat parang siya pa inaalala mo?"inis na sabe ko "Hindi naman sa ganun pero kasi-- "E bakit ikaw nga nag sosorry--"  PAAAKKK!! Hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng biglang may bumatok na naman sakin "Aray! Ano ba?? ! " sabe ko kay kyetan. binatukan niya ko. "Pucha pano makakapag salita si lenadd kung pinipigilan mo lagi sinasabe niya?? abno ka ba?" sabe niya sabay tawa, kaya wala naman akong nagawa dahilan para tumahimik na lang ako. Humarap naman ako kay lenard pero tatawa tawa parin si lenard. "Ano nga pre??! Kingina naman e" pigil na inis na sabe ko. "AHAHA Sorry sorry, okay " huminga muna siya, parang pinipigil niya yung tawa niya. " Yun si Leira Doyle, Galing siyang section 3 actually bespren ko yung ugok na yun 2years na, magkababata tayo pero nung lumipat ako dito sa taguig siya yung una kong nakilala. Malapit lang kasi ang bahay niya sa bahay ko, kabilang brgy lang ata. Tas nagkataon pa na nung Grade9 naging kaklase ko siya, kaya ayun naging close kami hanggang ngayon nasanay na lang din ako sa ugali niya e, ganun kasi talaga yun mahilig manakit hahaha nakakainis man minsan, kaso wala e, babae yun alanga naman patulan mo. tsaka minsan niya lng naman gawin kaya okay lang" mahabang sabe niya. "Hakdog ba siya!! , tsaka sa bigat nung kamay niya na yon? Babae pa siya? Kung sayo okey lang pwes sakin hindi okey"  sabe ko. "Ang OA mo naman, parang yun lang e" sabe ni lenard "Hindi  OA yun par ? Binatukan niya ako nang walang kalaban laban patas ba yon? " gigil na sabe ko. "So ano gagawin mo ? gagantihan mo siya?? haha bading" sabat ni kyetan Grrrr anong bading don!!?! " Hindi, tingnan na lang natin hehe" nakangising sabe ko " Wag mo na lng pansinin pre, best revenge yun haha yung tipong walang nangyari " sabe naman ni lenard pero hindi na ako sumagot sa halip ay nilingon ko naman si leira na kausap yung iba pa namin na kaklase. Tch  "Nga pala boy, san kayo sa dito lumipat?" tanong ni Lenard dahilan para mapalingon ako muli sa kanila "Sa Bandang Titan Port lang, sa 31st Street dun sa may village dun ," sagot ko naman. "Ay we?  Jan din sila Leira e " sabe ni lenard kaya nagulat pa ako.  "S-Seryoso!? " "Oo tongek, yun yung katabi ng brgy namin hahaha ayos pala e malapit lang din kayo samin" "AAAAHHHH HHAHAHAHA!!! " Pang aasar ni kyetan habang nakaturo pa sa akin. "Malas maman" inis na sabe ko. "Wala ka na magagawa! HHHAHAHA mukhang nakatadhana ata talaga na magbangga yung landas niyong dalawa BWAHAHAHAHAH!!!! " "Mukha mo tadhana! Pakyu ka" inis na sabe ko. "HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA! " Buset naman "Mga ilang kanto lang  layo niyo samin e bandang City Plaza kami e, pasok ka lng dun tas kilala na kami nung guard dun " si lenard Magsasalita pa sana ako pero dumating na yung susunod na prof namin. Research. kaya wala kaming choice kundi bumalik sa upuan namin para makapag discuss na siya. .... .... .... .... RESEARCH TOPIC Nag groupings kami at magkakasama kaming tatlo nila lenard,  buti nalang  hindi namin naging kagrupo yung leira DISMISSAL. "Okay class, kaylangan bukas may topic na kayong maibibigay sakin ah? ayos na yung mga grupo ah?? " sabe ni maam "YEESSS MAAAM !! " Sagot ng mga kaklase ko . "Mabuti, Mag breaktime na kayo sige na ." Agad naman na lumapit si lenard at kyetan sakin tsaka kami nag desisyon bumaba, 30mins lang ang break kaya bibili lang kami ng snack para may kakainin kami sa susunod na subject ganun kami ni kyetan kumakain kami sa klase. Habang pababa kaming tatlo ay talagang pinagtitinginan kami, bulungan jan bulungan dito pero wala pa din kami pinapansin. Pag karating namin ng canteen ay dumerecho na agad kami sa line para umorder malawak yung canteen yung style niya parang style sa MCdo, jollibee ganun kaso mataas yung ceiling dito. Sa sobrang lawak ay tatlo yung counter nila. laki dba??. "Bee ampopogi oh." sabi nang isang babae sabay turo sa gawi namin. "onga be, sino kaya yang dalawang yan no? kilala nila si lenard?? wahhhhhh nung si lenard at dylan daryll pa lng nandito halos mamatay na tayo sa kilig e, tapos dadagdag pa sila?? yiieeee " kilig na sabe nung isa pa. "Ano ka ba be! Matagal na dito yan ngayon mo lang napansin?? " "Pano niya mapapansin e trip niyan si dylan! " "Bat pogi din naman yun ah?? Bully nga lang turn off ako ng onti hehe tas si daryl din !! "  "oo nga kyaaaaahhhhh! " "Atlis pogiii !! Yaahhhhhh " tili niya Mahaharot !! "Burger nga po" order ko. "Yan lng sayo?? " tanong ni kyetan. "Oo bakit?? " sagot ko sabay abot ng bayad. "Korni mo ah, Tatlong Piatos nga po tas isang burger " order niya. "C2 nga " si lenard, kaya napatingin kami sakanya dahilan para tingnan din niya kami ng nagtataka. "What?? di ako gutom okay? haha snack lang naman haha. " Pagtapos namin umorder ay humanap kami ng bakanteng pwesto at naupo dun. May mga babae pa din na simpleng sumusulyap samin pero di ko na pinapansin yun nagtuloy na lng ako sa pagkain habang nakapalumbaba ako nang biglang PLAAAKKK May nabasag na pinggan kaya naman napalingon kaming tatlo sa pinanggalingan non at agad naman tumama ang paningin ko sa isang lalake na nagsasalita at dinuduro duro niya ang isang Grade 10 student. Mukhang siya pa yung nag tapik sa tray na hawak nung grade 10. "Kingina kasi di tumitingin sa dinadaanan e." inis na sabe nung lalake. "Tinapik nyo po yung tray ko e" parang paiyak na sabe nung grade 10 "E haharang harang ka kasi e sa susunod pag dadaan ako ikaw na mismo ang tumabe naintindihan mo?! alis ngaaa! " sigaw niya sabay tabig sa grade 10 at astang lalapit sa counter pero habang papunta siya ay nahagip niya ako ng paningin at nakipag titigan siya sakin. Kursunada ata ako neto a Hindi ko inalis ang paningin ko sakanya hanggang sa lumapit siya sa table namin. At ramdam ko naman na nasa amin na ang paningin ng lahat ng estudyante dito sa canteen, lahat sila ay tahimmik lang. "Anong tinitingin tingin mo ?! Ha! angas mong makatingin ah ! " sabe niya sakin di naman ako sumagot, iniwas ko na lng ang tingin ko saka ako nag tuloy sa pagkain ko. " Hoy ! Pag tinatanong kita sumagot ka -- sigaw niya , pero natigil ng biglang tumayo si lenard "Oh dylan, kalma, wag muna to haha" seryosong sabe ni Lenard "Bakit? Bakit wag?? Ayy? B-bodyguard kana tol? Ah puta ibaaaa   " sabe niya habang pumapalakpak at naglalakad pa ikot ng table namin " o baka naman? Wag mo sabihing jowa mo to? ahaha " Sarkastikong sabe niya. "Bago lang sila dito" sabe ni lenard "So? e mayabang e.. kilala mo ko lenard ayoko sa maangas-" "i guess the feelings is mutual, ayoko din sa maangas" biglang sabe ko sabay tingin sakanya. "Oh is that so? Why don't you stand up huh? So that i can punch you in your face!" sabe niya pa kaya tumayo ako at humarap sakanya ng nakapamulsa. "Show me what's you got " nakangising sabe ko dahilan para mag usok siya sa galit at matawa lang. "Tch pity " bulong ko sabay talikod. "Are you a transferee? " tanong niya dahilan para mapatingin ako sakanya "Ohhh kaya hindi ka pala pamilyar" maangas na sabe niya habang pangisi ngisi siyang palapit sakin, nang makalapit siya ay bigla niya ako kinuwelyuhan pero hindi ako nagpakita ng takot sakanya. "You don't know me don't you?! " gigil na sabe niya. "Dylan stop! " si lenard sabay aastang lalapit pero sinenyasan ko siya pati si kyetan. "Hindi mo ko kilala kaya ganyan ka tama?! "   sigaw niya sakin dahilan para mapapikit ako ng konti "Huhu huy tumawag na kayo ng professor! Daliiii " "Oo nga! " "Kawawa naman si kuya nadamay pa" Bulungan ng mga nasa pailigid namin. "Huwag moko umpisahan" malumanay na sabe ko dun sa dylan sabay hawak sa magkabilang braso niya "Dahil kapag ako ang kumilos baka pati buong pangalan ng angkan mo makalimutan mo" sabe ko habang dahan dahan kong tinatanggal yung braso niya na nakakwelyo sakin. "Kung hindi kita kilala pwes ikaw din hindi moko kilala tama? kaya wag kang umasta na parang kaya mo na ako" dagdag ko pa sabay saka siya tiningnan ng masama "Dahil malabong mangyari yon! Naintindihan mo? " sigaw ko sabay tulak sakanya dahilan para mapaupo siya sa upuan sa likuran niya. "DYLAN!! "biglang may lalakeng dumating sabay alalay sakanya "Are u okay?--" "Wag mo ko hawakan!!"  sigaw sabay tayo ulit at aasta sana siyang lalapit sakin pero humarang na si lenard "Pwede ba?! kingina tumahimik ka nga, para ka namang bata niyan e " sigaw ni lenard kaya natigilan si dylan. "Bakit may problema ka don? Ano?? Anong gusto mo?? ha!? " sabe ni dylan habang papalapit kay lenard na halos magdikit na yung mukha nila dahil sa sobrang paglapit nila. "If i were you susunod ako sa sinabe ni kayden" mahinahon na sabe ni lenard "So kayden pala ang pangalan ng gagong to!? "sigaw niya sabay turo sakin dahilan para magpantig yung tenga ko, dahil ang pinaka ayoko sa lahat e yung sasabihan ako ng GAGO.  "Anong sabe mo?! " gigil na sabe ko kaya lumapit na din sakin si kyetan. "Boi kalma,  kalma " bulong ni kyetan "Alam mo bang pinaka ayaw ko sa lahat yan? " sarkastikong sabe ko. "Alin yung sabihan ka ng gago!? " nakangising sabe niya dahilan para kumuyos ang kamay ko sa gigil. "Ano ba dylan! Tumahimik kana nga!!" sigaw nung lalake na dumating para umalalay sakanya. "Ulitin mo pa, papaduguin ko may tutulo nang dugo jan sa nguso mo" seryosong sabe ko "Ano ba kayden!? " si lenard " Wag mo na patulan!  At ikaw dylan puta tumahimik kana! " dagdag ni lenard pero magkatitigan lang kami dalawa ni dylan, alam kong maliit na bagay lang yon pero wala akong pake nanggigigil ako ngayon at ang gusto ko lang ay ang pasabugin ang mukha niya "One more word dylan,  one more f*****g word and i swear to--" "GAGO? KA?" Pamumutol niya sa sinasabe ko sabay ngisi. LEIRA'S POV Kasalukuyan kami ngayong nasa canteen kasama ng kaibigan ko na si rochelle na tutok na tutok ngayon sa eksena sa canteen. "Kaklase mo talaga yang mga yan? " tanong niya sakin kaya muli akong tumingin sa gawi nila lenard, malapit kasi sila sa cashier samantalang kami ay malapit sa pinto "Oo bakit? " maikling sagot ko "Popogi beks haha,  kaso mga isip bata oh" turo niya pa "Sinabe mo pa" "Yung dylan baliw talaga yon, pero bat pa papatulan nung mga kaibigan ni lenard diba? " "E sa hindi ata nila kilala si dylan e,  transferee lang yung mga yon" "Ahh kayaaa" Hindi naman na ako sumagot at muli kong ibinalik ang tingin sakanila. Mga isip bata Hindi ko alam kung anong meron don pero isa lang ang nasisiguro ko, kagagawan nanaman ni dylan yon. Kilalang bully dito si  dylan pero hindi sa lahat, sa totoo lang ganyan siya sa tuwing maaangasan siya sa tao o kaya naman inangasan siya ng tao. Binaling ko naman dun sa binatukan ko kanina yung tingin ko at dun ko napansin na masama nga siya tumingin. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yon o normal na talaga sakanya yon kasi nga singkit siya.  "Alin yung sabihan ka ng gago!? " nakangising sabe ni dylan, dahilan para mapatinging ulit ako sakanya "Ano ba dylan! Tumahimik kana nga!!" sigaw nung kapatid niya na si daryll "Ulitin mo pa, papaduguin ko yang nguso mo" sabe ni kayden na bakas na sa mukha yung sobrang pag kapikon. "Ano ba!? Kayden!! " singit naman ni lenard " Wag mo na patulan! At ikaw dylan puta tumahimik kana! " dagdag ni lenard  "One more word dylan, one more f*****g word and i swear to--" "GAGO? KA?" pambabara ni dylan sabay ngisi, napailing na lang ako sabay iwas ng tingin sakanila ng biglang. BLAAAAAAGG ! "Oh my god ! " "Shiitt!! " "AYY HALAAA!! "  "Arrrgg-gghhh !"  "DYLAN ! "  Sigawan ng mga tao kaya nang muli kong ibalik sa kanila yung tingin ko ay laking gulat ng makita kong bagsak na sa sahig si dylan at nagpupunas ng labi niyang dumudugo na.  Anyare?? "Ano ba kayden ! " sigaw ni lenard sakanya " Dat hindi mo na pinatulan !! " sigaw ni lenard sakanya pero siya ay nakatingin lang sa duguan na dylan. "Pa-panong nangyari yon? " biglang bulong ni rochelle kaya napalingon ako sakanya "Ang alin?" tanong ko "H-ha? ah k-kasi andon siya sa dulo ng lamesa? tas si dylan din nasa dulo ng lamesa tapos nakaharang pa si lenard at yung isang singkit din sakanya"  "Oh ano meron?"  "P-pano niya nasuntok ng ganon kabilis yon?" sabe pa ni rochelle habang nakatingin pa din dun sa gawi nila. Muli akong lumingon sa kanila at sakto naman na papatayo na si dylan. "Pwe! " dura niya "N-naisahan moko don ha ha-haha" sabe ni dylan "Wala e nag paisa ka kasi, sa susunod kasi siguruhin mong kaya mo naintindihan mo? " maikling sabe ni kayden tas nung astang tatalikod na siya ay sinugod siya ni dylan at dinamba niya si kayden dahilan para humampas ito sa lamesa sa harapan niya.  BLAAGGG ! "KAYDEN ! " sigaw ko "Ano nag paisa ka din ba?, sa susunod din kilalanin mo muna ako! Naintindihan mo?! " si dylan habang nagpupunas pa din ng labi niya "KAYDEN !" Sigaw nung singkit sabay lapit kay kayden na ngayon ay nakahawak sa likod niya dahil tumama ata yun sa kanto ng lamesa "KINGINA MO ! ANO BA GINAWA--"  "K-kyetan, arggh... wag kana mangealam " si kayden "E gago kasi to e!"  "Dylan tama na kasi yan!! " si lenard na tinulak pa palayo si dylan "Ano ba kasing problema mo na naman at nagkakaganya ka nanaman !"  "Hoy kung ayaw mong madamay dito St.Cloud wag kang mangealam ha!"  "Dylan ano ba!! Umayos ka ngaA!" sigaw ni daryll "ANo puta kakampihan mo sila?!" sigaw din ni dylan sakanya pero hindi na sumagot si daryll "Sige magkampihan na kayo ! tutal lahat naman kayo mga walang kwenta!! hindi lang ako ang may kasalanan dito !" sigaw niya pa sabay baling kay kayden. "HOY IKAW! HINDI PA TAYO TAPOS NAINTINDIHAN MO!!?" galit na galit na sabe niya habang si kayden naman ay patawa tawa lang at nag uumpisa nang tumayo. "Hindi pa talaga, hayaan mo sa susunod sisiguruhin ko na hindi lang nguso mo ang dudugo !" "KAYDEN ANO BA?!" Sigaw ni kyetan pero magsasalita pa sana si dylan ng biglang  PRRRIIIIIITTTTTT !!  May umalingawngaw ni tunog ng pito na naging dahilan para matigilan ang lahat. TO BE CONTINUED .. THANK YOU GUYSUEEEEE!! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD