KTAN'S POV
Matapos yung nangyari kanina sa coffee shop agad kaming dumertso ng school, mga 15minutes din na biyahe ang tinagal namin bago kami makarating sa school namin.
Welcome kyetan ! hehe
Sabe ko pa sa isip ko habang nakatingin sa gate ng school Britain State School of Manila matapos kong titigan ang school ay agad kaming dumeretso sa parking lot para iparada yung motor namin. Sabihin mo nang mayabang pero sa parking lot pa lang ay pinagtitinginan na kaming dalawa ni kayden.
Tch hanggang dito ba naman?
Noon kasi , sa dati naming school ay talagang sikat kami don CAMPUS CRUSH pa nga kame e haha yung tipong pag naglalakad kaming dalawa e talaga naman agaw pansin, kasi bukod sa matangkad kaming dalawa masasabe mo talaga na may itsura kami. Pag parada pa lang ng motor namin ay nakatingin na agad ang karamihan, hanggang sa pag hubad ng helmet ata namin ay nakatingin sila.
"Nakakailang haha" bulong ko kay kayden kaya naman nilingon niya ako sabay tingin sa paligid namin
"Bakit?" maikling sabe niya
"Tingnan mo naman kasi sila" pagututukoy ko sa mga estudyante
"Oh ano meron? haha" sabe niya habang inaayos yung motor niya
"Wala, bat hindi ka ba naiilang ?"
"Bat ka naman maiilang hahaha, e first day pa lang ganyan na sila diba?"
"Oo nga pero kasi, ano yon? araw araw ba first day? HAHHAHA mag dadalawang linggo na tayong pumapasok jusko"
"Eh sa mukhang ngayon lang sila nakakita ng tao e hahaha" biro niya kaya natawa ako nang matapos naming maiparada yung motor namin ay agad kaming naglakad na para pumunta ng room.
Malaking itong school na to at talaga namang napakaganda niya, maraming hawak na sports tulad na lng nung sa Swimming, Soccer, Rugby, basketball, track and field at marami pang iba. Katulad nga ng sinabe kanina ni Kayden ay magkakaroon kami ng try out mamaya ng basketball, kasi yung mga dating varsity ay grumaduate na kaya naman nangangailangan na sila ng mga bagong players. Kaya naman nagbaka sakali kami haha, malay mo makuha dba? Dito sa school na ito ay ang main sports nila ay basketball at talagang sumasali o lumalaban ang school namin ng Interhigh, Yan ang nabasa ko.
Nag tuloy tuloy naman kami sa paglalakad habang nag aayos ng uniform, bagay samin uniform kaya parang nakaporma kaming dalawa. Habang naglalakad kami ni Kayden ay di pa din naaalis ang paningin samin palibhasa'y mga bagong mukha kami kaya siguro ganun na lang ang tingin nila samin. Pero di na namin sila pinansin tas saka kami dirediretso kami papunta sa room namin
"Ang Gwapo beee ohh ! yiiiieeeeee ! "
"Oo nga beee !! eee nakakainis silaaaa wahhh "
"Uy wag mo masyadong lakasan hihi, marinig nila yan "
"Ano naman?? Maganda nga yun e, para mapasin nila tayooo yieee "
"KYAAAHHHHHH !! HEHEHE AMPOGI MO POOO "
Nako po kelan kayo masasanay sa mukha namin?
Nasabe ko na lang sa isip ko dahil sa narinig ko, pero sa hindi inaasahang pagkakataon may nakaagaw ng atensyon ko.
"Parang andami atang bagong mukha dito ahh"
"Pansin mo din be? "
"Oo hihi lahat sila GWAPO e !! "
" WAHHHHHHH HIHIHI "
"hoy be! wag kang maingay padaan na sila"
"Ano ba beh! Ang pokpok mo! "
So madami pala kami? Hmmm
Di ko na lng pinansin kaya naman ng makarating kami sa room ay kanya kanya paring tingin ang mga kaklase namin. Si Kayden naman ay agad na dumertso sa upuan niya at saka pabagsak na naupo at natulog ganyan siya pag wala sa mood, laging tulog.
Habang nag aayos ako ng gamit ay hindi ko naman na namalayan na lumapit si lenard sakin para kausapin ako. Bestfriend siya ni Kayden, magkakabata kaming tatlo sabay sabay kaming lumaki dahil yung mga magulang naming ay talagang close kaya naman naging close na din kame. Siya din ang nag sabe samin na mag transfer na dito para magkakasama na kaming tatlo.
"Anong nangyari dun ?? " Takang tanong niya sakin.
"Ah yun, yaan mo muna kulang sa tulog yan tsaka minalas din sa paglalaro niya ng LOL" Nakangiti kong sagot.
"Ahhh, nga pala may try out ah" pag papaalala niya sakin
"Oo nga, ano bang oras yun??"
"Alas dos ng hapon pre"
"Ang hapon naman non, nakakaantok yon" Sagot ko
"Onga e, nakakatamad pero wala e hahah sayang opportunity " nakangiting sabe ni lenard.
Di naman na ako nakasagot dahil dumating na ang first subject namin yun ay ang Gen Math agad naman akong ginanahan dahil favorite ko to . Math talaga ang favorite ko, mas gusto ko kasing nag iisip ayoko nung puro sulat o kaya speech katulad sa English kasi madali akong mautal tsaka nabablangko din ako pag nasa harap na ako at nagsasalita sa harap ng maraming tao.
Lumipas ang oras na puro pagtuturo si Mrs. Miradora sa harap, Si Mrs. Miradora ay isang matandang teacher na, kung titingnan mo siya ay mukha siyang masungit tas sa sobrang tanda ng itsura niya ay aakalain mong di na nakakalakad ng malayo pero magugulat ka dahil kaya niya pang mag akyat baba sa building namin, ayos diba?
Konting oras pa ang lumipas kaya nakaramdam na ako ng ngalay, nag inat ako at inilibot ko ang paningin ko sa room nang tumama naman ang paningin ko kay kayden ay laking gulat ko nang makita ko siyang tulog!!!!
Inaantok talaga siya mula pa kanina kaya naman di ko na maiwasan hindi tumingin kay Kayden dahil napansin kong wala pa rin siyang imik hanggang ngayon
Computer pa tanga tch
Maya maya ay nag pa quiz na nga si maam.
"Ang hirap naman!! Huhu"
"Maam, ang hirap naman "
"Pano to?? Taee dko alam to pree haha"
" HAHAHA sakin ka pa nagtanong, e wala din akong alam jan e"
Reklamo ng mga classmate namin, actually di naman siya mahirap siguro di lang talaga sila nakikinig ng maayos kung tutuusin e sobrang dali nga lang dahil bukod sa kakadiscuss pa lang samin ni maam ngayon to, e may example na din sa white board. Hindi ko naman na sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pag solve hanggang sa...
"KAYDEN?? " si maam, dahilan para mapatingin ako sakanya at kay kayden na ngayon ay tulog na tulog.
"MR. KAYDEN!? " muling tawag ni maam kaya nakaramdam na ako ng kaba, nilingon ko siya pero hindi pa din talaga siya nagigising kahit pa kinakalabit na siya nung katabi niya.
"PAKIGISING NGA PLEASE LANG" maawtoridad na utos ni maam habang bakas sakanya ang pagkainis.
Panigurado yari to dahil sino ba namang prof ang matutuwa kapag tinulugan sila ng estudyante diba?
"MR. MOORE !! " sigaw ni maam pero di parin siya bumabangon.
"MR.KAYDEN MOORE ! " muli niyang sigaw kaya naman lalo kaomh kinabahan peste nalintikan na. nakatingin lang ako sakanya ngayon kaya naman nakita ko kung pano siya yugyuin nung babae sa likuran niya.
"AHmm kuya ??" pag gigising sakanya nung babae "ku-kuya??"
Paggigising talaga sakanya, muli naman akong tumingin kay maam at nang makita kong naiinis na talaga siya ay tumayo na ako at gigisingin ko na sana si kayden pero.
PAAAAAAAKKKKK !!
Nanlaki ang mata ko nang binatukan siya nung babae, maganda siya maputi, chinita bumagay pa sakanya yung uniform namin kaya lalo siyang naging maganda.
Bwahahahhahaa
Ewan ko kung anong naisip netong babae para batukan siya pero natawa talaga ako don pinigilan ko lang.
"HOyyy ! ano ba!? Gumising ka nga jan !! kanina ka pa ginigising ohh! Nakakaistorbo kana " sabe ng babaeng bumatok sakanya
"Lakas tama to oh hahaha" tawa ng mga kaklase namin sabay turo pa dun sa babaeng bumatok kay kayden
"HAHAHHAHAHAHAHA"
"HAHAHHAHAHAHA Tulog tulog kasi e" sabe naman ng isang lalake sa room namin
"LEIRAAA ! Hala kaaa anong—halika nga dito, Siraulo ka talaga" biglang sigaw ni lenard na lumapit pa at saka hinila si leira palayo
"E baliw kasi to oh tulog mantika amp ! oy gunggong nagagalit na si maam bumangon kana jan? " sabe pa nung leira
LEIRA?? Magkakilala sila? wow kaylangan mong magkwento sakin mamaya lenard AHHAHA.
Sa totoo lang natawa ako sa ginawa nung babae pero kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Kayden, lalo pa ngayong wala siyang tulog. Nakatingin lang ang lahat kay Kayden ng bigla siyang gumalaw nakaabang kaming lahat kung ano gagawin niya, kaya bago pa man may mangyari na di maganda ay lumapit na ako.
"UYYY Pre tawag ka ni maam" sabe ko sakanya
"Sino yung bumatok??" malamyang tanong niya pero ramdam mong galit siya at seryoso. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko yun, dahil alam kong badtrip talaga siya.
"Ahhh pree, tawag ka—"
"SINO YUNG BUMATOK !! " Sigaw niya na siyang ikinagulat ng lahat sabay tumayo at luminga sa buong klase.
"Mrs. Moore ! anong problema mo at sumisigaw ka na lang basta basta !?" galit na sigaw din ni maam sakanya.
"Sensya na maam, meron kasing tarantado na bumatok sakin e" nakangising tanong niya.
"E bakit ka nga ba natutulog?? Tapos kana ba sa quiz mo at kung makapagsalita ka jan kung sino kang magaling? " galit na sabe ni maam
"TAPOS NA KO MAAM! KANINA PA !! KAYA ANG GUSTO KONG LANG MALAMAN AY KUNG SINONG BUMATOK SAKIN" sagot niya sabay pakita nang papel niya. Tumahimik naman ang lahat dahil sa sigaw niya kaya si maam ay biglang tumayo at lumapit sakanya para umawat.
"Tama na yan, tama na yan maupo kana-" sabe ko
"Anong maupo?! binatukan ako par ano gusto mong gawin ko? " gigil na sabe niya
"Hayaan mo na lan--"
"ANONG HAYAAN, HINDI PWEDE YO-" sabe niya pero naputol dahil may sumingit
"Ako yon bakit? may problema ka? " sagot ni leira.
Napatingin ako kay leira ng banggitin niya ang linyang yun. Walang bahid na takot sa mukha niya, ni hindi mo makikita na natatakot ba siya o ano, basta siya easy easy lang.
ANG ANGAS hehehe
Nakita ko naman kung paanong magulat si Kayden kaya dahan dahan kumunot ang noo niya at talagang nag salubong ang mga kilay niya. Dahan dahan naman niyang inangat ang paningin niya kay leira, at nang magtama ang paningin nila ay parang may kuryente pa don dumadaloy sa tinginan nila kaya mararamdaman mo talaga ang tensyon sa pagitan nila. Palipat lipat naman ang tingin naming sa kanilang dalawa dahil mukhang wala ata silang balak alisin ang paningin sa isa't isa, sa gitna nang titigan nila ay ay binasag bigla ni maam yung katahimikan kaya parehas silang napatingin kay maam.
" Mr. Moore sumunod ka sakin ! Ngayon na!! o kayong lahat jan anong tinitingin tingin nyo jan?? Tapos na ba kayo?? Ha!?." Biglang sabe naman ni maam sa buong klase, tsaka siya bumaling ulit kay Kayden. Nakahinga naman ako ng maluwag ng alisin ni Kayden ang paningin niya kay leira at saka siya kinausap ni maam sa labas. Lahat naman kami nang nasa loob ay nagkatinginan, napatingin naman ako kay leira pero nang magtama ang paningin niya sakin ay biglang niya akong inirapan.
LA PROBLEMA MO?
Narinig ko pang kinakausap ni lenard si leira pero di ko na pinakinggan, dahil nag aalala talaga ako kay kayden. kilala ko si kayden hindi siya titigil hanggat hindi siya nakakakuha ng magandang rason kung sino man ang nanakit sakanya. Panigurado napikon yun, napahiya ka ba naman e. tas ang masama babae pa ang bumatok sakanya nararamdaman ko hindi magiging maganda to, pero sana walang mangyaring masama.
KDEN'S POV
~FLASHBACK~
Pag dating namin sa school ay dirediretso kami sa room namin wala talaga akong pinapansin kahit sino, kahit na naririnig ko ung mga bulungan ay wala akong pake. Ang gusto ko lang ngayon ay MATULOG, yun lang kaya naman pag dating namin sa room ay dumeretso agad ako sa upuan ko at natulog, kamalas malasan naman dahil bigla namang dumating ang prof namin sa gen math, Nagturo siya at maya maya lang ay nag pa quiz. So dahil nga inaantok ako , mabilis kong tinapos ang quiz ko, nagtataka ako sa mga kaklase namin dahil panay ang reklamo e may formula naman na gagamitin para masagutan yun. Pag tapos kong mag quiz ay iniipit ko sa notebook ko ang quiz ko at tsaka ako yumuko at natulog...
zzZZ
Pero habang nasa kalagitnaan ako nang pagtulog ay may tarantadong bumatok sakin
PAAAAAAAKKKKK !!
Isang malakas na palo sa ulo ko dahilan para mapapikit ako sa sakit,
TAENA! AMBIGAT NAMAN NANG KAMAY NON
"HOyyy ! ano ba!? Gumising ka nga jan !! kanina ka pa ginigising ohh! Nakakaistorbo kana " sabe ng babaeng bumatok sakanya
Nagulat pa ako, kaya di ako nakapag react agad sa nangyari pero diko papalampasin to lalo pa ng dahil sa malakas na batok na yan sakin ay nagising ang buong diwa ko at unti unting umakyat ang inis ko sa ulo ko
PUCHAA ANG SAKIT NUN AH ! iaangat ko na sana ang paningin ko pero biglang may nagsalita..
"Lakas tama to oh hahaha" tawa ng mga kaklase namin
"HAHAHHAHAHAHAHA"
"HAHAHHAHAHAHA Tulog tulog kasi e" sabe naman ng isang lalake sa room namin
Pero mayroon nakaagaw ng pansin ko. Yun ay ang..
"LEIRAAA ! Hala kaaa anong—halika nga dito. Siraulo ka talaga" tawag ni Lenard sakanya. Si Lenard St. Cloud ay ang bespren ko.
Leira? AHmm saktong iaangat ko na sana ang ulo ng biglang mag salita ang kapatid ko.
"UYYY Pre tawag ka ni maam"
"Sino yung BUMATOK??" tanong ko na malamya pero talagang sarkastik yung dating. Yung tipong mararamdaman mo talaga yung inis ko.
"Ahhh pree, tawag ka—" ulit niya pero
"SINO YUNG BUMATOK !! " sigaw ko sabay angat ng paningin kaya naman lahat sila ay napaatras at saka umiwas ng tingin. tumayo naman ako at luminga sa paligid ko, hinahanap ko yung babaeng yun. pero tahimik silang lahat.
"Mrs. Moore ! anong problema mo at sumisigaw ka na lang basta basta !?"galit na sigaw sakin ni maam, makikita mo talaga ang pang gigigil niya, sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko dba?? tsk
"Sensya na maam, meron kasing tarantado na bumatok sakin e" sagot ko kay maam, badtrip ako, at yun lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. parang anytime pwede akong manuntok dahil sa kabadtripan ko.
"E bakit ka nga ba natutulog?? Tapos kana ba sa quiz mo at kung makapagsalita ka jan kung sino kang magaling? " talagang galit na tanong ni maam.
"TAPOS NA KO MAAM! KANINA PA KAYA ANG GUSTO KONG LANG MALAMAN AY KUNG SINONG BUMATOK SAKIN" sagot ko, sabay itinaas ko ang papel ko na kumpleto ang sagot. at parang inaasta kong iniabot sakanya ang papel ko, nakita ko sa mukha ni maam ang pagkapahiya kaya iniikot ko ang paningin ko sa buong klase kaya lahat sila ay tumungo at tumahimik na lang sa totoo lang ay inaantay ko lang na may magsalita dahil hindi ko nakita yung mukha nung leira patuloy kong inilibot yung paningin ko hanggang sa
"Ako yon bakit? may problema? " sagot nang isang babae, kaya nilingon ko agad siya
~END OF FLASHBACK~
Nang marinig ko ang boses na yun ay agad na umusok sa inis ang tenga at ilong ko, agad na kumuyos ang kamay ko at naramdaman kong nag salubong talaga ang kilay ko tsaka dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na yun. saktong naman na nakatingin na siya kaya nung mag tama ang paningin namin sa isa't isa ay ramdam ko talaga ang inis ko.
Pero ang lalo kong kinainis ay ang pag tingin niya sakin, yung tingin niya kasi ay parang wala siyang ginawang masama tas parang di siya natatakot? wala akong makitang kahit anong takot o kaba sa itsura niya kaya dun ako lalong nabadtrip. Ramdam ko naman na nasa amin ang lahat ng paningin pero wala akong pake, nababadtrip talaga ako Ang lakas naman ng loob mong batukan ako tibayy naalis lang ang paningin ko sakanya ng biglang mag salita si maam
" Mr. Moore sumunod ka sakin!! Ngayon na!! o kayong lahat jan anong tinitingin tingin nyo jan?? Tapos na ba kayo??Ha!?." sabe niya kaya napatingin ako sakanya, kaya naman wala akong choice kundi ang sumunod sakanya. wala akong pake kung ano man ang naging reaksyon nila kanina, basta ang gusto kong gawin ngayon ay malaman kung bat niya ginawa yun. PUCHA SAKIT KAYA NUN ANLAKAS E , SAKTO PA NATUTULOG AKO NAKAKAINIS.
Kasalukuyan akong sumusunod kay maam habang hawak hawak yung ulo ko, pucha ang sakit kasi talaga. Dagdag mo pa na natutulog ako kaya nabigla ako ng sobra
Bibigyan mo ko ng magandang dahilan dito
TO BE CONTINUED ..
THANK YOU GUYSUEEEEE!!