June 25, 2017
5:45am
KDEN'S POV
Payapa at mahimbing ang tulog ko nang biglang magwala ang alarm clock sa gilid ko. Inis kong inabot yun para patayin at saka ako padabog na bumangon. Bakit kailangan ba pumasok? Yan lagi ang naiisip ko tuwing gigising ako ng umaga para pumasok. Minsan gusto ko na lang managinip ng matagal.
Tumayo ako at saka inayos ang higaan ko, naligo nagsipilyo at nung nagbibihis na ako ay saka ko naalala yung dahilan kung bakit ako napuyat kagabi. Guess what? Siyempre dahil may computer ako sa kwarto ko wala akong ginawa kundi ang maglaro buong gabi tapos ang nakakainis pa.. LOSE STREAK ako kaya sobrang walang wala talaga ako sa wisyo ngayon.
"Kayden??" si yaya,kumatok pa muna siya bago tuluyang buksan yung pinto. "Kaydeeenn??! Oh gising kana pala, tara na kumain kana dun sa baba baka na lumamig yung pagkain dun" sabe ni yaya
"Osige po yaya." Pilit na ngiti ko na hindi pa din tumitingin sakanya.
"Bilisan mo at baka mahuli kayo sa klase nyo." nakangiting sabi nya
"Si kyetan po pala? Nakabihis na po ba siya?" tanong ko habang sinusuot ko yung sapatos ko.
Nakakainis ayaw masuot
Alam mo yung feeling na pag panget yung gising mo kahit maliliit na bagay lang yan e talagang nakakapang init ng ulo ganon yung pakiramdam ko ngayon
"Oo, kanina ka pa nga inaantay nung kapatid mong yun. " nakangiting sagot niya
"Tsk ang aga talaga lagi kumilos non, kala mo talaga masipag e" Nakanguso kong sabi
"Dii ka na nasanay dun sa kapatid mong yun haha O sya sya ! mauuna nako sa baba at maglalaba pako, Bumaba kana agad dun at kumain." Nagmamadaling sabi nya
"Sige po yaya, pag tapos ko po mag ayos ng gamit ay baba narin po agad ako " Sabe ko na walang kagana gana, yun lang at bumaba na siya. Ako naman ay tinapos ko ang pagsasapatos ko tsaka ako bumaba na din.
"Good morning, ang aga mo ah " bati ko kay Kyetan pero wala ako nakuhang sagot mula sakanya kaya naman inis ko siyang nilingon at medyo nainis naman ako ng makita ko siyang nakatingin na sakin at nakangisi.
Ano nanaman kayang trip neto?
Yan ang kapatid/kambal ko, sobrang lakas mang asar alam na alam nya kung san ako nababadtrip at naiinis pero ano ba magagwa ko?? wala kapatid ko siya e, tsaka pag pumatol ako mababadtrip lang ako lalo. Actually parang trabaho niyang inisin ako araw araw oras oras, minuminuto, nakakabadtrip man minsan pero nasanay na lng din ako.
"Wala ako sa mood ngayon ah baka di kita matantsa jan at makatikim ka" lumapit naman ako sa ref namin para kumuha ng gatas
"Wag kang OA hahaha wala pa akong ginagawa. " tumatawang sagot niya
"Wala pa... pero mamaya meron na, kilala kita ulol" nakangisi ko namang sabe saka ako lumapit sa lamesa para maupo.
"Bat ano ba nangyari? bat mukhang wala ka sa mood?"
"Kulang tulog ko e, tas talo pa yung huling laro ko " nakanguso kong sagot
"Weeews sabe na nga ba eh tatalo ka nanaman, so sino yung bobo? ikaw o yung kampe mo? " mapangasar na sabe niya habang nanlalaki pa ang mata.
"SIno pa!? siyempre yung kakampe ko kingina mo" sigaw ko sakanya
"HAHAHAHAHAH Gigil na gigil ampt" tawa niya saka tumayo sa lamesa dahil inambahan ko siya ng suntok.
"Tigilan mo ko ah, umagang umaga anlakas na agad ng tama mo"
" Parang bago pa sayo to ah, hahaha di ka pa rin ba sanay?? yaan mo babawasan ko ng konti hehe"
"Pakyu ! "
" HAHAHAHAHA Biro lang"
"Psh ulol"Matapos ang usapan na yun ay kumain na din ako pero sa kalagitnaan ng pagkain ko ay naalala ko bigla ang try out mamaya kaya naman napatingin ako sakanya.
"Hoyy mag tatry out ka?? " tanong ko sakanya.
"Siyempre ! bakit ayaw mo ba? okay lang yan tangek di naman kita masasapawan don e" pangaasar niya sakin
"ulul baka masapawan hahaha " maangas na sagot ko "Alam mo kung sino satin ang mas magaling talaga " nakagisi pang sabe ko
"Ako ? diba?? HAHAHA" malakas na tawa niya pero ngumiwi na lang ako saka nagtuloy sa pagkain ko"La pikon nanaman ampt kumalma ka nga haha masyadong mainit ulo mo e" sabe niya sabay upo ulit "Bakit ikaw mag try out ka ba? " Balik na tanong sakin ni kyetan
"Oo siyempre hindi ako pwede mawala don"
"Eh?? ahhaa ano ba tingin mo sa sarili mo ? si lebron? hahhahaha ulol kaa!"
"Pakyu malakas pa ako don, kinokotong kotongan ko lang yon e hahaha" pagbibiro ko kaya naman natawa siya
"Ulol, dami mo sinasabe tara na baka mahuli tayo"
"Eh panay kausap mo e baliw kaba "
"Oh edi bilisan mo naaaa! " Sigaw niya
"Oo na leche " sabe ko, at tinapos ko nga ang pagkain ko at saka ko kinuha ang mga gamit ko saka kami lumapit kay yaya para mag paalam.
"Yaya aalis na po kami" nakangiti kong sabe
"Oh siya sige mag iingat kayo ah, dahan dahan ang pagmamaneho malinaw?? "
" Opo ! " sabay naming sagot, saka namin parehas kinuha ang susi ng motor namin saka kami sumakay at umalis papuntang school. Habang nasa biyahe kami ay may nadaanan kaming isang coffee shop, kaya napagdesisyonan ko na bumaba at mag coffee muna dun inaantok kasi talaga ako, tsaka tinatamad din akong pumasok umpisa pa lng naman kasi e. Kaya maman para malaman ni kyetan na bababa ako ay binusinahan ko si Kyetan bilang senyas na baba muna kami sa coffee shop.
The Coffee Bean binasa ko sa isip ko di ko na inantay si kyetan na makababa ng motor niya, agad nakong pumasok sa loob para umorder. Sa pinto pa lang na sakin na agad ang paningin ng mga babae, siguro dahil dun sa nangyari, pabagsak ko kasing sinara yung pinto sa pagpasok ko tas agad akong dumerecho sa counter.
"Goodmorning sir " bati ng nasa counter, ngumiti naman ako at tsaka akk tumingin sa menu nila at nang may magustuhan ako ay agad nakong umorder.
"White Chocolate Dream Latte nga yung regular"
"That's 200 pesos sir, " Sagot niya habang parang nagpipigil siya ng ngiti tas hawi ng hawi ng buhok na parang ewan e nakatali naman yung buhok niya at bukod don naka hairnet pa siya.
Jusko may nahahawi ka ba?
"Here " sabay abot ng 500 pesos, sakto naman yung pasok ni kyetan saka dali daling siyang lumapit sakin.
"Sakin Double chocolate nga po, siya po mag babayad" sabe niya sabay tingin sakin na nakangiti, hahabulin ko pa sana siya pero agad na siyang nakalayo at naupo sa isang bakanteng table sa tabi ng bintana.
"Ahh h-hindi ako mag ba--" hindi ko natapos yung sasabihin ko nung biglang nag salita yung kahera nila
"Sir sukli n-niyo po "sakin na kinuha yung bayad. "Kingina talga non" napabulong na lang ako, kukunin ko na sana yung yung order namin ng makita ko yung babae sa counter na tulala parin sakin kaya naman tinititigan ko pa siya at saka ko tinabingi yung ulo ko habang nakatingin parin sakanya.
"Ah miss? " Pagtawag ko dun sa kahera tulala kasi e.
"Sir? " nakangiting sabe niya, pero ngumiti lang ako kaya naman nung matauhan siya ay agad siyang napaiwas ng tingin sabay abot sakin nung order namin"S-Sorry po sir"
"Hehe Thanks " sabe ko sabay ngiti saka ko kinuha yung order namin, natawa talaga ako sa iniasta niya.
"Oyy utang to ah! " singhal ko pag upo ko pero di siya
"Kuripot talaga amp haha" natatawang sabe niya sabay kinuha niya yung kanya at saka ininom ng paunti unti yon. Maya maya lang ay inilabas ko muna yung phone ko at saka ako ng sss nang may nakita akong nakakatawa ay ipapakita ko sana kay kyetan
"Tinginan mo gagi laftrip " sabe ko pero nasa labas ang paningin niya kaya naman sinundan ko ng tingin yon at laking gulat ko nang makita ko kung ano yung tinitingnan niya .
BAKANG?? anong ginagawa mo dito? hanggang dito ba naman?
Nakita namin si bakang, isa yung Gangster sa lugar namin noon sa Quezon City, kasama niya yung dalawang ugok na tropa niya at meron nanaman silang pinagtitripan. At ang nakakainis don babae yung pinagtitripan nila,kaya naman nung nagkatinginan kami ni kyetan ay agad kaming nagmadali na lumabas at nilapitan sila. Sa harap kasi ng Coffee shop na to ay parking lot at nakatago sila dun sa isang kotse, mukhang kotse pa nung estudyante, dahan dahan kaming lumapit sakanila pero dahil nakatalikod silang tatlo ay hindi nila kami masyadong napansin.
"Ang ganda ganda mo naman, hmmm ambango bango mo pa" sabe nung isang ugok
"Ano plano natin dito boss hehe, sarap oh" sabe naman nung isa sabay ngiti, kingina kung makikita mo mukha nila ngayon mukha silang hayop na gutom na gutom at gustong makakain ng napakasarap na putahe. Hindi naman makatile yung babae dahil sa kaba na nararamdaman niya, lalo pa at may hawak na maliit na lanseta si Bakang.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila tas si kyetan naman ay inikutan sila para may surprise attack kami. Habang papalapit ako ay nakita ako nung babae, kaya sumenyas ako na wag sisigaw wag maingay pero
"Tulungan mo koooo !! ahhhhh " Tumili yung babe dahilan para mapalingon sakin sila bakang, kaya bago pa man sila makapagreak ay agad akong sumugod at dinakma ang kanang kamay ni BAKANG na may hawak na lanseta, tsaka ako tumalon paikot sa ere para sipain sa mukha yung dalawang kasama niya dahilan para tumumba yung dalawa at umikot yung kamay ni bakang papuntang likuran niya. Dali dali ko naman na tinapik yung braso niya para mabitawan niya yung Lanseta na hawak niya, pag bagsak ng lanseta ay sinalo ko ito ng paa ko at saka ko ito inihagis sa malayo gamit ang paa ko. Muli naman akong bumaling kay bakang para itulak siya sa kotse.
"Ano nanaman ang trip mo ha? pati ba naman babae?! " gigil na sabe ko
"Ohhh kayden??! ikaw pala yan haha..ganyan na ba ang pangangamusta ngayon?? long time no see haha " nakangisi at sarkastikong sagot niya
"Wala akong pake sa sinasabe mo, pati ba naman babae ? hindi na ba talaga kayo magbabago?!" sigaw ko sakanya
"Pinuno mo kami nang galit kayden pano pa kami magbabago? " sabe niya saka siya tumawa ng nakakaloko, nakaramdam naman ako ng kaunting kaba pero di ko pinahalata yon "Sabe ko naman sayo e, gaguhin mo na lahat wag lang kami" dadag niya dahilan para lalo kong iikot ang kamay niya palikod
"AA-ARRHGHHH!! " sigaw niya "Tama na t-tama na!! " sigaw niya ulit
"How did you find me!? " gigil na bulong ko sakanya.
"P-Pano ba maghanap ang mga gutom na hayop? " Nakangising sagot niya kaya iniikot ko pa lalo "A-ARAAYYY!! "
"Let me repeat my question!, how the f**k did you find me?!" sigaw ko na sa tenga niya.
"AAAAAAHHHH" tili ng babae dahilan para mapalingon ako sa gawi niya.
"Pst hoy hoy!! Ano yaan?! Ano yan!? " Biglang may dumating na guard kaya naman agad na tumakbo palayo palapit samin yung dalawa pero mabilis ko naman naitulak sakanila si bakang kaya nagkabanggaan pa silang tatlo.
"MGA BOBO! MGA BOBO!! TABEE NGA! " si bakang, sabay tayo. Lumingon naman ako don sa guard sakto naman na inaalalayan na niya yung babae kaya bumaling ako ulit kela bakang.
"Umalis na kayo dito" malumanay pero may awtoridad na sabe ko.
"Sino ka para utusan ako? " mayabang na sabe ni bakang "Tingin mo matatakot mo ko? Ha!!? "
"Hindi kita tinatakot, dahil alam kong kusa kang matatakot " sagot ko, tas nung magsasalita pa sana siya ay may biglang pumito dahilan mapalingon kami at dun ko nakita na may mga tanod na.
"We're not done kayden! You hear me? " si bakang
"I know " maikling sagot ko
"Hindi pa tayo tapos kayden " sabe niya sabay punas sa labi niya " Matapos nung ginawa mo? siguro naman alam mo kung ano ang tinutukoy ko diba?? hinding hindi matatapos to tandaan mo yan" sabe niya habang dinuro duro ako tsaka niya tinulungan yung dalawang kasama niya at saka sila tumakbo palayo, lalapit na sana ako dun sa babae ng biglang
"Wataaaa !! haaayaaa!! yaaaa!! uhm ah ! " Sigaw ni kyetan, tas nagkakarate pa na parang tanga dahilan para magulat ako.
"ARRghhh ! What the hell are you doing??!" Sigaw ko, dahil nagulat talaga ako.
"Asan na yung sila?? " nagtataka niyang tanong habang kumakamot sa ulo
"Kanina pa wala, san ka ba nagsuot? abnormal e, ahm excuse me? miss? " tanong ko dun sa babae
"Sayang na---
Di na natapos ni kyetan yung sasabihin niya ng bigla siyang yakapin nung babae at nagiiyak sakanya, parang tanga naman si kyetan na nakatulala at nanlalaki talaga yung mata niya, para siyang estatwa dun na nakatayo sa sobrang tigas ng katawan niya.
"Thank you ! thank you talagaaaaa maraming salamat !! buti na lng dumating kaaaa huhu salamat talagaaa!! "
Lel ako yon ah
"ahh miss, miss? -- aray a ara--"
Mag rereact sana ako sa sinabe nung ate pero dahil natutuwa ako sa nakikita ko hindi ko na pinansin pa. Hindi makahinga ng maayos si kyetan dahil sa yakap nung babae, pag bitaw nung babae ay naghabol muna siya ng hininga at tsaka niya tinanong yung babae.
"Ayos ka lang ba? nasaktan ka ba? "
"Hmmmm okay lang ako salamat sayo" ngiting ngiti yung babae.
"Ahh good, mauna na kami mag ingat kana sa susunod " Nahihiyang sabi niya
Tatalikod na sana ako ng bigla ulit magsalita yung babae tsaka siya ulit niyakap " Simula ngayon ikaw na ang Knight and shinning armor ko " dahilan para matawa ako bigla pero pinigilan ko.
"Mauna na ako pre, nakaka OP kayo e wahahhaha " tawa ko sabay talikod narinig ko pa siyang sumigaw pero di ko na siya pinansin, dumerecho na ako sa coffee shop at saka ko inubos yung order ko. Ilang minuto lang ay sumunod na din si kyetan kaya naman nginisian ko siya nang nakakaasar
"Instant syota ah " pang aasar ko "Ano? ano daw pangalan? haha"
"Pakyu, wala ako pake sakanya.. dumikit yung pabango niya sakin nakakainis " sabe pa ni kyetan kaya lalo akong natawa, ilang minuto lang kami nandun tas nang makita namin na malapit na yung oras ng klase ay tsaka namin napagdesisyunan na umalis na para pumasok.
TO BE CONTINUED ..
THANK YOU GUYSUEEEEE!!