Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng iyak, sinundan ko kung saan nanggagaling yun, napakunot ang noo ko ng sa kwarto ni Zerine ako natapat
Kumatok ako sa pinto nya pero hinde nya binunksan kaya kumatok ulit ako
"Zerine" tawag ko at kumatok ulit,wala nakong narinig na iyak, narinig ko nalang bumukas yung pinto nya
"Why are you crying?"nag-aalala kong tanong, namamaga na din yung mata nya at namumula pa
"Yung pinapanood ko nakakaiyak"utal nyang usal
"Okay,matulog kana at wag ka ng manood kung nakakaiyak din naman"saad ko sakanya, tumango naman sya nag paalam nako, bumalik ako sa kwarto at nakita kong naglalaro si Zion habang kaharap nya yung laptop ko, nakadapa kasi sya
"Zion"tawag ko, pero busy sya paglalaro at kakanood, lumapit nako sakanya nakita kong pinapanood nya yun ZOOTOPIA
"Hoy bata matulog kana"asar ko kay Zion pero ayaw akong tignan at busy sya sa panood nya sa laptop
"Zion, sleep kana anong oras na"usal ko pa, pinindot ko yung laptop kaya napatingin sya saakin,sinarado ko na yung laptop at nilapag sa Study table, binuhat ko si Zion, na ngayon naka nguso na habang nakatingin saakin
"Matulog kana"Saway ko sakanya, umayos ako ng higa at nilagay nilapag sya sa dibdib ko,naubos na ni Zion yung isang bottle ng milk nya pero hinde parin sya natutulog
"Why are you still awake?"tanong ko,ngayon ko nalang sya naabutan na gising pagkauwi ko, sabi ni mama natulog daw kanina at kakagising lang nung pag kauwi ko, kaya ngayon ayaw na matulog
"Do you want to see Tita-Ninang?, Or Tito-Ninong?"Tanong ko sakanya,pero nakatingin lang sya saakin,nakapatong sa dibdib ko habang yung mukha nya nakadungaw saakin
Naka topless lang sya na kala mo ang laki ng katawan,natatawa ako sa itsura nya dahil humahaba na yung buhok nya na kulot at ang ganda ng mata nya kulay ash grey, plus moreno pa sya kaya ang cute cute nya
"Why naman naka topless ka?"Tanong ko,humikab na sya kaya nilapag ko sya at tinimplahan
"Are you crying?,you look pale and tired, are you ok?"nag-aalalang tanong ni mama kay Zerine,parang lagi nalang syang umiiyak simula nung binyagan si Zion,lagi nalang syang ganyan
"Yung pinapanood ko po kasi nakakaiyak"usal nya
"Araw-araw bang na nakakaiyak yung pinapanood mo, kaya araw-araw karin umiiyak?"tanong ko, napatingin sya saakin na namamaga yung mata
"Syempre iba-iba pinapanood ko"usal nya
"Zerine" tawag ko kay zerine pagtapos namin kumain kanina ng dinner,kasi pagtapos namin umakyat agad sya, kaya dali-dali ko syang sinundan para kausapin tutal nakila dad naman si Zion ei
"Bakit ate?"tanong nya, lumapit ako sakanya
"Tell me,Do you have a problem?"tanong ko sakanya,kinagat nya yung ibaba ng labi nya at tumingin sa ibaba
"Ate"tawag nya saakin at napayakap na saakin,niyakap ko din sya , umiiyak na sya ngayon sa balikat ko,hinatak ko sya papunta sa kwarto nya dahil baka marinig kami nila mama
"Tell me your problem, I'm Great Listener, so tell me"pangungibinsi ko sakanya dahil iyak lang sya ng iyak
"Ate... I'm... Scared"utal nyang wika, napakunot ang noo ko at hinawakan yung balikat nya
"Bakita ka natatakot?,Saan ka natatakot?"tanong ko,humihikbi parin sya
"He... killed... us,If...I...tell.... to...you...that.... he's.... killer"mas lalong nangunot ang noo ko
"He?, Who's he?"tanong ko pa
"Your....Secret.....Admirer"mas lalong nangunot ang noo ko
"I don't have Secret Admirer"usal ko sakanya,at binitawan ang balikat nya napaupo naman sya sa kama nya
"Secret Admirer,Yung lagi nagpapadala sayo dati ng mga flowers at kung ano ano pa" saad nya dun lang nag sink it saakin yung tinutukoy nya
"Pero walang nakakakilala sakanya,pano mo nasabi sya yun?"Tanong ko
"Dahil nung una palang kilala ko na sya,ako lagi ang nag aabot sayo ng mga pinabibigay nya,pero may kapalit yun,kaya kapag tinatanong mo kung saan yun galing sinasabi ko nalang na Nakita ko lang may nag pa deliver lang,dahil nga ayun ang kasunduan namin"usal nya
"May kapalit?"at ano ang kapalit nun ah?"tanong ko at pinipilit na kumalma
"Our.....life"binulong nya nalang yung huli nyang sinabi
"All this time,kilala mo pala yung nagbibigay saakin ng mga flowers at kung ano ano pa, pero hinde mo man lang sinabi saakin,nag mumukha akong tanga kakahanap kung sino ang nagbibigay saakin ng mga ganon,pero ikaw na alam mo hinde mo man lang pinaalam"bulyaw ko sakanya
"Dahil kung sinabi ko sayo na kilala ko sya,papatayin nya ko"bulyaw nya at umiyak, napakunot ang noo ko
"Bakit ka nya papatayin ah?,Sino ba sya para patayin ka?"usal ko sakanya
" Hinde mo sya kilala kaya wag mo kong sumbatan na parang alam mo ang pinag dadaanan ko"she said with cold tone, nagulat naman ako
" Kung tapos kana,Umalis kana sa kwarto ko"
Inismiran ko nalang sya at dali-daling lumabas ng kwarto nya, for the first time sinigawan nya ko ng ganon,my gosh,she getting to my nerves
"Seriously?,kilala naman pala nya yung Secret Admirer mo pero hinde nya sinabi sayo?"usal ni Niki dahil nagkita kami kanina pagtapos ng duty ko,buti nalang maluwag ang sched nya kaya G agad sya
"Ewan ko din dun,kaya lagi pala syang umiiyak dahil dun,hinde ko alam kung anong iniiyak nya,ang sabi nya lang 'He kill us', Seriously sinong tao ang mag iisip na papatayin ka?"tanong ko
"Baka naman na influence nayan ang kapatid mo kaya kung ano ano iniisip"usal ni Niki
"Ewan ko ba,kunga bakit ganon nalang ang sinasabi nya"Usal ko at humigop ng kape
"May problema ba kayo?kaya ganon nalang ang naiisip nya"usal pa ni Niki
"Hinde ko alam kung totoo yung sinabi nya pero dun sa Secret Admirer naniniwala ako,pero sa sinabi nyang Papatayin sino ang baliw na maniniwala dun"usal ko pa
Pagkauwi ko nakasalubong ko pa si Zerine sa taas pero hinde kami nag pansinan,pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko si mama na nilalaro si Zion,ng makita ako ni mama tumayo agad sya at nag mano ako sakanya,nag halfbath muna ako bago makipaglaro kay zion na gising na gising parin
"Wahhh"gulat ko kay zion kaya nahagikgik naman sya
"Namiss mo ba si mommy?"tanong ko sakanya,pero humagikgik lang sya kaya mas lalo ko sya kiniliti sa leeg at tyan nya tawa naman sya ng tawa
"Why are you still awake huh?"tanong ko habang hinahalikan sya tawa naman sya ng tawa
"Do you want tomorrow to go somewhere?"Tanong ko pa,pero hagikgik lang ang sagot nya
"Say it Nanay"utos ko sakanya
"Na......y"natuwa naman ako kaya pinisil ko yung pisnge nya
"Say it again,Nanay"utos ko ulit
"Nya....y"mas lalo akong nanggihil kaya kinagat ko na yung pisnge nya pero hindi ipin yung ginamit ko
"Zion,Be careful"saway ko kay zion ng ibaba ko para maglakad nakahawak lang ako sa likod ng damit nya,kasama namin ngayon si Xeus dahil may duty si Damiel ngayon kahit linggo
"Kamusta lods?"tanong ko sakanya,ng makaupo kami sa Swing
"Eto,naghihirap na"usal nya kaya nabatukan ko sya sinamaan nya ko ng tingin kaya natawa ako ganon din si Zion na kala mo naiintindihan
"Ikaw maghihirap?,baka ubos na savings ko sayo mangangalahati palang"usal ko,kaya natawa kami pero bigla syang nag seryoso
"Pano ko ba mamalaman kung may gusto saakin ang isang tao?"Seryosong tanong nya kaya napatingin ako sakanya pero sa langit lang sya nakatingin,huminga ako ng malalim
"Iba-iba kasi yan merong nagpapakita ng motibo at meron namang hinde, pero para saakin kapag nalalaman kong may gusto ang isang tao saakin,tignan mo sya sa mata at tanungin mo kung may nararamdaman sya sayo o ano,o kaya naman tanungin mo lang ng Hinde tinitignan sa mata,dalawa lang pagpipilian mo"usal ko, napahinga sya ng malalim "Bakit mo na tanong?"
"Nothing,i just want to know"wika nya at tumayo
"Uuwi kana?"tanong ko
"Yeah,ihahatid ko nalang kayo ni Zion sa mansion nyo"usal nya
"Hinde na,mag t-taxi nalang kami,sige mauna kana baka may gusto kang makita ei, excited ka lods?"tanong ko,tumawa lang sya at nag paalam na saamin,kaya kaming dalawa nalang ang naiwan ni Zion dito sa swing
Medyo magagabi na dahil kaninang 5 pm kami pumunta dito,para naman may ibang masilayan si Zion hinde puro kwarto,garden,dining,living room
Buti nalang nag dala ako ng payong tanging si zion,payong at wallet at phone ko lang ang dala ko,dahil sa park lang din naman kami pero malayo kasi ang park sa mansiom hinde kami sa Subdivision ng park tumambay,mas pinili kong lumabas ng Subdivision, pero hinde ko naman alam na nagmamadali si Xeus kanina,kaya naiwan nalang kami dahil baka makaabala pa kamk sakanya,tumayo nako habang buhat buhat si Zion,binuksan ko agad yung Payong dahil mahamog na
Naglakad lakad muna ako habang buhat si zion,naka dress lang ako habang nasa balikat ko yung sling bag na laman lang yung Phone at wallet ko,ng makarating kami ni zion sa medyo madilim na lugar, napatingin ako sa mga sigawan nagulat ako ng makita ko yung lalaki na nakaluhod habang merong lalaki na nakatalikod saamin,buti nalang hinde dun nakatingin si Zion,tinakpan ko yung mata ni zion at tatakbo na sana ako ng makita ko na tinuro ako ng isang lalaki
Nagulat ako ng humarap saamin yung lalaki,mas lalo akong nagulat at hinde inaasahan na makikita ko sya na nay hawak na baril habang nakatutuk sa lalaking nakaluhod,at meron pang mga lalaki na nakatali sa isang upuan at nakatakip yung mga bibig,nangangatog akong binalik yung kamay sa mata ni Zion dahil tinatanggal nya
"Shh,baby wag ming tanggalin" I whispered,nabitawan ko na rin yung Payong,tumakbo ako habang hawak ko si Zion,hinde ko na alintana kung madadapa kami basta makalayo kami sa lugar nato,dahil natatakot ako baka madamay kami ni Zion
Mas lalo akong nagulat ng may humawak sa kamay ko,kaya napatigil ako sa pagtakbo habang hinahabol ko yung hininga ko, napatingin ako sa kamay na may hawak saakin,nanlaki ang mata ko ng makita ko sya na walang emotion yung mata habang nakatingin saakin,lumipat yung tingin nya kay zion na ngayon na natanggal nya yung kamay ko sa mata nya
"Wag mo kaming patayin....hinde ako magsusumbong....sa ......pulis"utal kong usal, pero nakatingin lang sya kay zion si zion din nakatingin sakanya at biglang gustong magpaabot sa lalaking nasa harap namin ngayon,tinaas ni zion yung dalawang braso nya para magpabuhat sa lalaking nasa harap namin,binaba ko yun at umatras,tinanggal ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko
"Shhh,baby uuwi na tayo"pagkababa ko kasi ng kamay ni zion bigla nalang syang umiyak kaya pinaharap ko sya saakin habang nakatingin sa lalaking nasa harap namin na nasaksikhan ko kung paano nya gustong patayin ang lalaking nakaluhod at nag mamakaawa sakanya kanina
"He's your son?"tanong nya habang nakatingin na nakatalikod na si Zion na walang tigil sa pag iyak pinandong ko naring yung kamay ko sa ulo nya dahil mahamog na at naiwan ko kanina yung payong,nagulat ako ng kunin nya si zion saakin at may kinuha sya sa likod nya, handkerchief nya at nilalad nya pinatong nya sa ulo ni zion yun
"Akin na ang anak ko"usal ko at aagawin sana si Zion pero hinde ko na narinig na umiiyak si Zion, nakahawak sya sa leeg ng may buhat sakanya habang humahagikgik yung may buhat naman sakanya nakatingin lang sakanya habang may konting ngiti sa labi
"Baby,tara na uuwi na tayo"kinuha ko si zion sakanya pero umiyak lang si Zion,inayos ko yung pandong sa ulo ni zion,at akmang tatakbo na ng hawakan nanaman nya yung braso ko,kaya inis akong bumaling sakanya