Napalunok ng laway si Neil. Hindi niya matantsa ang sasabihin niya lalo pa na nakikita niya ang pagkadismaya sa mukha ni Shawn. He should have been careful with his words. Nadagdagan tuloy ang kasalukuyang init ng ulo nito. Hindi niya mapigilan na makapag-isip na masama ang gagawin ni Shawn kapag nalaman nito na si Russel ang nakakausap niya dati sa application. "Shawn, huminahon ka muna. Please," pakiusap ni Neil. Paano niya ito kakausapin kung ganito ang estado ng pag-iisip nito? Kahit ano ang gawin niyang pag-explain dito ay hindi nito ito pakikinggan. He could say this because it already happened before. Noong gabi na galing siya sa bahay nina Russel dahil sa house warming nito. "He's right, Shawn. Huminahon ka nga muna. Pag-usapan natin ito ng maayos," sang-ayon ng kabanda ni Shawn

