Tuluyan nang hindi nakagalaw si Neil. Natulala siya sa bilis ng sumunod na nangyari. Nakita na lamang niya na nakaupo na sa sahig ang lalaking lumapit sa kanya at pilit na pinapaalala kung sino ito at ang ginawa nila. And he found Shawn standing in front of him, throwing deadly stares at the guy who approached him. Nakaamba ang kamao ni Shawn na handa nang umatake kapag gagalaw pa ang lalaki ng masama. When everything sink in to Neil's mind, he immediately stood up and held Shawn's arm. Pinapakalma niya si Shawn dahil nakakagawa na ito ng eksena sa loob ng bar. Nakatingin na sa kanila ang ibang mga tao. Nagsimula na rin ang bulungan sa paligid. Ang iba naman ay kinukuhanan sila ng video gamit ang mga telepono ng mga ito ng patago. Natigil din ang pagtugtog ng banda nina Shawn. Tulad ni

