"Mabuti gising ka na, Neil. Sakto ready na ang hapunan," bungad ng mom ni Neil sa kanila pagkababa nila. Kakalabas lang din nito mula sa kusina. "Ahh hindi na po, tita. Sa labas na lang kami kakain ni Neil. May lakad pa kasi kami," magalang na sagot ni Shawn. Mukha itong inosente na walang ginawa kay Neil. "Ganoon ba? Sayang naman itong niluto ko. Dinamihan ko pa naman," ani mom ni Neil. "Kakainin ko na lang 'yan mamaya, mom, pagkauwi ko," singit ni Neil. Siya na ang nagsalita. Mahirap na kung si Shawn. Baka kung ano na naman ang sabihin nito sa mom niya. "Osige. Ipagtatabi ko na lang kayo ni Shawn." "Bye, mom," paalam ni Neil at hinila niya sa braso si Shawn. Lumingon pa si Shawn sa mom ni Neil. "Bye, tita, kainin po namin ang niluto mo mamaya," habol nito saka sila tuluyang nakalab

