"DAHAN-dahan sa pagsakay." Paalala ko hawak ang kamay niya. Pasakay kami sa speed boat.
"Salamat, Mr. Erdem Calilap." Sarkastikong wika nito.
"Aba, mukhang mayabang yata ang Love ko dahil siya magpapaandar ng speed boat."
"Sabi ko naman kasi sayo tig-isa tayo ayaw mo,"
"Baka hindi ka pa sanay,"
"Me?" Tumatawa kahit wala naman nakakatawa. "Hindi po yata nalalaman, Love. Ako ang pinaka mabilis magpatakbo nitong boat."
"See?" Hamon ko. Tumaas ang kilay saka sinimulan buksan ang makina ng boat.
Noong una ayos lang. Medyo pinagtatawanan ko ito dahil mas mabilis pa yata ako magpatakbo pero dahil niyayabangan lang pala ako ay pinaandar nito ng sobrang bilis. Ultimo kaluluwa ko naiwan yata sa dating puwesto namin. Ibig-ibig kong yumakap sa kanya para lang itigil ang ginagawa pero wala na akong nagawa.
"Sino kamo hindi sanay magpatakbo?" Sarkastikong parinig.
"Sino ba nagsabi n'on, ah?" Lilinga-linga ko sa kabuuan ng dagat.
BUMABA ako sa speed boat pero siya ay nagpatuloy lang sa pagsakay at andar. Habang nandito ako sa pampang nakikita kong maganda ang pagkakatayo nito habang hawak ang manibela ng boat. Hindi nga maitatangging mahusay siya. Kumpara siguro sa akin ay wala akong laban. Nagmumukha tuloy akong baguhan kapag pinapakita nito ang kakayahan sa pagmamaneho.
"Ano masasabi mo sa taong nagmamayabang lang ha?" Papalapit sa puwesto ko.
"Mahusay magmayabang,"
"Baka kamo may maipagmamayabang, ha-ha!"
"Tara rito sa tabi ko," senyas ko. Kaagad naman sumunod.
"Bakit kaya ganoon. Kapag subsob ka sa trabaho gustong-gusto mo ng pahinga. Ngayong nasa bakasyon ka iniiisip mo mga trabaho." Buntong hininga nito.
"Kasi nasanay tayo palagi may ginagawa sa opisina."
"Hindi lang 'yon parang nasanay na akong galaw nang galaw,"
"Eh di gumalaw ka ha-ha,"
"Baliw,"
"Ano nga ba sasabihin mo sa akin na good news ha?"
"Ngayon ko na nga ba dapat sabihin?"
"Malamang nandito na tayo sa bakasyon. Isa pa, bihira lang natin gawin makapag-usap ng masinsinan lalo kung good news," hampas nito sa braso ko.
"Biro lang, ano ba kasi iyon?"
"Because...." tumutunog cellphone ko. Sumenyas akong ituloy ang sabihin pero siya na mismo kumuha ng phone ko itinapat sa tainga ko.
"Excuse." Paalam ko rito.
"Kailangan ka ngayon sa opisina!" Bulyaw ng Kuya Tolits.
"Pero Kuya nandito kami para magbakasyon. Dalawang araw pa nga lang hindi ba?"
"Uunahin mo pa iyan kaysa sa problema ng kompanya ganoon ba?" Naalarma ako.
"A-anong nangyari?"
"May dalawang investors tayong pumalpak, as in tinangay nila ang five-hundred million sa kompanya natin,"
"What?! Paanong nangyari iyon?! Anong----"
"Sa palagay namin may tauhan tayong pinagkakatiwalaan nang ahas. Kaya kung maaari bumalik ka rito para asikasuhin ito. Hindi sa hindi ko ito kaya pero kailangan ka namin. Makakaya mong lusutan ito at malaman kung sino dapat sisihin."
I sigh, "Uuwi na kami. Pakihanda lahat ng gamit ko sa opisina. In three hours nandiyan na ako."
Lumapit si Thania na may pagdududa sa mukha ko.
"What happened?"
"Kailangan na natin umuwi. May problema sa opisina." Nilagpasan ko ito na kaagad din niyang sunod.
Nagpatawag na lang ako ng tao para ayusin gamit namin dahil pagpalit lang ng damit sumakay kaagad kami sa kotse.
"Masyado ba komplekado ang problema, Love?"
Napahamak ako sa manibela, "Oo at hindi ako mapakaling isipin kung sinong ahas ang gumawa nito."
"Anong ibig mo sabihin?"
"May nawawalang five-hundred million sa kompanya, Thania. Wala pa silang lead kung sino may pakana ng lahat na ito."
"Tutulong ako,"
"Huwag na," mariin kong pagdigusto. "Ayokong pareho tayong sumakit ang ulo sa problema. Kung maaari libangin mo muna ang sarili. Isipin mo na lang walang mabigat na problema."
"Pero..."
"Makinig kana lang, please? Ayoko madawit pangalan mo rito."
"Sige." Hindi na muli ito nagsalita hanggang sa makarating kami ng building. Pinahatid ko siya sa isang driver dito sa kompanya pauwi ng bahay.
Diretso kami ng sekretarya ko sa conference room na ngayon ay nagtatalo-talo.
"Nandito na siya." Si Kuya mismo nagsalita na ikinatigil ng lahat.
"Ipaliwanag niyo sa akin ng mabuti kung bakit nawalan ng kompany nang....five-hundred million pesos. This is not small problem. Five-hundred million ano ba pumasok sa isip ng mga taong iyon ha?!"
Inihagis ko 'yong mga papeles nakapatong sa long table.
"Relax lang, Mr. Erdem. Lahat kami ay nag-iimbestiga tungkol dito. Hindi talaga birong mawalan ng hundred-million ang isang kompanya." Sabi ng isa.
"Gawin natin ang lahat. Dapat unahin kung sino mga sangkot sa problema na ito." Gigil kong sabi.
Kanya-kanya silang tanguan. Humigit dalawang oras kami nag-usap-usap hanggang sa abutan ako ng gabi kakahanap ng dahilan. Isa pa, mahirap magbintang. Malay ko kung mali pagbintangan ko.
"Love, sorry." Sabi ko sa kabilang linya.
"What happened?"
"Hindi ako makakauwi ngayon,"
"Nasa opisina ka ba? Sige, nauunawaan ko. Pero bukas ng umaga umuwi ka man lang kahit saglit para makakain at maligo."
"Yes, Love. I love you." Kaagad kong binaba ang telepono.
KINAUMAGAHAN sa pagmamadali kong umuwi nakalimutan ko ang cellphone sa table ng office. Dedma na lang since babalik din kaagad ako before lunch. Pagkarating ko bumungad kaagad sa akin ang masasarap na almusal. Hindi ko tinanggihan dahil sa gutom at si Thania rin naman ang nagluto.
"Kung kailangan mo nang tulong, Love. I'm here lang."
"Salamat pero hanggat maaari ayokong madawit ka rito."
"Tumawag si Cedric puwede ka raw nila matulungan. Tanggapin mo para mas mapadali ang lahat."
"Sige," tumayo ako.
"Tapos kana?"
"Oo, salamat sa masarap na pagkain. Maliligo muna ako bago bumalik sa opisina." Halik ko sa noo nito bago pumasok ng kuwarto.
"MALAKI tiwala namin mahahanap mo kaagad ang mga traydor sa kompanya mo. Ikaw pa ba Erdem? Baka nakalilimutan mo magaling ka sa hanapan," pagpapalakas loob sa akin ni Cedric ng dumating sa office ko.
"Sa ngayon wala ka dapat pagkatiwalaan kahit na isa sa kanila. Tandaan mo, isa sa mga inventors na palihim ngumingisi sayo," Zayn's right.
"Kung si Thania inaalala mo huwag kang mag-alala. Shien and Reign continue to support her." Paliwanag pa ni Peps.
"Salamat, LK."
"Huwag ka na muna magpasalamat sa amin. Isa pa, magkakaibigan tayo. Hindi ba guys?" Pagpapalakas loob ni Ced.
"Tama." Sabay wika ng dalawa.
"Lahat ng mga inventors ko under observation. Sa ngayon marami tayo na dapat gawin. Tulad ng pagcheck sa bank account nila."
"Alam ba nilang titingnan mo bank account?" Usisa ni Zayn.
Umiling ako, "No. Kami lamang ni Kuya ang nakaaalam nito."
"Sa palagay mo ba may chance ma-trace sa bank nila? Ano ba malay natin kung may ibang account sila na hindi pinaalam sa inyo dahil nga nagnakaw ng malaking halaga." duda ni Cedric.
"May plano kami about that," ayos ko sa pagkakaupo. "Ang daming problema. Wala man lang ba good news diyan?" Walang gana kong usisa.
Baka sakali lang.
Mahirap magtrabaho na puro problema kinakaharap.
Pansin ko nagsusulyapan sila. Nakuha kong panuorin ang senyasan pagkaraan ay titingin sa akin. Nagmumukha akong tanga sa harapan nila. Parang may gustong sabihin pero nagtuturuan kung sino. Tumikhim ako na naging dahilan ng iwasan sa isa't-isa.
"Problema?" Asar kong tanong.
"Ah wala. Wala naman." Don't me, Peps.
"May pag-uusapan lang kami sa labas." Hatak ni Zayn kay Peps palabas ng office ko.
"Ano problema ng mga 'yon?"
"Baka natatae," sabay ngisi ni Ced.
"Sira,"
"Paano on the way na ako. Tawagan lang ako kapag kailangan mo." I nodded.
My eyesight was again on the laptop screen. The second time I saw who was the real traitor in my company. I called Kuya Tolits, and he was going to call the emergency meeting.
HEARING the case. Ang lahat ng sangkot ay kinasuhan ko. Unang hearing ay todo deny pero ng maipakita namin ang ebidensya ay wala na silang nasabi. Masyadong malaki ang kasong kakaharapin nila o baka sakali ngang habambuhay nang makukulong dahil sa pagnanakaw sa kompanya ko. Hindi ko inakala na kasama rito ang ibang pinagkatiwalaan nila Mommy at Daddy ng mahabang panahon.
"Sorry sana mapatawad mo ako," nasa rehas ito ngayon at nakikiusap na patawarin ko na para makalabas sa kulungan.
"Mabigat ang kasalanan ginawa mo. Sa palagay mo ba patatawarin kita ng ganoon lang? Ilang dekada kang pinagkatiwalaan ng magulang ko pero anong ginawa mo. Sinira mo lahat ng dahil lang sa pera."
"Patawad....patawad."
"Sorry din pero hindi na magbabago isip ko. Mabulok ka r'yan sa bilangguan."
Palayo na sana ako ng magsalita ito na may kasamang pagbabanta. Tsk, hindi niya kilala tinatakot niya. Kahit anong gawin niya wala na siyang magagawa. Kung pagbibigyan ko pa ito panigurado malaking pagkakataon na ulitin nito muli ang unang ginawa. Ayoko ng taong hindi totoo. Ayoko ng traydor.
"Nakuha mo pa dalawin ang kaaway," bulaslas ni Kuya ng makapasok sa opisina ko.
"Kinamusta ko lang baka kasi nalulungkot,"
"Huwag mo hayaan na bigyan siya ng special treat,"
"Don't worry, Kuya. Sa susunod na araw isasama siya sa mga ordinaryong tao. Patikim ko pa lang yan sa kanya. Actually swerte pa dahil bibigyan siya ng masarap na pagkain."
"No way, kung makikihalubilo siya sa ibang tao dapat ganoon din kainin niya,"
"Hayaan mo siya,"
Naupo sa katapat ng upuan ko, "Maiba ako. Maaasikaso mo ba ginagawa bagong building sa north?"
"Maaasikaso naman,"
"Kailan pa? Eh mukhang abalang-abala ka pa rin. If you want ako na bahala."
"Pagtuunan mo ng pansin ang pagtuturo,"
"Paano ka?" Bago makasagot may kumatok at pagkaraan pumasok.
"Love," lapit ko rito, "Anong ginagawa mo rito?"
"Walang magawa sa bahay. Isa pa, na mimiss kita." Lambitin sa leeg ko.
"Ugh, kanina lang tayo magkasama pero sobra ka naman kung maghanap sa akin," sinisimsim amoy ko. "Love, nakikiliti ako."
"Ehem," tumayo si Kuya. "Mukhang kailangan niyo mag-usap ng masimsiman...este masinsinan. Aalis na ako."
Natawa ako sa sinabi nito hanggang makalabas ng opisinina ko. Hinagkan ko kaagad labi ni Love until maupo kami sa mahabang sofa. Yumakap muli ito sa akin saka humalik sa pisngi ko.
"Gusto mo kumain?"
"Ayoko,"
"Eh ano gusto mo gawin natin?" Hamon ko.
"Wala ka ba riyan trabaho na puwede kong gawin?"
"Wala. Isa pa ayokong mapagod ka nang husto."
"Pero nasanay akong may ginagawa. Hmmm, ano kaya kung ako mag-asikaso sa ginagawang building sa north?"
"No way, mahirap na trabaho 'yon at isa pa puro lalaki mga nandoon. Hindi ka pupuwede."
"Nasa office lang ako at i-check mga tauhan sa oras ng trabaho."
"Pero ikaw nga lang babae 'ron. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon."
"Eh di magsasama ako ng mga babae sina Reign."
"May ginagawa rin 'yon. Dito kana lang."
"Pero....sige na pumayag kana."
"Hindi nga puwede,"
"Papayag ka ba kung may kasama akong mga babae sa opisina?"
"Oo, basta maraming babae."
"Sige," may tinawagan sa cellphone pagkaraan ay ngumiti sa akin ng ibaba ang hawak. "Ayos na. May parating ngayon mga babae para samahan ako sa opisina."
"Ha?"
"Naghanap ako ng sampung babae para pumasok doon pero sa dami nag-apply pumili na lang ako ng twenty person. Ano puwede na ba?"
"Saan mo nakuha mga iyon?"
"Basta. Huwag kana mag-alala at payagan mo na ako. Maya-maya lang parating na sila. Bababa ako para samahan sila sa north."
"Hays, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Oo na sige na. Pero hanggat maaari mag-iingat ka."
"Yes, Boss love." Halik sa labi ko. "Mag-iingat ako para sayo."
HINDI ako mapakali ng makaalis ito sa opisina. Parang ngayon lang siya malalayo sa akin. Siguro masyado lang akong natatakot na baka may mangyaring masama sa kanya. Ayoko lang siguro magtiwala sa mga makakasalumuha niya.
"Ilan araw ng busy asawa mo sa North, ah?" Pansin ni Peps ng nag-gy-gym kami sa bahay.
"Ayoko sana pero mapilit, eh."
"Hindi ba makakasama sa kanya?"
Natigilan ako sa sinabi nito, "Bakit?" Duda ko.
"I mean, baka mapagod." Hindi makatingin ng diretso.
"Iniisip ko rin 'yan pero ang hirap pigilan ng isang Thania Parado Calilap." Patuloy ko sa pagbubuhat ng barbell.
"Stubborn like a barbell." Pareho kami tumawa matapos nitong sabihin.
"ISANG BUWAN kong hindi nakikita si Thania." Sambit ni Zayn ng magkita kami para sa meeting abansa ng KU.
"Alam mo na," ngisi ko.
"Aba, talagang ang laki ng tulong niya sa ginagawang bagong building ha. Ano umamin na ba siya?"
Nangunot noo ko, "Umamin saan?"
"Ha?" Nagbago ekspresyon ng mukha na tila may nagawang kasalanan. "Umamin na ipagpapatuloy niya magtrabaho sa kompanya niyo."
Huminga ako ng malalim, "Kahit hindi na sabihin alam kong ganoon din sasabihin niya. Para walang away pinapayagan ko na lang."
"Kaya lang baka sobrang mapagod 'yon mahirap na. Wala p bang baby sa tiyan?"
"Wala pa. Malay natin kung magkaroon na hintay-hintay lang kami."
"Naman. Tiyaga lang. Kami ni Roselle may planong magbalik sa ibang bansa para magkaroon ng baby."
"Eh hindi ba wala na siyang..."
"Wala na nga pero may bago ngayon. 'Yong sperm cells at egg cells pagsasamahin tapos may konting araw o buwan pa malalaman kung na buo ba yong bata."
"Tapos hahayaan lang lumaki 'yong bata sa machine???"
"Hahanap kami ng babaeng puwede magdala ng baby namin."
"Teka, baka mamaya delikado na naman."
"Makakasama namin siya sa bahay. Huwag ka mag-alala magiging maayos din ang lahat."
"Sana magtagumpay plano niyong mag-asawa."
"Sana nga."
Sana nga para magkaroon man lang siya ng anak mula kay Roselle. Pero kahit hindi nila tunay na anak si Isay talagang itinuring nila itong anak at si Zee na anak niya sa walang kuwentang babae ay talagang tinuring na anak ni Roselle. Sa ngayon umaasa akong magtatagumpay plano nila.
"ERDEM! Erdem!"
"Bakit Cedric?"
"Binatawan at iwan mo muna trabaho mo may pupuntahan tayo." Natataranta nitong utos ng sunduin ako sa opisina.
"Saan tayo pupunta?" Sunod ko.
"Sa North."
"Sa North bakit?"
Sumakay kami sa kotse bago sumagot, "Huwag kang mabibigla pero gumuho ang kalahating building na ginagawa nila at..."
"At????!" Kinabahan na ako. Naisip ko kaagad si Thania.
"Kasama si Thania sa mga natabunan ng gumuho." Malungkot nitong sabi. Nakayuko at pagkaraan tahimik na nagmaneho.
"Hindi ka ba nagbibiro?! Bilisan mo! Oh my god...Thania!!!!" Humagulgol ako ng iyak sa sakit. Sakit sa damdamin na gumuho ang building at kasama siya sa nadamay.
Paghintay pa lang sa site marami ng pulis at ambulance nakahinto doon. May ilan trabahador na nakikiusyoso sa nangyari.
"Nakuha niyo na ba si Thania!" Sigaw ko sa lahat.
"Sir, huminahon kayo. Iniisa-isa po nilang kunin mga bangkay."
"Ano?! Anong bangkay! Buhay pa asawa ko!" Nagpumilit akong lumapit pero pinipigilan ako ni Cedric at ilang tauhan.
"Sorry sir pero sa tindi ng pagkaguho malabong may buhay pa sa mga na trap," patuloy ng pulis.
"SINO KA BA?! DOCTOR KA BA?! DIOS KA BA PARA MAGSALITA NG TAPOS?!" sasapakin ko sana itong pulis ng awatin lang ako.
Tangna, nakakapanggigil. Sino gagong magsasabi patay na samantalang wala pa naman ang katawan ng mga biktima.
Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa ng makita ang katawan ng asawa ko pero kaagad din na pawi ng malamang buhay pa ito.
"Magpahinga ka muna," abot ni Reign sa isang tasa ng kape. Nandito kami ngayon sa room kung saan ddalhin katawan ni Thania.
"Hindi pa ba tapos tingnan kalagayan niya?"
"Hindi pa, huwag ka mag-alala ng husto magiging maayos din ang lahat."
PAGKARAAN pa ng isang araw hindi ko nakita si Thania buhat ng ilipat ito sa kuwarto. May emergency daw sa kompanya na dapat kong tutukan. Kaya sina Cedric, Reign, at Zayn ang nagbabantay sa kanya. Kahit lumipas pa ng isang linggo gustong-gusto kong dalawin ito pero nagkaroon naman ng problema sa nakakulong namin empleyado. Ito raw ang nag-utos sa mga tauhan kong pasabugin ang building para makasama ang asawa ko.
Wala akong magawa kung hindi magalit sa sarili. Kung hindi ko siya pinayagan baka hindi ito nakasama sa pagsabog. Kung hindi ko sana ito pinayagan hindi sana ito comatose. Puro pagsisisi sa sarili. Puro sana. Puro na lang kalungkutan namayani sa puso ko. Ni pagdalaw sa kanya ay hindi ko magawa dahil nilalamon ako ng kalungkutan. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang nahihirapan.
Sa pakiramdam ko parang anytime iiwan din niya ako. Parang hindi man lang siya magpapaalam ng maayos. Parang pagdating ng lahat iiyak ako sa isang sulok habang pinagmamasdan kabaong niya. Ayoko maging miserable ang buhay kapag nawala siyang tuluyan. Parang ngayon pa lang gusto ko nang sanayin ang sarili na hindi siya nakikita. Gusto ko kapag binalita nilang...wala na siya hindi na gaano masakit sa puso. Hindi na ako iiyak ng malakas at hindi na ako magbabakasakaling bumalik pa siya.
"KANINA ko pa tinatawagan 'yang cellphone mo bakit ayaw mo sagutin!" Bungad ni Kuya Tolits sa kabilang linya.
"Sorry busy." Matamlay kong tugon.
"Mas mahalaga pa ba sayo 'yang trabaho kaysa sa asawa mo!"
"Para saan pa pagbabantay ko sa kanya kung..." naiiyak kong putol. "Kung mawawala rin siya sa akin. Para saan pa ang lahat?"
"Fvck you, Erdem. Wala kang isang salita! Paano mo nasasabi sa akin yan ha?! Sino ba gagong gustong mamatay ang asawa at hindi man lang mabantayan at suportahan kahit man lang sa huling hininga!"
"Masakit sa part ko itong desisyon, Kuya Tolits. Akala mo ba parang wala lang sa akin itong nangyayari sa kanya ha? Akala mo ba tumatawa ako habang umiinom ng wine ha?! Hindi mo alam dahil hindi mo alam. Ang sakit, napaka sakit. Ginagawa ko lang kung ano puwede mangyari. Ayokong umasa. Ayokong masaktan in the end. Ayokong maiwan nag-iisa. Masakit. Mabuti sana kung nakahanap na lang siya ng ibang lalaki baka pwede ko pa tanggapin pero....buhay niya. Buhay niya ang kalaban ko. Walang kasiguraduhan. Walang nakakaalam. Walang----"
"Oh fvck Erdem! What the hell are you talking?! Magpunta ka rito sa Hospital dahil nagising na asawa mo!!!"
"A-anooooo????"
"Humanda ka sa akin pagdating mo. Punyeta ka, hays."
"Pero...totoo bang---"
"The hell, buhay pa asawa mong pinapatay mo na!"
"Hindi ko siya pinapatay!"
"Baka gusto mo iparinig ko lahat ng mga sinabi mo para matauhan ka!"
"O-oo. O-oo papunta na ako."
Tila nilipad ko lang yata patungong hospital. Pagpasok ko sa kuwarto nakita ko kaagad si Thania na nakaupo habang nakasandal ang likod. Nandito sina Kuya, Peps, Cedric, Reign, Shien, Zayn, at Roselle. Paglapit ko tiningnan lang ako ni Thania pagkaraan ay niyakap ko.
"Aray!" Reklamo nito. Sabay hampas sa akin ni Shien sa balikat.
"Thania, anong pakiramdam? May masakit pa ba sayo?" Usisa ko.
"Sino ka ba?" Mataray niyang tanong.
"Ako??" Tanaw ko sa mga kasama namin na parang malungkot ang mga mukha.
"Nauuhaw ako," bibigyan ko sana ng tubig pero naunang mag-abot si Kuya.
"Kumusta kana? Totoo nga bang nawalan ka ng ala-ala? Hindi mo ba ako natatandaan?" Usisa ni Kuya.
"Kuya Tolits, ano ba naman tanong 'yan?"
"Ako, kilala mo ba ako?" Reign.
"Oo naman, Ate Ulan." Tingin sa mga kasama namin. "Shien, Peps, Roselle, Cedric, Zayn, at..." sa akin.
"Ikaw ang hindi ko maalala."
"Ano?! Seryoso ba 'to? Bakit ako lang hindi mo maalala ha?!" Nagwawala kong sabi.
"Ah, ano nga pala nangyari sa akin Ate Ulan?" Dedma sa pagwawala ko.
"Naaksidente ka sa North. Isang buwan kang nawalan ng malay. Akala namin mawawala kana."
"Teka, Peps. Ano ba 'to ha? Ako lang ba talaga??" Nagmamaktol ko.
"Ewan ko, Pre. Nagising siyang ganyan. 'Nong banggitin namin pangalan mo hindi ka niya maalala."
"Damit it,"
"Hayaan mo muna siya," nagtama paningin namin ng asawa ko pero dedma. Wala man lang akong makitang something special sa mukha nito.
"Hindi ito maaari..." kuyom kamao kong tinalikuran sila. Bubuksan ko ang pintuan ng magsalita ito.
"Erdem Calilap, ano ganyan na lang ba tayo? Aalis ka na naman hindi man lang nagpupumilit alalahanin ka ha?"
Namilog mga mata ko saka ito tiningnan. May ngiti sa labi itong tumayo papalapit sa puwesto ko. Dinig kong nagkakantiyawan mga tao.
"Hindi mo man lang ba i-we-welcome back kami ng magiging anak mo?" Haplos sa tiyan.
"Anong---"
"Gustong-gusto ko na sana umamin sayong buntis ako pero gusto sana kitang i-surprise. Kaya lang ganito nangyari. Sorry, Erdem love."
"Magiging Daddy na ako?" Nagtutubig mga mata ko.
She nodded, "Oo, Daddy Erdem. Basta ba ipangako mong hindi mo na gagawin itong hindi ako dalawin sa hospital. Gusto sana kitang saksakin pero dahil ayokong mawalan ng ama itong magiging anak natin kinausap ko silang lahat na kunwari hindi kita maaalala. Nainis ba kita?"
"Buwisit, malamang." Hinawakan ko dalawang pisngi saka hinalikan, "Huwag ka nang mawawala sa akin, Thania. Gagawin ko na lahat para sa ikabubuti ng anak natin. Thank you Lord dahil hindi mo kinuha ang mag-ina ko sa matinding trahedya." Tingala ko sabay tulo ng mga luha.
Narinig kong nagtawanan silang lahat at sabay-sabay yumakap sa amin dalawa.
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
Sorry po sa matagal na update kung kailan wakas na.
Maraming Salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong pag-ibig ni Erdem Calilap.
Sino po nag-akalang si Bebsie makakatuluyan niya? sorry-sorry haha, bawi na lang ako sa huling story para kay Peps Victoria. Sana kung gaano niyo tinutukan ang kuwento nila Zayn, Erdem ay ganoon din kay Peps.
Maraming salamat Happybees!