NATULOY ang pirmahan ng kontrata about joint venture. So far naging maayos din bonding namin ni Thania. Akala nito binawi ko na lahat at talagang hahanap pa ulit kami ng panibagong buyer pero dahil kung todo parinig ng boses niya sa sintido ko ay binawi ko na ang lahat. Ako na talaga ang dakilang puro salita lang, walang paninindigan.
"Love, alis na ako."
"Saan ka pupunta?" Nanlalaki mata ko ng tingnan siya.
"Mayroon gaganapin meet and greet mga amateur writer nakalimutan mo na ba?"
"Hindi ka man lang nagsabi na mayroon ganyan eh di sana sinamahan kita 'di ba?"
"Binanggit ko na ito pero okay lang sagot mo," busangot niya.
"Okay pero sasama ako."
"Walang problema kung sasama ka pero tapos na ba lahat ng meeting mo for today?"
"Hindi pa pero cancel na lahat 'yon."
"'Yang ugali mo. Gusto mo na naman magalit si Kuya Tolits sayo ha?"
"Pero..."
"Wala ka pa rin tiwala," malungkot niyang dugtong.
"Of course not, gusto kitang i-cheer. Wala nang selos, promise. Isa pa, hindi mo ako ipagpapalit tama?"
"Oo,"
"Sige umalis kana baka ma-late ka pa."
"Thank you, Love. Ingat ka, papasundo ako sayo ha?"
"Sure tawagan mo lang ako."
Nakaalis na siya. Hindi ko matanggap maghapon na naman kami hindi magkakasama. Sobrang dami dapat tapusin ngayong araw kaya kahit asawa ko hindi na umaasang magkakasabay kami for lunch and dinner.
"Kapag talaga matalino ka nagiging bobo pagdating sa pag-ibig," Peps said.
"Nagpapakamartir," dugtong ni Cedric.
"Ngayon pa sa iisang lugar lang magkasama. Sa palagay ko gumagawa na nang magandang ideya si Edward para pormahan asawa mo," si Zayn.
"Hays, puwede ba tigilan niyo ako? Nakagugulo lang kayo. Imbes, tulungan niyo ako para malaman ginagawa nila dami niyo pa sinasabi." Nag-iinit na naman ulo ko.
"Kung sundan namin?" Matapos ibigay ni Cedric ang ideyang 'yong natingin kaming tatlo.
"Magandang ideya nga iyan, ah?" Sabi ko.
"No way, busy ako sa trabaho kaya lang ako nagpunta rito para magpasa ng ibang papeles para sa University Kingdom." Kung todo tanggi ni Peps.
Sabay-sabay kami tumingin kay Zayn.
"Ang totoo ako ngayon naka-schedule susundo kay Isay sa tutor niya." Paliwanag ni Zayn na kaming lahat ay tumingin kay Cedric.
"Sa palagay ko, ikaw lang makagagawa ng naisip mo." May ngisi kong sabi.
"What?!"
"Why not. Kayang-kaya mo 'yan Cedric." Palo ng dalawa sa balikat nito.
"Teka nga, baka nakalilimutan niyong ako si Cedric Kasilag. Hindi ako dapat inuutusan."
"Ikaw pa rin si Cedric Kasilag pero hindi na ang leader ng Lucifer Kingdom," banat ko patanaw kay Zayn na may ngisi rin sa labi.
"Talagang gumaganti kayo sa akin ano? Bakit, dahil ba hindi ako naging magandang leader sa inyo ha?!"
"Oo na, sige na." Wika kaagad ni Peps.
"Tutulungan ka namin baka magsumbatan na naman tayo rito," Iiling-iling tugon ni Zayn.
Lahat sila tumingin sa akin.
"Wala nang problema. Simulan niyo na magpaka-spy. Good luck sa magandang project." Mapang-asar kong sabi.
"Hays, kung hindi ka lang namin mahal,"
"Kung hindi lang mahaba 'yang ano mo,"
"Kung---- eh kung kumain muna tayo bago magpunta sa venue?" Sabay-sabay kami napatapik sa sarili namin noo sa suggest ni Cedric.
"Kayo na lang kumain marami pa kong tatapusin. Basta bantayan niyo siya hanggat maaari huwag kayong pipikit."
"Luh, kahit kumurap bawal?" Muntanga itong si Cedric.
"Oo kahit paghinga," patol ni Zayn.
"Huwag kana rin kumain para masaya," dugtong ni Peps.
"Grabe kayo sa akin ano? Mga wala talaga kayong galang sa naging mas angat sa inyo. Paalala ko lang ako si Master Cedric ang bumuo ng Lucifer Kingdom at nauna naging bida sa kuwentong ito."
"Sa akin kuwento 'to," depensa ko.
"Basta sa akin tapos na." Pagmamalaki ni Zayn.
"Sa akin waiting. Tapusin muna natin kuwento ni Erdem baka magtampo." Natatawang sabi ni Peps.
"Dami ninyong sinabi. Sa I'm a gangster ako bida hindi sa mga kuwento niyo saka ako talaga orihinal kaya huwag kayong mayayabang diyan!" Sabay-sabay kami tumawa sa naging reaction ni Cedric. Wala naman kasi nakikipagtalo akala lagi may kaaway.
"Tama na nga." Awat ko.
"Balang araw mga anak natin magkakaroon ng kuwento," excited sabi ni Peps.
"Hala, huwag ka nga. Stress na stress si Author sa mga story niyo tapos gusto pa dagdagan." Epal muli ni Cedric.
"Why not," Mahinang sabi ni Zayn.
"Why not what?" Usisa ko.
"Why not kung huwag na lang baka hindi kayang panindigan ni Author gawing bakla pa anak ni Cedric, haha!"
"Tarantado!" Habol ni Ced dito palabas ng opisina ko. Nagkatinginan kami ni Peps.
"Ihanda mo sarili dahil hindi natin alam ano mangyayari sa buhay niyo ni Shien."
"Palagi naman akong nakahanda,"
"Weh? Pero na buntis mo si Zen, right? Iyon ba ang naging handa?"
"Wala kasi akong trust na gamit!"
"See? Hindi nga handa. Dapat kasi laging may trust sa wallet."
"Sino ba mas matanda sa atin?" Pinapaalala nito kung sino ginagalang.
"Eh sino mas mahaba sa atin?" Supalpal.
"Hmp, ewan ko sayo. Alis na kami." Tinalikuran ako at hindi na lumingon pa. Nakakatawang isipin sa dami nangyari sa buhay namin nandiyan pa rin sila. Buo pa rin ang LK. Sana forever na itong samahan. Sana walang mamamatay bago matapos itong kuwento namin. Please, Author. ( Luh, hindi po ako mamamatay tayo! Ha-ha! )
HAPON na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Peps.
"Balita?" Bungad ko.
"Mukhang wala naman problema rito bukod sa palagi silang magkatabi. Palaging hinahawakan asawa mo sa likod kapag may kausap. Ano pa nga ba?"
"Hoy, ang daldal mo!" Dinig kong sigaw ni Cedric sa kabilang linya.
"Iyon lang, so far wala pang kiss o yakapan nagaganap."
"Mga tarantado ba kayo?!" Hindi ko na pigilan ang aking sarili sabay balibag ang cellphone sa pader.
Maya-maya tumutunog 'yong telepono.
"Tarantado talaga si Peps," si Zayn.
"Huwag mo na pagtakpan asawa ko at ang gagong Edward na 'yan!
Wait for me and taste that painful blow to his face."
"Luh, kalma nga. Walang masamang ginagawa asawa mo,"
"Talaga? Zayn, huwag mo ko pinagloloko."
"Pero natural lang naman ipakilala siya sa ibang kasama kasi nga meet and greet 'di ba? Saka hindi lang naman siya hinahawakan sa likod marami sila."
"Totoo ba 'yan?"
"Dapat kasi ikaw nagpunta para makita mo walang malisya."
"Sira-ulong Peps," bulong ko.
"Inaasar lang si Cedric kasi alam niyang siya pagbubuntungan mo ng galit."
"Hay, ewan ko sayo." Napasulyap ako sa cellphone na wasak. Mukang napalakas yata hagis ko.
"Ihanap mo ako ng gumagawa ng cellphone," mahinang sabi ko.
"Boom, balibag pa."
"Buwisit kayo, eh."
"Init ng ulo. Wala ka ba tiwala sa asawa mo kapag nagkakalayo kayo ha?"
"Sa kanya mayroon pero sa ibang lalaki wala. Madaling makaiwas sa tukso mga babae pero ang lalake mahihinang nilalang pagdating sa tukso,"
"Correction lalake ka rin,"
"Yeah, I know. Kaya nga sinasabi ko na ito dahil base of experience."
"Oh, eh di ikaw na. Kayo na madaling matukso."
"Akala mo siya hindi. Ikaw nga unang na tukso ng ahas, eh."
"Hay, sa akin na naman nauwi ang usapan. Sige mamaya na lang ako tatawag." Sabay patay ng connection.
"Sir Erdem, nakahanda na po conference room. Sunod-sunod na rin po nagsisidatingan mga officials."
"Okay, secretary."
Sa buong meeting tulala lang ako at walang masabi sa pinag-uusapan nila until tanungin ako ng isang official.
"Pabor ka ba?"
"Ha?"
Kunot-noo, "Mukha yata ang lalim ng iniisip mo."
"Sorry, iniisip ko ibang meeting mamaya."
"Heto muna isipin mo mamaya na lang 'yan."
"Okay." Itinuon ko isip sa nagsasalita until matapos ay walang gana akong naupo sa upuan.
Isang meeting na lang at makakauwi na ako pero wala pa rin tawag....hays, paano ko nga pala marereceive tawag ni Thania eh ibinalibag ko nga pala sa wall. Badtrip.
Dinayal ko numero ni Peps gamit ang telepono ngunit hindi nito sinasagot. Si Zayn naman ay saglit sinagot at pinatay kaagad dahil nagmamaneho siya para sunduin si Isay. Wala na akong choice kung hindi si Cedric.
"Nasaan ka?"
"Nandito pa rin ako sa meet and greet. Pinaiwan ako ng dalawa mong magaling na kaibigan."
"Okay lang 'yan kung sila magaling ikaw naman ay mabuti,"
"Alam natin hindi totoo 'yan. So change topic tayo...mukhang may balak pa yata mag-dinner kasama ng mga ibang members."
"Saan restaurant?"
"Restaurant ba?"
"Saan pa ba kumakain?" Buwelta ko.
"Pero hindi ganoon pagkakarinig ko,"
"Ano?"
"KTV bar daw sila."
"What?"
"Puro mga babae naman sila at dalawang lalaki lang,"
"Kahit na. Ano ba ginagawa sa KTV kakain, iinom alak, kakanta tapos..."
"Teka, teka, teka."
"Hindi, Cedric. Lalaki ka at nagagawa ang gusto mo kapag may nais kang babae."
"Oh god, hindi ako ganoong tao. Napakaseryoso ko kay Reign."
"Talaga?"
"Nagbago na ako,"
"Pero sabihin na nga natin nagbago tayo pero paano 'yong ibang lalaki? Paano kung may gawin siyang masama sa asawa ko?"
"Relax, ako nang bahala. Tawagan kita kung saan sila magpupunta saka ka sumunod."
"Fine,"
"Relax, Erdem. Kung may tiwala ka sa kanya tibayan mo lang ang pagtitiwala. Baka iyan pa maging dahilan ng away niyo mahirap na."
"I know," I sigh.
"Paalis na sila susundan ko."
"Sige pero huwag mo muna ibaba ang cellphone,"
"Sure," ilan minuto niyang pagdrive nagsalita ito.
"KTV bar malapit sa Oxel Garmet."
"Sige alam ko na 'yan."
"Kukuha yata sila ng VIP room,"
"Sundan mo kung saan room,"
"Sige," maya-maya may kausap itong lalaki. "Erdem, babalikan kita may kakausapin lang ako ha."
"Sige."saka pinatay nito ang kabilang linya.
Maya-maya lang din tumatawag ito.
"Alam ko na kung saan room nila. Lumabas lang ako kasi maingay sa loob."
"Please, gawin mo kung ano nararapat."
"Babalik na ako sa loob. Katabing VIP room ko lang sila pero huwag ka mag-alala rinig ko mga boses nilang lahat."
"Iyong ginagawa?"
"Don't worry kinausap ko isang staff dito at humingi ako ng isang monitor para mapanuod ginagawa nila sa loob. Sige papasok na ako baka kinakabit na monitor."
Binaba ko kaagad ang telepono.
"Sir ready na po last meeting natin."
"Susunod na ako," paglabas niya inayos ko lahat ng papeles at pinatay ang ilaw. After nito diretso na ako sa conference room.
Medyo ginabi kami ng husto. Alas-sais pumasok sa room, alas-otso na tapos. Sumasakit ulo ko dahil ang daming intindihin plus sumabay pa itong sa asawa ko.
"Sir, heto po 'yong cellphone niyo." Habang nass meeting pinadala ko na ito sa pagawaan.
"Salamat."
"May tumatawag po number diyan baka importante."
"Hay, yeah. Asahan na natin mawawala phonebook dito dahil pinagawa. Sige salamat aalis na ako."
Sa basement na ako dumiretso saka pumasok sa kotse. Bago paandarin tinatawagan ko number ni Thania pero hindi sinasagot. Si Cedric na lang tinawagan ko na kaagad din sinagot.
"Erdem, thanks god tumawag ka rin!" Kinabahan ako.
"Bakit may nangyari ba?"
"Wala, wala. Ha-ha!" Sumimangot ako.
"Ano ginagawa nila?"
"Bale apat na lang sila nasa loob at nandoon si Edward."
"On the way na ako," pinaandar ko ang kotse.
"Mag-iingat ka. Mamaya mo ako tawagan kapag nasa labas kana para masalubong kita."
"Teka lang, umiinom ba asawa ko?"
"Hay, oo."
"Fvck..."
"Mamaya na tayo mag-usap."
Pinatay ko kaagad ang cellphone at nanggigigil pinaharurot ang kotse patungong bar. Tinawagan ko siya nang marating ko ang labas.
"Tara sa loob ng makita mo ginagawa ng asawa mo," parang may kung ano na naman kumalabog sa dibdib ko.
Wala akong nagawa kung hindi sumunod at pinanuod ang monitor ng cctv sa Vip room na nirentahan ni Cedrid.
"Akala ko ba apat na lang sila?" Lumapit ito sa monitor ng cctv.
"Kadarating lang ng dalawang lalaki." Saka ko pinagmasdan ginagawa ni Thania.
Makailang ulit itong uminom ng beer hanggang sa nawalan ng balanse. Ang ikinaiinis ko binuhat siya ni Edward para maihiga sa upuan.
"Kukunin ko na asawa ko." Pinigilan akong lumabas ng room, "Anong ginagawa mo?!"
"Look," sabay turo sa monitor. Bumangon muli si Thania at uminom ng alak.
"Ano bang problema niya," tikom ko sa kamao.
"Sa palagay niyo walang problema sa Edward na 'yon. Pero asawa mo parang daig pa brokenhearted. May problema kayo?"
"Wala," iling ko. "Isa pa, anong dahilan para maglasing siya ng ganyan."
"Ewan ko sa inyo."
"Kukunin ko na siya." Hindi na niya ako na pigilan hanggang buksan ko ang kabilang pinto.
"Mr. Erdem Calilap?" Sasalubungin sana ako ni Edward pero dire-diretso lang lakad ko at binuhat si Thania palabas ng room na nagwawala.
"Ang tapang mo!" Sabi ni Cedric.
"Salamat sa pagbabantay sa asawa ko. Magkita na lang tayo bukas."
Sabay-sabay kami lumabas ng KTV bar. Sumakay sa unahan si Thania galit na galit sa akin. Tahimik ko lang pinakikinggan boses nito.
"Nakakahiya!" Padabog niyang sabi.
"Sa akin hindi ka ba nahiya?" Hindi ko na pigilang usisain ito.
"Kilala kita pero si Mr. Edward baka isipin n'on masama ugali natin mag-asawa!"
"Wala akong pakialam sa sasabihin niya. Ang inaalala ko bakit nagpakasagad ka sa inom tapos kasama mo pa siya!"
"Natural galing kami sa meet and greet nagkaayaan sa bar. Ano ba Erdem? Nakakainis kana!"
"Ganoon? Tsk, ako pa ngayon 'yong nakakainis. Ang panget kaya tingnan sa isang babae nakikipag-inuman sa hindi pa niya gaano kakilala pagkatapos sasabihin mo nakakahiya dahil baka ano isipin?"
Saglit tumahimik. Kinuha ang cellphone. Maya-maya naririnig kong humihikbi. Gusto ko siyang yakapin pero nagmamaneho ako. Hinawakan ko na lang ang kamay na hindi naman umiwas.
"Kanina pa kita tinatawagan pero nakapatay cellphone mo pagkatapos ayaw mo pa sagutin."
"Sorry, naibalibag ko kasi ang cellphone sa pader."
"Kaya nang mag-aya sila hindi na ako tumanggi. Hindi naman talaga ako sasama, eh. Ikaw may kasalanan nito. Nangako kang susunduin mo ko pero hinayaan mo lang ako!"
"Tumigil kana. Kahit na kailan hindi kita pinabayaan tuwing nagkakalayo tayo. Isa pa, kung hindi nasira itong cellphone ko sa palagay mo ba hahayaan kitang makasama 'yang Edward na iyan ha?!"
"Pero hindi mo ko ako sinundo," mariin pa rin nitong sisi kahit punong-puno ng luha ang mukha.
"Akala mo lang 'yon, Thania."
"Ano ba'ng ginawa mo ha?! Wala naman hindi ba? Ahh, hindi. Oo nga pala sinundo mo ako dahil alam mong lasing na lasing na asawa mo. Good. Napakabuti mo po'ng asawa. Salamat sa malasakit na pagsundo." Humarap sa labas at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.
"Sa tingin mo pabaya akong asawa? Sa palagay mo ba hahayaan na lang kitang nagkakaganyan? Wala ka kasing alam kaya sana nanahimik kana lang hindi ba?"
Naririnig ko pa iyak nito pero wala na akong narinig na salita mula rito. Masakit sa damdamin na ganoon pa iniisip niya sa akin. Paano na lang itong effort kong ipasundan siya sa mga kaibigan ko para lang huwag siyang mabastos o mapangtripan ng ibang lalaki. Useless nga ba itong pagmamahal ko sa kanya kung isipin niya parang walang kuwenta?
NATULOG kami pareho ng masama ang loob. Sabi nila masama raw na ganoon gawain. Parang ito pa magiging dahilan para masira ang matagal na pagsasama.
"Good morning," bati ko ng dumilat mata niya. Niyakap ko ito saka hinalikan ang noo.
"Bumangon kana papasok ka pa," mahinang paalala.
"Nagpaalam ako kay Sekretarya. Maghapon lang tayo mahihiga rito." Imbes kumibo ay tumalikod sa akin.
"Love," niyakap ko. "Sorry."
Pababain ang pride. Ganyan sana. Hindi 'yong magpapataasan kayo.
"Inaantok pa ako,"
"Sige matulog ka pa," halik ko sa batok. Tumihaya ako. "Gusto ko sana mag-beach tayo. Sasakay sa speed boat. Maglalakad sa dalampasigan. Kakain ng maraming pakwan. Gusto ko lahat ng 'yon mangyari na kasama ka."
"Sa palagay mo kailangan natin ng kaonting bakasyon?" Muli kong usisa.
"Bahala ka,"
"Baka sakaling makabuo tayo sa bakasyon iyon. Kung mangyari man palagi na akong uuwi ng maaga para alagaan ka at ng magiging baby natin."
"Mabuti,"
"Love, tingnan mo ako. After natin magbakasyon hindi na tayo maghihiwalay."
Humarap din sa akin, "Talaga lang ha?"
"Oo naman," haplos ko sa pisngi. "Pangako rin hinding-hindi na ako magseselos sa Mr. Brown na 'yon."
"Eh sa iba panglalaki?"
"Hindi na rin,"
"Paano naman 'yong writing tips business pipigilan mo pa rin ba ako?"
"Uhm, gusto mo 'yan eh. Saka susuportahan na lang kita kung saan ka masaya."
Hinawakan magkabilang pisngi ko, "Sayo ko lang nahanap ang tunay na saya, Erdem ko. Nakapagdecide na ako. Hindi ako tutuloy sa business ni Mr. Edward. Okay na 'yong joint venture para sayo rin naman 'yon."
"Sure ka?"
"Oo, sure na sure. No regret. Wala sa vocabulary ko mailagay sa books mga gawa kong kuwento. Masaya akong maisagawa 'yon dahil doon ako masaya. Kahit paano nawawala alalahanin sa buhay."
"Payag kana?"
"Oo nga,"
"Hindi,"
"Eh ano?"
"Payag ka ba umalis tayo para makapagbakasyon. I want baby." Nguso ko.
"Ha-ha, game. May sasabihin din ako sayo pagdating natin doon."
"Hindi ba puwede ngayon na?"
"Puwede kaya lang desisyon ko ito,"
Napahawak ako sa dibdib, "Kinabahan ako. Good news ba 'yan?" Ngumiti.
"Oh my god, please. Huwag mo sabihin..." pinigilan labi ng kanyang hintuturong daliri.
"I love you, Erdem." Sabay halik sa mga labi ko.
"Mas mahal kita!"
"Pero mas mahal kita, eh."
"Hindi mas na mas na mas mahal kita!" Pamimilit ko.
Sa inis na halikan ko ang kanyang labi. Ayoko talaga sa lahat 'yong pagpipilitan ang kanya.