"Ugh, wait lang."
"Bakit?"
"Mamaya naman,"
"Ayoko,"
"Erdem, ang dami ko pa tatapusin."
"Eh di mamaya mo tapusin. Ako muna pansinin mo."
"May ginagawa ka sa laptop mo hindi ba?"
"Makakapaghintay 'yon,"
"CEO kana, Erdem. Pinagkatiwala sayo ni Kuya Tolits 'yan kahit nandito ka sa bahay ng isang buwan. Mabuti pinayagan ka tapos..."
"Tama na sermon," yumakap. "Isang round pa."
"Nakailan na ba?"
"Dalawa pa lang,"
"Pa lang? Seryoso, papatayin mo ba ako?"
"Hindi. Sa katunayan lalo ka nga nabubuhay kapag----"
"Pssst---- ang ingay mo."
"Walang makaririnig."
"Sige ganito na lang, tapusin mo yan tapos saka tayo alam mo na."
"Sure ka?"
"Oo, tapusin muna lahat bago ligaya."
Hinalikan ko sa pisngi, "Sure basta maging tapat ka sa iyong pangako."
"Hay, naku. Possessive."
"Tama talaga sinabi ni Cedric, eh. Kapag nagka-asawa kana hahanap-hanapin mo na tapos anytime, anywhere puwede gawin na walang magagalit."
"Oo na. Paulit-ulit ka naman."
"Basta, ah?"
"Opo, kulit."
Ganito palagi eksena sa bahay. Ewan ko ba at bakit tumutugma sa mga sinabi ni Cedric na kapag nagkaroon ka ng asawa parang palagi kang nasasabik. Kumbaga walang pinipiling araw, at lugar basta kapag ginusto dapat gawin.
"Love, nakausap ko si Kuya Tolits tungkol doon sa property niyo sa Davao. Totoo naghahanap ka ng bagong buyer? Akala ko ba okay 'yong ektarya sa Batangas?" Minsan tanong niya habang abala kami nakatutok sa laptop niya at ako ay sa tablet.
"On going na sa Batangas. I mean marami nagka-interest pero syempre 'yong broker na may hawak doon ang magdedecide."
"Magkano na benta?"
"Ayos lang sa kailangan natin,"
"Doon sa Davao?"
"Iyon na nga hindi ko basta ibebenta 'yon dahil kahit paano may ala-ala sina Mommy doon."
"Parentahan mo na lang,"
"Mas lalong ayoko magkaroon ng long term leasing agreement sa taong interesadong rumenta."
"Eh ano plano mo?"
"Joint venture,"
"Aba, maganda rin 'yan. Mas malaki ang kikitain ko kung sakali. Kapag hindi naman kumita, wala ring mawawala sa iyo dahil hindi ka naman maglalabas ng kapital,"
"Nadala na kasi ako sa ganyan. Kahit pa may kasulatan, walang kasiguraduhan."
"Ano nga ba gagawin niya ektarya?"
"Apparently, may ilang ektaryang lupain si Mr. Brown. He decided to go into herbs and spices planting. May orchidarium din siya na gustong palakihim so definitely ganoon din gagawin niya sa lupain ko."
"Malaking negosyo iyon," komento niya.
"It is. Proven successful ang venture nila. Kahit sa local market ay in demand ang mga herbs and spices na itatanim nila. Kinukulang siguro sila ng supply kaya nag-e-expand na sila. Balita ko kasi marami silang natatanggap na order mula sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Kaya they do no want to risk buying hectares of land just yet."
"Wise decision,"
"Oo naman. Sa tingin ko, ngayong nasa trial stage sila ay puwede tayo mag-demand for a joint venture dahil ideal ang location ng lupa ko. Mas malapit sa city kumpara sa pinagtataniman nila ngayon. Kapag pumayag sila sa joint venture na gusto ko at naging successful iyon, then I can decide if I want to do business with them later on--- or sell them my land at a much reasonable price. What do you think?"
"Pero sabi mo ayaw mo ibenta ang lupain mo? Sa palagay ko nga ay hindi ka interesado makipagsosyo nang long-term,"
"Pero ikaw kung ano ba mas magiging okay susuportahan kita,"
"Ganito ako na lang makikipag-usap kay Mr. Brown. Kailangan mo na kasi ng pahinga."
"Sinabi mo pa," nag-unat ako ng katawan.
"Anong oras meeting niyo?"
"Paano mo nalaman may meeting kami?" Duda ko.
"Sabi ni Kuya,"
"Ah, alas-diyes."
"Okay, I will go. Ikaw na muna bahala sa ibang gagawin para matapos mo kaagad." Madaling tumayo ito at pinatay ang laptop.
"Sandali," huminto. "Sigurado ka ba ikaw gagawa niyan?"
"Nasabi mo na lahat tungkol kay Mr. Brown saka kasama ko ang lawyer natin."
"Kaya mo ba? Ihahatid na kita,"
"Susunduin ako nila Kuya at Diane. Diyan kana lang. Uuwi rin kaagad ako kapag tapos na meeting." Humalik ito pagkaraan ay pumasok ng kuwarto.
Maya-maya lumalabas ito suot ang formal na damit kapag may meeting. Humalik ito saka nagpaalam dahil malapit na sina Kuya tolits sa bahay namin. At para hindi mabagot sa asawa ko ay tinapos ko kung ano dapat tapusin para pagdating niya loving-loving na lang kami.
PAGPATAK ng alas-dose wala pa rin siya. Tinatawagan ko pero hindi sinasagot. Kay Sekretarya ako tumawag para sigurado.
"Sir, wala pa ho si Mr. Brown ang pagkakasabi sa huling tawag mga five o'clock pa sila makakapunta. May emergency lang."
"Nasaan si Thania?"
"Nasa office niyo po may kausap na ibang official. Kapag natapos sila sasabihin kong tumawag po kayo."
"Okay,"
Reasonable naman 'yong emergency. So hindi ako maiinis ng sobra baka kaonti lang dahil mag-isa lang si Thania sa opisina ko. Ilang oras pa siya maghihintay at hindi ko 'yon inaalala dahil mukhang malilibang din ito sa mga meetings na mayroon ngayong araw.
Ang dahilan kung bakit work from home ako ngayon dahil madalas akong nahihilo. Sa pag-aalala ng asawa ko ay dito niya pinagagawa lahat ng appointment. Nag-presinta siya na gagawa nito parang ako nahiya. Mabuti pa siguro after kong matapos lahat susundan ko siya nang makilala na rin personally si Mr. Brown.
FOUR-thirty ng hapon na tapos ko lahat. I will decided magpunta sa office since maya-maya lang darating si Mr. Brown sa opisina. Mas mainam 'yon para makaharap ko rin siya. Five-thirty narating ko ang opisina pagpasok dinig kong nagsalita 'yong isang lalaki.
"Maaaring sumabay kayo sa amin dinner ni Atty. Chan if you want?"
Pansin kaagad ni Thania pagdating ko kaya lumapit sa akin.
"Mr. Brown, this is my husband Mr. Calilap." Pagpapakilala sa akin.
"Nice meeting you, Mr. Calilap," nagdaupang palad kami.
"Same too you, Mr. Brown." Nakangiti kong tingin sa asawa ko.
"Kumusta usapan niyo?"
"Maupo tayo," simula ng asawa ko, "Pumayag si Mr. Brown sa plato natin, hindi ba Mr. Brown?"
"Yes, Mr. Calilap. Actually, ino-offer ko na sa kanyang magbigay ng advance...alam mo na pabayad."
"Hmm, I see, alam ko naman na gusto niyo makatulong pero sa ngayon hindi pa kailangan since ang tagal na pabayaan ang ektarya na 'yon marami pa aayusin at lilinisin." Komento ko.
"Wala magiging problema about that. Marami akong tauhan para asikasuhin 'yon. Kung gusto niyo mag-asawa puwede natin pasyalan sa ibang araw ang ektarya ng makita ko kung ano babaguhin."
Nagkatinginan kami ng asawa ko, "Sa palagay ko walang problema sa asawa ko." Komento ni Thania.
"Yeah, on the other day puwede kami." Payag kong sabi.
"That's great! So, invite ko kayo sa dinner ng makapag-usap pa tayo ng matagal-tagal."
"Sure." Inunahan ko si Thania sumagot.
Gaya ng nais ni Mr.Brown kumain kami sa restaurant ngunit hindi kasama si Atty. Alvarez dahil may pupuntahan pa itong kliyente na available lamang sa gabi.
"Mrs. Calilap..."
"Thania na lang, Mr. Brown." Pakiusap ng asawa ko.
"Edward na lang din itawag mo sa akin," tumingin sa akin, "May I know your name, Mr---"
"Erdem." Walang gana kong tugon.
"Oh, nice," Tumingin muli kay Thania. "Nabanggit sa akin ni Atty. Alvarez gumagawa ka raw ng novel?"
"Oo pero baguhan pa lang," tugon ni Thania.
"Iyon talaga hinahanap kong manunulat mga baguhan. Hindi niyo na tatanungin mayroon kami ibang business para sa mga gaya niyong baguhan pa lamang sa pagsusulat ng kuwento. Kung hindi mo mamasamin puwede kita isama sa business na 'yon?"
"Ah naku, libangan ko lang iyon. Wala naman ako balak magpa-published sa aklat."
"Sayang, malaki income kung sakali lalo kung marami kana matutunan sa training namin." Tumingin sa akin, "Mukhang payag naman si Mr. Calilap para sa bago mong oportinidad.
Tsk, hindi ko gusto pero dahil may business tayo wala akong magagawa kung hindi pumayag.
"Ayos lang," hawak ko sa kamay ni Thania, "Love, magandang may training ka pagdating sa pagsusulat." Pasimple kong sinamaan ng tingin si Edward dahil kung todo ngiti sa asawa ko.
"Okay susubukan ko. Wala naman sigurong mawawala."
"Tama. Walang masama kung susubok ka ng bagong gagawin nang hindi ka mainip sa bahay kahihintay sa akin." Huling komento sabay ismid kay Edward na nakikipag-usap sa Attorney niya.
"Ipasa ko sa email mo 'yong form." Lingon nito sa asawa ko.
"Sure." Masayang inom ni Thania sa tubig pero pansin kong may something ang Mr. Brown sa asawa ko.
"NAGSESELOS ka??" Puno nang tawa ang bahay namin matapos kong umamin na hindi ko feel makipagkaibigan sa Mr. Brown na 'yon.
"Sige ulitin mo pa,"
"Ha-ha! Anong kaselos-selos doon? Mas guwapo ka, matalino, at...mahal ko. Huwag ka nga."
"Eh sa ganoon nararamdaman ko,"
"Para ka naman bata, eh." Iiling-iling nito. "Now you know kung ano feeling na nagseselos."
"Wala naman kasi magandang dahilan para magselos sa mga babaeng nakakasama ko," tanggol ko pa sa sarili.
"Akala mo lang kasi wala pero mayroon. Sa guwapo mo lahat nang babae sa opisina hinahangad na sana pansinin mo. Iyon nga lang sorry sila ako na asawa mo."
"Ha-ha!"
"Tawa ka riyan,"
"Nakakatawa kasi,"
"Pinagtatawan mo ako ganoon ba?"
"Hindi 'yon. I mean nakakatawa dahil marami pala babae nagkakagusto sa akin sa opisina hindi ko alam."
"Malamang kasi nga sa akin lang nakatutok 'yang mata mo," kindat nito.
"Hindi lang 'yon dahil sa iyo lang ang puso ko," yakap ko.
"Kinikilig ako,"
"Ako rin,"
"Gusto mo mag-dinner?"
"Seryoso katatapos lang natin kumain kasama nila tapos gutom ka na naman?"
"Ginusto ko ba mag-dinner na iba kasama natin? Of course, ikaw lang gusto kong makasama."
"Hmm, ganoon. Sige kain ulit tayo at saka mo patunayan sa akin na talagang kinikilig ka."
"Gusto mo patunayan ko?" Hamon ko.
"Paano?"
"Sa kuwarto ko ibibigay 'yong sagot." Marahan kong halik sa labi nito bago buhatin papasok ng kuwarto.
DUMATING ang araw na ipinasyal namin sina Mr. Edward Brown sa Davao gamit ang helicopter.
"Ang akala ko fake news na malapit sa highway itong lupain niyo," hangang sabi nito habang pinagmamasdan ang buong paligid.
"Matanda na tayo dapat nagpapaniwala sa fake news," komento ko.
Sumeryoso mukha, "Tama ka. Nakasisira ng buhay ang mga bagay na fake news. Thania, if you want ikutin natin itong lupain niyo." Susunod sana ko sa dalawa ng humarang si Atty. Chan.
"Mr. Calilap, sinabi nga pala ni Mr. Brown kung maaari bukas na bukas magpirmahan kayo sa kontrata and sana bukas din maumpisahan nang malinis ito."
"Walang problema ipapaayos ko kaagad kay Atty. Alvarez mga kakailanganing papeles," kina Thania lang nakatuon paningin ko.
"At isa pa," hatak sa braso ko patalikod sa puwesto nila Thania. Hindi ko naunawaan mga sinabi nito dahil kahit anong pilit kailangan kong bantayan 'yang Mr. Edward na 'yan dahil pakiramdam ko may interest siya sa asawa ko.
Sa mahabang usapan, at mahabang byahe pauwi sa Manila ay tahimik lamang ako. Hindi ko n gusto ang nangyayari. Ultimo wala akong masabi sa dalawa dahil puro about writing tips ibinibigay sa asawa ko.
"Love, anong iniisip mo kanina ka pa walang kibo." Bulong niya nang magpaalam sina Mr. Brown at Attorney Chan.
"Pagod lang ako, let's go." Matabang kong tugon.
Napapahigpit hawak ko sa manibela habang pauwi ng bahay. Gusto kong bawiin lahat para mawala sa buhay namin si Edward pero paano? Iatras ko na lang kaya itong deal with Mr. Brown para manahimik itong damdamin ko. Puwede, puwede rin habang wala pang pirmahang magaganap.
"What if iatras ko ang deal with Mr. Brown?"
"Bakit?" Interesado nitong tanaw.
"Nagbago na kasi isip ko. Ayoko nang gawin kung ano plano natin. Maybe hayaan ko muna nakatengga 'yong lupain."
"May problema ba?"
"Wala. Wala."
"Tell me, kilala kita Erdem. Sa mata mo pa lang alam kong may prinoproblema ka. Akala mo yata hindi ko napapansin ang pananahimik mo. Ano ba talaga problema?"
"Wala,"
"Wala kang dahilan puwede ba 'yon? Puwede ba 'yong umatras ka sa matinong usapan?"
"Why not? Karapatan kong umatras hanggat walang pirmahang nagaganap."
"Pero bakit nga??" Pinili kong manahimik na lang sa huli nitong tanong.
Matamlay na may halong inis akong nahiga sa kama pagkarating namin sa bahay.
"Ano ba talaga problema, Erdem?!" Padabog niyang hagis sa bag.
"Tuwang-tuwa si Mr. Edward sa lupain natin. Alam mo ba na puwede maging forty-sixty ang hatiian natin ha?"
"Wala akong pakialam kung fifty-fifty pa," bumaliwas ako, "After natin iatras itong deal ititigil mo na rin sa pagsali sa business niya about writing tips. Ayoko na magkaroon ka ng negosasyon sa taong 'yon."
"Sinasabi ko na nga ba,"
"What?"
"Nilamon ka nang selos,"
"No,"
"Tanggi ka pa eh halata naman. Sino ba matinong tao makikipag-deal tapos aatras. Malamang may matindi kang dahilan at ang selos 'yon."
"Kapag ba sinabi kong nagseselos ako papayag ka nang umatras?" Hamon ko.
"Not valid reason. Kung palagi mo paiiralin ang selos malamang wala ka talagang mabebentang lupa at sa huli kompanya mo na naman ang magkakaproblema. Sige, tatawagan ko si Mr. Brown sa naging desisyon mo. Bahala ka na rin gumawa ng paraan hindi na kita tutulungan."
"Bakit nagagalit ka?!" Tumaas boses ko.
"Bakit nga ba?"
"Thania, please kung makikipag-away ka huwag ngayon."
"Dahil sa nagseselos ka kaya lahat ng plano mababalewala."
"Please,"
"Mabuti sana kung may mahahanap kaagad tayong buyer. Look, nasa harap na natin ang sagot paminsan-minsan lunukin mo naman 'yang pride mo!"
"Sa ganito ba hindi ko pa ba pride lumulubog ha?"
"Iniisip mo lang 'yan dahil nagseselos ka,"
"Ano gusto mong gawin ko? Hayaan kita na makasama 'yang Mr. Brown ha?"
"And why not? Wala kaming ginagawang masama baka sa isipan mo mayroon."
"Shut up,"
"Shut up din!" Duro sa mukha ko, "Tapos na 'tong usapan na 'to. If you want sige ikaw na lang kumausap sa kanya since ikaw naman itong nagdesisyon para sa sarili mo."
Iniwan niya kong masamang-masama ang loob.
Sa inis ko ay kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Mr. Edward Brown.
"Good evening, Mr. Erdem Calilap. May nakalimutan ka ba sabihin kanina?"
Fvck.
'Mabuti sana kung may mahahanap kaagad tayong buyer. Look, nasa harap na natin ang sagot paminsan-minsan lunukin mo naman 'yang pride mo!'
'If you want sige ikaw na lang kumausap sa kanya since ikaw naman itong nagdesisyon para sa sarili mo.'
Sunod-sunod at paulit-ulit rumerehistro sa utak ko mga sinabi ni Thania. Saka ko lang kasi na realize mali pa lang pairalin ang nararamdaman kaysa sa mahuli ang lahat.
"Hello, Mr. Calilap. Nandiyan ka pa ba?"
Ginising ko ang sarili sa ilang beses na pag-ilang.
"Yes, sorry kung naka-istorbo pa ipapaalala ko lang sana tungkol sa MOA mayroon akong copy na isesend sa inyo sa email."
"Ah sure check ko. Mayroon ka pa ba sasabihin?"
"Nothing." Sabay patay ko sa telepono.
Go Erdem, at dahil pinili mo ang kapakanan ng kompanya palagi ka kokonsensiyahin ng nararamdaman mo. Good luck sa maikling pasensiyang i-a-attached sa kanya in long term.