Kabanata 8

2060 Words
"Baby, Erdem." Mapanuksong pasok ni Cedric sa opisina ko. "Anong kailangan?" Abala ako sa pagpirma ng nga papeles. "Here," lapag sa isang papel. "Humanap ako ng broker para mabenta kaagad property mo sa Batangas. Ayos lang ba kung hindi buo makukuha mo?" "Okay lang. Habol ko lang naman diyan 'yong kalahati para pandagdag sa shares ng company." "Bakit kasi hindi mo tanggapin inaalok kong tulong? Hihintayin mo pa ba matapos itong buwan bawas lahat ng properties niyo?" "Salamat sa tulong pero okay na 'to. Minsan huwag tayo dumepende sa ibang tao para matutong tumayo sa sariling mga paa. Ngayon pa ako na CEO ng kompanya." "Iba kasi mag-isip din itong si Professor Tolits. Kaagad-agad binitiwan ang tungkulin para makapag-focus sa pagtuturo." "Doon siya nagiging masaya." "At ikaw bago ikasal stress na stress baka after one year wala pa rin kayong anak ni Thania dahil abalang-abala ka sa mga sagutin dito." "Napag-usapan na namin 'yan. Actually sinimulan na namin." "Bumuo??" Tila interesadong lapit. "Ayos 'yan kahit paano may aasahan kang makakabuo kaagad kayo. Hihintayin ko isang buwan basta tandaan mo Ninong kami. Hmp, hindi pa nga tayo nakakapag-usap tungkol sa problema mo n'on. Bakit kasi naglihim ka!" "Ito 'yong dahilan kung bakit ayoko magsabi sayo kasi magagalit ka. Mainam na din hindi mo nalaman dahil kung 'Oo' baka lalong gumulo." "Ang sama mo sa akin, ano?" "Medyo lang," "Bukas kana ikakasal baka puwede mamaya gawin na natin 'yong bachelor's party. May inihanda akong masaya!" "Naku, baka naman..." "Tayo-tayo lang huwag ka mag-alala. You're the last couple in the bar so this day should be special. Just trust no female involved here." "Siguraduhin mo lang," "Ako pa ba? Ano? Later sa condominium ni Peps." Alangan kong tiningnan, "Sigurado ka ba na tayo lang??" "Planado na ito. Alam ni Thania gagawin natin kaya pumayag kana. Ano wala ka man lang malasakit sa effort namin ganoon?" "Oo na sige na grabe kung mangonsensiya." "Magkita na lang tayo mamaya! Ha-ha." Binatukan ako saka lumabas ng opisina. Medyo kinakabahan ako sa parteng 'yon. Kapag bachelor's party panigurado may babaeng involve. Jusko, baka malaman ni Thania kapag nangyari iyon walang kasal na magaganap bukas. Kailangan bago pa magsimula 'yong party ipapaalala ko sa kanila ang dapat at hindi dapat. WALANG tigil pag-vibrate ng cellphone ko. Tatapusin ko lang itong pipirmahan and diretso na sa condo ni Peps. "Planado na lahat baka umatras ka pa," "Easy, Cedric. Masyado pa maaga para isagawa 'yong party. Tatapusin ko lang ito then I'm going there." "Good! So hihintayin ka namin. Memorize a condo passcode so if you ever come in then just go." "Wait sino sa atin mauunang dumating ha?" "Kami of course." I sigh, "Fine. Kabisado ko passcode ng condo. See you later. Sana wala masamang mangyari." Huling wika ko ng ibaba ko ang cellphone. TAMBAK ng papeles itong table ko. Halos mangawit ako sa pagpirma. Sa totoo lang may stamp nang prepared pero pinili kong manu-mano mabuti na sigurado. Itinapat ko ang susi sa kotse bago tumunog at sumakay dito. Nakatanggap ako ng message mula kay Thania na mag-enjoy lang daw ako dahil siya raw ay susulitin ang gabing kasama ang mga kaibigan nito. Good job, Thania. Bukas na bukas after natin ikasal akin kana at dapat sa akin kana babagsak hindi sa kanilang lahat. I'm right next door to the condo. I pressed and opened it. Quiet all around. It was so deep that my chest was pounding in terror. May bumukas na spotlight na kulay asul sa magkabilang gilid. Ganoon din sa sumunod pang gilid na kulay pula at ang huli kulay green na tumama sa malaking cake. Maya-maya may instrumental na umalingawngaw sa katahimikan ng condo. Dahan-dahan gumalaw ang cake at iniluwa nito ang isang babae na naka-bikini. May suot na maskara habang giling nang giling papalapit sa akin. Ridiculous! Late na yata. Kasama sa planong may sasayaw sa mismong harapan ko. Humawak ito sa balikat ko habang giling nang giling pinapaikutan ako. "Magkano binayad sayo ng mga kaibigan ko babayaran ko ng doble umalis ka lang sa harapan ko," tiim bagang kong utos. "Sorry binayaran nila ako para sumayaw lang dito huwag ka masyadong takot sa magiging asawa mo," patol sa akin. "Triple kitang babayaran lumayas ka lang!" Huminto sa paggiling saka inilahad ang palad. "Bigay mo na bilis may raket pa kong susunod. Hays, bakit ba pumayag pa ako rito sumama kung hindi ko man lang nagamit ng matagal talent ko." Patuloy nitong daldal habang inabutan ng pera. "Alis." Inis kong utos. "Aba, mayaman ka nga talaga. Puwede na ito." Sabay labas ng condo. "Bakit mo pinaalis 'yong babae!" Tarantang usisa ni Cedric. "Usapan natin walang involve na ibang babae hindi ba?" Sarkastikong usisa ko. "Hindi magiging masaya kung wala man lang chicks kahit isa. Ang killjoy mo naman, Erdem." Sabat ni Peps. "Alam ba ng mga asawa niyo ito ha?" "OO." Siyang lapit ni Zayn sa puwesto ko. "ZAYN! Kailangan ka pa dumating?!" Suntok ko sa dibdib niya. "Kanina lang," "Si Roselle?" "Nandoon kasama ng bride to be." Bumukas ang ilaw ng condo. Pansin ko ang mga lobo sa sahig at kung anu-anong picture namin apat na magkakasama. Lumapit ako sa ibang litrato medyo nalungkot ako ng makita ang iba namin kaibigan na namatay. "Sabi ko huwag na ikabit ito dahil masisira moment ni Erdem, eh." Bulaslas ni Zayn ng takpan litrato naming walo. "Ayos lang," tahimik kong binasa ang nakadikit sa pader. "GROOM TO BE." "Hindi ito burol, guys!" Sabay patugtog ni Cedric ng malakas. "Kampay!" Sigaw ni Peps. "LAST SHOT BEFORE THE KNOT." abot ni Zayn ng isang wine glass. Sabay-sabay namin tinaas ang wine glass at isinigaw ang 'Last shot before the knot!!!!' NAALIMPUNGATAN ako dahil may nagpatong ng paa sa mukha ko. Muling bumalik ang ala-ala ko sa mga nangyari kagabi. Apat lang kaming uminom at inubos lahat ng alak na nasa table. Sa hitsura nila mga lasing na lasing. Si Peps, nakadapa sa sahig. Si Zayn, nakahiga sa sofa at paa pala nito ang dumantay sa mukha ko kanina. Habang si Cedric sa kuwarto nakahiga at sarap na sarap ang tulog. Kahit pupungay-pungay mga mata ko ay maigi kong inaninag ang oras sa pader. "Alas-tres...." bulong ko kinamot-kamot ang sariling pinsgi ng puwet. Lalakad na sana ako papuntang kusina ng maaalala ang oras. "ALAS-TRES!!" Bulyaw ko. Kaagad kong hinagilap 'yong cellphone. Nadaganan ito ni Zayn. Halos mapatalon ako sa kaba dahil umabot nang limang daan na missed calls mula kay Roselle, Reign, Desirie, Bebsie, at Thania. "Holy s**t!! Bumangon kayo!" Pinagsisipa ko silang tatlo pero mukhang wala pa silang ulirat dahil matatamlay ang kilos sa pagbangon. "Bilisan niyo kumilos. Isang oras na lang magsisimula na kasal namin ni thania!" "Bakit anong oras na ba?" Kakamot-kamot sa tiyang usisa ni Zayn. "My god, alas-tres ng hapon na. Alas-kuwatro kasal namin!!!" Parang may kung anong kuryente sa katawan ni Zayn para tuluyang tumayo at sipain si Peps. Ako naman ay pabalik-balik ang lakad habang tinatawagan sina Reign. "Bastard, bumangon ka riyan kung ayaw mong masira buhay ng kaibigan natin!" Patuloy na sipa nito kay Peps. Sunod pumasok sa kuwarto. "Cedric, papatayin ka ng asawa mo kapag hindi natin pinakita si Erdem sa mismong kasal niya! Bumangon kana, isang oras na lang magsisimula kasal ng dalawa!" Kaming apat ay nagkukumahog sa pagkilos. Ako na hinahagilap ang isusuot since sinabi ni Peps dinala na niya ito kahapon sa condo. Habang itong tatlo nag-aaway kung sino mauunang maligo. "Sabay-sabay na tayong lahat!" Tulak ko sa tatlo pagkaraan ay pumasok na din ako. Hinubad ko ang boxer at brief ng makita kong natulala ang tatlo sa akin. "Grabe totoo pala," tila hanggang sabi ni Cedric. "s**t, siya pa pinakabata sa atin ha!" Duro ni Zayn sa ano ko kaya tinakpan ko ng towel. "Sus, malamang. Bakit ano ba inches ng sa inyo ha?" Bulaslas ni Peps. "Mahaba rin pero...hindi katulad sa kanya na parang...parang...mamamatay sa sarap ang babae! Hahahaha!" Nagtawanan sila matapos ibuking ni Cedric ang kanilang nakita. "Ano kung mas mahaba sa akin at mataba? Importante pa ba 'yon? Alalahanin niyo future ko nakasalalay dito kung mangyaring walang kasal ngayong araw ipapaputol ko itong harap ko dahil sa kahihiyan. Mawawalan ng silbi kung iiwan ako ni Thania." "Oh siya, siya, siya tama na drama! Sabay-sabay na tayong maligo. Pambihira talaga kayo." Pinagtutulak kami ni Cedric sa tapat ng shower. "Uy, basta ha walang bakla sa inyong tatlo." Nag-aalalang paninigurado ni Peps. Sinamaan namin siya ng tingin bago lunurin sa bathtub. "ANO ba kasi pumasok sa mga utak niyo at bakit kayo nagpasagad ng inom ha?! Late kayo ng trenta minuto at dahil diyan kanina pa hindi mapakali si Thania!" Katakot-takot na sermon inabot namin kay Reign at Roselle. Magkakahelera kaming nakaharap sa dalawa. Parang mga maamong tuta na gustong humingi ng tawad. Natatanaw ko papalabas si Thania. Kahit hindi ko makita mukha nito dahil sa belo paniguradong ang ganda-ganda niya. "Ang bride ko....." halos mawalan ako ng ulirat sa ginawang pagbatok ni Reign sa ulo. "Tama na day dreaming pumasok kana sa loob para masimulan na ang kasal," Kakamot-kamot kong tinungo ang loob. "At kayong tatlo, dito lang kayo. Ayusin niyo lakad ha kung hindi sisipain ko mga ano niyo!" Ha-ha, huwag Reign lamang na nga ako ng ilang inches sa kanila tapos sasaktan mo pa. Huwag ganoon. "Kung kailan importanteng araw saka ka mahuhuli." Pasimpleng bulong ni Kuya Tolits. "Sorry, sobrang lasing na lasing, eh." Natatawa ko pang sambit. "Anong nakakatawa roon, ha? Alam mo ba ibig-ibig nang umuwi ng magiging asawa mo dahil akala niya hindi mo sinipot? Goddammit, Erdem." "Oh, nasa simbahan tayo tapos nagmumura ka?" "Damn you, Erdem. Huwag ka mag-isip na parang bata. Nasa tamang edad kana para magseryoso and ito ang tamang araw at oras para namnamin ang bawat sandali. Look her face, napakaganda niya tapos pinaghintay mo ng kalahating oras." Sige kuya magsalita ka lang nang magsalita importante si Thania papalapit na nang palapit sa akin. Masama tingin sa akin ni Papa, ang Daddy ni Thania. Ihahabilin nito ang kamay ng anak nang magsalita pa. "Bakit kasi kailangan mag-bachelor's party pa." Pigil na pigil sa galit. "Pa...relax. Nandito na siya, kinukuha na nga kamay ko pero ayaw mo pa bitiwan." Sabi ni Thania sa kanyang Dad. "Anak, may konting minuto pa para umatras." "Papa naman, eh." "Baka saktan ka lang nito," masamang tanaw sa akin. Nagmano ako, "Papa, ako nang bahala kay Thania. Iingatan ko siya at pakamamahalin." "Aba't dapat lang..." "Papa, umupo kana nga sa puwesto mo masyado na tumatagal exposure mo sa kuwento, eh." Sabay kami nagtawanan tatlo. Maingat kong inalalayan ito palapit sa dalawang upuan. After ng mahabang seremonya masaya kaming sinalubong ng mga kaibigan at kamag-anak sa labas ng simbahan. "I love you, Honey my love so sweet." Pagkakasabi ko nang malakas. "C'mon mamaya na 'yan ngumiti ka sa harap nilang lahat dahil mamaya mag-aaway tayo." Halatang pekeng-peke ngiti niya. Ilang sandali nga lang at maaari na itong manakit. "Ano ba 'yan kakakasal lang natin away kaagad?" "Bakit sino ba sa atin nakagawa ng pagkakamali ha..." napakagaling nitong umarte na akala mo sweet sa akin. "Ako. Wala naman tumanggi pero sana huwag tayo mag-away ngayon ha? Kahit bukas na lang kasi unang gabi natin mamaya bilang mag-asawa gusto ko maging memorable." "Hayaan mo, magiging memorable ito." "Eh di mabuti. Yes, tara na sa reception para makapunta kaagad sa honeymoon stage." Kinurot ako sa tagiliran. "Umayos ka nga at huwag pahalatang atat na atat sa kama." Pinandidilatan ako ng mata. "Oh, bagong kasal lang nag-aaway kaagad?" Gusto ko sana taguan si Kuya pero mukhang hindi ko magagawa. "Kaasar kasi itong kapatid mo. Sa dinami-rami puwede kalimutan mismong kasal pa namin." Busangot nito sa kuya ko. "Sus," hinimas ulo ng asawa ko, "Maraming beses pa darating sa buhay mag-asawa na mag-aaway dapat sanayin mo na." "Puwede bitiwan mo buhok ng asawa ko. Uunahan mo pa ako mag-touch diyan, eh." Todo kong busangot. "Ngayon lang ako nakakita ng Bride at Groom na imbis nakangiti hindi maipinta ang pagmumukha." Si Diane. Pasimple akong sumulyap sa asawa ko. Baka kasi kung ano na naman maging reaksyon. Isa pa, alam niyang hindi ko ito inimbita kundi si Kuya mismo. "Ah, Diane sorry for what----" "Its okay, Thania." Sabay sabit sa braso ng Kuya ko, "Magiging mag-bilas tayo soon." Nagkatinginan kami ng asawa ko, "Ang ibig sabihin..." hindi ko matuloy-tuloy na sasabihin. "Next year ikakasal na kami." Seryosong pag-amin ni Kuya. "Haha, thats good. So paano my future bilas." "Pasok na sa kotse mukhang kanina pa atat na atat si Erdem sa honeymoon niyo." "Kung puwede lang huwag na kumain diretso sa penthouse na." Gigil kong piniga pisngi ng asawa ko. "Erdem, relax. Pasasaan ba at doon din ang punta. Tara na sa reception kailangan niyo ng lakas para sa mahaba-habang chukchakan." Aba, saan nakuha ni Kuya Tolits ang salitang 'yon? s**t, kung may makarinig na estudyante sa kanya panigurado hindi siya gagalangin ng mga 'yon. ( AUTHOR'S NOTE ) AY SORRY. NAKALILIMUTAN KONG LAGYAN NG SPG ALERT ANG CHAPTER. SA MGA BATA PA RIYAN HUWAG PO TULARAN. MARAMING SALAMAT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD