"Ibili mo ko ng bulaklak saka malaking teddy bear 'yong color blue kahit mahal basta madala mo sa akin bago matapos ang work hours."
"Masusunod iyon lang po ba?"
"Oo."
"Mauna na po ako." I nodded bago buksan ang laptop. Hindi rush hour kaya may oras para makapag-f*******:. Unang bumungad sa newsfeed ko 'yong picture nila Thania at Kuya Tolits.
Crop.
"Buwisit..." hampas ko sa table. "Bakit si Kuya pa?" Napindot ko 'yong angry react. "Holy s**t!" Papalitan ko sana ng like na lang pero may pumasok para magpapirma.
"Sir Erdem."
"Yes?" Hinahanap ko sa newsfeed 'yong post pero hindi ko na nakita.
"Nandito si Ma'am Thania."
"Ano?" Matapos nun iniluwa ng pintuan si Thania. Wearing white dress na mahabang manggas. Kulot ang mahabang buhok.
"Labas na po ako." Nakasimangot kong tango bago isara pinto.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Para sa Kuya Tolits mo. Nandito ba siya? May lakad kami today."
"Boyfriend mo pero hindi alam kung nasaan?"
"Kaya nga nagtatanong hindi ba?"
"Hindi ako tanungan ng nawawalang tao! Get lost!" Sa galit ko na hampas ko na naman ang table may kasamang stand up.
"Bakit ba ang init ng ulo mo? Hindi ba puwede maging masaya kana lang dahil hindi na kita guguluhin? Hindi ko na isusumbong kay Bebsie na niloloko mo siya?"
"Puwede ba Thania..."
"Nagbago na ako at si Tolits na mahal ko. Sabihin natin sobrang bilis pero ganoon nga talaga kapag nasaktan pipilitin magbago at kalimutan ang nakaraan."
"Walang nagtatanong. Umalis kana kung maaari lang."
"Aalis akong nakataas ang noo. Kapag ikinasal na kami ni Tolits dapat respetuhin mo na ako at ituring na Ate." Tuluyan na itong lumabas ng office. Nadampot ko mga papel sa ibabaw ng lamesa saka itinapon sa kung saan.
Ano ba nangyayari sa akin? Hindi ko dapat intindihin si Kuya at Thania. Isa pa, wala akong pakialam kung magkaroon sila ng relasyon at sa huli ikasal. Si Bebsie ngayon problema ko. Siya lang dapat intindihin ko.
After few hours later...
"Sir inilagay ko na po sa kotse ninyo 'yong teddy bear and bouquet."
"Wow, sige. Mauna na akong umuwi hinihintay pa kasi ako ng asawa ko." Masayang kuha ko bag nasa ibabaw ng isang table.
"Sure po. I will call you na lang kung may problema."
"Huwag mo ko tatawagan para walang problema." Kindat ko rito at tuluyan tahakin ang kotse. Bago pa ako makarating sa basement nakita ko sina Thania at Kuya Tolits.
Natura lang mainis ako dahil naghahalikan sila malapit sa opisina ni Kuya. I don't know pero kailangan kong umalis para mabawasan init ng ulo ko. Pasakay ako ng elevator siyang sakay din ng dalawa.
"Pauwi kana rin pala. Kumusta ibang meetings na dinaluhan mo kanina?" Formal na formal usisa ni Kuya.
"So good."
"How about business proposal from Mr. Hanssen sinagot mo ba?"
"Magmemeeting pa ulit kami bukas para sa final analysis."
"Good. Asahan ko bukas may papers of agreement na ha?"
"Kailan ba kita binigo?" Kay Kuya sana ako titingin pero hinagip ng paningin ko si Thania.
Parang nag-flash back sa akin ang lahat simula ng magkakilala kami. Noong active ang buong gangster sa Lucifer Kingdom. Kung paano nakita ko siyang maganda ay ganito pa rin. Walang nagbago sa kanya at sa palagay ugali lang talaga. Pagkakakilala ko rito ay isang mabuting kaibigan. Nagbibigay ng payo kung kinakailangan. Pero bakit nga ba nawalan ako ng interes sa kanya simula ng pumasok ang first love ko? Si Bebsie sa buhay ko.
Kung hindi ba nagkaroon ng chance sa amin dalawa ni Bebsie si Thania kaya 'yong kasama ko ngayon at hindi si Bebsie?
"Aawayin mo na naman ba girlfriend ko?" Nagtama mga paningin namin ni Kuya.
"Walang balak." Medyo inis kong tugon.
"Bakit kung makatitig ka parang ang lalim ng pinaghuhugutan?"
"May iba akong iniisip."
"Mabuti. Ang akala ko nagising kana sa katotohanan na si Thania talaga dapat mong mahalin."
"Shut up, Tolits." Bulaslas ni Thania kanina pa tahimik.
"Haha, high blood ng mahal ko. Mamaya ipagluluto kita ng dinner para mawala badtrip mo."
"Uuwi na lang ako,"
"Sa bahay kana kumain tutal isasama ni Erdem si Bebsie para doon na rin kumain ng hapunan."
"Hindi puwede Kuya special ang araw na ito para sa amin ni Beb. Actually may surprise ako sa kanya pag-uwi."
"Ganoon ba? Sayang, malulungkot si Mommy kung malaman niyang tinanggihan mo ko."
Naiyuko ko ang ulo.
"Sige kakausapin ko si Beb kung ayos lang sa kanya sa bahay maghapunan."
"Aasahan ko 'yan." Kasabay nun ang pagbukas ng elevator. Halos magkalapit lang din kotse ko kay Kuya kaya nakita nitong inaayos ko 'yong teddy bear at bouquet.
"Ang sweet ng kapatid ko. Bakit kaya hindi ako naging sweet tulad mo?" Nandoon si Thania nakatayo malapit sa kotse ni Kuya.
"Magagawa mo maging sweet kung sisimulan mo ngayon."
"I see, so paano magkita tayo later sa bahay. May mahalagang announcement ako." Gusto ko sana magtanong pero sa palagay ko hindi rin sasagutin. Maghihintay na lang siguro mamaya.
"BABE! Oh my god. Para ba sa akin ito?" I nodded bago halikan sa labi.
"Ughhhh...ang sweet naman. Thank you, Babe ko."
"Nagustuhan mo ba?"
"Sobra. Oo nga pala tumawag si Mommy doon na raw tayo kumain sa bahay."
"Sinabi ni Kuya kanina sa office. Ano ayos lang ba sayo?"
"Walang problema. Magbibihis lang ako ikaw din."
"Mauna kana." Masaya nitong niyakap ang teddy papasok sa kuwarto.
Matamlay kong inilapat ang likuran sa sofa. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi dapat ganito maramdaman ko pero bakit ganoon. Nagiging makasalanan na ba ako? No way. Hindi talaga maaaring mainlove ako sa dalawang tao. Ngayon mo lang na pansin Erdem 'yong ganda ng isa pero hindi ibig sabihin nun dapat kana mahulog sa kanya. Tandaan mo, si Bebsie ang babae para sayo. Siya lang at walang iba pa.
"I'm done. Magpalit kana."
"Ito na lang din suotin ko." Bumangon ako upang yakapin. "Bagong paligo ka?"
"Oo."
"Ugh,"
"Ayos ka lang?"
"Napagod lang siguro sa trabaho."
"Gusto mo pa ba tumuloy o magpahinga na lang?"
"Masama magalit si Mommy kaya tuloy tayo. Patayin natin 'yong mga ilaw at ibang appliances baka doon na tayo patulugin."
"Sige, wait lang." Malungkot kong pinanuod bawat galaw niya. Nalulungkot ako sa nararamdaman kong ito. Naguguluhan at hindi alam kung tama ba ito.
"ERDEM and Bebsie, c'mon kasisimula pa lamang namin kumain. Lets eat. Yaya, maglabas ka pa ng dalawang plato." Kaagad kami humalik sa pisngi at naupo sa tabi niya.
May nakita na naman akong kakaiba kay Thania. Ganito ba kapag nabibihisan ang isang babae gumaganda? Ugh, o baka dahil pure white na naman suot niya.
"Babe, hindi mo sinabi nandito si Thania." Bulong nito.
"Hindi ko rin alam," dahilan ko.
"Sana pala hindi na tayo tumuloy."
"Bakit naman?"
"Hindi kasi okay pakiramdam ko sa kanya."
"Hayaan mo na lang."
"Oh ano pinagbubulungan ninyong dalawa riyan? Mamaya niyo na gawin kapag matutulog na." Birong pahayag ni Mom.
"Ladies and gentleman, kanina pa ako na aatat sa sasabihin ko pero ngayong kompleto na tayo gusto ko sana sabihing malapit na rin kaming ikasal ni Thania." Itinaas ni Thania 'yong daliri kung saan nakasuot ang singsing.
"Congratulations! Unexpected ito anak pero dahil nandiyan na 'yan puwede ka pa makahabol."
"Salamat, Mommy." Tumingin sa akin. "Don't worry paunahin natin kasal niyo then after one year kami naman ni Thania ikakasal." Akbay ng Kuya rito pero halata ang pagkadismaya sa mukha.
Pagkatapos kumain uminom kami saglit ng Kuya sa mini bar and after that nagpaalam na dahil may tatapusin itong lesson plan. Naiwan akong nag-iisa. Iniisip kung ano mangyayari kung dumating si Rust at tuluyan kunin si Bebsie. Hindi ko talaga kakayanin kung ganoon nga ang mangyari.
"Kanina kapa tulala," si Thania. Kung dati kapag lumalapit siya na iinis ako ngayon ay kinakapanabikan ko ito.
"About work iniisip ko," depensa ko.
"Inaasahan kong iniisip mo si Bebsie pero may dapat pa ba asahan? Alam kong subsob ka sa trabaho."
"Hindi naman. Minsan lang mag-focus," saglit at tinanaw ko siya, "Masaya ka ba kung ikasal ka sa kapatid ko?"
"Sa ngayon masaya pero after one year siguro naman mamahalin ko siya ng buong-buo."
"Kalokohan. Pakakasal ka ng walang nararamdaman."
"Pareho lang kami ni Bebsie. Ang pinagkaiba lang ako hindi nakalimot pero siya nawalan ng kaonting ala-ala." Buntong hininga kong hinawakan ang baso.
"Kapag kinasal kami kalilimutan ko na lahat ng pangakong natanggap ko mula sa taong mahal ko."
"Pangako?"
Nakipagtitigan, "Pangako, pangakong mamahalin niya ko hanggang dulo. Pero asa pa, alam kong masaya na siya sa iba. Wala akong laban para ipaglaban itong karapatan ko."
"Huwag ka magpakasal kay Kuya." Kunot-noo niya kong sinalinan ng alak sa baso.
"Bigyan mo ako ng magandang dahilan para hindi ituloy pakasalan 'yong kuya mo."
"Hindi mo siya mahal."
"Madaling mahulog loob ng mga babae maipapangako kong hindi man ngayon pero balang-araw mamahalin ko siya ng higit pa sa inaakala mo."
"Kasalanan 'yon."
"Hindi ba kasalanan mo rin pagtakpan ang buong katotohanan?"
"Baka nagkakamali ka. Mahal namin ang isa't-isa."
"Kailan mo ba ipipilit ang bagay na hindi na pupuwede? Iniwan ka niya dahil sa ibang lalaki. So inaasahan mo mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat?"
"Kung mangyari man bumalik ang lahat ipaglalaban ko kung anong mayroon sa amin."
Tahimik itong uminom ng wine. Sa tuwing tinitingnan ko siya palaging kumakalabog itong puso ko. Kung dati si Bebsie dahilan pero ngayon si Thania na. Bakit ba ang gulo-gulo ng puso ko. Ano ba mayroon? Ano ba pinahihiwatig ng pusong ito?
"Ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito," pinaglaruan 'yong yelong nasa baso. "I dream of a man. In a dream we love each other very much. We were about to get married but as a result everything changed so I ended up hurting and suffering. Nagpanggap na maayos lang damdamin ko pero sa totoo lang durog na durog na ako. Gusto kong isigaw sa panaginip na mahal ko siya pero unti onting nawawala siya sa panaginip ko."
"Panaginip lang 'yon huwag mo masyadong dibdibin at iyong lalaking nasa panaginip mo marahil hindi pa dumarating sa buhay mo."
"Siguro nga. Masyado lang akong nabubulagan sa katotohanan na walang lalaking nagmamahal sa akin at walang paninindigan. Kung mangyari man dumating siya gagawin ko lahat para hindi kami maghiwalay. Gagawin ko lahat para kami pa rin hanggang dulo."
"Babe," sabay kami lumingon kay Bebsie.
"Yes, Babe?" Pasimple kong tinitigan si Thania bago yakapin si Bebsie. She's hurt. Alam kong nasasaktan siyang makita akong masaya sa iba.
"Matutulog na ako."
"Maaga pa."
"Tumawag si Reign magkita raw kami bukas."
"Ikaw ang bahala. Mamaya na ko matutulog tapusin ko lang uminom."
Pansin kong masama tingin ni Bebsie kay Thania.
"Bilisin mo lang diyan." Bago tuluyang lumabas ng mini bar ang mahal ko.
"Its to late may lakad pa ko bukas." Pinigilan ko kamay nito. "Bakit?"
"Dito ka muna magkuwentuhan muna tayo."
"Pero..."
"Please,"
"Saglit lang pagkatapos matutulog na talaga ako." Sinalinan ko siya ng panibagong wine sa baso.
"Sa totoo lang namimiss ko 'yong Lucifer Kingdom at Viper berus. Gusto kong ulitin 'yong nakaraan pero hindi naman maaari."
"Hindi talaga."
"Sana isang araw magkakasama tayo."
"Balang-araw mangyayari 'yon."
"Kapag nangyari iyon sana may asawa na ako. Baka kasi ako pa lang walang asawa't-anak."
"Eh di si Kuya."
"Akala ko ba ayaw mo sa akin para sa kanya?"
"Sinabi ko lang 'yon at isa pa sabi mo matututunan mo rin mahalin 'yong kapatid ko."
"Tama ka," naubos kaagad nito ang wine. "Isa pa please." Kaagad kong sinalinan ng panibago.
"Sina Zayn, at Cedric nasa maayos nang pamumuhay. May mga anak na rin." Dugtong ko.
"Nakalimutan mo yata si Peps?" Sabay kami natawa.
"Oo nga pala. Tsk, tayong dalawa na lang hindi naikakasal." Nabigla ako sa sinabi. Medyo awkward dahil tumahimik ito.
"Si Zayn para kay Roselle. Si Cedric para kay Reign. Si Peps para kay Shien."
"At ako," nagtama muli paningin namin, "Para kay Bebsie at ikaw para kay Kuya."
Mayroon lungkot sa kanyang mga mata matapos kong sambitin 'yon. Mukhang nasaktan ko na naman damdamin niya. Masyado na ba akong masamang tao para manakit ng iba?
Sunod-sunod niyang sinalinan baso niya at hindi nagtagal pati bote ay tinungga pa. Pinigilan ko siya pero naging matigas ito sa ginagawa. Sa inis ko hinatak ko siya patungong sofa saka itinulak pahiga. Pumaibabaw ako at nagsalita.
"Ano ba problema mo?" Ang gulo ng mga mata niya.
"Marami. Napakarami kong problema at...isa na doon ay ikaw..."
Nasuntok ko 'yong sandalan ng sofa. Bakit ba kasi...bakit ba...
"Sabihin mo sa akin bakit? Bakit ganyan ka? Bakit?" Gigil kong hinawakan ang panga niya.
"Ewan ko sayo umalis ka nga!" Itunulak ako saka patakbo niyang bubuksan ang pinto pero mabilis ko siyang napigilan at isinandal sa pintuan.
I kissed her for a moment. She looked at me with surprise in her eyes until I repeated her lips. Includes intense excitement and anxious feelings.
"Erdem?" Tawag nito matapos namin pagsaluhan ang makasalanang halik.
"Hmmm?"
"Bakit?"
Nakuha kong talikuran siya, "Hindi ko alam. Patawad kung ginawa kong halikan ang babaeng pakakasalan ni Kuya. Kalimutan mo na lang itong nangyari."
"Erdem..." lumuluha siya ng humarap sa akin. s**t, heto na nga sinasabi ko. Dapat hindi ko na lang ginawa ng hindi siya nasasaktan.
"Ssshhh...I'm sorry. I'm very sorry for what happened. Patawad talaga."
"Hindi mo pa rin ba nararamdaman 'yong totoo?" Sunod-sunod nagbagsakan mga luha nito.
"Ako naman talaga mahal mo pero bakit..." umiwas ng titig, "Sorry din, matutulog na ko." Masakit sa dibdib iniwan niya kong nag-iisa.
"Ano ba Erdem! Napakabobo mo." Inis kong sabi sa sarili.
Lalo ko lang binigyan ng problema si Thania. Dapat ginawa ko iwasan siya pero bakit gago akong tunay. Bakit ginawa ko panghalikan siya. Bakit ba gulong-gulo ako.
"PUSO na gumagana sayo." Nagkita kami ni Peps sa isang coffee shop.
"Paanong puso kung hindi siya mahal ko. Gago lang talaga ako, Peps. Hindi ko na lang dapat hinalikan si Thania panigurado aasa 'yong taong mahal ko siya."
"Para ka naman kasing tanga. Ang tali-talino mo pero pagdating sa pag-ibig hindi mo magamit. Ano ba kasi talaga 'yong totoo? Mahal mo ba talaga si Bebsie?"
"Mahal. Mahal na mahal."
"Eh anong kagaguhan nga ginawa mo? s**t, sumasakit ulo ko sayo. Imbis si Bebsie lang problema mo pati si Thania nananahimik dinamay pa. Ayusin mo 'yan bago kayo ikasal ni Bebsie. Aba, gusto mo yata mayari kay Reign."
"Kakausapin ko siya."
"Ako na lang baka hindi ka na naman makapagpigil."
"Sus isang beses lang 'yon at hindi na mauulit pa. Sabi ko nga nakainom kami pareho."
"Hindi magandang dahilan nakainom ka dahil para sa akin kahit may alcohol buo mong katawan alam mo lahat nang ginagawa mo."
"Oo na. Sige ikaw na kumausap sa kanya."
"Akala ko pa naman hindi ka magbibigay sakit sa ulo pero nagkamali pala ako. Kapag pala matalino minsan nagiging bobo sa nararamdaman."
"Oo na. Oo na."
"Mag-uusap muna kami ni Reign para makahingi ako ng ibang dapat gawin bago kausapin si Thania. Baka kasi hindi makinig sa akin 'yon, eh."
"Balitaan mo ako kapag okay na."
"Oo matalinong Erdem." Iiling-iling humigop ng kape.
"Tingin mo mas malala ba sitwasyon dati ni Zayn?"
"Parang..." nag-isip. "Pero parang hindi ko rin alam. Hindi pa natin natatapos itong kuwento mo."
"Peps, may itatanong sana ako."
"Hmmm?"
"Naniniwala ka ba na kapag nagka-amnesia may oras na lahat wash out?"
"Oo parang ikaw..." nagtigilan sa paghigop ng kape, "Dahil sa sobrang talino mo."
Parang ang layo ng sinabi niya. Minsan itong si Peps magulo kausap. Mabuti pa si Cedric at Zayn kahit paano magandang kausap.
Tumunog phone ko ,overseas calling. Pagsagot ko pa lang kaagad nanginig buo kong katawan. Hindi maaari ito. Heto na nga ang kinatatakutan ko.
"Sino tumawag bakit ganyan hitsura mo?"
"Pauwi na ngayon si Rust." Lunok ko.
"Ano? Eh teka, ibig sabihin hahanapin kayo 'nun."
"Ganoon na nga." Inis kong dinayal number ni Bebsie pero ayaw sagutin.
"Tawagan mo si Reign kailangan ko malaman kung kasama niya si Beb."
"S-sige..." itinapat sa tainga ang phone habang nag-aalalang nakatingin sa akin. "Ayaw sagutin."
"Si Cedric." Dinayal ko number pero pinigilan ni Peps kamay ko at marahang umiling.
"Magtatanong siya kung bakit ganyan ka nag-aalala. Hayaan mong ako kumilos para sa inyo." Naglabas ng pera saka inilapag sa table namin bago tumayo.
"Tatawagan kita kapag nakita ko na sila. Ikaw ang dapat mong gawin ay magpunta sa airport maaaring makalipas lang ng tatlong oras nakalapag eroplanong sinasakyan niya."
I nodded. Sabay kami lumabas ng COFFEE shop. Dumiretso ako sa airport.
"Hello Peps nagkita na ba kayo?"
"Nakausap ko si Reign nasa mall daw sila pupuntahan ko ngayon diyan ka lang. Huwag ka aalis hanggat hindi mo nakikita si Rust. Paniguradong may hawak na siyang information sa location niyo ni Bebsie."
"Sige." Kaagad kong pinatay ang cellphone at nagmatiyag sa buong airport.
THREE HOURS and fifty five minutes may mga taong naglalakad hinahanap mga susundo sa kanila. Naging maingat mga mata ko sa bawat taong lumalabas. Hindi dapat makurap. Hindi dapat mapikit ng matagal. Hanggat maaari huwag mawawala paningin sa exit.
NAKITA ko na siya pero tumutunog cellphone ko. Sinundan ko si Rust kung saan pupunta. Sinagot ko ang tawag mula kay Peps.
"Nakita ko na siya!" Malakas kong sabi.
"Erdem may dapat kang malaman."
"Ano ba Peps? Ano ba 'yon?" s**t, sumakay na siya ng taxi.
"Para, para!" May humintong taxi. "Pakisundan 'yong taxi na 'yon!"
"Erdem makinig ka sa akin."
"Mamaya na lang." Ipinasok ko 'yong cellphone sa bulsa. Pinagtuloy namin sundan ang taxi hanggang huminto kami sa bahay namin.
Teka paano niya nalaman 'yong bahay namin?
"Rust!" Pipindutin sana doorbell ng tawagin ko. "Hindi ko hahayaang magkita kayo ni Bebsie!"
"Erdem ikaw pala. Sinundan mo ba ako?"
"Ano pa nga ba. Umalis kana. Nakikiusap akong tigilan mo na kami ni Bebsie."
"Hindi. Ayoko. Kukunin ko kung ano ang akin."
"Wala kang pag-aari, Rust. In the first place ikaw naman talaga dahilan kung bakit kami naghiwalay. Inagaw mo siya sa akin."
"Malakas siguro pagkakatama mo sa ulo ano?" Ngumisi saka lumapit. "Erdem pakinggan mo nga 'yang sinasabi mo. Wala kana sa buhay ni Bebsie. Kami ang bubuo ng pamilyang binabalak mong buuin."
Ibig-ibig kong sapakin ng magsimulang sumakit ulo ko. Parang mabibiyak. Parang may unti-onting pumapasok na ala-ala.
"Gumising kana sa pagkakatulog, Erdem. Lahat nang ito ay pawang kasinungalingan lang. Akin na ngayon si Bebsie."
Gusto kong pigilan ang gagawin nitong pagpasok sa gate namin pero namilipit ako sa sobrang sakit.
"Erdem!" Aninag ni Reign ang nakikita ko. "Dalhin natin siya sa hospital!"
PAGGISING nabibingi ako dahil sa sobrang katahimikan ng paligid. Gumala mga mata nagbabakasakaling may makitang tao. Si Reign nakasubsob sa kama habang natutulog.
"R-reign..."
"Erdem? Gising kana...doctor!" Nagmadali itong lumabas sa kuwarto.
"Humahanap pa kami ng ibang detalye anyway maayos naman kalagayan niya." Usisa ng doctor bago mag-usap sila ni Reign sa labas.
"Ano ba nangyari?" Pagkatanong-tanong ko ng makabalik siya.
"Uminda ka ng pananakit ng ulo at nawalan ng malay. Kumusta pakiramdam mo?"
"Ah, wala nang sakit. Si Bebsie? Nagkita ba sila ni Rust??"
"Ahm, Erdem. Mabuti pa siguro kung magpahinga kang mabuti para makalabas kaagad dito."
"Bakit ayaw mo sagutin tanong ko?"
"Saka na lang natin pag-usapan tungkol kina Bebsie at Rust."
"Bakit ba? May itinatago ba kayo sa akin ha?! Nagkita ba sila at kinuha ni Rust si Bebsie?!" Nagmamadali kong ibinangon ang katawan pero pigil siya ng pigil.
"Huminahon ka nasa mabuti kalagayan si Bebsie. Please, tulungan mo ang iyong sarili para gumaling kaagad."
"Wala akong sakit."
"Mayroon kailangan mo ipahinga ang iyong isipan. Masyadong na trauma kaya hanggang ngayon wala kang maalala."
"Ano??!"
"Magpagaling ka." Tumayo ito bago lumabas muli ng kuwarto.
Ano ba sinasabi niyang na trauma ako at walang maalala? Ano ba nangyayari? Sobra ba na bagok ulo ko para makalimot? Pero teka kung nawalan ako ng ala-ala bakit naaalala ko pa sila? Ugh. Sumasakit na naman ulo ko. Naguguluhan ako sa nangyayari. Ano ba mayroon at bakit ilag si Reign sa mga katanungan ko. May dapat ba akong malaman at ano nga ba 'yon? May koneksyon ba ito sa buhay ko at ni Bebsie?