ILANG araw na akong balisa. Hindi ako pinayagan magtrabaho o lumabas man lang ng bahay matapos lumabas sa hospital. Para akong bilanggo na hindi binigyan ng karapatan makalaya.
"Erdem may gustong kumausap sayo." Then sa wakas dumating din si Reign pero kasama lang niya si Peps.
"Sino gusto kumausap sa akin?" Hanap ko mula sa labas.
"Si Peps gusto kang makausap."
"Tsk, ano ba kasi nangyayari? Bakit ayaw niyo kong palabasin saka hindi ko pa nakikita si Bebsie simula ng mapasok ako sa hospital at makalabas."
Sabay-sabay kami naupo sa sofa. Napaka seryoso ng dalawa. Parang hindi maganda ang kanilang sasabihin.
"Ikaw na mauna." Siko ni Peps.
"Bakit ako? Ikaw na. Hindi mali-mali mga sinabi mo that time?"
"Ano ba naman malay kung hindi ganoon ang nangyari. Saka ikaw nakausap ni Rust kaya---"
"Ano ba 'yong sasabihin niyo?" Tigil ko sa dalawa. Parehong namutla at napatitig. "Baka puwede magsalita kayo hindi ako manghuhula."
Siniko ni Reign pero gumanti rin si Peps.
"Ano maghuhulaan na lang tayo?" Kung minsan nakapipikon mga ugali ng tao.
"Erdem bago sana ako magpaliwanag sana huwag ka muna magsalita ha?" Sabi ni Peps. I nodded.
"Nagkamali ako."
"Oo nagkamali si Peps." tarantang sabi ni Reign.
"Paano ba ako magsisimula?" Inis niyang tingin kay Reign.
"Eh di sa simula. Kung saan nagsimula ang lahat." Muling tumingin itong dalawa.
"Erdem nakausap namin si Rust. Sinabi niya sa amin ang buong katotohanan. Noong una hindi kami makumbinsi pero that time paonti-onting nagbabalik ala-ala ni Bebsie. Silang dalawa mismo nagpatunay na kasama ka sa aksidente in Guam." Paliwanag ni Peps.
"Nalaman namin noong sinundan mo si Bebsie sa guam na aksidente kana nga. Inuwi ka namin dito gaya ng kagustuhan ng mommy mo. Nawalan ka ng ala-ala katulad ni Bensie pero nauna ka lang nagising. Ang kamalian ni Peps, ikinuwento niya sayo ang maling impormasyon. Sinabi niya kaya ka nagpunta sa guam dahil sinundan mo si Bebsie dahil may ibang lalaki ito. Ang kasal niyong dalawa na hindi matuloy-tuloy. Si Thania na kontrabida sa inyong pagmamahalan. Lahat ng iyon ay mali. Maling-mali." Tanaw ni Reign kay Peps matapos magpaliwanag.
"Hay, sorry. Tayong dalawa madalas magkasama noon pero naging malihim ka sa ibang katotohanan. Iba ka talaga, Erdem. Biruin mo totally break na kayo ni Bebsie tinanggap mong may iba na siyang mahal at hindi namin alam na kayong dalawa ni Thania ay nagpatuloy sa ligawan hanggang maging kayo at nagplano ng kasal. Nakaiinis dahil ako pala dahilan kung bakit may mga galit diyan sa puso mo. Erdem makinig kang mabuti ha? Si Thania na mahal mo, kasintahan, at pinangakuan ng kasal." Patuloy ni Peps.
"Ano? Totoo ba mga sinasabi niyo? Ibig sabihin kasama ko sila Rust at Bebsie sa Guam ng maaksidente kami pero bakit nandoon ako at wala sa tabi ni Thania? Saka bakit hindi ko maalala si Thania na may ganoon kaming relasyon bakit si Bebsie naaalala ko?!"
"Kasama ka nila sa guam para sa isang interview I don't know kung tungkol saan ito. Isa pa, ininvite mo 'yong dalawa sa kasal niyo ni Thania. Siguro kaya si Beb naaalala mo dahil sa kuwento ko at dahil siguro tumatak sa isip mong kontrabida si Thania."
"Bakit hindi niyo man lang sinabi kaagad sa akin ito?"
"Nang hinihintay mo si Rust sa airport magkasama kami nila Beb at Reign. Nagkaroon ng pagkakataon si Beb magsalita sa mga naalala niya. Tinawagan kita hindi ba pero ka nakinig!"
"Hindi ko alam na ganoon pala ang nais mong sabihin. Ibig sabihin ba nito bumalik na lahat ng ala-ala ni Bebsie?" Sabay nilang nodded sa usisa ko.
"Ibig sabihin wala nang kasal na magaganap sa amin dalawa?"
"Hays, ano ba Erdem. Hindi si Bebsie ang pakakasalan mo kung hindi si Thania! Hays, matalino nga."
"Pero paano ko siya niligawan. Paano naging kami. Paano kami ikakasal?"
"Aba malay ko sa inyong dalawa. Kausapin mo baka sakaling bumalik lahat ng ala-ala mo."
Kung totoo mga sinabi nila bakit hindi man lang nagsalita si Thania ng sabihin kong mahal na mahal ko si Bebsie. Bakit hindi siya...alam ko na.
"Nasaan si Thania?" Biglang tayo ko. Nagkatinginan itong dalawa.
"Wala siya rito. May pinuntahan sila ng Kuya mo sa london para sa kasal nila."
"Hindi dapat matuloy kasal nila!" Galit kong nilayasan 'yong dalawa. Sinubukan nilang habulin ako pero mabilis kong pinaharurot ang kotse ng masakay ako.
"Kung nasa london sila ibig sabihin hindi ko makakausap 'yong dalawa. Para saan pa itong walk out ko kung wala rin akong mapapala." Bulong ko.
"Tama sa bahay muna ako para makausap si Mommy." Naiba ang plano si Mama muna kakausapin ko.
"Erdem, anak." Isang mahigpit na yakap ang binigay sa akin ni Mom.
"Mom."
"Kumusta kana? Sorry ako nag-utos kina Reign at Peps na huwag muna lalabas ng bahay. Ngayon ba ay maayos na pakiramdam mo?"
"Mom sabihin mo sa akin 'yong totoo. Kaming dalawa nga ba ni Thania ang dapat ikasal at hindi si Bebsie?"
"Anong---anong sinasabi mo riyan? Hindi ba sinabi mo ikakasal kayo ni bebsie sa katapusan?! Saka, magiging hipag mo na si Thania dahil magpapakasal next year siya at 'yong Kuya mo! Ano bang----" humawak sa dibdib.
"Mommy..." inalalayan ko.
"Hindi kaba kinikilabutan sa sinasabi mo ha??"
"Bakit ikaw ba Mommy hindi ka ba na konsensya itago sa akin ang buong katotohanan??"
"Ano?"
"Alam kong nawalan ako ng ala-ala at noong panahon wala pang malay si Bebsie inuwi mo ako rito sa Pinas para magpagaling. Hindi ka man lang naawa kay Bebsie."
"Anong sinabi mo?!"
"Kung totoo man wala na kami ni Bebsie bago 'yong aksidente bakit pumayag kang itago sa akin ang lahat!"
"Dios ko, alam mo na."
"Alam ko na nga talaga ang lahat-lahat."
"Nagkakamali ka, anak. Si Bebsie pinakilala mo sa akin bago kayo grumadweyt noong college. Siya lang at wala ng iba. Kung makikita ko man si Thania noon 'yon ay dahil kabarkada niyo sila."
"Hindi ko alam ang totoong nangyari sa amin. Naguguluhan ako iba-iba kayo ng sinasabi." Biglang rumehistro sa utak ko si Thania.
May kirot dito sa puso na hindi ko maunawaan. Parang ilang taon ko siyang hindi nakita, nakasama, o nakausap man lang. Ang laki ng kasalanan ko. Girlfriend ko siya pero bakit hindi man lang sumagi sa isip kong siya itong mahal ko.
"Kailan uwi ni Kuya?" Tulala kong usisa.
"Kinabukasan na sila makauuwi."
"Maghihintay ako hanggang kinabukasan."
Pumasok ako sa dating kuwarto ko. Hindi ito 'yong pinagamit ni Mommy noong natulog kami ni Bebsie rito. Binuklat ko lahat ng drawer nagbabakasaling may konting ala-ala akong makita rito. Hanggang isang cellphone ang nakasuksok sa isang drawer. Gumagana ito at nang makita ko ang gallery sumambulat sa aking paningin ang larawan namin dalawa ni Thania.
Mula sa University hanggang sa bahay nila Cedric. Ang dami pang litrato na siya kasama ko. Hindi ako makapaniwala. Paano nga ba nangyari ito sa amin. Nasasaktan ako. Noong panahon na magkasama kami ni Thania kaya pala ganoon na lang ako masaktan ng malamang magpapakasal sila ni Kuya. Ngayon lang din pumasok sa utak ko sa kanyang sinabi na nagkakatotoo ang panaginip niya. Ako pala 'yong tinutukoy sa panaginip. Naging bulag ang isipin ko pero itong puso naramdaman ko kahit panandalian lang.
KINABUKASAN nang tanghali. Narinig kong may huminto sa tarangkahan ng bahay. Para akong batang nagmamadaling salubungin 'yong taong dumating.
Natigilan kaming tatlo ng magkitakita malapit sa kotse. Pinagmasdan kong maigi 'yong mukha niya. Parang na miss ko na hindi alam ang dahilan. Dahil dito sa nararamdaman ko bigla ko siyang nayakap ng mahigpit.
"A-anong----" nauutal na sabi ni Thania.
"Erdem anong ginagawa mo sa girlfriend ko!" Hinatak papalayo sa akin.
"Wala." Titig na titig ko.
"Anong wala? Nasaan si Mommy may ipapakita ako."
"Nasa loob." Hindi pa rin kumikibo si Thania ng iwan kami ni Kuya. Papasok na sana sa loob ng pigilan ko ang braso.
"Namiss kita."
"Ano ba sinasabi mo?" Umirap bago hampasin kamay ko.
"Umayos ka." Muli kong pinigilan.
"Erdem ano ba!"
"Mag-usap tayo." Hinigpitan ko pagkakahawak sa braso.
"Nasasaktan ako ano ba?!"
"Mag-uusap lang tayo!"
"Pero nasasaktan mo na ako!"
Kusang kumawala braso nito, "I'm sorry gusto lang talaga kita makausap ng masinsinan. Thania please mag-usap tayo 'yong tungkol sa atin dalawa."
"Paano kung ayoko?"
"Mapipilitan akong itakas ka."
"Nagpapatawa ka ba?!" May halong ngisi.
"Yaya buksan mo 'yong gate!" Hindi ko alam kung narinig ba pero tanging nasa isip ko ay isakay siya sa loob ng kotse.
"Bitawan mo ako! Erdem! Ano bang--- Erdem buksan mo 'tong kotse!!!" Magpumilas ka man hinding-hindi kita pakakawalan.
"The fvck Erdem anong ginagawa mo!" Bulyaw ni Kuya habang pinipigilan akong pumasok sa kotse.
"Huwag ka makikialam dito dahil hindi ka kasali!" Duro ko sabay taas niya ng kamay na may halong pagkaangas.
Pinaandar ko ang kotse palabas ng garahe hanggang sa makaalis kami sa lugar ay walang tigil kakasigaw si Thania sa likuran.
"Ano ba pumapasok sa utak mo bakit kailangan itakas pa ko!!"
"Manahimik kana lang. I-reserve mo 'yang boses sa pag-uusap natin." Mahigpit kong hawak sa manibela.
"Saan ba tayo pupunta ha?!"
"Kung saan tahimik at walang istorbo." Nilingon ko siya pero saglit lang para i-focus ang mata sa kalsada.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito ha." Kalmado nang tanong.
"Ikaw bakit ginagawa mo magpanggap at itago ang buong katotohanan ha?" Pinilit niyang matawa kahit wala naman nakakatawa.
"Hindi ko alam mga pinagsasabi mo."
"Really? So what does it mean to marry someone you don't like?"
"I love your brother! No doubt."
"No doubt pala ha pero bakit pumayag kang makipagrelasyon sa akin?" Inihinto ko sa highway ang kotse.
"Nakipagrelasyon baliw kana ba?"
"Nawalan ako ng ala-ala pero hindi ako inutil para hindi malaman ang totoo."
"A-alam m-mo na???"
"Kung ano narinig mo."
"Erdem please kung ano man nalaman mo walang katotohanan. Si Bebsie pa rin mahal mo at hindi ako."
"Akala ko ba mahal mo ako?!" Pabulyaw kong tanong na ikinatahimik nito. "Mahal mo ko pero ipinagtutulakan mo ko sa iba?! Anong klaseng pagmamahal ba ipinakita ko sayo noon at bakit parang suklam na suklam ka sa akin ha? Sinaktan ba kita? Niloko? Ano? Sabihin mo Thania."
Malungkot nitong iniyuko 'yong ulo saka pinaglaruan ang susi ng kanyang bahay. Alam kong susi ito ng bahay niya dahil natatandaan kong minsan kami nagpunta sa bagong tayo nitong bahay. Yes, naalala ko na about dito.
"Hindi ako tanga, Thania. Siguro nakalimutan ko lahat ng mayroon tayo pero hindi ibig sabihin no'n ay kakalimutan kita. Ikaw lang makatutulong sa akin para bumalik lahat. Alam kong mahal mo ko nararamdaman ko iyon dahil...iyon ang sinasabi ng puso ko."
"Gusto ko nang umuwi." Humihikbi nitong pakiusap. Kusang pinaandar ng mga kamay ko ang manibela at nagtungo sa lugar na pamilyar.
"Nandito na tayo." Hindi ko inakalang....
"Paano mo nalaman ang bahay ko kung may amnesia ka, Erdem? Niloloko mo na naman ba ako ha?"
Napapikit ako dahil sumasakit ulo ko. Bumaba na ito saka ko sinundan papasok sa kanyang bahay. Tahimik itong pumasok sa kanyang kuwarto at pagkaraan ay tinabihan ako sa sofa.
"Are you just going to hurt me again?" Humihikbi nitong tanong.
"Magsalita ka makikinig ako."
Pinunasan niya ng panyo ang mga luha saka humugot ng hangin at ibinuga kung saan. Ramdam ko ang bigat ng kanyang dinadala. Parang nasasaktan ko siya at wala akong magawa kung paano ko mapapagaan ito.
"Naalala ko noon sinabi mo sa akin na iiwan mo si Bebsie dahil mahal mo ako. Alam mo ba kung gaano kasaya puso ko? Mas masaya pa noong umakyat ako sa stage na may medalya. Para kasi sa akin isa kang trophy not medal. Noon pa man minahal na kita pero ano ba kasi laban ko kumpara sa kanya na first love at minamahal ng wagas. Isang kaibigan lang turing pero ilang beses umasa na baka sakaling ako naman ang mahalin. Besides being happy, I was content to be you. Hindi ko na nga pinatagal panliligaw mo dahil gusto kong maranasan mahalin ng taong mahal ko. Maipagmalaki sa maraming tao na ang boyfriend ko ang pinakamatalino sa lahat. Kaya lang, bakit ganoon. Pinili mo itago ang lahat na mayroon sa atin. Madalas natin pagtalunan 'yon pero sa huli pinipili ko na lang manahimik. Kahit man lang kina Reign malaman nila pero hindi, eh. Gusto mo sabihin 'yong tungkol sa atin kapag malapit na tayong ikasal." Ipinakita sa akin ang singsing na suot.
"Hindi kay Sir Tolits itong singsing. Pinakaiingat-ingatan ko 'to simula ng mawalan ka nang ala-ala baka kasi kapag nakita mo 'to maaalala mong....may iniwan kang...taong...mahal na mahal ka..." Ang sakit. Masakit makita at marinig na umiiyak itong kasama ko. Ang nakaiinis pa lalo ako ang dahilan ng sakit.
Napayakap ako sa kanya at hinaplos ang buhok.
"Bakit 'yong dreaming of you naalala mo pero bakit ako hindi mo man lang naisip kahit katiting." Hirap na hirap siya. Hindi ko alam kung paano mapapagaan ang kalooban niya.
Sumakit ulo ko naging dahilan ito ng pagbitiw ko sa pagkakayakap.
"Erdem? Bakit?"
"A-ang s-sakit ng u-ulo k-ko..."
"Dadalhin kita sa hospital...sandali..." taranta niyang kinuha ang cellphone bago ako alalayan palabas ng bahay. Nang maipasok niya ko sa loob ng kotse doon ako nawalan ng ulirat.
***
"Thania, gusto kita."
"Si Bebsie hindi ako."
"Break na kami."
"Bakit kayo nag-break? Akala ko ba mahal mo siya?"
"Noon mahal ko pero ngayon wala na. May iba na siyang minamahal at hindi na ako,"
"Ganoon pala. Kung hindi siya nakahanap ng ibang lalake siguro hindi ka lalapit sa akin para sabihing gusto mo ko."
"Hindi. No. Hindi. No."
"Erdem kung trip mo ko please huwag ako."
"Paano ko mapapatunayan sayong mahal kita at hindi na si Bebsie nilalaman ng puso ko?"
"Ligawan mo ko,"
"Ligawan kita??"
"Oo, ligawan mo ako,"
"Sige. Gagawin ko."
"Simulan mo ngayon,"
"Okay, hindi kita bibiguin."
*****
"Flowers for you mahal ko,"
"Mahal kaagad?"
"Mahal naman talaga kita,"
"Sinabi mo sa akin noong isang araw gusto mo ko tapos ngayon mahal na."
"Ganoon talaga mabilis magbago damdamin ng tao lalo kung inlove."
"Parang hindi ako naniniwala,"
"Maniwala ka."
"Parang ayoko talaga,"
"Mahal kita, Thania."
****
"Sinasagot na kita, Erdem."
"Talaga???"
"Oo nga, eh."
"Whoooo!! Yes, girlfriend ko na si Thania!"
"Ipaalam natin sa Lucifer at Viper ito ha?"
"Sige pero sa ngayon dapat natin i-celebrate na magkasama tayo."
****
"Erdem, mahal mo ba talaga ako?"
"Mahal na mahal ngayon pa at nagtagal ang relasyon natin,"
"Pero bakit isa sa LK at VB wala tayong sinasabihan?"
"Gusto ko sa mismong araw ng party natin aaminin,"
"Nalulungkot ako dahil ang alam nilang lahat ay kayo pa rin ni Bebsie,"
"Huwag mong isipin 'yon dahil pasasaan ba at malalaman din ng lahat ang relasyon natin."
****
"Thania, sasamahan ko sina Bebsie at Rust sa Guam may importante kaming gagawin gusto mo ba sumama?"
"Nope, ikaw na lang."
"Are you jealous?"
"Nope,"
"Mahal kita. Pangako pag-uwi namin galing guam iuuwi kita sa bahay para ipakilala kay Mommy na ikaw ang girlfriend ko."
"Pangako mo sa akin 'yan ha?"
"Umasa ka at hindi kita bibiguin,"
"Salamat, Erdem."
"Ingatan mo 'tong iPod ko palagi mo pakikinggan favorite song natin na Dreaming of you ha? At least wala man ako sa tabi mo ang kantang ito magsisilbing tulay pabalik sayo."