PROLOGUE
Every morning, dumaraan siya sa harap niya—nakayuko, may hawak na mop. Gusot ang uniform, pudpod ang sapatos, at ang mga mata niya… laging malayo. Parang may hinahanap na alaala na hindi niya mahawakan.
Mula sa likod ng glass wall, tahimik na pinagmamasdan siya ni Ervin Dale Montemayor. Each step she took felt louder than the six years of silence between them.
Leigh Madrigal.
Bumalik siya—pero hindi bilang asawa. Isa na lang siyang janitress hired through an agency. Ginagamit pa rin ang apelyidong Madrigal, gaya noong hindi pa sila ikinasal. At dahil tinago niya noon ang relasyon nila sa mundo, walang nakakaalam kung sino talaga si Leigh.
At ngayong wala siyang maalala… wala ring magsasabi sa kanya ng totoo.
After the accident, dapat si Ervin ang kukuha sa kanya.
Dapat siya ang mag-aalaga.
Dapat siya ang andoon.
Pero huli siya.
Nauna ang tiyahin ni Leigh—
hindi para protektahan siya, kundi para gamitin siya ulit.
Walang malay si Leigh nang kunin siya sa ospital, ipinakitang “pamilya.” Dahil sa amnesia, naniwala siya. Bumalik siya sa buhay na puno ng utos, trabaho, at pananakit—isang mundong sinanay siyang tanggapin dahil iyon lang raw ang meron siya.
Hanggang sa mapilitan siyang maghanap ng trabaho—
at ang trabahong iyon ang nagdala sa kanya dito, sa kumpanya ni Ervin.
At ang tadhana, mukhang ayaw pa ring isara ang kwento nila.
Pero hindi niya ito kilala.
Walang reaksyon nang magtagpo ang mga mata nila.
No recognition.
No pain.
No memory.
Wala.
Pero suot niya pa rin ang singsing.
Nakasabit iyon sa daliri ni Leigh na parang multo ng pangakong nakalimutan niya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya iyon matanggal—basta may pakiramdam na… safe, familiar. Isa itong piraso ng buhay na hindi niya maalala, pero hindi rin niya kayang iwan.
At para kay Ervin, iyon ang pinakamasakit.
Dahil minsan, naniwala siyang gold-digger si Leigh.
Someone he bought, not loved.
Pero sa totoo lang… matagal na siyang nahulog sa kabutihan nito.
Nahulog sa simpleng presensya niya.
Nahulog sa mga bagay na hindi alam ni Leigh na ginagawa niyang tama.
Pero napuno sila ng mga mali—
maling akala, maling salita, maling pride.
Hanggang sa isang gabing puno ng sigawan at hindi pagkakaintindihan…
nauwi ang lahat sa trahedya.
At ngayon, anim na taon makalipas—
Narito siya ulit.
Walang alaala.
Walang galit.
Walang sakit.
Pero suot pa rin ang singsing niya.
At si Ervin—nakaharap sa babaeng minsan niyang nasaktan, minsang minahal, at minsang nawala.
Ang babaeng may hawak ng piraso ng nakaraan na siya mismo ang nagwasak.
The woman wearing his ring.
The woman who doesn’t remember…
but her heart, somehow, still does.