Pagpasok ko sa eskwelahan, ay maaga akong nakarating wala pang tao at tanging ako pa lamang kaya sumandal muna ako sa desk at umidlip wala pang ilang minuto na nakasandal ako ng biglang may humaplos ng buhok ko, Nakangiting si sir hyde ang bumungad sa akin, hindi ko sya nakita buong maghapon kahapon dahil off nya.
Sa hindi ko alam na dahilan bigla akong napahagulhol at napayakap sa kanya.
"Hussshhh..Why...Reign. Ok ka lang ba? tahan na. May nanakit ba sayo?
Magsabi ka reign.
Wika ni sir na nakayakap na rin sa akin at hinahaplos ang likod ko.
Sir...natatakot po ako..." Wika ko kay Sir hyde na umiiyak parin.
"Saan? San ka natatakot? May nanakit ba sayo?
"Si mom and dad po kasi...Kakaiba sila...Hindi ko na po sila kilala." Wika ko rito. Habang pinupunasan ang ilang luha.
Bakit? Anong nangyari..
"Sinasaktan po kasi nila ako"
May mga bagay silang ginagawa sa akin na hindi dapat" wika ko rito.
"What do you mean Reign?"
Kunot noong tanong ni Sir Hyde.
"Minomolestya po nila ako pareho"
pagkasabi ko nito ay sabay nag paghagulhol ko.
"Tang Ina..."
Kinabig naman ako ni sir Hyde at niyakap muli first time ko syang narinig mag mura.
Namalayan ko nalang rin na tila umiiyak na sya, pinahid nya ang luha ko at tama ako may luha rin sya.
"Makinig ka sakin, Save my number kapag inulit pa nila tawagan mo ako pupuntahan kita kahit ano pang oras okay, Gusto mo bang isumbong natin sila."
"Hwag na muna siguro sir, Wala na naman po sila ako nalang po ulit mag isa ngayon,
"Basta pag may problema ka andito lang ako, wag ka mahihiyang magsabi sa akin, Babae ka, Naaalala ko sayo ang kapatid ko,paano kung tulad mo ay nasa panganib rin sya.? Kaya gabi gabi ko syang pinag darasal na sana palagi syang ligtas." Saad ni sir.
"Super close kapo ba sa kapatid mo na yon?
"Actuay hindi, di ko pa sya nakikita sa personal, Anak sya ni Mama sa unang asawa nito, pero walang araw na nakalimutan sya ni mama, Ang sabi ni mama kinuha sa kanya yung kapatid namin, hindi nya alam kung sinong kumuha, kaya hangang ngayon, nangungulila si mama sa anak nya.
"Nakikita ko sya sayo, Kaya ayokong nakikitang malungkot at umiiyak ka."
Wika sa akin ni Sir Hyde.
"Kung ganon, pwede ba kitang tawaging Kuya Hyde, kapag nasa labas tayo ng klase?
"Oo naman kahit nasa loob pa pwede," wika nito
Pero di ko mapapalampas ang ginawa ng parents mo sayo."
"Pero kuya, Gusto ko na muna ng tahimik ngayon, Kapag ginaws pa sila Di na ako papayag na di sila managot. " Saad ko naman rito.
Dumating na ang iba naming mga ka klase. Kaya umayos na rin ako ng upo.
Nagklase sya ngunit pansin kong wala sya sa mood nag pa lecture lamang sya amin pansin kong tila malalim ang iniisip nya saka tumitingim sa akin.
Sabay kaming kumain ni Kuya hyde ng tanghlian, Pinatikim nya sa akin ang steak na niluto nya.
Sumabay rin sa amin ang iba pang co teachers nya.
"Hi Sir hyde Pasabay ng lunch ah" wika ni Ms.Pelaez.
"Sige lang Ms.Mau, May space pa naman" saad ni kuya hyde dito.
"Tumingin naman sa akin si Ms.Mau saka umismid.
Lalo na nang makita nyang nilagyan ni kuya hyde nang ulam ang plato ko.
"Damihan mo kumain, kaya ang payat mo na, di ka kasi nag kakakain" saad pa nito sa akin
Napatingin naman ako kay Ms.Mau at nakita ko ang pag irap at busangot nito.
"Ganyan kaba ka Close sa mga estudyante mo? O kay Evren lang? Tanong ni Ms.Mau.
"Hmm..Sa lahat, wika nito.
Saka tinuloy ang pagkain.
Hindi na naman nagtanong pa si Ms.Mau tinuloy nalang namin ang pagkain.
Natapos ang klase namin, Gusto sana akong ihatid ni kuya hyde pero tumanggi na ako, wala na Naman sila mom and dad kaya mas panatag ako ngayon.
Kasalukuyan akong naglalakad at nagpapahangin papuntang Baywalk, Kita kasi dito ang paglubog ng araw.
Dahil malakas ang hangin kahit hapon na ay humahampas ito sa aking buhok, Huminga ako ng malalim saka bigla itong ibinuga, Nakakagaan sa pakiramdam,
Nakakita pa ako ng isang pamilya na masayang nag sasalo sa dalang pasalubong ng kanilang ama na sa tingin ko ay pinagbentahan pa sa pangangalakal,
Nakaramdam ako ng inggit, mabuti pa sila, kahit simple ang salo salo mukang masaya, naluluha ako na nakangiti habang pinagmamasdan sila.
Matapos iyon ay Kumuha ako ng isang stick ng Black Yosi ko at kinuha ko rin ang lighter na palagi kong dala.
Panay ang hithit ko rito, Pagkaubos ko ng isa ay muli akong nag sindi, Nag uumpisa na naman ang panginginig ng aking kamay.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, at muling huminga ng malalim, Isang hithit ko pa sana nang isang kamay ang pumigil at umagaw sa hawak kong sigarilyo.
"Hindi ka pa rin talaga tumitigil sa bisyo mo bata" wika ng isang malamig na boses na nagmula sa aking likuran, walang iba kundi si Major.
Pinahid ko ang natirang luha ngunit ang kamay ko ay tila nanginginig parin.
Ikinubli ko ito sa suot kong jacket upang di mapansin ni Major, saka ako muling tumingin sa papalubog na araw....araw na kailangang magpaalam.
"Ilang ulit at ilang beses ko ba sasabihin sayo na tigilan mo ang paninigarilyo, Alam mong masama yang sa kalusugan pero ayaw mo pa rin tumigil" saad pa nito.
"Hayaan mo nalang po ako major! " Wika ko rito ng hindi sya nililingon.
"Hayaan? Tingin mo ba i totolerate kita s ganyan?
Bakit ba ang Pasaway mo! Bakit Hindi ka nakikinig s akin?
Wika ni Major Di ko alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob para sagutin sya.
"Bakit ako ba Sinubukan mo munang pakingan? Sinubukan mo ba muna akong tanungin?
Hindi diba? Palagi mo akong Nahuhusgahan, Na Pasaway ako, matigas ang ulo ko, Ano pa major? Yan lang naman yung madalas kong marinig sayo,
Ayaw na ayaw mo sa akin pero madalas mo akong pakialaman, at sermonan.
"So ayun pala ang tingin mo sa akin, ngayon kontrabida sa buhay mo? Na hinuhusgahan kita? Dahil pasaway ka? Kung hinusgahan kita E di sana nasa Kulungan ka parin ngayon,"
Sana nung nalaman ko na nahuli ka ng mga pulis E Di sana hindi ako sumugod doon para puntahan ka,
Kung di dahil sa pakikialam ko baka ano nang ginawa sayo ni Dominguez,
"Pasensya na kung napapakialaman ko ang buhay mo, Ang sinasabi ko lang naman sayo ay yung nakikita kong di mabuti sayo kaya palagi kitang ni reremind, Wika ni major sa akin.
At paano kita pakikingan kung Tikom naman ang bibig mo at walang sinasabi, Sorry kung minsan di na kita matanong, Pero may Boses ka Bata, Pwede ka magsabi." Wika nito sa akin.
"Bakit kapag ba nagsabi ako makikinig ka ba? Major?
"At Bakit naman hindi,"saad ni Major
"Major sorry pero Gusto ko pumunta sa tahimik na lugar, Yung malaya kong gawin lahat, Masasamahan mo ba ako?"
"Sige....Sumunod ka sa akin" wika ni major,Sumakay kami sa pick up nya, medyo nanginginig parin ang kamay ko.
Pansin kong napansin ito ni Major.
Nagulat ako ng hawakan nya ito.
Hindi ko alam ngunit nakadama ako ng kapanatagan. Ang kanina kong nanginginig na kamay ngayon ay naging payapa na.
Nakarating kami sa tila isang pribadong hacienda,
Malawak na lupain ang bumungad sa akin, merong maliit na kubo rito at meron ding Duyan na yari sa gulong, meron ding bahay na tila pahingahan sa taas ng puno,
May nakita rin akong mga Bote na nasa Gilid.
Tanging kami lamang dalawa ang tao sa lugar na iyon.
Nakaupo sya sa likod ng pick up habang nakatingin sa akin.
"Narito na tayo bata, Pwede mong gawin dito lahat ng Gusto mo, Pwede mo dito isigaw lahat ng sakit na dinadala mo" saad nito sa akin.
Tiningnan ko sya habang unti unti nang namumula ang mata ko.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong sumisigaw.
Sinisigaw ang lahat ng dinadalang sakit.
Mula pagkabata.
"Ayoko na...Ayoko na sa inyo! Hindi ko na kayo Kilala!"
"Mga lapastangan kayo" wika ko saka tuluyang humagulhol, Hinayaan lamang ako ni Major at dooy inabot ko ang mga Bote, At Binasag ito sa tapat na pader.
Maya maya ay nilapitan na ako ni Major, at inawat na dahil grabe na yung pag babasag at pag sigaw ko,
Ngunit di parin ako tumitigil hangang sa yakapin nya na ako.
Hushh...Enoug evren, Its okay, tama na, sugat na yung kamay mo,tahan na okay..
Wika ni Major sa akin, ngunit akoy patuloy parin sa pag iyak.
"Ayoko na sa kanila major, Ang sasama nila, Mula pagkabata ko walang araw na di ako sinasaktan sa di ko alam na dahilan, Kahit wala akong kasalanan kailangan nila akong parusahan, Hangang ngayon wala silang pake sa nararamdaman ko, Parang hindi ko sila magulang.
Kung magulang ko sila bat grabe nila akong saktan, Physical, emotional,
Ang hindi ko matangap bakit kailangan din nila akong Babuyin at Molestyahin." Wika ko habang umiiyak parin ngunit tila nag iba ang itsura ni major.
"A...anong Sinabi mo Evren?
Tanong nito habang inti unting namumula ang mata.
"Mi....Minolestya ako ni Mom and Dad Major.." wika ko sabay ng pag hagulhol.
Kinabig nya ako at niyakap ng mahigpit, iyak ako ng iyak, Hinarap nya ako sa kanya, Hindi ko alam ngunit ramdam ko ang paghalik nya sa akin sa noo ngunit nakita ko ang mata nya na pulang pula at nangangalit. Bumitaw sya sa pagkayakap nya sa akin at bahagyang lumayo.
"Putang Ina!.... Mga Hayop!"
Wika ni Major Sabay Hugot ng Baril na nakasukbit sa kanyang bewang saka nagpaputok ng sunod sunod halos tinamaan lahat ng Bote na naka display."
Galit na galit na Major ang nakita ko,
Napaupo ako habang umiiyak, non ko lang nakita ulit ng ganon
kagalit si Major.
Matapos mamaril ay ang pader naman ang napagdiskithan niya.
"Tang Ina ka, Hayop, Wala kang kwenta! Pag babayaran mo lahat! Magbabayad ka ng malaki!" Wika nito habang patuloy na sinusuntok ang pader.
Pansin ko na ang pag agos ng dugo nito sa kamay kaya nilapitan ko na ito at Niyakap mula sa likod.
"Tama na po Major, " Tama na please."
Wika ko rito, sumunod naman ito sa sa akin, Niyakap nya naman ako paharap ang ending umiyak kami parehas, ngunit tahimik lang ang oag iyak nya ramdam ko ang galit nya sa mga magulang ko dahil sa nalaman.
Kasalukuyan kong ginagamot ang kamay nya, mabuti na lamang at may first aid kit syang dala.
"Ke..Kelan kapa nila minomolestya?
Tanong nya sa akin.
"Simula nung dumating si Daddy nung isang gabi sya ang unang may ginawa na di maganda,
"Nagalaw ka ba nya?
Tanong sa nya sa akin.
"Hindi po, pero hinawakan nya ako sa mga parteng hindi naman dapat hawakan.
"Pero Si Mama, Hindi ko akalain na magagawa nya yung ganong bagay sa akin, hindi man lang ba sya kinilabutan sa mga ginagawa nya.
Bastos sya, Para syang hindi babae.." wika ko pa.
Nang maayos ko na ang sugat nya ay ilang sandali pa kaming tumambay,
"Major, Salamat sa pakikinig, at salamat sa pagdala mo sa akin dito, Siguro maganda rito kapag umaga, ang tahimik.
Wika ko sa kanya.
"Hayaan mo next time babalik tayo rito, maganda rito, may ilog din dyan sa looban, malinis at malamig ang tubig.
"Talaga major? Pwedeng paliguan? Tamonh
"Oo..nex time ibabalik kita rito.
Pano, halika na, gabi na, iuuwi na kita
Saad ni Major,
Tahimik lamang ako sa byahe, Halos nakaidlip na rin ako.
Pagdating sa tapat ng Bahay ay Ginising nya na ako, Bukay ay halfday lamang ang pasok. Kaya maaga ang uwian.
"Bata, Diba halfday lang kayo bukas?
"Yes Major, Bakit?
"May pupuntahan tayo"
"San tayo pupunta?
"Secret, Basta matutuwa ka" wika naman nito.
Parang na excite naman ako bigla.
"Okay po major See you tomorrow"
YOHAN's POV
Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina dahil sa nalaman about kay evren, yung pananakit sa kanya mukang alam ko na dahil sa mga larawan na nakita ko dati,
Pero yung Pangmomolestya dun din ako nagulat, Mga hayop, gano ka trauma yon kay Evren ang saktan at molestyahin ng sariling magulang..
Magulang nga ba silang maituturing na imbes sila ang magbigay proteksyon sila pa ang sumisira.
Wag ko lang malalaman na ulitin nila yun kay Bata, Dahil baka kung ano magawa ko sa kanila.,
Hayop ka Chivas Relax ka lang dyan, Konti nalang hindi na katawan ni Bata ang Hihimasin mo kundi Rehas.
Saad ko sa aking Isip,.
Naihatid ko na si Bata, Sana ay makapag pahinga sya ng maayos ngayong Gabi, Excited na kasi akong ipasyal sya Bukas, Sigurado akong magugustuhan nya roon. Gusto ko syang makitang masaya, Ayoko na syang nakikitang nalulungkot.
I Care for you Bata....See You tomorrow,.
Wika ko sa aking isip habang nangingiti.