Kinabukasan ay sakto ang pagpasok ko, Nakita kong may message si Kuya Hyde, Naka emergency leave pala ito at di pa alam kung kelan sya babalik, depende pa sa sitwasyon ng mama nya,inatake daw kasi ito ng sakit nito at ayaw magkakain kaya nag decide si kuya hyde na unuwi para tingnan ang lagay.
Sana gumaling na ang mama niya.
At makita narin nila yung kapatid na hinahanap nila.
Mabilis na dumaan anf oras dahil 2 subjects lang kami, Kaya saktong 12 ay out na agad,
Paglabas ko pa lamang ay nakita ko na si major na naghihintay,
Pumasok ako sa Sasakyan nya at binati sya.
"Hi Major, ang aga nyo po'
"Sakto lang, alam mo na on time ako" wika nito,
Napatingin ako sa kanya, nakasuot sya ng itim na Tshirt, naka Cap saka naka pants din na black. Parang ang bango bango nya naman.pero mabango talaga sya.
Minaniobra nya ang sasakyan at umalis kami patungo sa lugar na pagdadalhan nya sa akin.
Napansin kong nasa laguna kami.
Wala pa akong idea kung saan nya ako dadalhin hangang sa ihinto na nito ang sasakyan at Doon ko napagtanto kung saan nya ako dinala sa ENCHANTED KINGDOM.
Hanga naman ako sa nakita ko,
"Wow...Thanks Major, di ko alam na dito mo ko dadalhin, wika ko pa.
"Shall we? Wika nya sabay hingi sa aking kamay, Agad ko namang inabot iyon., Magkahwak kamay kaming nagtungo sa entrance, ride all you can ang pinili namin.
Wala pang gaanong tao, weekdays kasi kaya sulit na sulit maikli lamang ang pila., una kaming sumakay sa mga mabagal na rides,
Napaka seryoso ni Major, Walang emosyon. Kinuha ko ang Cp ko at nagpicture,
Pati sya ay pinicturan ko rin.
"Major! Smile" wika ki bahagya syang ngumiti ngunit after ng shot ay balik sa pagiging seryoso.
"Tara major...Dun tayo"
wika ko, Kung kanina hawak nya ang kamay ko, ngayon ako na ang humihila sa kamay nya para pumunta sa mga extreme rides.
Sumakay kami ng Rollercoaster, Sigaw ako ng Sigaw pero sya tahimik lang. Apaka KJ nman nito ni Major.
Mukang ako lang ang ng eenjoy.
Pagka baba namin ay naging tahimik ako kuno.
"Oh bat natahimik ka dyan BATA?
"Wala lang, mukang ako lang kasi ang nag eenjoy, kasama nga kita pero parang napipilitan ka lang naman major" wika ko rito.
Malungkot kong sabi, Nakita ko agad ang pagbabago nya.
"Hindi ah, Syempre ikaw talaga ang dapat mas mag enjoy."
"Mag eenjoy ako kung alam kong nag eenjoy karin" saad ko rito. Saglit nyang hinawakan ang ulo ko saka bahagyang ginulo ang buhok.
"Ikaw, talaga dami mong alam, Halika dun na tayo, mamaya na tayo mag rides, dun tayo sa games.
Nagpunta kami sa mga pa games na kailangan i shoot ang ring sa bote, Nanalo kami ng Teddy bear. Sunod naman ay Sa Bola na kailangan i Shoot sa Timba na dapat di mahuhulog, Ang galing ni major na shoot nya ang ball.
Kaya isang Malaking Stuff toy ulit ng napanalunan nmin.
Nilagay muna ni major sa sasakyan ang mga Toys na napanalunan namin, saka sya bumalik at pinagpatuloy namin ang pagsakay sa Space Shuttle naman, dito ay tumatawa na sya pansin ko na mas lalo palang guma gwapo si Major kapag nakangiti.
Pag andar ay Sumigaw kami pareho, Tawa kami ng tawa.
First time kong makasama ang gantong katauhan ni Major..Makulit, Nakangiti,At Malambing.
Nang dahan dahan kaming inaangat pataas ay Inabot nya ang kamay nya.
Bata, Take my Hand.." wika niya at inabot ko naman iyon.
"Kumapit ka ah, Wag na wag kang bibitaw sa akin kahit na anong mangyari"
wika nya, Pabulusok kasi kami sa mga oras na ito.
"Yes Major, hindi ako bibitiw" wika ko saka sya nginitian at ngumiti sya pabalik. Nang biglang andar pabulusok ang space shuttle...
"Ahhhhh...Tang ina..Wahhh" wika ni major na napapamura sa rides hahaha.
Ako naman ay tili ng tili at tawa ng tawa sa reaction nya.
Pero nananatili parin kaming magkahawak kamay hangang sa pagbaba. After noon ay minabuti muna namin mag pahinga, at saka kumain madami pa kaming sinakyan at talaga namang nag enjoy kami pareho,
Hinintay namin ang Fireworks
Napakaganda nito, Hangang sa Huling fireworks nagulat ako sa words na lumabas nakasulat ang SMILE EVREN
Di ko alam kung anong mararamdaman ko, na tila kinikilig ako.Effort pa ang Lolo major nyo.
"Maganda ba Bata? tanong nito.
"Opo, Thanks Major" wika ko sabay Yakap ko rito.
"You're welcome Baby!
Wika nito. Tama ba ako ng dinig? BABY raw? Di ko na lamang pinansin.
Pag katapos noon ay Hinatid nya na ako sa bahay at dinala ang aming mga nakuhang panalo sa E.K.
"Goodnight Bata,...Sana nag enjoy ka.
Wika nito sa kin.
"Thanks Major super nag enjoy po ako.
"Oh sige na magpahinga kana, Goodnight"
"Goodnight Major, tnx din po." Saad ko.
YOHAN'S POV
Sobrang saya ko ng Makitang masaya si Bata kahapon buti at nagustuhan nya sa E.k, Ngayon ay andito ako sa labas ng Paaralan nya, kanina ko pa sya tinetext pero wala, ibibigay ko kasi yung invitation sa kanya.
Kalahating oras na ko naghihintay pero wala parin.
Hangang sa makita ko syang Paparating Na nagtatawanan may kasama syang isang babae at 3 lalaki,
Napasimangot ako ng makitang nakikipag kulitan din sya sa mga ito.
Kaya bumaba ako, at kinausap sya.
"Bata san ka galing kanina pa ako nag me message sayo wala ka man lang reply." Saad ko rito.
"Sorry Major nasa ilalim ng bag ko ang phone, May binili lang kami ng mga ka grupo ko"
"Sana sinama mo ako, O kaya sakin ka nalang nagpabili" wika ko sa di malamang dahilan kung bakit tila naiinis ako
"Huh? Kalma major gamit sa project ang binili namin, nakakahiya naman kung iuutos pa namin." Saad nman nito
"Eto nga pala yung invitation sa kasal ng Bestfriend ko" magkikita kami mamaya para sa isusuot natin.
"Okay po salamat, sorry naghintay kapa," wika naman nito.
"Ok na Sige na ingat ka pauwi."
Kinagabihan ay nagkita kami ni Xav para ibigay ang damit na susuutin napansin nya naman na badtrip ako kaya knuwento ko sa kanya. Tinawanan naman ako ng Gago, dahil bat muka daw nagseselos ako, Nag seselos nga ba ako? Bat ngaba G na G ako.? Di ko rin maintindihan ang sarili ko, basta gusto ko ako lang, ayaw ko may ibang lalaking lalapit kay bata, pwera nalang kung kakilala ko.
Maya maya ay Nakita ko ang message ni Bata nag sorry ito dahil sa di nya pag reply sa akin, Nangiti naman ako, Maya maya ay sinend nya sa akin ang picture namin sa E.k kahapon.
Infairness ang ganda ng mga shots namin rito.
Para kaming mag Kasintahan.
Bakit ang ganda ng Ngiti ko rito, Si bata lang ang nakapag pangiti sa akin ng ganito.
Agad kong Sinave sa CP ko ang mga picture namin, At sumunod naman ay nag upload ako sa Insta ang picture naming dalawa pero di kita ang mukha nya dahil nakatalikod sya at Hawak nya ang kamay ko, eto yung moment na Hinihila nya ako patungo sa ibang rides.
Nag Caption lang ako ng
"QUALITY TIME WITH HER"
Wala pang isang minuto ay inulan agad ng reacts at comments.
Nakita ko pa ang comment ng mga kapatid ko sa Father side:
Red: Kuya Face Reveal naman kay Ate.
Peachy: Hala kuya...natuto nang mag upload ah anyway kelan namin sya makikilala, Ayiee Inlove na si Kuya Major.
Wika naman ng bunso nmin.
Ni like ko lang ang mga comments nila pero wala akong nireplayan ni isa sa kanila, Bahala silang mag isip hehe
Hangang sa pag pasok ko sa Headquarters kinabukasan ay puro kantyaw ng mga kabaro ko.
"Sir...Si Mam Ganda ba yung kasama mo ayieee.." wika ni Del rio.
"Sige lokohin mo ko wala kang kape sakin" wika ko naman.
"Wag naman sir, saka wala namang masama kung si Mam ganda yon, single naman kayo pareho eh.
"Oo na oo na..Bumalik kana sa pwesto mo hehe" wika ko rito.
Umupo na rin ako sa pwesto ko Pag bukas ko ng Email ay may natangap na naman akong email mula sa informant ko, ay tuloy tuloy daw ang business ng manyakis n tatay ni Bata sa Cebu, Aakalain mo daw na isang legal Class na bar at pasugalan lamang ito pero positibo na may ginagawa silang milagro sa loob.
Hindi lahat ay nakakapasok dito, kailangan mo pang maging member at magkaron ng tinatawag nila Black Dragon Card, O kung wala naman ay Kailangan mong magbayad ng malaki At Dollars pa ang bayaran.
Ayon din sa informant, kada taon ay may Tinatawag silang "ALAY" kung saan mula sa mga Myembro ng Samahan ay pwede silang mag Alay mula sa Pamilya pwedeng anak, pamangkin, o apo,at higit sa lahat kailangan ay birhen ang mga ito. Ang mga ito Ay May Tsansang Makapag Asawa ng mas Mataas, pero kakaiba ang samahang Ito Dahil tatlong lalaki na my pinakamalaking binitawang salapi ang Ang gagamit sayo, kung saan itataon kung kelan fertile ang Babaeng Alay ay doon isasagawa ang Tradisyon, Sa tatlong lalaking gagamit sa babaeng alay, kung sino ang makakabuntis dito ito ay Doon ito mapupunta, Tatanghaling reyna ang Babaeng Alay at mas lalakas rin ang pwersa ng mga magulang nito.
Bigla akong Napaisip,So may Balak silng gawing Alay Si Bata pag nagkataon, Base sa kwento ni Bata, naririnig nyang nagtatalo ang mga magulang nya.
Wala talagang papantay sa kasakiman ni Chivas, Handang ipahamak ang anak makamit lang ang malakas ng kapangyarihan.
Pag naisip ko pano kung mapunta doon si Bata, Maganda si Bata, Pati ang pangangtawan nito, Baka hindi lang 3 lalaki ang magkumahog makuha lang ito.
Hindi ko maisip, Baka makapatay ako pag nangyari yon sa kanya.
Samantala...
EVREN'S POV
Nakaupo ako sa Bench .Wala pa kasing klase nagulat ako ng biglang nag VC c kuya Hyde, Agad ko itong sinagot.
Pabalik na daw sya ng manila, kinumusta ko ang mama nya ok naman daw, kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari at Niloloko nya ako.
"Aba..Nawala lang ako nasalisihan agad ako ni Escobar, hehe"
"Hha..Inaya nya lang naman ako kuya sa E.K kung andito ka sinama ka sana namin."
"Hahhaa Naku hindi na, malamang uusok ilong non ni Escobar kapag nalaman na kasama ako hehe."
"Hahaha grabe ka kay major kuya"
Nga pala kuya Kanina kasi nag botohan para sa representative ng Muse ako ang napili sa BSBa department.
"E di congrats"
"Luhh..Parang ayoko nga, di naman ako marunong mag model ayy"
"Kaya mo yan, ikaw pa b?"
Luhh..Rarampa ng Casual, Sports, traditional na dapat Recycle at Swimsuit?
"Edi Boyleg ang suotin mo or lagyan mo ng Tapis
"Tsk..Sige na nga,
Wika ko naman, maya maya ay nagpaalam na ako sa kanya Sa VC.
Sumapit ang araw ng Event sa School, Grabe ang suporta ng Department ko sa akin, Sila ang nagtulong tulong na gawin ang Traditional costume ko dapat ay recycled , Gawa ito sa tinupi tuping magazine nakapaganda nito, pinagpuyatan itong gawin ng mga ka klase ko. Kayat malaki ang pasasalamat kobsa kanila.
Handa na ang iba kong Isusuot pati na rin ang Boyleg na susuotin ko.
Pinakilala ang mga Hurado, Napalaki ang Mata ko ng malamang isa sa mga Hurado si Major Escobar..
Shit....Luhhh...Manonood sya pano pag palpak yung rampa ko nakakahiya, Saka mamaya makikita nya akong nka boyleg eh roxy short nga lang naiinis na yan eh.yari ako nito pag katapos.
At nag simula na nga ang rampa.
Syempre una kaming Rumampa ng naka Casual wear, Grabe ang sigawan kapag pangalan ko ang tinatawag, Ako at Yung Tourism student ang nagpapalakasan ng Suporta.
Sunod ay pag rampa namin ng naka Sports, Taekwando Sports ang Sinuot kong Costume o diba Balot na balot, Sunod naman ay Traditional costume, nag bongga ng mga costume ngunit di nagpatalo ang Gawa ng mga ka klase ko, Rinig ko ang Sigaw ni Monika at Cat bilang Suporta, at sumisigaw sila ng "GO BESH...WE LOVE YOU" parang maiiyak naman ako, Nang makita sila.
At eto na ang pinaka hihintay ng lahat ang Swimsuit Sigawan ang maririnig mo sa labas, Nasa back stage kami, Hawak ko na ang susuotin ko ngunit biglang nag bagon.
"Okay Girls, may changes, nag sponsor ang kilalang brand at ang irarampa nyo ay ang Swimsuit nila Ok lahat kayo ay Parehs ng isusuot, nasa sa inyo na lamang kung paano nyo irarampa.Wika pa nito.
Pagtingin ko sa Swimsuit color black na 2 piece ito na ang pinaka Garter ay parang string.
Wala kaming nagawa kundi isuot ito, nag iba naman ay tuwang tuwa lalo na ang mga sanay na magsuot nito, Nakita ko ang kabuuan ko sa salamin bagay naman ito, di lang siguro ako sanay. pinatungan ko muna ito ng roba habang nasa backstage pa kami.
"Okay The most awaited portion ang Swimsuit, Ready naba kayo? Alam nyo ba guys
Nagkaron daw ng Twist sa swimsuit ang nangyari daw ay di nila alam ang swimsuit na mapupunta sa kanila, Dyan natin makikita kung Kaya ba nila maghandle ng susuotin na di nila napaghandaan Ok Guys Handa naba kayo? Tanong ng Host Sa mga nanood.
"Handang Handa na...Kanina pa..wag nio kami patakamin" wika pa ng Iba.
"Ok Eto na sila....Enjoy Guys.
Kinakabahan ako Pang 7 kasi ako at nasa 5 na ang natatawag. Halos hiyawan ang maririnig mo, Jusko...sana maitawid ko ng portion na Ito.
Kasalukuyan ng narampa si No.6 at ako na ang Susunod s sobrang kaba ko ay Nagbukas ako ng lollipop at sinubo ito,
Nang tinawag na ang number ko ay tila wala pa ako sa sarili, Nakalabas pa ako ng Naka Roba at Naka Lollipop, Sigawan ang maririnig mo...
Woi..Evren anong ginagawa mo?" Wika ng mga ka department ko,
Jusko, gusto kong lamunin nalang ako ng lupa.
Total andito nalang din Rumampa ako ng Naka Robe Left..Right ..Front..
Sabay pag dating ko sa Gitna Saka Ko Dahan Dahang Hinubad ang Robe at Hinagis ito, With matching Subo nang Lollipop feeling confident ako sa ginagawa ko pero ang totoo kabado bente ako. Sa kasamaang Palad pag hagis ko ng Robe ay naglanding ito sa Mukha Ni Major escobar.
Shit...pag minamalas ka nga naman.
Tinuloy ko pa ang pag rampa at hiyawan silang lahat.
Kita ko pa ang malalim na titig sa akin ni Major mula ulo hanggang Paa.
Aasahan ko na ang Sermon ni major mamaya, Nakikita kong Panay ang inom nya ng Tubig at panay ang Lunok.
Nakita ko naman si Kuya Hyde sa kabilang side na pumapalakpak sabay sabi sa akin ng "LAGOT" saka inginuso si Major Escobar.