"Lo, gusto niyo daw po akong makausap?" Tanong ko kay Lolo habang nakayuko. "Yung tungkol dun sa lalaking si Ivan? Tama ba?" Gulat akong napaupo sa harap niya sabay sabing "Pano niyo po nalaman?" "Hahaha Nakakatuwa ka. Sinabi sakin ng Mama mo. Iniiyakan mo pa daw 'yon. Gusto mo naba siyang makita ulit?" Nakatitig niyang sabi sakin habang malumanay na tumatawa. "Sana po." Malungkot kong sagot kay Lolo at mas lalo pa siyang tumawa. "Diba malapit na yung birthday mo?" Tanong niya sakin habang may kinukuha sa drawer niya. "Opo sa sabado na po." Maiksing sagot ko habang tinitignan siya sa ginagawa niya. "Eto. Advanced gift." Nakangiting sabi ni Lolo. Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya ng mahigpit sabay kiss sa may pisngi. "Hahaha Nakakatuwa ka talaga, Apo. Mag enjoy ka don ah." Natutuwa

