CHAPTER FORTY-SIX

698 Words

ZARINA POINT OF VIEW Napayakap ako sa sarili ko habang tulala sa lakas ng ulan sa labas. Naiilang ako dahil sa katahimikan. Minsan tumitingin ako sa kanya pero mabilis ko rin 'yong binabawi kapag nahuhuli niya ko. Bigla akong napapikit, napangiti ako dahil naalala ko si Ivan. Na-imagine ko na kaming dalawa ngayon ang trap dito. Masaya kami at nagtatawanan habang nagkukwentuhan. "Sana lang ayos siya do'n," pabulong kong usal kasabay ng pagdilat. Tinignan ko si Alden na kinakapa ang lakas ng ulan sa labas. Napabuntong hininga siya pabalik. "Mas lalo pang lumalakas 'yung ulan!" sigaw niya para magkadinigan kami. Malungkot pa rin ako dahil naalala ko na naman si Ivan kaya hindi ko siya nasagot. Miss na miss ko na 'yung mahal ko. Sana hindi na lang siya umalis. Sana nandito na lang siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD