ZARINA POINT OF VIEW "Bakit ba parang naiisip mong umalis?" Napabuntong hininga ako habang nakadukdok siya sa mesa. "Hindi sa gusto kitang iwan. Naiisip ko lang kasi paano kung umalis nga ako? 'Di ba magiging maganda rin 'yon para sa'ting dalawa? At least kapag-" "Ayoko, Ivan. Hindi ako papayag na umalis ka. Pinaglalaruan lang nila ngayon ang isip mo. Kaya tumigil ka," seryosong sagot ko sabay tingin nang masama. "Sorry," nakangiting sabi niya. Tumango lang ako sa kanya bilang pagtugon. IVAN POINT OF VIEW "Stop, don't say it." Pagpigil sa'kin ni Jericho habang nakaharang pa 'yung kamay niya sa mukha ko. "'Wag ka ngang tanga!" dagdag niya pa. Tumango-tango naman sina Clyde at Christian. "Hindi naman 'yon katangahan kasi-" "Hops! 'Wag kana magsalita." Pagpigil niya ulit sa'kin. Bi

