CHAPTER FORTY-ONE

805 Words

IVAN POINT OF VIEW "Ivan, son, please. 'Wag ka nang umalis." Habol sa'min ni Mom. Napapikit ako sa pagtitimpi. Ramdam kong kusang humigpit ang kapit ko sa kamay ni Zarina. Ayokong pumili hangga't maari pero hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang babaeng mahal ko. "Bakit kailangan mong gumanyan, Ivan? Ako ang mom mo. Alam ko kung sino ang makakabuti sa'yo." "Tumigil ka na, mom." Bumuga ko ng hangin bago siya harapin. "Aalis na kami," dugtong ko kasabay ng paghila kay Zarina. "Guard!" sigaw ni Mommy at mabilis namang sinara ng mga guwardiya namin ang gate. Mas lalo akong nagalit. "Mom!" reklamo ko bago tingnan ng masama ang mga guwardiya. "Padaanin niyo kami. Buksan niyo 'yan habang nagtitimpi pa ko." "Pasensya na, sir. Pero si Ma'am po ang nag-utos," nag-aalangan na sagot ng isa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD