ZARINA POV "Bakit ka ba nag mamadaling pumunta sa central park? Ang sakit na ng paa ko oh." Angal sakin ni Alden habang hatak hatak ko padin siya. "Pinapapunta kasi ako dito ni Ivan." Paliwanag ko sakanya. "Edi sana nag kotse na lang tayo o kaya taxi! Ang layo kaya ng nilakad natin." Angal nanaman niya kaya naman tinignan ko siya ng 'Umayos ka nga.' look. "Eh kasi bilin niya mag lakad nalang daw tayo tutal naman gabi na." Paliwanag ko sabay hila ulit sakanya. "Sabi na eh! May saltik yang boyfriend mo! Ikaw? Pinag lakad ka ng gabi na." Natatawa niyang sabi na parang nababaliw. "Kaya nga sinama kita diba?" Sarcastic kong sabi sakanya kaya naman tumigil siya. "So asan na siya?" Seryosong tanong niya. "Ewan. Sabi niya pumunta daw ako sa bench na inupuan niya kanina." Sagot ko sabay lin

