ELIZA POV "Bakit naman napatawag sayo yung pinsan kong nilamon na ng pag ibig?" Nag tatakang tanong sakin ni Jericho habang natatawa. "Ewan. Bigla nalang nag tanong ng kung ano ano tungkol kay Zarina." Nag tataka ko ding sagot. "Kay Zarina? Hahaha! Sabi ko sayo nilamon na talaga siya ng pag ibig." Natatawa niyang sabi. ZARINA POV "Pwede ba? Maupo kanaman. Nahihilo ako sayo—paikot ikot ka jan!" Nakukulitan na paki usap sakin ni Alden habang naka upo siya sa sofa. "Hindi pwede!" Naguguluhan kong sabi sakanya. "Anong di pwede?! Halika nga dito." Sigaw niya habang tumatayo at hinihila ako paupo. "Ayan. Relax." Madiin niyang sabi sakin ng mapaupo niya ko. "Bakit kaya bigla nalang siyang umalis? Birthday ko ngayon! Sayang yung oras. Tapos uuwi na din natin bukas." Paliwanag ko sakanya h

