"Mahal pano na yan? Basang basa na tayo. Tara nalang umuwi?" Aya ko sakanya habang hinihila siya patayo sa kinauupuan niya. "Mahal naman—kahit ganito ako, hindi ko naman hahayaan na umuwi tayo. Birthday mo ngayon." Ngumiti niya ng sabi sabay tayo. "Aba! Mukhang good mood na yung mahal ko ah." Napangiting sabi ko sabay siko sa tagliran niya. Nginitian niya lang din ako at sumunod sa pag lalakad niya kahit pa umuulan. "Mahal? Yung totoo san mo gustong pumunta? Zoo? Amusement park?" Pangungulit niya sakin habang masaya kaming nag lalakad sa park. "Kahit saan—basta ikaw ang kasama ko. Masaya nako." Nakangiting sabi ko sakanya sabay kindat. "Anong ngiti yan?!" Natatawang sabi ko sakanya ng biglang may kung anong napansin ako sa ngiti niya. "Kahit saan ah." Parang nanunubok na sabi niya h

