ZARINA POINT OF VIEW "So?" Nakangiti ko siyang inikutan. "Ano ngang meron? Dali!" tanong ko ulit habang pilit kong pinipigilan ang excitement sa buo kong katawan. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko na alam kung saan pa itatago ito. Magtatapat na siya, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba?!!! "Ganito kasi... Ahm... Paano ko ba sisimulan 'to? Ano—" "SABIHIN MO NA!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagulat siya at agad na natawa habang hinihimas pa rin ang batok. "Oo na... Eto na nga. Masyado kang nagmamadali." Tawa niya. "Napakatagal mo kasi, eh." Nag-pout ako, kunwaring nagtatampo. Ang hirap pigilan nitong nararamdaman ko. Bawat segundo na sinasayang niya, bawat buka ng mga labi niya, nananabik ako. Nananabik ako sa kung ano ang ilalabas no'n. Nananabik akong sabihin niya ngayon ang matagal ko ng hini

