CHAPTER THIRTY-SEVEN

667 Words

IVAN POINT OF VIEW "Hay nako." Kanina pa sila isa-isang bumubuntong hininga habang umiiling iling sa'kin. Tinignan ko sila. "Anong magagawa ko? Eh, ayaw niyang pumunta," bulalas ko. "Ang hina mo kasi," angal ni Clyde. "Alam mo, Ivan? Hindi ko na ngayon lubos na maisip kung paano ka tinawag na playboy? Kasi hindi ka naman marunong sumuyo ng babae," sabat din ni Christian. "Hindi kayo nakakatulong," inis kong sabi. "Tignan niyo oh. Maggagabi na." Turo naman ni Jericho sa orasan. "Ano gagawin natin?" kagat labing tanong ni Maye. "Eh, kung tanggalin na kaya natin 'tong mga ito. Hayaan nalang natin," walang ganang sagot ko sa kanila. "Tumigil ka nga diyan, Kuya Ivan! Magagawan 'yan ng paraan." Biglang tumayo si Maye at nagpamewang. "Tawagan mo," utos niya sabay abot ng cellphone sa muk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD