THIRD-PERSON POINT OF VIEW Hindi matinag ang ginang sa malagim niyang binabalak. Habang ang mommy ni Ivan, kunot ang noo na nakatitig sa mga litratong nilabas ng kanyang biglaang bisita. "Sa itsura mo, mare, parang wala kang kaalam-alam sa mga ginagawa ng anak mo. Hindi niya lang binabastos ang pangalan ng namayapa kong anak, kundi pati ako nababastos dahil sa mga ginagawa niya. Hindi yata marunong gumalang ang anak mo." "Pasensya na. Hindi mo kailangang mag-isip nang ganyan. Ako na ang bahala sa kanya, pagsasabihan ko siya," mabilis na kontra ng mommy ni Ivan. "Paanong hindi ako mag-iisip? Pinagpalit niya lang naman ang anak ko sa nakakadiring mahirap na babae na 'yon," galit na galit na sagot nito. "Gagawan ko ng paraan." "Dapat lang. Kaya nga ako pumunta dito para marinig sa'yo '

