IVAN POINT OF VIEW Naiintindihan ko na ang naging pagkakamali ko kaya naman gumising ako ng maaga para makabawi. Maingat akong gumalaw para ipaglinis siya ng bahay nang hindi siya nagigising sa ingay, nilabas ko na rin lahat ng mga basura at pagkatapos no'n ay pinagluto ko siya ng umagahan. Hindi ko alam kung sapat na ba 'to para matanggal manlang ang inis niya sa akin pero umaasa ako para makausap ko siya ng matino mamaya. "Good morning, gising ka na pala." Ngumiti agad ako pagkakita ko kay Zarina. Iba pa rin siya kung makatingin kaya medyo nagyabang na ko. Ngumisi ako sabay mostra sa paligid para ipakita sa kanyang very good ako ngayong araw. "Anong masasabi mo?" tanong ko. "Saan?" Parang hindi niya napansin lahat ng ginawa ko. "Nalinis ko na 'yung buong bahay. Tapos na rin akong

