CHAPTER 1: FIRE OF GRIEF
“Rhaim hijo…”
NAPATIIM-BAGANG si Rhaim nang marinig ang boses ng kaniyang mama. Hindi siya kumilos o lumingon man lang dito. Puno ng hinanakit at poot ang kaniyang dibdib para rito at sa pumatay sa kaniyang ama.
Tinitigan niya ang mukha ng malamig na bangkay ng ama sa loob ng kabaong. Napakuyom siya nang mahigpit sa mga kamao.
“Your murderer will pay, Papa.”
Mahina ngunit puno ng panganib ang mga salitang binitiwan niya.
“Rhaim,” untag sa kaniya ng kaniyang Tito Rufus. “Talk to your mother, hijo. Higit ka niyang kailangan ngayong wala na ang iyong ama.”
Umigting ang kaniyang panga sa narinig. Lalong nag-apoy ang galit niya sa dibdib para sa sariling ina.
Paano nito nagagawang tingnan ngayon ang bangkay ng kaniyang ama? Paano nito nagagawang umiyak gayong ito ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama?
Sumulak ang dugo niya nang makita ang luhaang ina. Anong katapatan nitong umiyak? Ni wala itong karapatang tingnan ang nangkay ng kaniayang ama.
Ito ang rason kung bakit nasa loob na ng kabaong ama. Ito ang dahilan ng matinding poot niya sa mga sandaling iyon.
“Kung gusto niyang manatili sa lamay ni Papa, huwag siyang magtangkang kausapin ako, Tito. May kapal pa siya ng mukhang…”
“Rhaim, please respect your mother, hijo. Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit mo. Hindi kasalanan ng Mama mo ang pagkawala ng Papa mo. Biktima rin ang iyong ina, hijo.”
“Biktima? Pagkatapos niyang iputan sa ulo si Papa?”
Narinig niya ang malakas na hikbi ng ina. Siguradong narinig nito ang masasakit na salitang binitiwan niya. Ngunit lalo lamang naghimagsik ang kaniyang kalooban. Galit siya rito. At hindi niya ito kaya pang harapin at ituring na ina, matapos mamatay ang kaniyang Papa dahil dito.
“Rhaim hijo…”
“Tama na, Tito. Kahit pa ano'ng sabihin ninyo, hindi ko makakalimutan ang ginawang panloloko ni Mama kay Papa.”
Napabuntunghininga na lamang si Rufus. Rhaim was consumed by hatred. Matigas din ang puso nito gaya ni Ibrahim, ng yumao niyang kapatid. Tanging dalangin niya ay sana balang araw ay huhupa rin ang galit ng kaniyang pamangkin at patawarin na ang ina nito.
“Siya sige, hijo. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo sa ngayon. Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng galit. Nandiyan lang ang mga pinsan mo, kung kailangan mo ng pagbubuntunan ng galit… sigurado ako, papayag silang magpabugbog sa iyo.”
Tinapik ni Rufus ang balikat ng binata bago ito iniwan.
“I heard that!” boses ni Kiel. Ngumiti ito sa tiyuhin bago nilapitan si Rhaim.
“Mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay ni Tito, Rhaim. Huwag kang mag-aalala, dito lang ako. Basta huwag mo lang akong bugbugin, dadamayan kita, cousin.”
“Hustisya?”
Napatiim-bagang siya. Tumalim ang mga matang tumitig sa kabaong ng ama.
“Yeah. Justice.”
Kinuyom niya nang mahigpit ang mga kamao.
“I will be that justice, Kiel.”
Napabuntunghininga si Kiel. Ramdam niya ang poot ng pinsan sa pumatay sa ama nito. Kung di lang niya ito pinsan at kilala, malamang ay matatakot siyang lapitan ito. Lalo ngayong sariwang-sariwa pa ang mga naganap sa pamilya nito.
“Huwag kang mag-alala, mahuhuli rin si Sandoval. Hindi iyon makakalusot kay Rael. Ano namang laban ng sisiw na Sandoval sa isang agila?” seryosong wika ni Kiel at inakbayan ang pinsan.
Sisiw? At paano napatay ng sisiw ang agila?
Kilala niya ang ama. Malakas pa ito at hindi kayang patumbahin ng tulad ni Sandoval. Pero anong nangyari at nasa kabaong na ngayon ang ama? Hindi pipitsuging pipit ang hayop na iyon.
“Sabihin mo kay Rael, huwag tumigil hangga't hindi nahahanap si Sandoval. I will send that son of a b***h to hell myself.”
Tumango si Kiel.
“Maaayos natin ang kaso ni Sandoval pagkatapos ng libing ni Tito, Rhaim. Kapag nahuli siya, hand him over to the police, will you?”
Bakas ang pag-aalala sa tinig ni Kiel.
“Police?” Nanliliaik ang mga matang tumingin ito sa dako ng kabaong. „ That's not going to happen. “
Umigting ang panga ng binata.
“ Hayan mong batas ang magpapanagot sa kaniya, Rhaim. Iyon ang dapat, at nakabubuti sa iyo. “
“No. I will kill him, Kiel. Walang batas-batas. I will be Sandoval's law.”
“Kalma, cousin. Hindi gugustuhin ni Tito na papatay ka ng tao para ipaghiganti siya.”
“At hindi ko rin gugustuhing malaya at humihinga pa si Sandoval, Kiel.”
Laglag ang balikat na tinapik ni Kiel sa likod ang pinsan. Hindi na niya mababago ang desisyon nito. At kahit pa sinong nilalang ang haharang dito ay hindi paaawat sa paghihiganti.
Tanging dasal na lamang siguro ang kailangan para mailigtas ang kaluluwa ng pinsan sa impiyerno kung sakali man.
Ilang minuto ang lumipas at nabaling ang atensyon nilang pareho sa pagtunog ng mobile phone ni Rhaim.
“Maybe it's Rael,” ani Kiel.
Mabilis na dinukot ni Rhaim sa bulsa ang patuloy na nag-iingay na gadget.
“Yes, Rael. What's the update?”
Buntong-hininga ni Rael ang narinig mula sa kabilang linya. Lalong nagtagis ang bagang ni Rhaim. That meant there was no lead on Sandoval.
“That devil... Find him, Rael. Don't stop until you do!”
“Walang lead kung nasaan siya, cousin. Pero may nahanap akong lead para mas mapabilis ang paghahanap sa kaniya.”
Sukat sa narinig ay tila nabuhayan ng loob si Rhaim.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Nalaman kong may anak si Sandoval, dude. At na-locate ko na rin kung nasaan ang anak niya.”
“Nasaan ang anak ng demonyong iyon?”
“ Order of the Sacred Heart tugon ni Rael.
“Order of the Sacred... f**k!”
Mapaklang tumawa si Rhaim.
Sino’ng mag-aakala na ang demonyong pumatay sa kaniyang Papa ay may anak na nagsasanay upang maging madre?
Tumikhim si Rael.
“But, cousin, Sandoval's daughter is innocent. Besides, I don't kill nuns.”
“Sino ba ang nagsabing papatayin mo, Rael? Leave her to me. Email me her information now.”
“Ano'ng binabalak mong gawin?”
“Ano pa? E, di gamitin para lumantad ang ama niya.”
“Pero—”
“Bring her to me, Rael. I'll transfer two million pesos to your account immediately.”
“Wait, what? Are you asking me to kidnap a nun from a convent? Nababaliw ka na ba?”
“Kaya kong gawin ang lahat para lumabas si Sandoval, Rael. Planuhin mo kung paano makuha ang babaeng iyon. I trust you, cousin. Please do this for me.”
Hindi maitago sa tinig ni Rhaim ang desperasyon. Gagawin niya ng lahat para makaganti. Kahit sinong related kay Sandoval, idadamay niya —makuha lamang ang hustisya para sa namayapang ama.
“Oh, damn it!”
Narinig pa niyang mura ni Rael bago niya ito pinatayan ng tawag.
Alam niyang hindi siya bibiguin ni Rael. Hindi dahil sa milyones na ibibigay niya kapalit ng iniuutos. He knew Rael wouldn't say no to his request because he understood his grief all too well.
“Are you asking my brother to kidnap your enemy's daughter?”
Hindi maitago ang pinaghalong gulat at takot sa guwapong mukha ni Kiel.
“You heard me right.”
“Oh, no, cousin. Are you insane?”
He smirked. Yeah, he was insane.
At mababaliw siya kapag 'di niya naitumba ang lintik na Sandoval.