Kabanata 2

2662 Words
I pursed my lips and glanced around, searching for Yesha and Levi. The restaurant was crowded, and suddenly, I couldn't spot them anywhere. Kahit si Kairi ay hindi ko makita! Unbelievable! Suppressing my frustration, I checked my wrist watch. It was almost 9 p.m. I blinked, scanning the room again. Where on earth was Yesha? "Samahan kita mamamya hanapin si Yesha..." Andres deep voice broke my thoughts. "Sorry... 9 na kasi. I should be going home by now," sabi ko saka tumayo. He stood too, surprised by my sudden movement. "Hindi ka pa kumakain," he said looking alarmed. Umiling ako. "Okay lang. Kailangan ko ng umuwi, eh." "Ah, sige wait. Samahan kita hanapin sila Yesha." Tumango lang ako. Kinuha ko na ang bag ko at nagmamadali na tumalikod. Naglakad na ako para hanapin sila Yesha ngunit hindi ko makita ang dalawa. Nagsalubong ang kilay ko. Where is she? Inayos ko ang buhok at tumingin ulit sa relo ko. Mariin kong napikit na lang ang mga ko nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. I groaned when I saw Papa's name on the screen. Pudra: Pauwi na kayo, 'nak? Nakagat ko ang labi at luminga ulit sa paligid. Naglakad ako ulit at naki-excuse pa sa mga tao roon. I'm really lost right now! Me: Yes, 'pa. Pauwi na. God! I'm such a liar! "Betty!" Napalingon ako sa tumawag. I saw Andres walking towards me. Now I realized na naiwan ko siguro siya. "Sorry, ah? Nagmamadali kasi ako..." I said apologetic. Umiling lang siya. I saw relieve written on his deep set eyes. "Okay lang." Napanguso ako saka kumamot sa batok. "Si Yesha hindi ko makita," mahinang saad ko. My shoulders fell. Paano ako uuwi nito? Hindi ako sanay na umalis sa bahay mag-isa, paano pa kaya na umuwi mag-isa? "Si Kairi?" Umiling ako ulit, mas bumagsak ang balikat. "I don't see him, either." He sighed before I felt his hand on my shoulder. Napataas ako ng tingin sa kaniya. I saw him staring at me softly. Magaan ang tingin niya pero napalunok ako. "Hahanapin natin sila." "They're not inside the restaurant." "Then, we'll go outside." Ngumuso lang ako ulit. Bumuga siya ng hangin saka lumapit sa akin. His hands still on my shoulder and I felt electricity again ngunit wala roon ang utak ko. "Halika..." I nodded. I stepped back and his hands fell. Sa pag-ikot ko'y, hindi ko nakita ang isang lalaking palapit pala sa amin. We bump into each other. His drinks spilled on my uniform. Napaawang ang labi ko sa gulat. "Sorry, Ms. Hindi ko sinasadya," he said apologetic. Napatingin ako sa uniform ko na basa na dahil sa juice. Puti ang uniform ko at makapal naman ang tela nito kaya hindi halata ang panloob ko. Pero dahil halos natapon sa akin lahat ng nasa baso, basang-basa tuloy ako. I stared at the guy saka umiling. "Hindi, okay lang." Great! Okay lang na uuwi ako ng ganito? Malamang hindi. "Sorry talaga." The guy left and I felt Andres' presence beside me. Lumingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang nag-aalala ang mukha. His eyes scanned me- lingering on my uniform in particular. "Okay ka lang?" He asked. Tumango ako. "Okay lang. Wait lang..." Mula sa bag ko ay kinuha ko ang wet wipes ko saka iyon ang pinang-gamit sa nabasa kong blouse. Nanlalagkit na rin ako dahil kanina pa itong suot ko. "Gusto mong magpalit? I have an extra jersey." I tilted my head toward him. His eyes were persuasive. I bit my lip instead, then looked back at my uniform. Hindi kaaya-ayang tingnan ito ngayon. Napangiwi ako dahil alam kong hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang hitsura. I pressed my together before I lifted my eyes on him. "Okay lang ba?" Mahinang tanong ko. Halos naramdaman ko ang pamumula ang dalawang pisngi dahil sa hiya. This is the first we met and yet this is happening already. Nakakahiya! Hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos pero nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. He looks relieve at the same nervous? Baka guni-guni ko lang dahil nawala rin 'yon. "Oo naman. Teka, kunin ko lang," mabilis na sagot niya. Umalis siya saglit habang ako naman ay nakita ang palabas ng restaurant. Bumuga ako ng hangin nang makalabas at sumandal sa gilid ng pasilidad. I closed my eyes firmly. Napahilot na lang ako sa sintido ko saka tumingin sa labas. Hawak ang laylayan ng uniform ko, I roamed my eyes to see if there's any sign of Yesha, ngunit wala talaga. Umiling ako sa hangin. Sana naman hindi niya ako iniwan, ano? "Here, take my jersey. Magpalit ka muna bago natin hanapin sila Yesha." Tumuwid ako ng tayo nang marinig ang boses ni Andres. He handed me his jersey na parehas lang ng suot niya. My heart were racing as I lifted my eyes on him. Ngumiti siya ng marahan at tumango bago inuwestra ang kamay niyang hawak ang jersey. "Salamat," sabi ko saka kinuha iyon sa kaniya ng dahan-dahan. "Diyan lang 'yong cr, hintayin kita rito," sabi pa niya saka tinuro sa cr sa kanan ko. Tumango ako. Wala akong sinayang na oras at agad na pumasok sa cr. Sa isang cubicle ako nagpalit ng damit. Napangiwi na lang ako dahil basa rin ang suot kong panloob at bra. Pero hindi naman ako pwedeng umuwi na wala 'yon. I sighed deeply before I put the jersey on. Tinago ko ang basang uniform sa bag ko at lumabas din ng cubicle. Naramdaman kong nag-vibrate ulit ang cellphone ko. I went to the sink as I grabbed my cellphone. I saw another message from Papa. Pudra: Saan ka na, 'nak? Sunduin na lang kita sa kanto gabi na, eh. Parang gusto ko na lang maiyak. Napahilamos ako sa mukha ko saka tiningnan ang mukha sa salamin. I so looked tired and sleepy and my cheeks were red. Nagugutom na rin ako. Usually, ganitong oras ay matutulog na ako. Malaki ang jersey ni Andres sa akin pero no choice na ako ngayon. I could even smell his fresh mint scent. Sobrang manly ng pabango niya. Tila ba bumalot 'yon sa ilong ko. Napalunok ako at iniling na lang ang ulo saka nagtipa ng reply kay Papa. Me: Medyo traffic lang po pero malapit na. Pudra: Okay. Sabihan mo ako kung malapit ka na. Sunduin kita. Me: Huwag na papa. Kasama ko naman si Yesha. Nakagat ko na lang mariin ang labi ko dahil ngayon lang ako nagsinungaling kay papa ng ganito. I lied to him but that was only a white lie! Hindi ganito! At ngayon lang ako nakauwi ng ganitong oras ng gabi! God, Yesha! This is all your fault! I brush my hair using my fingers and calm myself. Sa paglabas ko, nagulat pa ako dahil nakita ko agad si Andres na nakasandal sa tapat ng cr. Agad siyang tumingin sa akin at tumuwid ng tabi. "Tanungin natin sila Lance kung nakita nila si Kairi," sinabi niya sabay ayos ng salamin niya. His eyes darted to my clothes-his jersey. Ngayon, nahihiya na ako ulit, ramdam ko ang init ng aking mga pisngi. His gaze is soft, calm and steady, but there was something more in it- something deep. Ano ba 'yon? Paghanga? O baka dahil sobrang laki ng jersey niya, nagmukha akong binalot? My heart skipped a beat, unsure whether to be flattered or confused. "Sige," sagot ko lang saka tumalikod na. Sa pagbalik namin sa restaurant ay nakita ko si Kairi na hawak ang kamay ni Hailey. Para akong nabunutan ng tinik nang makita sila. Patakbo akong lumapit sa kaniya habang siya'y nagulat ng makita ako. "Thank god! You're here!" He looked confused. "Bakit? Anong nangyari sa'yo?" He asked when he noticed my clothes. "Mamaya ko na explain. Nakita mo ba si Yesha? Kanina ko pa siya hinahanap." Nagsalubong ang kilay niya, tila nalilito. "Huh? Akala ko umuwi na kayo kasi nakita ko sila ni Levi na paalis kanina." "Ano?" Lumakas ang boses ko. "Kasama niya si Levi umalis. Akala ko naghihintay ka sa labas." Umiling ako. Nagpa-panic na ang utak ko dahil anong oras na. And the thought of Yesha leaving me alone makes me scared even more. "No. Hinihintay ko siya sa loob kanina kasi sabi niya ihahatid niya ako!" I want to panic. God, Yesha! Wala akong masabi sa mga nalaman ko. "Paano ako uuwi?" Nabulong ko na lang nasabi 'yon sa hangin. Para akong nanghina. Kaya kong mag-compute kaso hindi ganitong gabi na. Takot akong umalis mag-isa dahil hindi ako sanay tapos ngayon pa kayang uuwi ako mag-isa ng gabi? "Andres, pwede bang ihatid mo muna si Betty? Paalis na kasi team namin, ihahatid ko rin si Hailey. May scrim pa kami mamaya," narinig kong sinabi ni Kairi. Napatingin ako sa kaniya ulit. "Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko. "Si Andres na lang maghatid sa'yo. Mas mabilis kang makakauwi dahil may motor siya." "Hindi ko dala motor ko," sagot ni Andres. Sa kaniya naman ako tumingin. He stood beside me with his serious face. But when our gaze met, I saw him shifted his weight. Para siyang na alarma at agad na umiling. "Si Coach Owen dala niya motor niya. Pwede ko namang hiramin 'yon," biglaang bawi niya. Natigilan ako. "Okay lang ba sa'yo?" Tanong ko. Mabilis siyang tumango saka ngumiti. "Yes. Kesa naman umuwi ka mag-isa." "'Yon naman pala. Sige na, una na kami. May scrim pa kami," sabi ni Kairi. Bumaling ako sa kaniya. "Ingat ka." He nodded. "Yes, Madam," sagot niya na may ngisi saka tumingin kay Andres. "Ikaw na bahala rito sa kaibigan ko." Andres nodded slightly, an assuring nod. "Makakaasa ka." Nagpaalam ulit si Kairi saka sila umalis na. Kasunod nila ang ibang members yata ng horizon. When they left, I tilted my head to Andres. Nakatingin na siya sa akin at nandoon ulit ang magaan na tingin niya. He's very compose but his eyes were soft and gentle. Hindi ko alam kung para saan ang pagtingin niyang gano'n sa akin pero pansin ko na kanina pa gano'n ang mga mata niya. "Puntahan ko lang si Coach." Napalabi ako. "Thank you," iyan lang ang nasabi ko. "No worries. Ihahatid kita." That made my heart calm somehow. Tumango ako. "Hintayin kita rito." He nodded before he went inside. I sighed and calmed myself. Nakakahiya naman dahil ngayon ko lang siya nakilala tapos ganito pa ang nangyari. And Yesha. I pressed my lips together and closed my eyes firmly. Nakalimutan yata ng babaeng 'yon na may kaibigan siyang kasama ngayon. Talagang inuna pa ang boyfriend niya kesa sa akin! Bukas sa akin ang babaeng 'yon! Bumalik agad si Andres na may dalang itim na helmet at jacket. "Halika na. Mabuti na lang at may extra siyang helmet sa trunk ng motor niya." "Thank you ulit," that's all I can say to him. "Wala 'to. Halika na at baka mapagalitan ka pa ng magulang mo." Sumunod ako sa kaniya sa parking lot. Mabuti na lang at malapit lang din ang pinag-parking-an ng motor ng Coach niya. Nakita agad namin ang isang Kawasaki Ninja H2 SX. Huminto kami doon at kinuha naman niya ang isang spare ng helmet sa trunk. Itim din ang kulay no'n pero maliit kumpara sa hawak niyang malaki. It's looks like na pambabae ang helmet na 'yon. "Here..." he said as he handed me the helmet. Napatingin ako doon tapos sa kaniya naman. I looked like a child right now na nakasunod lang sa kaniya at mas lalo akong nahihiya dahil doon. Nagmumuka akong walang alam! Nakakainis ka, Yesha! "Do you have a driver's license?" I couldn't help but ask. I know he's helping me to get home but I need to be sure. Ayaw kong mahuli kami tapos malaman ni Papa na lalaki pa ang kasama ko ng ganitong oras. He chuckled, amusement flashed through his eyes. "Hindi ako papayag kung wala." Ngumuso ako. "Nagtatanong lang naman," mahinang sinabi ko. Mahina siyang natawa na mas kinahiya ko pa ng sobra. Tama nga naman siya. Hindi siya papayag kung wala. Tanga mo, Betty! "Sorry... I need to make sure dahil ayaw kong mahuli tayo." "Suotin mo na tapos pabigay ng address para mapabilis tayo." Kinuha ko ang helmet sa kaniya at sinuot 'yon agad. Nang matapos masuot ay nakita ko na inuwestra niya ang kamay niya na may hawak na jacket. Napatingin ako sa kaniya na nagtatanong ang mga mata. "Malamig na. Suotin mo rin 'to." "Paano ka?" Gumihit lang ang ngiti sa labi niya. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya sa kaliwang pisngi. "Don't mind me. Okay lang ako." Napakurap-kurap ako saka dahan-dahan na kinuha ang jacket sa kaniya. "Salamat," sabi ko saka iyon naman ang sinuot. Hindi pa nakatakas sa akin ang bango ng jacket. And I'm sure sa kaniya rin 'to dahil parehas ng amoy. Sobrang manly. Bagay sa kaniya. "Wala 'yon. Bigay mo na lang address mo." Right. Binigay ko sa kaniya ang address namin habang siya'y hawak ang cellphone niya para i-input doon. Pagkatapos no'n ay sumakay na siya sa motor. Napalunok ako saka sumunod sa kaniya. Dahan-dahan ang paggalaw ko lalo na ng umupo ako sa likuran niya. Ngayon na mas malapit, mas ramdam ko ang kaba. Hindi ko alam kung para saan. Sa takot ba kay papa dahil umuwi ako ng ganitong oras o sa kaniya na wala namang ginagawa o baka sa amoy niya? Mabango kasi. Matapang pero hindi masakit sa ilong. I bit my lips as I put my hands on his shoulder. Marahan lang din 'yon dahil ang lakas ng t***k ng puso ko. Baka marinig niya. "Magdadahan-dahan ako," aniya. Naramdaman niya yata ang kaba ko. First time kong sumakay ng motor sa taong ngayon ko naman nakilala. "Okay lang kung mabilis. Anong oras na rin." "Noted." Iyon lang ang sinabi niya bago pinaandar ang motor. Nagulat pa ako kaya humigpit ang hawak ko sa balikat niya. Napalayo tuloy ako ng kaunti sa kaniya dahil dumikit ang katawan ko sa likod niya. Napalunok ako habang umaandar na kami. Seriously, why am I like this? Mabilis ang takbo niya pero ramdam kong nag-iingat siya. Napangiti ako dahil doon. Kahit papaano ay nawala ang kaba sa dibdib ko. Habang nakasakay sa likod niya'y hindi ko mapigilang mapansin kung gaano ka-musculine ng balikat niya. Siguro maganda ang katawan niya dahil sa balikat pa lang ay matigas na. Nakagat ko ang labi sa naisip ko at pinilig ang ulo. "Dito na lang," sabi ko nang mapansin ko na malapit na kami sa amin. Huminto siya agad, ilang bahay bago ang bahay namin. Agad akong umalis sa likod niya at tinanggal ang helmet. "Doon pa ang bahay niyo, ah?" Takang tanong niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Baka makita ka ni Papa. Mapapagalitan ako kung malaman niyang lalaki ang naghatid sa akin," sagot ko saka lahad ng helmet sa kaniya. Napatango siya pagkuwan. "Ahh... kahit kaibigan mo?" tanong niya sabay baling sa akin na nakakunot ang noo. I chuckled. "Ngayon pa lang tayo nagkakilala." Ngumisi rin siya at umiling. "Tama nga naman." "But I owe you. Thank you ngayong araw." "Accept mo na lang friend request ko, quits na tayo." Natawa ako pero tumango. "Done already. Check ko mamaya pagpasok sa bahay." Nakita ko na naging maliwanag ang mukha niya kahit na ilaw lang poste ang liwanag dahil malalim na ang gabi. His eyes even sparkle while smiling. "Kasi babalik ko rin 'yong jersey mo," sabi ko pa. Tumawa siya lalo. Amusement flashed on his face again. "Balik mo na lang sa susunod. No pressure." I nodded. Tinanggal ko naman ang jacket niya saka binigay 'yon sa kaniya. "Thank you ulit, Andres." Umiling siya at kinuha ang jacket niya. "Sige na. Pasok ka na sa inyo." I nodded. "Bye. Ingat ka pauwi." I even waved my hands while walking away. Kumaway din siya na hindi nawala ang ngiti sa labi bago ako tuluyang tumalikod at naglakad na papalayo. I could feel his eyes on my back as I walked towards our gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD