Sa pagsarado ko ng gate namin saka ko narinig ang pag-andar ng motor. Diretso ako sa front door ng bahay namin. And as soon as I open the door, narinig ko agad ang boses ni ate Maeve.
"Lagot ka kay papa. Anong oras na," she uttered while glaring at me.
Nakaupo siya mahabang sofa ng sala namin habang may hawak na tasa. Ngumuso lang ako saka nilibot ang paningin sa sala.
"Si Papa?" I asked.
"Nandito ako, bakit?"
Nagulat ako ng biglang lumabas ng kusina si Papa na nakapameywang pa. I pouted my lips when his eyes darted at me. Naniningkit ang mga mata niya na sinuri ako.
"Anong oras na, Betty?" Seryoso ang boses niya.
"Papa, sorry po. Hindi ko mahindian si Yesha dahil alam mo naman 'yon."
I raised my white flag now. Agad akong lumapit sa kaniya at agad siyang niyakap sa gilid. Sinandal ko ang ulo sa braso niya saka siya tumingin sa kaniya.
"Sorry po. Promise, hindi na mauulit."
He flicked his tongue. "Dapat pala 8pm na lang ang curfew mo," aniya sabay iling.
"Oo nga, 'Pa. Ang unfair kasi sa amin ni ate Lira, 8pm ang curfew namin noon tapos si Betty 10." Singit naman ni ate Maeve.
"Eh, kasi naman, Maeve, noon 'yon. Medyo okay pa ako dahil wala pang masyadong krimen noon, ngayon kasi marami na. Akala ko okay lang dahil alam mo namang sa inyong magkakapatid, itong si Betty ang pinaka-aralin kaya akala ko tama lang na 10pm ang curfew niya."
"Sige, okay lang po na 8pm ang curfew ko," malambing na sinabi ko sa ama.
"Papa-baby na naman 'yan," ate Maeve said while shaking her head.
Napangiti lang ako saka tinagilid ang ulo para matingnan si Papa. Naniningkit pa rin ang mga mata na sinalubong niya ang malambing kong tingin.
"Nakauwi naman akong ligtas," ani ko pa at ngumiti ng matamis.
"Sige, okay na 'yon. Basta inihahatid ka ni Yesha o kaya ni Kairi. Malapit na rin ang entrance exam mo sa UST kaya alam kong magiging busy ka sa pag-uwi."
I kissed his cheeks. "Thanks," I said lovingly and hugged him tighter.
"Basta siguraduhin mo lang nag-aaral ka, Betty. Naku! Mahal ang tuition sa UST," ate Maeve uttered again.
"Yes, don't worry. That's my dream, ate. Kailangan kong pumasa sa LEAPMed para by the age of 25, intern na ako," buo ang boses na sagot ko sa kaniya.
Natawa si Papa. "Tama lang. Maraming opportunity ang surgeon sa US."
Napatango ako. "Right, Papa!"
"Kumain ka na ba?" He asked.
Umiling ako. "Hindi pa."
Now, I feel so hungry. Simula kaninang hapon ay walang laman ang tiyan ko. Hindi na talaga ako sasama kay Yesha manood ng laban sa susunod.
He frowned. "Oh, bakit? Akala ko sinama kayo sa celebration after game?"
Ngumuso lang ako. "Eh, kaunti lang nakain ko," pagdadahilan ko na lang.
Natawa siya saka umiling. "Sige na, maligo ka na para makakain. Tapos matulog pagkatapos."
I nodded. "Okay."
"Oh, kaninong damit 'yang suot mo?" I heard Maeve asked.
Napahinto ako sa pag-akyat sa hagdan namin saka tumingin ulit sa dalawa. Papa eyed me with his serious look while Maeve brows were shut down. Bumaba ang tingin ni Papa sa jersey na suot ko at napalabi na lang ako.
"Oo nga. Anong nangyari sa uniform mo?" Tanong ni papa na nagtataka.
"Natapunan po ng juice. Pinahiram lang ako ng isang member ni Levi ng jersey kasi basang-basa iyong uniform ko," sagot ko.
I didn't lie, though. Iyon talaga ang nangyari. Sana lang hindi na sila magtanong pa.
Tumango si Papa. "Sige na. Maligo ka na para makakain."
Tumalikod na ako paakyat sa hadgan namin nang marinig ko ulit ang boses ni ate Maeve na mapang-asar.
"Chessman, huh?"
"Ate, huwag kang OA!" Sigaw ko.
"Oo nga, Maeve. Ma-issue ka talaga," tanggol naman sa akin ni Papa.
Napailing na lang ako na may ngiti sa labi saka pumasok na sa loob ng kwarto ko. Agad akong pumunta sa study table ko para ilagay doon ang bag ko. I open my bag and grabbed my uniform para malabhan ko pagkapaligo.
Diretso ako sa banyo para makaligo dahil ramdam ko na ang pagod, gutom at lagkit ng katawan. Saglit lang akong naligo dahil gabi na rin at nagpalit na ng pantulog. Sinampay ko lang ang uniform at jerey ni Andres sa banyo saka lumabas na.
Sa paglabas ko'y narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sumilip ako at nakita si Papa na may hawak na tray na may pagkain. Gumihit ang ngiti sa labi.
One of the reasons why I have high standards. Wala pa akong balak magka-boyfriend dahil wala pa akong nakikita na katulad ng Papa ko. He always treated us like a princess. Lahat ng pagmamahal at alaga ay binigay niya sa aming tatlong magkakapatid at habang buhay kong tatanawin 'yon.
"Kumain ka na tapos matulog na. Maaga pa ang pasok mo. Mahirap mag-aral na kulang ang tulog," sabi niya habang nilagay ang tray sa study table ko.
"Thank you, 'Pa."
Lumapit siya sa sofa ng kwarto ko saka iyon tinapik. "Halika rito."
Marahan akong sumunod sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya habang siya'y marahan namang tumingin sa akin.
"Bakit po?" I asked.
"Are you sure you want to take LEAPMed? Akala ko ba gusto mong mag-pharmacy?" He asked seriously.
I nodded. "Eh, kasi papa time consuming kung magta-traditional 8 years ako sa med school. It saves time, effort and even money. Mahal na masyado ang tuition kung 8 years."
He sighed before he nodded. "Wala namang problema sa pera pero iniisip ko lang kasi it's accelerated, the course is challenging. Baka hindi na kita makitang lumalabas kasama ang mga kaibigan mo dahil aral ka lang nang aral."
I scoffed. "'Pa, dalawa lang naman ang kaibigan ko."
"You'll never be sure about it."
Napahalukipkip ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin sa akin ng marahan. Malumanay ang mga mata niya na humaplos sa puso ko.
"I want you to enjoy your college life..." he said. "Gusto ko magka-boyfriend ka kahit na aral ka nang aral-"
"'Pa!"
He laughed. "I am serious. If you take LEAPMed, baka hindi mo ma-enjoy ang college life mo. Para sa akin mas maganda pa rin kung nag-aaral at the same time masaya ka."
Nakagat ko ang labi at napaisip. Simula ng sinabi ko sa sarili na gusto kong maging doctor, pharmacy na talaga ang pangarap kong pre-med na kukunin. That's the only thing that I have in my mind throughout this year, lalo na noong mag-senior high. And I'm already in my last sem in senior high, kailangan ngayon pa lang naghahanda na ako.
He squished my hand. "But that's still up to you. Kaunting buwan na lang graduate ka na ng senior high, kung LEAPMed talaga gusto mo wala akong magagawa na."
I sighed. "Well, I still have time to think about it," sagot ko.
He nodded and smiled. "Maganda ang LEAPMed dahil mapapaaga ang pagiging doctor mo kaso ayoko namang makulong ka. Now, if you're thinking about the money, don't. Gusto kong mag-aral ka sa college na hindi iniisip ang bagay na 'yon dahil may sarili kang goal. Ako ang magp-provide sa tuition mo at ikaw makapasa ang goal mo."
Napatango ako. Hindi nawala ang ngiti sa labi. "Pag-iisipan ko po, Papa ng maayos."
"Oh sige, kumain ka muna tapos pahinga ng kaunti bago matulog."
"Yes po. Ikaw din matulog na."
Before he left my room, my Papa didn't forget to kiss my forehead. Gumihit ang matamis na ngiti sa labi ko dahil doon. He even pinch my cheeks making me scrunch my nose. Natawa siya bago umalis na sa kwarto ko.
I signed before I locked my door. Napatingin ako sa loob ng kwarto ko at pinagmasdan ang kulay white and purple na pintura ng dingding. My room is perfectly fit for me.
It's a deck bedroom. May hagdan na maliit, nasa taas ang kama ko habang nasa baba naman ang sofa at kung nasaan ang study table ko. Sa gilid ay ang closet ko at connected siya ng bathroom ko.
Pumunta na ako sa study table ko saka kinain ang hinanda ni Papa. I chuckled when I saw how he prepared my food. Palaging ganoon simula nang mga bata pa kami.
That's why I treasure my father a lot. Siya na lang ang nagtaguyod sa aming tatlong magkakapatid simula ng maghiwalay sila ni Mama. He became our mother at the same time. Hindi na nag-asawa ulit. Kaya mahal ko 'yon at lahat ng gusto niya'y sinusunod ko dahil alam kong para sa ikabubuti ko rin naman 'yon.
I open my computer while I was eating para tingnan kung kailan ang opening ng UST admission. I clicked their website and read the schedule of the application. I smiled to myself when I saw it.
UST is my dream university. Doon ko gustong mag-aral ng medicine at doon din gustong grumaduate. Kaya dapat ngayon pa lang pinaghahandaan ko ang admission para sa USTet. Malapit na ako grumaduate sa senior high at kaya ko namang pagsabayin ang pagre-review para sa USTet.
Pinatay ko na ang computer ko at tinapos ang pagkain. I went down to the kitchen to wash my plate. Tahimik na rin ang bahay, siguro nagpapahinga na rin sila ate at papa. Umakyat ako ulit nang matapos para mag-toothbrush bago kinuha ang cellphone ko. Humiga ako sa kama at pumunta sa f*******: account ko. I noticed I have a friend request.
Andres Jay Delavin sent you a friend request
Napakurap-kurap ako saka napaupo pa sa kama ko. I pressed my lips together as I clicked confirm. Tumititig pa ako sa screen na akala mo may lalabas doon bago ako umiling at humiga ulit. Sa messenger naman ang punta para i-chat si Yesha.
Bethany Aria Villanueva: LAGOT KA SA AKIN BUKAS!
Yep. All caps lock. After kong i-sent 'yon sa kaniya ay natulog din ako agad. Kinabukasan, maaga rin ako nagising. I did my morning routine before I went to my school. Pagdating ko sa classroom namin ay nakita ko agad si Yesha.
Lumingon siya sa akin at ngumuso lang. She's being cute again. Inirapan ko lang siya saka umupo sa tabi niya.
"Sorry na, Betty," she said apologetically.
"You left me! Alam mo bang hinahanap kita?" Mariin na sinabi ko.
She pouted more. "Nagsabi ako kay Kairi na ihatid ka, eh. Sabi niya, sige lang."
Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. Walang sinabi si Kairi sa akin kagabi.
"I promise," aniya sabay taas pa ng isang kamay sa ere. "May surprise pala kasi sa akin si Levi. Hindi ko alam na matatagalan kami..." lumiit ang boses niya.
"Hindi na ako sasama sa'yo sa susunod. Bahala ka."
"Uy, ito naman. Promise, sa susunod ihahatid kita pauwi."
Umiling langa ko sa kaniya. Siya naman ay niyakap ulit ang braso ko. She knew she's at fault kaya 'yan gan'yan. Parang ako rin 'to, hindi makagala na hindi ako kasama.
"Betty..." she said sweetly while hugging me.
"Nakakahiya kaya kay Andres. Siya pa naghatid sa akin," ani ko sabay tanggal ng kamay niya sa akin.
Lumaki ang mga mata niya sa gulat. She looks shocked but her lips curved .
"Siya naghatid sa'yo? Akala ko si Kairi?"
"Isa rin 'yon, eh. May girlfriend 'yon, malamang iyon ang uunahin niya."
"Ay! Akala ko ikaw ang uunahin niya." parang nadismaya siya sa tono niya.
"May girlfriend siya, hindi magandang tingnan. Saka okay na 'yon, mapag-isipan pa kami ng kung ano ni Hailey."
Lumaki kami ni Kairi ng sabay at kahit na sabihin naming magkaibigan lang kami, may mga tao pa ring na pinaghihinalaan ang pagkakaibigan namin.
Napatango siya. "Sabagay. Iwas sa issue rin."
Saka respeto na lang sa girlfriend niya. Ayaw kong iba ang isipin ni Hailey sa akin. She looks nice and Kairi's very in love with her.
Dumating ang teacher namin research kaya tumahimik na rin ang lahat. Nagkaroon lang siya ng kaunting lecture bago kami nag-groupings para sa research.
"Now, let's talk about your research paper," sabi ng teacher namin. I heard everyone groaned dahil talagang ramdam mo na agad ang pagod.
He scoffed. "Ako ang pipili ng grupo niyo para mas exciting. Bawat grupo, tatlong members lang."
Napangiwi rin ako. Si Sir naman ay nagsimula nang pumili ng magiging kagrupo namin. Sana lang mapunta ako sa maayos na grupo.
"Group 5... Mendoza, Reyes at Villanueva."
Nagkatinginan kami ni Yesha. Magkagrupo kami! Ngayon okay na ako.
"Brainstorm about the research title and at least give me 3 possible titles for your research. Kasama na roon ang 10 rrl's both local and international. Class dismissed."
"Dom, ikaw na leader," ani Yesha kay Dominic nang lumapit ito sa amin.
Tila ba nagulat ito at umawang na lang labi. "Bakit ako?" Takang tanong niya saka tumingin sa akin. "Top student si Betty, siya na lang. Siya palagi ang nagiging leader, ah?"
I scoffed. "Fine. Ako na lang," sabi ko saka umayos ng upo.
Mas nasiyahan ang dalawa dahil sa desisyon ko. Napailing na lang ako saka kinuha ang yellow paper ko.
"Search muna tayo sa internet ng mga interesting topic na pwede nating magamit. Tig-lima tayo bawat grupo para naman marami tayong maging choices. Anything is good as long as it's relevance."
Sa araw na rin na 'yon nag-start na kami ng pwedeng topic naming sa research. Nagbigay din ako ng deadline dahil mahirap ng mahuli kami at maghabol. Mas okay ng palaging nauuna kesa naghahabol.
"Grabe pala pag si Betty ang leader," Dominic says making me shake my head.
"We need to choose the topic as soon as possible, so make sure maayos ang mga ibibigay niyo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"I heard you're applying for UST?" Tanong pa niya nang matapos kami.
I nodded. "Kaya kailangan maging maayos ang research paper natin para walang problema sa huli."
"Parehas pala tayo," sagot niya. "Anong balak mong kunin na course?"
Binaba ko ang ballpen saka tumingin sa kaniya. "Pharmacy."
His lips parted as if he was shock. "Same!" Lumawak ang ngiti sa labi niya. "May kasama na ako sa pagiging miserable ng buhay sa college."
Natawa ako sa kaniya habang si Yesha ay hinampas ang binata sa braso. Sumama ang mukha ng kaibigan ko.
"Huwag kang gan'yan! Mahihiwalay ako kung magkakataon."
"Ay, bakit?"
Ngumuso si Yesha. "Nursing kukunin ko kaya huwag kang magsalita ng gan'yan. Walang Betty na magpapakopya sa akin sa college."
Natawa na ako ng tuluyan. Dominic chuckled softly. "Sa tamang grupo lang pala ako napunta."