#ThatGuy EPISODE 9 Hay! Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nandito ngayon sa lugar na ito. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko kung bakit ko ba kasi siya sinundan-sundan pa rito. Nilibot-libot ko ang paningin ko sa lugar na ito. Namumuo ang pagtataka sa akin. Bakit siya pupunta rito sa ganitong klaseng lugar? Bakit siya pupunta sa isang… bar? Nandito rin kaya siya nung isang gabing tinawagan ko siya? Dito ba siya nagpaparty-party? Pauwi na kasi sana ako. Sakay na nga ako ng motor ko. Kakagaling ko lamang nun sa isang mall para lamang mamasyal kahit mag-isa eh hindi ko namalayang gabi na kaya gabi na rin ako uuwi. Tiyak papagalitan na naman ako nila Mama at Papa. Nakita ko na naglalakad sa gilid ng kalsada si Timothy. Oo, si Timothy ang sinundan ko at ew

