EPISODE 7 AND 8

2285 Words
#ThatGuy EPISODE 7     “O…” sabi ko kay Timothy sabay abot ng cellphone ko sa kanya. Padekwatro akong nakaupo rito sa sarili kong upuan sa loob ng classroom habang siya naman ay nakaupo rin sa kanyang sariling upuan at mababanaag ang gulat sa mukha.     “Oy!” halos pasigaw kong sabi pa kay Timothy. Talagang inaabot ko sa kanya ang cellphone ko.     “Ano iyan?” nakakatanga niyang tanong sa akin.     “Eh ano pa nga ba? Edi cellphone…” sarcastic kong sabi.     “Ibibigay mo ba sa akin ‘yan?” tanong niya na ikinagulat ko naman. Pamaya-maya ay napatawa ako.     “Baliw ka ba? Bakit ko naman ibibigay sayo itong cellphone ko? Wala pa akong sapak sa ulo uy… Saka naturingan ka pa namang dean’s lister… nagmumukha kang bobo diyan…” sabi ko.     “Eh bakit mo ba kasi inaabot ‘yang cellphone mo sa akin?” tanong niya.     “Engot… Ilalagay mo lang diyan ang number mo… May cellphone ka naman siguro…”     “Pero bakit?” nakakatanga na namang niyang tanong.     “Ano ba? Tanga ka ba o bobo o… ah ewan… Basta ilagay mo na lang diyan ang number mo… Kailangan ko kasi ang contact mo kasi in case na may kailangan akong tanungin sayo tungkol sa research natin… madali kitang matetext at matatawagan…” naiinis kong sabi. Naturingang matalino pero… arghhh!     “Ahhh...” ang nasabi lamang ng nerd na ito. Ewan ko ba kung nang-aasar lang ito o kung ano eh.     Kinuha niya mula sa kamay ko ang cellphone ko, hindi sinasadya na nagdikit ang mga kamay namin na kaagad ko namang iniwas. Ewan ko pero may iba akong naramdaman sa pagdikit ng kamay niya sa akin.   Nakatingin lamang ako kay Timothy habang busy na itong inilalagay ang sariling number niya sa cellphone ko. Sa tingin ko, hindi naman kami nagkakalayo ng edad ng mokong na ito. 22 years old na kasi ako… siguro itong si Timothy, mga nasa 21 or 22 na rin…     “Ilang taon ka na?” wala sa sarili kong tanong sa kanya. Huli na para bawiin ko pa ang tanong ko.     Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo at magkasalubong ang magkabilang kilay.     “Bakit mo tinatanong?” pagtatakang tanong niya.     “Pwede ba… huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko… Kaya nga nagtanong ako di ba para makatanggap ng sagot at hindi ng tanong rin...” naiinis kong sabi. Ang dali ko talaga makaramdam ng inis kapag ang nerd na ito ang kausap ko.     “Ahm… 21…” sagot niya. Sabi na nga ba…mukha rin naman kasi siyang mas bata sa akin ng mga isa o dalawang taon kaya nasabi ko rin na baka nasa 21 ito.   Muling bumalik sa pagtatype ng number niya sa cp ko si Timothy. Pansin ko lang, ang tagal nitong ilagay ang number niya. Pero ok na rin muna iyon dahil malaya ko siyang napagmasdan.     Sa totoo, lang, kahit na nakasalamin ito at mukhang geek dahil aral ng aral, hindi ko naman masasabi na baduy siya. Maayos naman itong manamit. Sa ilang taon ko na ring nakikita ang mokong na ito, masasabi ko na may mangilan-ngilang estudyante rin rito na babae at binabae ang nagkakagusto sa kanya. Pinag-uusapan rin kasi siya minsan. Siguro, ang mga iyon ay mahilig sa mga ganitong itsura, iyong geek. Siguro kaya minahal siya ni Hellsea ng todo ay dahil sa mahilig rin ito sa mga geek/genius looking.     Nakita kong inabot na muli sa akin ni Timothy ang cellphone ko. Kaagad ko naman iyong kinuha.     “Bakit ang tagal mong ibalik ‘to sa akin? Siguro pahapyaw ka pang nanuod ng collection ko ng p**n rito noh?” mga tanong ko. Kaagad ko nang tinago sa bulsa ng suot kong slack ang cp ko.     Napailing-iling si Timothy. “Hindi ah… Hindi ako nanunuod nun...” ang sabi nito na ikinagulat ko.     “Talaga? Kahit kailan hindi ka pa nakakapanuod ng p**n? Ng kahit anong p**n?” tanong ko.     Napailing siya. “Hindi...” sabi niya.     Napailing-iling ako kasi hindi ako makapaniwala.     “Weh? Imposible… Halos lahat nga yata ng tao sa mundo… mapabata o matanda… nakapanuod na ng p**n tapos ikaw? Hindi? Bakit? Santo ka ba?” tanong ko.     Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Napayuko lamang ito.     Napabuntong-hininga ako.     “Kunsabagay… Mukhang inosente ka nga… Puro libro ang alam tingnan at basahin…” sabi ko. “So… kung hindi ka nanunuod ng p**n… Ibig sabihin wala kang alam tungkol sa…”     “Alam ko naman iyon…” napatingin siya kaagad sa akin. Nakita kong namumula ang tenga niya marahil sa hiya. Natawa ako dun. “Pinag-aralan naman kasi iyon sa science…”     “Pero hindi mo pa naranasan o nasubukan man lang?” tanong ko kaagad. “Ibig sabihin… virgin ka pa…” natatawa ko pang sabi.     Umiwas siya ng tingin sa akin. Halos pumula pa ang magkabilang tenga niya dahil sa hiya.     “Huwag ka nang mahiya… Hindi ka nag-iisa…” sabi ko.     Napatingin siya kaagad sa akin.     “Talaga? Ibig sabihin…”     “Hep! Hep! Hep! Hindi ko sinasabing pareho tayo… Hindi na ako virgin dahil may… ahm… ilang babae na ba ang natikman ko at nakatikim sa akin? Ah mga tatlo… May tatlo na akong karanasan sa mga babae kaya hindi na ako virgin… ang ibig kong sabihin sa sinabi ko… may mga iba pa rin naman sigurong kagaya mo na hindi pa nabibinyagan…” ang sabi ko. Totoo ang sinabi ko, hindi na ako virgin pero hindi ibig sabihin nun ay kung kani-kanino lamang ako nakikipagsex. Sabi ko nga, tatlo lamang ang naging karanasan ko sa buong buhay ko at pawang sa mga magaganda at sexy na babae ko iyon naranasan. Oo, matagal ko ng mahal si Hellsea pero lalaki lang ako mga tol… natutukso at rumurupok rin lalo na kung mga magagandang babae na ang lalapit at magibigay motibo. Aminin man nating mga lalaki o hindi… kahit na pinakamamahal mo na iyong babaeng mahal na mahal mo, hindi mo pa rin maiiwasan na titikim ka pa rin ng iba. Kaya nga may mga mag-asawang naghihiwalay di ba? Dahil minsan, hindi makuntento si lalaki o si babae.     Umiwas siya uli ng tingin sa akin. Nakikita ko pa rin ang pamumula ng tenga niya. I find it cute. Kung ‘yung iba kasi, namumula ang pisngi kapag nahihiya o kinikilig sa crush nila, sa kanya… mga tenga ang namumula dahil sa hiya.     “Si Martin nga pala? Parang ilang araw ko ng hindi nakikita ang ugok na iyon ha…” tanong ko kay Timothy dahil napansin kong ilang araw na nga na wala si Martin at hindi pumapasok.     Muling napatingin sa akin si Timothy.     “Ah… ewan ko run...” ang sabi nito.     “Komprontahin mo ‘yun ha… Baka mamaya hindi nun magawa iyong part niya sa project… Kokotongan ko iyon...” sabi ko.     Napatango lang sa sinabi ko si Timothy at umiwas na nang tingin sa akin.   “Oo nga pala… Saan ka pala nakatira? Tinatanong ko lang para kung sakaling hindi naman kita ma-contact… pupuntahan na lang kita sa bahay ninyo…” sabi ko.     Muling napatingin sa akin si Timothy. Sasagot na sana ito ng bigla namang dumating ang prof namin kaya naman nagsitahimik at nagsi-ayos na kami ng upo sa sarili naming mga upuan.     -END OF EPISODE 7-   #ThatGuy EPISODE 8     Napapahilot ako sa aking sentido habang patuloy pa ring nakatingin ang mga mata kong nananakit na sa kakatitig sa aking laptop na nakapatong sa aking study table at nasa harapan ko. Nasa loob ako ngayon ng aking mabango, maayos at may kalakihang kwarto.     Hindi ko inaasahan na mahirap palang mag-research nito lalo na’t mag-isa ka. Hindi lang kasi history ang kailangan kong i-research, kailangan ko ring kumuha ng impormasyon sa mga taong naging bahagi ng kung anong nireresearch ko at kailangan ko ring gumawa ng reaction regarding sa ni-research ko.     Napasandal ang likod ko sa sandalan n inuupuan kong upuan. Napainat-inat ng konti dahil sa nananakit na ang pwetan at likod ko dahil sa matagal na oras na rin akong nakaupo.     “Bwisit iyon ha… Mukhang ‘yung pinakamahirap pa na bahagi ang binigay sa akin dito sa research...” naiinis kong sabi ng maisip ko si Timothy. Bwisit talaga ang nerd na iyon.     Napatingin ako sa aking cellphone na nakapatong lamang rin sa study table at katabi ng laptop ko. Kaagad ko iyong kinuha.     “Matawagan nga ang ugok na iyon…” sabi ko.    At iyon nga… Hinanap ko iyong number ni Timothy sa phonebook ko at nahanap ko naman dahil Timothy rin ang pangalan na inilagay ng ugok… kaagad ko na iyong tinawagan.     Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ko dahil sa pagtataka. Ang tagal kasi niyang sagutin ang tawag.     “Ano bang ginagawa nun at ang tagal sumagot?” naiinis kong tanong sa aking sarili.     Ibinaba ko muna ang tawag at muling tumuwag ulit.     Pucha! Naiinis na ako oh… Kung kailan kailangan ko siya para tanungin saka naman mukhang hindi makontak.     Muli kong ibinaba ang tawag, tiningnan ang oras sa cp. Maga-alas nwebe na.     Muli kong tinawagan ang number ni Timothy.     At sa wakas… sumagot rin.     “Hello…”     “Pucha ka! Bakit ang tagal mong sumagot?” asik ko kaagad sa kanya pagkasagot niya ng tawag. Alam na niya siguro kung sino ako dahil sa paraan ko ng pagkausap sa kanya hahahaha. “Teka? Bakit ang ingay diyan? Nasaan ka ba?” tanong ko pa. Paano naman kasi, nagtataka ako kung bakit ang ingay yata sa kung saan man ito naroroon.     “Ah… eh wala lang ito…”     “Gabing-gabi na pero mukhang nagpaparty ka pa yata… Hindi mo inuuna ang project natin…” sabi ko kaagad.     “Ah hindi…”     “Nasaan ka?” tanong ko na naman kaagad.     “Ah… wala… wala… sige mamaya ka na tumawag…”       Pucha toh! Binabaan pa ako ng tawag! Peste!     Pero napaisip ako. Nasaan kaya siya? Bakit ang ingay? Hindi naman totally maingay na maingay pero hindi iyon natural na ingay kung nasa loob ka lang ng pamamahay mo. ‘Yung ingay kasi, naririnig kong may mga nagsisigawang tao tapos may tugtog.     Napahinga ako ng malalim. Ewan ko sa kanya! Bwisit talaga! Kung kailan kailangan ko siya para tanungin saka naman ito… binabaan ako ng tawag. That’s the first time na may nagbaba sa akin ng tawag at nakakainis pala ang ganun!     Muli ko na lamang pinatong ang phone ko sa may study table at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa ko kahit na gumugulo sa isipan ko kung nasaan nga ba ang nerd na iyon.   - - - - - - - -- - - - - - - -     “Nasaan ka kagabi? At bakit mo ako binabaan ng tawag? Alam mo ba na ikaw lang ang kaisa-isang tao sa buong buhay ko na nagbaba sa akin ng tawag? Usually ako ang gumagawa nun pero ikaw… pangahas ka…” naiinis kong sabi kay Timothy habang titig na titig ang mga mata kong naiinis rin sa kanya. Oo, alam kong nagmumukha na akong  babaeng nagtatatalak pero ganito kasi talaga ako kapag naiinis, kung ano-ano ang sinasabi. Nasa classroom na kami ngayon at ewan ko kung halata ba sa itsura ko na hindi kumpleto ang tulog ko. Pakiramdam ko kasi, puyat ako sa nagdaang gabi dahil sa research at kakaisip sa pesteng ito.     Inayos ni Timothy ang kanyang suot na salamin at tumingin sa akin ng mataman.     “Pasesnya ka na… Busy lang kasi ako ng mga oras na iyon…”     “At saan ka busy? Sa kakaparty mo? Akala ko ba eskwelahan lang ang buhay mo? Libro at notes lang ang kaibigan mo? Eh mukhang hindi naman pala eh…” sabi ko kaagad. “Alam mo namang may project tayo… ikaw pa itong madaling-madali na magawa iyon tapos…” inis ko pang sabi.     Napaiwas lang sa akin ng tingin si Timothy. Narinig kong napabuntong-hininga ito.     “Kung kailan kailangan kita kagabi… I mean… Wala akong matanungan tungkol sa research at ikaw ang naisip ko tutal dean’s lister ka naman tapos…” naiinis ko pang sabi.     “Pasensya ka na...” sabi nito.     “Pasensya… Pasensya… Wala na… nangyari na… Harm done...” sabi ko. Pamaya-maya, may naisip ko. “Tutal… may kasalanan ka sa akin… alam mo na ‘yun kung ano… tutulungan mo ako mamaya sa research… dun tayo sa library… kailangan nandun ka dahil ikaw ang tatanungan ko…” sabi ko pa.     Napatango na lamang si Timothy.   - - - - - -- - - - - -  -     Nasa library na kami ngayong dalawa. Magkatapat na nakaupo sa isang pandalawahang upuan na nasa bandang dulo ng library. Nakalagay sa mesa ang ilang piraso ng mga libro na aming gagamitin sa research.     Nagsimula na kaming gumawa. Marami akong naging tanong sa kanya na nasasagot naman niya ng maayos. Tunay ngang matalino ang ugok na ito, kung hindi pa nakasalamin na pang-genuis looking, hindi mahahalatang matalino ito.     Napapansin ko lang sa kanya na parang hindi siya mapakali.     “Oy!” pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. “Bakit parang hindi ka mapakali diyan?” tanong ko.     Napailing ito. “Wala… Sige na… Bilisan na lang natin itong ginagawa natin para kaagad ng matapos...” sabi niya.     “Wow! Parang lagi kang nagmamadali diyan ha? May lakad ka ba?” tanong ko.     Hindi siya sumagot. Kumuha lang ito ng isang libro at binuksan iyon.     “Bilisan na natin...” sabi nito ng hindi tumitingin sa akin.     Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Mukha kasing may lakad ang mokong kaya minamadali ako.   Maga-alas-singko na ng matapos kami. Wala na rin naman kasi kaming klase kaya matagal rin kaming umistambay sa library. Halos kalahati na rin ang natapos sa bahagi ng research ko.     Nagulat na lamang ako ng bigla ng tumayo si Timothy sa inuupuan nito at binitbit sa balikat ang bag.     “Sige… mauna na ako...” sabi nito habang nakatingin sa akin.     “Eh teka lang… naisip ko pa namang ilibre ka dahil tinulungan mo naman…”     “Next time na lang… Sige…” sabi nito saka nagmamadaling naglakad palabas ng library. Wala nang next time. Ngayon nga lang ako naging mabait ng konti tapos tinanggihan pa.     Nakasunod lamang ang tingin ko sa kanya. Nakakunot ang noo at magsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka.     “Pupunta na naman kaya iyon sa party?” tanong ko sa sarili. “Pero mukhang kakaparty niya lang naman kagabi ah… Mukhang rin palang party ang ugok na iyon...” sabi ko pa.     -END OF EPISODE 8-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD