#ThatGuy
EPISODE 3
Napahilamos ako ng magkabilang palad sa mukha pagkasakay na pagkasakay ko ng elevator dito pa rin sa loob ng unibersidad.
Naiinis ako… naiinis ako kay Timothy, naiinis ako kay Hellsea, at naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ganito? May mahal na iba ang mahal ko? Hindi ba pwedeng kami na lamang ang magmahalan para hindi ganito kakumplikado ang lahat? Si Estupido… este kupido naman kasi… mukhang malabo na ang mata at mali-mali na lang ang pagtama ng pana niya… Iyong puso ni Hellsea, tinama niya ang puso nito para sa lalaking hindi naman siya mahal at ang puso ko… tinama niya para kay Hellsea na hindi naman ako mahal… Hay!
Pasarado na sana ang pintuan ng elevator ng biglang may kamay na humarang at pumigil sa pagsara nito at nagtagumpay naman ito dahil napigil nga niya ang pagsara ng pinto. At bahagya akong nagulat na si Timothy pala ang pumigil nun sa pagsara ng pinto.
Napahinto siya sa pagpasok kaagad sa elevator. Napatingin siya sa akin. Pamaya-maya ay umiwas ito ng tingin at tuluyan ng pumasok sa loob. Ngayon ay dalawa kaming nasa loob ng elevator na ito. Sumara na ang pinto nito.
May kalakihan ang elevator na ito kaya naman kahit papaano’y malayo kami sa isa’t-isa. Siya ay nasa kanang bahagi at ako naman ay sa kaliwa. Nasa magkabilang gilid kami ng elevator.
Walang nagsasalita sa amin habang umaandar na paitaas ang elevator. Pero ramdam ko ang tensyon lalo na sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin matanggap ang ginawa niya na namang p*******t sa damdamin ng taong mahal ko. Nakakainis talaga ang gagong nerd na ito.
Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus doon siya nakatingin sa may nilalabasan ng number ng floor kung nasaan na kami habang nakatayo ng tuwid. Animo’y parang walang nangyari kanina dahil normal naman sa tingin ko ang kilos niya.
Hanggang sa magulat na lamang ako at marahil ay siya rin dahil biglang huminto ang elevator.
“Pucha!” inis kong sabi. Bwisit talaga itong elevator na ito, dinadagdagan pa ang inis ko eh.
Pamaya-maya ay bigla na ring namatay ang ilaw sa loob ng elevator kaya naman halos wala na akong makita kundi dilim.
“Pucha naman oh!” bakit ba kasi ngayon pa nangyari ito kung kailan kasama ko pa dito sa loob ang taong kinaiinisan ko all over the years…
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong slacks.
“Walang signal! Kainis naman oh!” sabi ko ng makitang empty bars ang signal ng cellphone ko. Gusto ko nga ihagis kaso naisip ko, sayang naman ang cp ko.
Napaupo na lamang ako sa lapag, itinago na lang muli sa bulsa ko ang cellphone at isinandal ang katawan ko sa pader ng elevator. Napabuntong-hininga ako. Kahit naman kasi kalampagin ko ang pintuan at magwala o magsisigaw ako rito, wala ring mangyayari, makukulong at makukulong pa rin kami rito ng ewan ko kung ilang oras.
Hindi ko naman na nakikita si Timothy at kung ano ang ginagawa niya. Eh ano bang pakielam ko diyan. Mabuti na rin siguro ito na walang ilaw rito para hindi ko na rin makita ang pagmumukha ng gagong ‘yan.
“Ok ka lang diyan?” tanong ng asungot sa akin pagkatapos ng kasing-haba ng akin na katahimikan.
Hindi ako sumagot sa halip ay hindi ko na lamang siyang pinansin.
Hindi ko na alam kung ilang oras na ako… kami rito sa loob ng elevator na nakahinto at madilim.
“Calv…”
“Huwag mo akong kausapin…” inis kong sabi kaagad sa kanya nang tangkain niyang tawagin ako. Baka nakakalimutan niya, inis pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Hellsea.
Narinig ko na lamang na napabuntong-hininga siya.
“I’m sorry…” ang nasabi nito.
Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong tahimik.
“Alam ko na nasasaktan ka rin dahil sa ginawa ko…”
“Mabuti at alam mo…” sabi ko na naman kaagad. Napabuntong-hininga ako. “Bakit ba kasi hindi mo siya magawang mahalin? Hindi mo ba alam na sa tuwing ipinagtatapat niya sayo ang pagmamahal niya na hinihiling ko na sana’y sa akin na lang… imbes na pagmamahal ang isukli mo, lagi na lang sakit ang ibinabalik mo… at kapag nakikita ko siyang nasasaktan… mas doble ang sakit na bumabalik sa akin...” sabi ko pa. Nakatingin ako sa direksyon niya kahit hindi ko siya makita dahil sa madilim. “Hindi mo ba nakikita iyong mga nakikita ko sa kanya kaya minahal ko siya? Maganda siya, mabait… matalino… sexy… mapagmahal… basta, lahat na nga yata ng katangian ng isang babae na pwedeng magustuhan ay nasa kanya na… Bakit hindi mo magawang mahalin rin siya gaya ng pagmamahal niya sayo? Nakakainis lang kasi, hindi kita maintidihan…” sabi ko pa.
“Gaya nga ng sinabi ko… Pinilit ko naman ang sarili ko… Tiningnan ko siya bilang isang babaeng nagmamahal sa akin… Pero tulad nga ng sabi ng kasabihan… kailanman ay hindi napipilit ang pag-ibig… na kahit anong gawin natin… hindi natin mapipilit ang sarili natin o ang iba na magmahal at mahalin tayo… Isa pa, hindi naman nakikita ng mga mata ang pag-ibig… Nararamdaman ito…”
“So sinasabi mo ba sa akin na hindi pagmamahal itong nararamdaman ko sa kanya dahil sa nakikita ko iyong mga dahilan kung bakit ko siya minahal? Ganun ba ang gusto mong palabasin?” inis kong sabi kaagad.
“Paano kung sabihin kong Oo?” sabi ni Timothy. “Walang dahilan ang pagmamahal… wala itong nakikita at wala ring nagiging dahilan kung bakit tayo nagmamahal… dahil ang puso… wala itong mata pero punong-puno ito ng pakiramdam… isa na roon ang pagmamahal… at iyon ang totoo, na kapag ang puso ang nakaramdam ng pagmamahal… walang itong nagiging dahilan at wala itong nakikita…” sabi nito.
Natahimik ako. Ewan ko kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niya. Basta ang alam ko lang, mahal ko si Hellsea dahil iyon ang nararamdaman ng puso ko noon pa.
Halos masilaw naman ang mga mata ko ng biglaang bumukas na ang ilaw sa elevator at tuluyan na itong umandar. Napatingin ako kay Timothy na hindi naman nakatingin sa akin.
Tuluyan na akong tumayo, kasabay ni Timothy at sabay na kaming nag-antay sa muling pagbubukas ng pinto.
Hanggang sa huminto na ang elevator sa 5th floor at bumukas ang pinto. Halos sabay kaming lumabas ni Timothy, Hindi kami nagkatinginan at tuluyan ng naghiwalay ang aming mga landas.
“Walang dahilan ang pagmamahal… wala itong nakikita at wala ring nagiging dahilan kung bakit tayo nagmamahal… dahil ang puso… wala itong mata pero punong-puno ito ng pakiramdam… isa na roon ang pagmamahal… at iyon ang totoo, na kapag ang puso ang nakaramdam ng pagmamahal… walang itong nagiging dahilan at wala itong nakikita…”
-END OF EPISODE 3-
#ThatGuy
EPISODE 4
“Ok… before I dismiss this class… I want to inform all of you that you will have a group research… This will be your project on my subject this sem so be prepared… Next meeting I will give the list of the groups and your topics…”
Hay! Project na naman… Wala na bang katapusan ang pagbibigay ng project na ‘yan? Sa Management nga, may project na at group research rin pati ba naman dito sa English? Tsk Tsk Tsk!
“Class dismissed…”
Kaagad na nagtayuan ang mga ka-blockmates ko at kanya-kanyang paghahanda para sa paglabas ng classroom. Ang iba pa nga ay nagpunta muna sa mga kaibigan nila para makipagdaldalan. Mas inuna pa ang daldalan kaysa pagliligpit ng sariling gamit.
Ako? Tinatanong niyo siguro kung may kaibigan ako? Ah… masasabi kong wala, kakilala marami pero kaibigan? Wala. Ang depinisyon ko kasi ng salitang kaibigan ay iyong isang taong masasandalan mo kapag may problema ka, makakasama mo sa kasayahan man o kalungkutan. Iyong taong maiintindihan ka… at higit sa lahat, iyong ituturing mo na kapamilya. So far kasi, wala pa akong nakikilalang taong ganun. Oo, marami akong kakilala pero hindi ko sila itinuturing na kaibigan dahil alam ko naman kung ano lang ang habol nila sa akin… kundi kasikatan… hindi naman kasi sa pagmamayabang eh sikat na sikat ako rito sa school dahil nga sa gwapo ako at syempre, kapag naging kaibigan nila ako, magiging sikat na rin sila. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng kaibigan, mapili lang ako sa gusto kong maging kaibigan. Gusto ko kasi, iyong totoo, iyong walang halong kaplastikan dahil hindi naman ako plastik na tao… oo medyo may kayabangan at kasamaan ang ugali ko pero hindi ako plastik. Saka ako rin iyong tipo ng tao na nakikita ko na kaagad sa isang tao ang tunay na ugali at kung anong pakay niya sa akin. Magaling akong kumilatis kumbaga.
Hindi sinasadya ay napatingin ako kay Timothy na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya at ipinapasok sa maleta… este bagpack niya. Isa pa itong taong ito. Pansin ko rin kasi dito na wala itong kaibigan. Oo, may nakakausap siyang mga tao pero wala akong nakikitang lagi niyang kasama. Tanging mga libro at notes lang yata ang kaibigan nito.
Anyway, bakit nga ba nasali siya sa sinasabi ko? Bwisit talaga ‘yan! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan iyong mga pinagsasabi niya nung nakulong kami sa elevator kahapon. Speaking of kahapon, napansin ko na hindi pumasok ngayong araw si Hellsea sa lahat ng subject namin. Dahil kaya sa nangyari kahapon kaya hindi ito pumasok?
“Oy frend… may chika minute aketch sayo…” narinig kong sabi ng bakla kong kaklase sa kausap niyang babae na nakaupo sa hindi kalayuan sa inuupuan ko.
“At ano na naman yang chika mo Fernando?” tanong ng babae sa bakla. Natawa naman ako dun sa Fernando! Hahaahaha!
“Ewwwwnesss… I’m Fern kaya not Fernando! Don’t call me in that name! Ewwww!” nandidiring sabi ng bakla.
“Oo na oo na… so ano nang chika ‘yan? Baka mamaya kasinungalingan na naman ‘yan gaya nung isang araw na sinabi mong buntis si Angel eh hindi naman pala kundi may LBM lang…” maarteng sabi ng babae.
“Aney ka ba… truelabels na itey… Alam mo ba… nag-quit na raw sa cheering squad si Hellsea… Wit one knows kung bakit pero balitang-balita na nga iyon sa buong department at ang chikabels pa… si Monique ang papalit sa kanya sa pagiging leader since magaling rin naman itey…”
Nagulat ako sa aking narinig kahit na iyong ibang mga salita ng bakla ay hindi ko naintindihan. Pero ang malinaw lang sa akin sa sinabi nito ay nag-quit na si Hellsea sa cheering squad. Ibig sabihin, nandito siya sa school at hindi lang pumasok sa mga klase namin.
Kaagad akong napatayo sa aking kinauupuan at kinuha ang bag ko at isinukbit sa aking balikat. Hindi ko napigilan na mapatingin kay Timothy na nakatingin rin pala sa akin. Bakas ang lungkot sa mukha nito. Mukhang narinig niya ang usapan ng babae at bading naming kaklase.
“Kasalanan mo ‘to…” mahina ngunit mahina kong sabi habang galit ang tingin ko bago umiwas na sa kanya ng tingin at dali-daling lumabas ng classroom. Kailangan kong hanapin si Hellsea. Kailangan ko siyang kausapin.
- - - - - - - - - - - - - - - -
“Nag-quit ka na raw sa cheering squad…” ang sabi ko pagkatapos ng mahabang katahimikan na namayani sa aming dalawa. Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa medyo mahabng bench na nasa loob ng garden ng school. Dito ko siya natagpuan matapos ang mahabang hanapan.
Napatingin sa akin si Hellsea. Seryoso ang mukha.
“Ano bang pakielam…”
“Alam mong may pakielam ako…” sabi ko kaagad na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Sa totoo lang, mabait si Hellsea, sa akin lang ito nagiging mataray dahil sa nakukulitan na nga siya sa akin mula sa panliligaw ko hanggang sa pagdikit-dikit ko sa kanya.
“Ibig bang sabihin nitong ginawa mo… aalis ka na rin sa school na ito?” tanong ko muli.
Napaiwas ng tingin sa akin si Hellsea. Napabuntong-hininga.
“Oo…” maikling sagot pero masakit sa akin na marinig. Sinong hindi masasaktan kapag narinig mong lalayo na ang taong mahal mo?
“So lalayo ka na lang ganun ba? Pagkatapos mong masaktan muli ng dahil sa kanya, ito na ang naisip mong paraan? Ang lumayo?” naiinis kong sabi sa kanya.
Muling tumingin sa akin si Hellsea. Nakita kong tumulo ang kanyang luha.
“Oo… Ito na ang naisip kong paraan dahil sawang-sawa na akong masaktan niya… Sawang-sawa na ako na magmahal na hindi naman naibabalik ang pagmamahal na ibinibigay ko.. sawang-sawa na akong magpakatanga… sawang-sawa na ako… Dapat nga noon pa eh… dapat noon pa ako lumayo nung unang beses pa lamang niya akong tinanggihan para hindi masyadong masakit pero wala eh… naging tanga ako… umasa ako na baka mahulog rin siya sa akin kung gagawin ko ang lahat… pero… almost three years… almost three years akong naging tanga… almost three years akong umasa… almost three years akong nasaktan… pero wala… hindi pa rin siya nahulog sa akin… Alam mo… hindi ko naman kasi siya masisisi eh… oo nasaktan niya ako… paulit-ulit niya akong nasaktan pero hindi ko siya masisi dahil sa una pa lang… alam kong wala na akong pag-asa sa kanya… na sinabi niya nung una pa lang na huwag na akong umasa masyado sa kanya… Pero wala eh… tanga talaga ako… pinaabot ko pa ng halos tatlong taon ang pagiging tanga ko…Alam ko naman na sinubukan niyang mahalin ako… para hindi ako masaktan… Sa totoo lang… napakabait niya dahil kahit na halos ipagsisikan ko na ang sarili ko sa kanya… hinayaan niya lamang ako… na kahit nakukulitan na siya sa akin… hindi siya nainis bagkus… lagi niya akong sinasabihan na tama na… huwag kang masyadong umasa… ayokong masaktan ka… Eh ako itong makulit at paulit-ulit… Oo… ayaw niya akong masaktan pero… wala, nasasaktan ako hindi dahil sa kanya kundi dahil sa kagagahan ko… dahil sa pagmamahal kong ito sa kanya na sa una pa lang ay wala ng patutunguhan… umabot ang lahat sa ganito…” mahabang litanya ni Hellsea.
Nakatingin lamang ako sa kanya. Awang-awa. Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort kasi… wala pa naman akong tao na nagawa kong i-comfort.
“Kaya ngayon… naisip ko na umalis na lamang sa school na ito at lumayo… hindi dahil para takasan siya kundi dahil para wakasan ang pagiging tanga ko sa pag-ibig at makalimot na rin… Ayoko ng maging malungkot… gusto kong makalimot kahit papaano at alam ko na hangga’t nandito ako sa school na ito, hinding-hindi mangyayari ang gusto ko…” madamdaming sabi pa nito.
“Pero… Kung lalayo ka… paano ako?” wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Naramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
“Alam kong nasasaktan kita palagi… Hindi ko iyon sinasadya pero di ba? Sa una pa lamang, sinabi ko na sayo na wala kang pag-asa sa akin dahil may laman na ang puso ko…” sabi ni Hellsea. Napabuntong-hininga. Natawa ng pagak. “Nakakatawa lang isipin na… ako, nasasaktan ng dahil kay Timothy samantalang ikaw… nasasaktan ng dahil sa akin and yet… magkasama tayo… ako, sawi sa ibang lalaki samantalang ikaw… sawi sa akin… And I think… karma ko yata na paulit-ulit na masaktan kay Timothy dahil sa paulit-ulit rin kitang nasasaktan…” sabi pa nito.
Nakatitig lamang ako kay Hellsea.
“Please… Huwag ka na lang umalis… huwag ka ng lumayo…” sabi ko.
Mapait na napangiti si Hellsea.
“Kailangan kong umalis at lumayo… hindi lang para sa akin kundi para na rin sayo… gusto kong makalimot sa sakit… sana gawin mo rin iyon sa paglayo ko…” sabi nito.
Napailing-iling ako.
“Hindi… mahal na mahal kita at ayokong kalimutan…”
Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla na lamang akong halikan ni Hellsea sa labi. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi na nakadampi sa aking labi. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na pagpintig ng puso ko.
Pamaya-maya ay bumitaw na siya sa halik na gusto ko pa sanang tumagal. Tinitigan niya ako sa mga mata.
“Paalam… Calvin… Isa ka sa mga taong hinding-hindi ko makakalimutan… dahil kahit na sa kabila ng paulit-ulit kong p*******t sa damdamin mo… hindi ka pa rin pumalya na iparamdam sa akin na mahal na mahal mo ako… and I’m sorry na hindi ko iyon natumbasan…” sabi ni Hellsea. Binitawan nito ang kamay ko at tumayo na sa kanyang kinauupuan at naglakad na palayo.
Naiwan ako ritong tulalang nakaupo pa rin. Nararamdaman kong naluluha ako pero hindi ko hinayaan na kahit isang patak ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata. Ayokong umiyak. Oo, nasasaktan ako pero hindi ibig sabihin na kapag nasaktan ka, iiyak ka na rin… Sinasabi ng iba na hindi naman kahinaan ng isang lalaki kung iiyak siya lalo na kapag nasaktan. Pero para sa akin, kahinaan iyon. Dahil kapag umiyak ka… mas lalo mo lang ipinaparamdam sa sarili mo na nasasaktan ka. Mas lalong bibigat ang nararamdaman mo. Kaya hangga’t maaari, hindi ko hahayaang umiyak ako. Ok na ang masaktan pero hinding-hindi ako iiyak.
-END OF EPISODE 4-