#ThatGuyBook3Almost EPISODE 93 Nakatayo sa harapan ng bintana si Timothy. Nakasalikop ang magkabilang braso at katulad ng panahong makikita sa labas ang ekspresyon ng gwapo nitong mukha. Nakasimangot. Nakatingin naman sa kanya si Calvin na nakaupo naman sa isang upuan na hindi kalayuan kay Timothy. Nasa bahay silang dalawa ngayon ng una. “Kainis naman kasi itong bagyo na ito o… Handa na tayo e at ready na pumunta ng Abra tapos biglang darating at maghahasik ng lagim… Kainis.” Naiinis na sabi ni Timothy. Napakamot pa ito ng ulo dahil sa inis na nararamdaman. Napangiti naman nang tipid si Calvin. “Ok lang naman na dumating kang bagyo ka pero wrong timing ka kasi e…” paghihimutok pang sabi ni Timothy. “Hayaan mo na… may next time pa naman…” sabi ni Calvin

