#ThatGuyBook3Almost EPISODE 91 Mabilis na lumipas ang maraming araw. Nagdaan ang kanilang 2nd, 3rd, 4th at 5th monthsary. Sa mga panahong iyon ay naging smooth at masaya ang kanilang naging relasyon. Paminsan-minsan ay nakakalimot pa rin si Calvin. Minsan rin ay sumasakit rin ang kanyang ulo pero minsan na lang iyon dahil nakakatulong rin sa kanya ang mga iniinom na gamot para hind imaging madalas ang pagsumpong ng mga sintomas ng sakit niya. Halos mapuno na rin ng sulat ang white board at sticky notes na binigay sa kanya ni Timothy. Halos isulat kasi niya roon ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Timothy sa araw-araw para kung sakaling makakalimutan niya, babasahin lamang niya ang mga naisulat niya at iyon, maaalala na niya muli kung anuman ang nakalimutan niya.

