#ThatGuyBook2FallInLoveWithMe EPISODE 75 Rumehistro ang gulat sa kanyang mukha ng pagkabukas niya ng pintuan ng kanyang bahay ay ako ang nakita niya. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung nasa tapat ako ngayon ng bahay niya. “Calvin?” pagtatakang pagsambit nito sa pangalan ko. “A-Anong ginagawa mo rito? Saka paano mo nalamang dito ako nakatira?” tanong pa nito. Tipid akong napangiti. Hindi ako nagsalita. “Calvin…” “Hindi na ho mahalaga kung ano ang dahilan at kung paano ako nakarating rito.” Sagot ko kaagad kay Tita Melba. “Gusto ko lamang ho kayo makausap.” Dugtong ko pa sa aking sinabi. Ang totoo, tinanong ko kay Timothy kung saan siya nakatira at kung paano makakarating rito. Nagtaka nga ito kung bakit ko natanong ang mga iyon sa kanya pero nagdahilan

