Lae
“Pass your reaction papers, now!” bungad ni Sir Dave sa amin pagpasok pa lang niya sa classroom.
Agad kong kinuha ang notebook sa bag ko kung saan ibinalik ni Joshua ang reaction paper ko. Ibinalik niya iyon sa akin bago kami bumalik dito. Nang lumabas kami ay nakita ko pang nagmamadali si Christian bumalik sa library dahil may isasauli yatang libro.
Hindi ko alam kung bakit simula nang engkwentro namin sa canteen at sa labas ng campus ay hindi na ako natahimik. Madalas ko nang mapansin at obserbahan ang mga ikinikilos niya. Kahit ang mga simpleng pang-iisnab niya ay nabibigyan ko agad ng kahulugan.
Hindi ko alam kung badtrip ba siya sa akin o hindi niya lang ako gusting kausapin.
Bumundol ang puso ko sa matinding kaba dahil hindi ko mahanap ang ginawa ang reaction paper ko! Halos isa-isahin ko na ang mga pahina ng notebook kung saan ko inipit ang papel pero talagang wala roon.
Dala ang notebook ay agad akong tumayo para puntahan si Joshua na nakaupo sa third row ng upuan. Tutal ay abala ang ibang mga classmates ko dahil sa pangongolekta ng papel kaya hindi agad mapapansin ang ibang dahilan ko sa pagtayo.
“Josh! Nasaan ‘yong papel ko?” Mahina pero mariin ang tanong ko sa kanya.
Nangunot ang kanyang noo dahil sa tanong ko. “Inipit ko diyan sa notebook, ah?” aniya.
“Wala! Inisa-isa ko na pero walang nakaipit!”
Bakas na sa kanyang mukha ang kaba dahil nagpa-panic na rin ako. Kahit minor subject lang iyon ay hindi pwedeng hindi ako makapag-submit ng reaction paper. It’s equivalent to 25 points sa homework! Malaking kabawasan iyon para sa grado ko. Isa pa, sa sobrang istrikto ni Sir Dave, siguradong makakatikim ako ng galit mula sa kanya katulad sa ibang kaklase kong hindi gumagawa ng mga assignment nila.
“Pero Lae, sigurado akong inipit ko, diyan!” sagot ni Joshua sa akin.
Naiiyak na ako dahil sa magkahalong kaba at takot. Mukhang hindi na talaga ako makakapagpasa ng reaction paper.
Narinig ko ang pagbati ni Christian sa teacher namin. Nag-usap sila pero wala roon ang interes kong makinig sa kanila ngayon. I have to find my paper! Kung hindi ay zero ang marka ko ngayon.
Nagkasalubong kami ni Christian. Siya, na pabalik sa upuan niya habang ako ay papunta sa harapan para magpaalam kay Sir Dave dahil babalik ako sa library. Nakita kong tumigil siya sa paglalakad pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Kailangan kong mahanap ang papel ko hanggang sa matapos ang pangongolekta niya.
“S-Sir Dave, may I go out?” paalam ko sa kanya.
“Why?” tanong niya.
“A-ahm… CR lang po ako.” Pagdadahilan ko.
Tumango siya bago binuksan ang librong dala niya. “Make it fast. Magsisimula na akong mag-discuss pagkatapos kong kolektahin ang pinagawa ko sa inyo.”
“Y-yes, Sir.” Sagot ko.
Patakbo akong lumabas sa classroom. Nasa pinakadulong pasilyo iyon sa 2nd floor habang ang library naman ay nasa ground floor sa kabilang dulo. Wala nang mga estudyante sa corridor dahil nag-umpisa na rin sila sa kanya-kanya nilang klase. May kahabaan ang building kaya kailangan kong magmadali. Kung hindi, baka hindi na tanggapin ni Sir Dave ang homework ko.
I don’t know I could run this fast. Maybe because of the adrenalin that is rushing through my veins. Isabay pa na sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyari at pwedeng mangyari mamaya. Baka zero na nga ang score ko, mapapahiya pa ako buong klase!
“Ayoko! Di pwede yon!” naluluha kong sinabi sa sarili.
Pababa na ako sa hagdan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
“Lae!”
Sinadya kong hindi na iyon pansinin dahil nagmamadali ako. Saka ko na lang siya babalikan kapag napanatag na ang loob ko dahil sa lintik na assignment na yan.
“Lae!!” tawag niya ulit sa akin. Mas madiin ngayon ang pagkakasigaw niya sa pangalan ko.
Napapikit ako at napilitang tumigil sa pagtakbo. Mukhang urgent ang pagtawag niya sa akin pero wala nang mas urgent sa pakay ko sa library.
Lumingon ako kung saan nanggagaling ang direkyon. I got confuse when I saw Christian running towards me. May hawak siyang papel na nakatupi crosswise.
“Ano? Nagmamadali ako!” I said annoyingly.
Nang makalapit siya sa akin ay ipinakita niya agad ang papel na hawak niya.
“Ito yata ang hinahanap mo.” Aniya.
Mabilis kong pinasadahan ang papel na hawak niya. Katulad nga iyon sa papel na ginagamit ko. Dahil sa pagmamadali ay pahablot ko na iyong kinuha sa kanya.
I opened the paper and there I saw my name written on it! Napaawang nga mga labi ko. Iyon nga ang reaction paper na gawa ko!
My feelings diverted so fast! Mula sa kaba ay matinding tuwa ang naramdaman ko. It’s so fast that my nervousness was swept away and immediately replace by so much joy!
“Nadampot ko yan kani—” nabitin ang sasabihin niya sa ere dahil sa ginawa ko sa kanya.
Mabilis ko siyang niyakap! Hindi ko alam kung bakit ko naisipang gawin iyon.
It was unintentional, alright. Hindi ko na pinag-isipan. Basta alam kong iyon lang ang tamang gawin sa mga oras na iyon dahil sinagip niya ako sa isang malaking kakahiyan.
“Thank you, Christian! Thank you! Thank you!” masaya kong sinabi sa kanya.
My hug lasted for a couple of seconds. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya dahil siguro sa matinding gulat. Oo nga naman, sino bang hindi magugulat kung bigla ka na lang niyakap ng basta-basta?
Mabilis ko siyang binitiwan at unti-unti na rin akong nakaramdam ng sobrang hiya sa kanya. I saw how his jaw clenched, medyo madilim na rin ang tingin sa akin. I smiled at him awkwardly just to save myself from humiliation.
Kung ba’t kasi hindi ko rin naisip na awkward nga itong ginawa ko?
“S-salamat ulit!” ani ko. Mabilis akong tumakbo pabalik sa classroom. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil pakiramdam ko ay lulubog na ako sa sobrang hiya.
Naipasa ko ang ginawa kong reaction paper. I never attempted to look at him again. Hindi na! Tama na yung dalawang beses na akong napahiya sa harapan niya. At kahit gustung-gusto kong makipaglapit sa kanya para maging kaibigan siya, hindi na ako susubok ulit.
Itinuon ko na lang ang sarili sa pag-aaral ng mabuti. Minsan, tinutulungan ko rin sila Josh at Marco sa pagre-review. Kasama namin sila Paul Luis at Aby. Ganoon din si Monica.
Madalas kaming tumambay sa mga kiosk malapit sa malaking puno ng acacia. Okay kasi rito dahil may lilim at presko ang hangin. Hindi nga lang masyadong napupuntahan dahil baka matiyempuhan ka ng higad. Sobrang kati pa naman non sa balat kapag nadikit sa katawan.
“Paul, memorize mo na ba ‘yong table of elements? Bukas na ‘yong graded recitation.” Naga-alalang tanong ni Josh sa kanya.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng para sa susunod na klase. Library period namin pero dito sa kiosk namin napiling tumambay.
Tumango lang siya habang nagse-cellphone. He rested his back on the bench at nagpatuloy sa paglalaro.
“Eh, ikaw Lae?”
“Tinatanong pa ba ‘yan?” Paul said. Inakbayan niya ako at kinurot sa pisngi. “Idol ko ‘to, eh!”
Ngumiwi ako dahil sa sakit na naramdaman! Hinampas ko ang librong hawak ko pero hindi niya iyon binitawan. Nang hindi ko na makayanan ay inalis ko ang kamay niya na nakaangkla sa leeg ko at humiyaw sa sakit! Napatayo na ako para makalayo na sa kanya.
“Paul naman, eh!” sigaw ko.
Malakas siyang tumawa sa nakitang reaksyon ko. Ramdam ko ang init sa aking pisngi dahil sa ginawa niyang pagkurot doon. Kahit naman morena ako, siguradong nangulay pula yon.
Ilang beses ko siyang hinampas sa librong hawak ko. Ang lakas ng kantiyaw sa amin ng mga kaklase ko pero hindi ko iyon pinansin.
“Uuy! Baka magka-develop-an kayo!” tudyo ni Aby.
I glared at them na mas lalo nilang ikinatawa.
“Halika nga rito. Ang pikon mo naman.” Hinatak niya ako sa aking kamay kaya napaupo akong muli sa tabi niya.
Mula sa pagkakahatak niya ay nahagip ng aking mga mata ang grupo nila Christian sa kabilang kiosk. Hindi naman magkakalayo ang mga tables at benches kaya kahit normal silang mag-usap ay naririnig pa rin iyon.
Hindi ko man sinasadya ay awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Christian. Pinagitnaan siya nila Edmund at Gil habang nagte-take note sa libro.
Kumalabog ang puso ko nang makita kong nakatingin na naman siya sa akin. Sa ilang beses ko siyang nahuling nagtama ang mga tingin namin sa isa’t isa, iba ngayon ang mga titig niya. Parang may halong galit? His stares are dark and intense. Unang tingin pa lang, mararamdaman mo agad ang bigat no’n.
Inis akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko.
“Hindi ako tatabi sa’yo, Paul!” bulalas ko at saka lumipat sa kabilang upuan sa tabi ni Monica.
Padabog kong inilapag ang bag ko sa bench at saka naupo.
“Masakit ‘yong ginawa mo, eh!”
“Oh, tama na ‘yan!” awat ni Aby sa amin.
Nagpatuloy pa rin sila sa asaran pero hindi na nila ako isinali. Muling bumalik sa isip ko ang nakita kanina. Bakit madalas kong makitang nakatingin sa akin ang lalaking iyon?
O baka naman may nagawa pa akong atraso sa kanya na hindi ko alam?
Pasimple ko siyang sinulyapan. Nakita kong nag-aayos na sila ng mga gamit nila at handa ng umalis sa kiosk nila. Nangunot ang aking noo at hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng panghihinayang.
“Tara na. Sa library na lang natin ituloy ito.” Narinig kong sinabi niya.
Kahit maingay ang mga kasama ko ay dinig ko mula sa aking kinauupuan ang sinabi nila.
Umayos ako ng upo para makita nang mabuti ang pag-alis nila.
But before he turned his back on us, I saw him looking at me again. This time, his stares are miserable.