Lae
Ilang minuto rin akong nakatambay sa isang food cart malapit sa parkingan ng mga tricyle pauwi sa kanila. Alam kong hindi rin naman iyon magtatagal dahil oras na rin naman ng uwian. At saka sinadya kong magpatiuna dahil ayokong may ibang makakita sa amin na mga kaklase ko.
Tumuwid ako sa pagkakatayo nang matanaw ko na siya palabas ng gate kasama ang mga kaibigan niya. He’s tall and has a good body built. Kaya kahit hindi siya mag-effort ay agaw pansin ang tangkad niya sa madla. Dinig ko nga noon ay tumutulong pa siya sa farm nila kapag walang klase, sabi nang isang classmate namin dating taga roon din sa kanilang barangay.
I readied myself. Tumikhim ako at inayos ang aking uniform. Kasabay noon ay ang simpleng pagsuklay sa aking buhok gamit ang mga daliri ko. Kahit ang simpleng pagdama ko sa mukha ko kung oily na ba iyon ay hindi ko pinalampas.
Why am I suddenly becoming conscious with my looks?
“Chistian!” tawag ko sa kanya nang makalapit na siya sa tricycle na sasakyan niya pauwi.
Luminga-linga pa siya dahil hindi niya ako agad nakita. Inulit ko ang pagtawag sa kanya at saka itinaas pa ang aking kamay. Nang matanaw niya ako ay nangungunot ang kanyang noo.
Nakangiti pa ako nang tuluyan akong makalapit sa kanya.
“Hi!” Bati ko.
Lumingon-lingon siya ulit bago niya ako hinarap. “Ano’ng kailangan mo?” malamig na tanong niya sa akin.
My lips parted when I heard what he said. I knew that he’s the silent type. I only had few encounters with him simula noong nag high school ako at masasabi kong hindi nga siya palakibo. Pero hindi ko sukat akalaing ganito siya ka prangka.
I tried my best again and smiled at him sweetly. He just gave me an impassive look.
“Hindi kita sinungitan kanina sa canteen, ah? Baka lang iniisip mong ganoon ako.” Ani ko.
“Hindi ko iniisip ‘yon.” Sagot niya.
Tumango ako habang nakangiti pa rin. “Congratulations nga pala.”
I handed my hand for a handshake. Hindi naman siguro masama ito, ‘di ba?
Tiningnan niya lamang iyon nang ilang segundo. Habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng pagkapahiya dahil hindi niya iyon tinatanggap. Unti-unti na ring namumuo ang inis sa loob ko.
Why can’t you just accept it nang matapos na ito?
“Christian! Halika na!” sigaw ng isang pasahero na kasama niya. Pareho naming nilingon iyon habang nakalahad pa rin ang kamay ko sa harap niyan.
Kita ko ang bulung-bulungan nila nang mapansin kung sino ang kausap niya. Nagsikuhan pa sila, marahil ay dahil sa kakulitan sa pagtawag sa lalaking kausap ko ngayon.
Sa inis ko ay ako na mismo ang kumuha ng kamay niya at saka inis na nakipagkamay sa kanya. It made him face me again. Tiningnan niya ang mga kamay naming magkahawak. Nang bitawan ko iyon ay saka ako naglitanya.
“Ano ba ‘yan! Handshake lang, hindi mo pa maibigay!” inis na bulalas ko.
Muli kong narinig ang pagtawag sa kanya ng lalaking iyon. Aalis na rin sana ako dahil hindi ko na kaya ang pang-isnob niya sa akin pero muli siyang nagsalita.
“Alis na kami.” Aniya ngunit hindi pa rin siya gumagalaw, tila hinihintay pa ang isasagot ko sa kanya.
Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay tanging paglabi lamang ang naisagot ko. Hindi ko na maitago ang sobrang pagkadismaya dahil sa asal niya sa akin. Hiyang-hiya ako sa mga oras na iyon.
Gusto ko lang namang linawin na hindi ko siya sinungitan kanina. Binati ko pa nga siya! I even gave an effort to wait for him outside tapos ganito lang ang matatanggap kong treatment?
Masama ba ang loob niya dahil ganoon ang pagsagot ko sa kanya sa harap ng mga kaibigan ko? Eh, siya nga! Mas malala itong ginawa niya sa akin dahil harap-harapan akong napahiya.
Mabuti na lamang at walang ibang nakakita sa amin maliban sa ilang estudyanteng kasama niya sa tricycle.
At dahil halos wala na ngang tricycle na nakaparada sa harap ng campus dahil sa paghihintay ko sa kanya ay napagdesisyunan ko na rin ang umuwi na. May kalimitan na rin ang pagdaan ng mga tricycle pag ganitong oras sa amin kaya nilakad ko na lang pauwi.
I plugged my earphones and chose a good music on my phone before I started to walk.
Ang yabang ng isang ‘yon! Ako na nga itong lumapit sa kanya para bumati at linawin ang naging asal ko kanina pero siya pa itong hindi halos mamansin. Hah!
Lasapin niya ang rangkong na-achieve niya sa 1st grading period dahil sisiguraduhin kong ibabalik ko siya sa dating trono niya ngayong grading period. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang aabutin ng yabang niya.
Sa mga sumunod na araw, wala akong ibang ginawa kundi ang magpakitang gilas sa klase. I doubled my effort in academics, at the same time, busied myself in extra-curricular activities. Madalas ako ang isa sa mga representative ng klase namin pagdating sa quiz bees sa mga inter-school competition. Nakasama ko na rin minsan si Christian pero hindi ko siya masyadong pinapansin. Mas nakikisalamuha ako sa mga lower years na achievers.
Kaya nang minsang nasa library kami para gawin ang reaction paper na pinapagawa sa amin sa Araling Panlipunan ay na-bring up iyon nang mga kaklase ko.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng isang news article sa diyaryo na related sa reaction paper namin. Kagabi ko pa iyon nagawa sa bahay. I browsed the internet and research about the happenings. What am I doing now is just supplemental in case I have missed other information.
Siniko ako ni Joshua.
“Lae, patingin naman ng ginawa mo, oh? Basis ko lang para sa gagawin ko.” Aniya.
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “Wala ka pang nagagawa?” manghang tanong ko.
Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit malapit sa Librarian’s table. Thirty minutes na lang ay ang Araling Panlipunan subject na namin. Library period namin ngayon. Kung wala pa siyang nauumpisahan, malamang ay gagahulin na siya sa oras. At kung matatapos man niya, siguradong hindi maganda ang magiging outcome no’n.
Walang ibang naisagot si Joshua sa akin kundi ang pagkamot niya lang sa kanyang ulo. Bumuntong-hininga ako at saka inilabas ang papel kung saan malinis at maayos kong isinulat ang gawa ko. Inipit ko iyon sa notebook ko.
“Oh, ito. Ingatan mo ah! Ipitin mo sa notebook ko pagkatapos mong gamitin.” Sabi ko.
Nakangiti siyang inabot sa akin ang notebook. “Yes! Thank you, Lae!” aniya at saka nagsimulang basahin ang papel.
Naiiling akong nagpatuloy sa pagbabasa habang abala ang mga kaklase ko sa tinatapos na reaction paper. Ang iba ay natapos na at nagkukwentuhan na lang sa library. Sinuway sila ng librarian ngunit hindi sila natinag.
“Get out of this room! This is not a place for chitchat!” medyo mataas ang boses ng librarian
I sighed and rolled my eyes. Ang aarte kasi ng mga babaeng ito! Wala namang ibang pinaguusapan kundi yung mga lalaking nakaka-flirt nila na senior high at college sa kabilang building.
Mula sa entrance door ng library ay nakita kong papasok sila Christian at ang ibang kaklase namin na si Edmund at Gil. Silang tatlo ang madalas magkakasama. Mukhang tatambay na lang yata sila dito dahil kung gagawa pa sila ng reaction paper ay gahol na sa oras.
Luminga-linga ang kasama niya para maghanap ng bakanteng mesa. Nagtama naman ang mga mata namin ni Christian. As usual, he just gave me a cold stare. Walang ekspresyon na parang hindi tao ang tinitingnan niya.
Kahit hindi ko pa makalimutan ng lubusan ang ginawa niya sa akin noon nakaraan ay tipid pa rin akong nagumiti sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko dahil gusto kong makita kung ano’ng magiging reaksyon niya, o kung magre-react ba siya sa pag-ngiti ko.
His lips parted a bit. Muli niya iyong pinaglapat ngunit hindi niya pa rin inalis ang mata sa akin.
“Ayun, Christian, sa katabing table nila Lae.” Turo ni Gil sa kanya.
Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa kanyang kasama. Bahagya akong umayos ng upo habang hawak pa rin ang diyaryong binabasa ko. My sight never leaves him, though. And I don’t understand myself why I’m still staring at him.
Itinuon ko ang aking sarili sa pagbabasa kahit dinig ko pa rin ang pag-uusap ng tatlo. May paminsan-minsang tinitingnan ko sila para makita kung palapit na ba sila o hindi pa.
Nakita kong tiningnan ni Christian ang wrist watch niya saka binalingan ang kasama.
“Balik na lang tayo sa room.” Aniya.
I don’t know but I felt alarmed and dismayed just because they will leave the library sooner. Ni hindi pa nga sila nakakaupo. At saka, ano’ng gagawin nila sa classroom eh lahat kaming mga kaklase ay narito? Yung mga babaeng maaarte lang ang nagsipaglabas dahil pinalayas ng librarian.
Tumalikod na ang ibang kasama niya at aamba ng umalis. Tumayo na rin ako para isauli ang diyaryo sa Periodical Section. Ngunit bago ako humakbang palayo sa table namin ay sumulyap ulit ako sa kanilang grupo.
I saw him looking at me again! He withdrew it immediately and followed his friends.
Damn. He’s weird.