CHAPTER 15

2023 Words
Lae     Hindi ako mapakali sa naiisip kung kanino galing ang love letter na iyon. Hindi ko rin ine-expect na makakatanggap pa ako ng gano’n. I mean, nakaka-thrill isipin kung kilala ko nga ba ang nagbigay at kung bakit niya naisiping bigyan ako.   Pakiramdam ko tuloy, ang ganda-ganda ko.   Kahit gustung-gusto ko nang basahin iyon, hindi ko mailabas sa bag ko dahil natatakot akong baka makita ng iba. Ang lalakas pa namang mang-asar ng mga kaibigan ko. Siguradong hindi nila ako titigilan hangga’t hindi ako napapaiyak sa sobrang asar.   Maghapon tuloy akong natutuliro sa kakaisip.   Pag-uwi ko sa bahay, agad akong naglinis at nag-ayos ng sarili. Excited akong buksan ang letter na natanggap ko. Nang matapos akong makapamalit, hindi pa ako nakakapagsuklay pero agad ko nang kinuha ang libro at saka kinuha ang nakaipit na kulay asul na stationary paper.   Nabasa ko ulit ang ‘My Lae’ sa harap no’n. I smirked. Sobrang cheesy naman nito.   Nang tuluyan kong iunat mula sa pagkakatupi iyon ay sinimulan kong basahin.   ‘Lae,     For the past few months, I was able to know you better. I’m so happy that I got the opportunity to write this letter to you because I cannot reveal my true feelings for you personally. Dinadaga ang dibdib ko, Lae. You might hate me and avoid me for that or worse, I may not be able to get the chance to get near you again.   You’re so beautiful, inside and out. Napatunayan ko iyon ng maraming beses. Hindi mo lang napapansin pero sa mga simpleng kilos mo, nahuhulog na ako sa’yo.   The way I see your cheerful smile, it takes my breath away. The way I look into your lovely eyes, it melts my heart. The way you laugh heartily, it completes my day.   But too bad, we’re not on the same wavelength. I hate that we’re parallel, though. I wish for us to intersect.   Love,   T.’   What? Kanino galing ‘to?   Hindi pa ako kailanman nakatanggap ng mga ganito noon. Kahit regalo mula sa mga lalaki na iba ang pakay. I maybe intelligent but I never considered my physical attributes. Simple lang kasi ako. Mula sa pag-aayos sa sarili hanggang sa pananamit. Okay na ako sa simpleng t-shirt at jeans. Kung nakakapagsuot naman ako ng dress, I make sure na kumportable ako roon.   Kaya ang makatanggap ng ganito sa taong hindi ko kilala, halu-halo ang nararamdaman ko. It’s overwhelming and thrilling at the same time. Palaisipan kung sino ang nagbigay kaya thrilling, and overwhelming dahil kahit papaano pala, may nakakapansin sa akin sa ganoong paraan.   Sa bandang huli, paimipit akong humalakhak. Sige, if my smiles and my laughter will make him happy, bahala siya. Kung hindi siya magpapakilala, hindi ko na kawalan iyon.   Kung magpakilala nga, uhm… well…   We’ll cross the bridge when we get there.   Natapos ang buong week na nakakapagod. Pinilit kong tapusin ang natirang oras ko para sa community service. Mabuti na lang, may vacant period kaming medyo mahaba-haba kapag Friday. Iyon ang ginamit kong oras para matapos ko na ang service. Kaya nang makauwi ako sa bahay, ang rungis kong tingnan.   Mabilis na lumipas ang mga buwan, pumatak na ang buwan ng Disyembre. Puro plano na para sa Christmas Party ang inaatupag ng mga classmates ko. Sa buong campus naman, every Monday at Friday, Monito and Monita naman ang paandar.   Para sa araw ng Biyernes, ang ibibigay namin sa nabunot naming kaklase ay ‘something soft’.   Nag-isip ako ng pwedeng i-regalo sa kaklaseng mabubunot. Hindi naman kailangang bumili kung tutuusin. Pwede namang personalized, o kaya, ‘yong abot kaya lang ang presyo.   Isa-isa kaming tinawag ni Ma’am Wilma sa harap. Sa loob ng box na hawak niya, naroon ang pangalan naming lahat, nakasulat sa isang maliit na papel at tinupi ng ilang ulit. Everyone is excited to pick their own pieces of papers in the box. Ang iba, umaasa na sana, pangalan ng crush nila ang mabunot nila, iyong iba naman, para sa prank na gagawin.   Ako, kahit sino, okay lang. Noong nakaraan nga, si Joshua ang nabunot ko para sa ‘something hard’, binigyan ko ng magandang bato eh. Si Cyrus, binigyan ko ng lapis para sa ‘something long’.   Medyo magulo sa classroom. Binigyan kami ng ilang minuto ng adviser namin para makapag-usap tungkol doon. When I settled in my seat, binuksan ko na ang kapirasong papel para malaman ko na kung sino ang nabunot ko. Unang basa ko pa lang sa pangalan niya, medyo binalutan na ako ng kaba sa katawan.   Sinulyapan ko mula sa aking likuran ang kaklaseng nabunot ko. He was busy talking and laughing with his friends. Silang tatlo lang naman kasi ang parang nagkakaintindihan. Kaya minsan, hindi ko masisisi ang ibang mga kaklase ko kung babansagan silang ‘The Three Weirdos’.   Nagtagal ang titig ko sa kanya. Hindi na kami masyadong nagsasama na kaming dalawa lang. Wala nang naging pagkakataon, eh. Pero we’re constant textmates. Doon lang kami nakakapag-usap ng malaya. Minsan, tumatawag din ako sa kanya. Nakikipagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay, at saka ko naman ire-report iyon kay Monica.   Yeah. I’m still into it. Ang pagkokonekta ko sa kaibigan ko sa kanya, tuloy pa rin ‘yon. Hindi ko naman nakikitaan ng pagkabagot at pagkasawa si Christian tungkol doon kaya tuloy lang ako sa ginagawa.   Hindi ko namalayang nakatingin na rin pala siya sa akin. Ilang segundo rin kaming nagtitigan. Wala akong balak bawiin ang mga mata ko. Ganoon din siya. Nang hindi ko na rin matagalan ang titigang iyon, marahan kong itinaas ang kapirasong papel at iwinagayway iyon sa kanya, telling him that I was the one to pick up his name on the box.   Tipid din siyang nangiti sa akin. Then he nodded.   Umayos na ako sa pagkakaupo nang lapitan ako ni Monica. Kita ko sa kanyang mukha ang iritasyon sa kanyang hitsura. Nakasimangot at salubong ang kanyang mga kilay. Padabog pa ngang naupo sa armchair ni Aby, eh.   “Oh? Ano’ng problema mo?” tanong ko sa kanya.   Lumabi siya at saka pumangalumbaba.   “Hindi ko mahanap kung sino ang nakabunot kay Christian.” Nakasimangot na sabi niya bago ilubog ang kanyang mukha sa braso niya.   Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi niya talaga mahahanap iyon sa iba. Kahit itanong niya pa sa mga kaklase ko.   Dahil ako ang nakabunot sa taong hinahanap niya.   Siniko ko siya para makuha ang kanyang atensyon. Umahon siya mula sa kanyang mga braso at hindi rin ako pinalampas sa pagsusungit.   “Bakit kasi kailangan mo pang mabunot ang pangalan niya? Kung talagang gusto mo siyang bigyan ng regalo, kahit hindi siya ang mabunot mo, bibigyan mo pa rin!” sagot ko.   She only frowned. “Siyempre, para may rason ako. Nakakahiya naman kasi kung magbibigay ako ng kung anu-ano sa kanya. Sa Christmas Party natin, talagang bibigyan ko siya ng regalo. Pero itong Monito at Monita, nahihiya ako.”   Ngumisi ako. “Nahihiya ka pa ba? Eh lagi nga kayong magkasama, eh!”   Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Parang may inalala siyang bigla. Tapos bumalik sa dating hitsura niya, malungkot at disappointed.   “Lae, habang tumatagal, mas lalo akong nafo-fall sa kanya.” Mahinang sabi niya sa akin.   Umayos ako sa pagkakaupo. Isinuksok ko ang papel sa aking bulsa para hindi niya iyon makita.   I want to be selfish, just this time.   “Infatuation lang siguro ‘yan, Mon. Natural lang sa atin ‘yan. We’re teenagers. Hindi kita masisisi.” Nangiti ako sabay kindat.   Ngumuso siya at saka umiling. Hindi na muling nagsalita.   Buong araw nakabusangot si Monica. Kahit noong recess at lunch break namin, wala siyang ginawa kundi ang mag-simangot. Inaasar pa siya nila Paul Luis at Joshua kaya nadagdagan ang iritasyong nararamdaman niya.   “Monica naman! Ngayon ka na nga lang namin makakasama, ganyan ka pa umasta. Nakaka-BV naman ‘pag ganyan.” Sabi ni Joshua habang kumakain kami ng meryenda sa canteen para sa pang-hapong recess.   Sinimangutan niya lang si Joshua at nagpatuloy sa pagkain. Humalakhak ng malakas si Paul dahil sa inasta niya.   “Bakit? Binasted ka na ba no’ng nililigawan mo?” tudyo niya.   She eyed at Paul sharply. Mas natuwa pa ang loko sa reaksyon ng kaibigan namin.   Tumawa rin si Aby at nakisabay sa pang-aasar.   “Kalmahan mo lang kasi, Mon. Puro kasi ikaw ang humahabol eh.” Dagdag niya.   Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Medyo kinukurot na ako ng konsensya ko. Gusto kong sumaya ang kaibigan ko pero gusto ko rin na ako ang magbibigay ng regalo para sa kanya.   Pero kung ganito ang epekto nito kay Monica…I sighed.   Pagkatapos kaming i-dismiss ng teacher namin para sa huling subject namin ngayong araw, agad kong hinarangan si Monica. Kumapit ako sa kanyang braso at sabay kaming lumabas ng room. Nagtataka pa siya sa inaasal ko pero wala akong ibang ipinakita sa kanya kundi ang mga ngiti ko.   “May surpresa ako sa’yo.” Bulong ko sa kanya.   Nagtama ang mga tingin namin. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa antisipasyon. Ako naman ay nangiti lang kahit medyo mabigat na ang nararamdaman ko sa gagawin ko ngayon.   “Ano?”   Ngumisi ako. Mula sa aking bulsa, inabot ko ang kapirasong papel sa kanya. Iyong nabunot ko sa box kaninang umaga.   “Palit tayo ng nabunot, Mon.”   Agad niya iyong kinuha sa akin at mabilis na binulatlat. Nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakasulat, nag-iba ang awra niya.   “OMG! Lae!!” she shrieked out.   Natawa ako sa naging reaksyon niya. Somehow, seeing my friend happy eases the heavy feeling inside me. Kahit papaano, napasaya ko ang kaibigan ko. Okay na rin iyon. Kesa ang maging selfish ako pero nakikita kong hindi siya masaya.   Okay na iyon sa akin. I would settle for that now.   Hindi ko inasahan ang pagyakap niya sa akin.   “Thank you, Lae! Ang saya ko!” dagdag niya.   Humalakhak ako bago bumitaw sa mga yakap niya. “OA mo. Tara na nga, uwi na tayo.” Yaya ko sa kanya.   Nagpasama pa siya sa akin sa mall para bumili ng ireregalo niya. She’s serious about this. Siyempre naman, ultimate crush niya ang reregaluhan niya. Kaya dapat lang, paghandaan niya.   Si Gil ang original na nabunot niya. Wala akong ideya kung ano ang gusto niya. Wala rin ako sa mood para pag-isipan ng mabuti kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Kaya bibili na lang ako ng cheese cake para sa kanya.   At the back of my mind, gusto ko pa ring bigyan si Christian ng regalo. Ako ang original na nakabunot sa kanya, eh. I should be the one whose giving him the gift. Pero kung gagawin ko kasi iyon ng walang rason, baka mag-create lang iyon ng maling impression.   At aasa na naman ako.   Bahagya akong natawa sa sarili. Habang naglalakad-lakad kaming dalawa ni Monica, nahagip ng mga mata ko ang iba’t-ibang plush pillow sa istante.   Natigil ako roon para tingnan ang mga naka-display. Ang cute nilang tingnan. Lalo na yung octopus na nakangiti. Nang kunin ko iyon, nakangiting nilapitan ako ng sales lady.   “Gusto mo ba ‘to? Ganito siya oh.” Aniya at saka pinaloob ang ulo ng octopus para ma-reveal kung ano ang nasa loob noon.   I saw a frowning face of an octopus. Natawa ako sa nakita. Ang cute!   “Magkano po?” tanong ko sa kanya.   Tiningnan niya ang price tag. “P150.00 lang.” aniya.   Tumango ako. May iba’t-ibang kulay din. Powder blue ang ipinakita niya sa akin. may color yellow, pink, purple, red, at gray roon sa istante.   Nahagip din ng mata ko ang isang simpleng plush pillow na may nakasulat na ‘calm’. I remembered his keychain. Iyon din ang nakasulat doon.   Kinuha ko ang hawak ng sales lady at iyong kulay yellow. Favorite color ko kasi ang yellow. May pera naman akong dala. Saka ngayon lang naman, huhugutin ko na ito sa savings ko.   Kinuha ko rin iyong color blue na plush pillow na may nakasulat na ‘calm’.   Tumatakbo agad sa isip ko kung sino’ng pagbibigyan ko sa isa.   “Bibilhin ko po, Miss.” Sabi ko sa kanya.   I smiled inwardly. Bahala na. Kung ayaw niyang tanggapin, eh ‘di akin na lang.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD