CHAPTER 14

1699 Words
Lae     Inagahan ko ang pasok kinabukasan para makapaglinis ako sa designated spot ko. Kailangan ko pang bumuo ng anim na oras para matapos na ako sa community service ko. Dahil ayokong may masagasaan akong subject habang nagre-render, pinili ko ang pumasok ng mas maaga at magpapahuli ng uwi para roon.   Bago mag alas sais ng umaga, nasa school premises na ako. Kahit ang gwardya, gulat na gulat sa maagang pagpasok ko. Binati niya ako at ngumiti lang ako sa kanya pabalik. I have to get hurry dahil alas siyete ng umaga ang flag ceremony namin.   Pumunta na ako sa botanical garden dahil ito ang isa sa mga areas na kailangan kong linisan. Kumuha lang muna ako ng cleaning materials sa stock room para makapagsimula na sa paglilinis. Pero bago pa ako magsimulang magwalis sa madahon na parte ng garden, nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang banda.   Bigla akong natigilan. Hindi ako gumawa ng ingay at pinakinggan ko ulit kung saan nanggagaling ang ingay. Nang may marinig akong kalampag, narinig kong galing din iyon sa stock room.   Binalot ako ng takot dahil sa naririnig. Luma na ang campus at laman din iyon ng mga kwentong kababalaghan na pinagpasa-pasa. Mula sa kwento ng mg gwardya tungkol sa mga nakikita nilang white lady kapag rumoronda sila sa gabi hanggang sa isang kwento ng janitor kung saan naririnig niyang may nag-iingay sa science lab. At maging dito sa botanical garden, mayroon din silang nakakatakot na kwento.   The campus is quite old now. Fifty-five years to be exact. Inabutan pa nga ito ni Papa, eh. Dito rin siya nag-highschool. Kaya hindi ako magtataka kung totoo nga ang kumakalat na usap-usapan tungkol sa mga multo.   “Sino ‘yan?” matapang na tawag ko sa kung sino’ng naglilikot sa maliit na stock room na iyon…o kung tao nga ba ang sinusubukan kong kausapin.   Mahigpit ang hawak ko sa walis tingting at dustpan. Malalim ang paghinga ko’t kumakabog nag puso ko dahil sa pinagsamang takot at kaba. Magkaganun pa man, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero…unti-unti na akong lumapit sa maliit na silid na iyon.   “Hoy! Sino ‘yan?” sigaw ko roon. Tumigil ang mga kaluskos na naririnig ko.   Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa takot. Handa na akong tumakbo palayo roon nang may makita akong anino ng isang tao na palabas mula sa pintuan.   Hawak ang walis tingting at dust pan, umatras na ako at handa nang kumaripas ng takbo. Naiiyak na ako sa takot! Hindi na talaga ako uulit na pumasok ng ganito kaaga!   Pagkatalikod ko, narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.   “Lae?”   I was halted! Kasabay no’n ay ang pagkagulat na bumuhos sa aking pagkatao. Pero nang ma-realize ko kung sino iyong nagsalita, agad akong lumingon.   What the heck!   “Ano’ng ginagawa mo rito?” dagdag niya.   I sneered with so much annoyance! Mabilis na kumalat ang matinding inis sa akin. Hawak ang tingting sa kanang kamay, I aimed to throw it to Christian with full force!   “Gago ka!” I cursed angrily! Hindi ko napigilan ang makapagmura.   Imagine my unfathomable fear when I thought it’s a ghost I’m dealing a while back! Kulang na lang, magtitili ako para may makapansin sa akin dahil sa mga ganitong oras, alam kong ako pa lang ang estudyanteng naroon sa school.   Iniwasan niya ang binato kong tingting at nang tingnan niya ako, nanlaki ang kanyang mga mata! Agad niya akong nilapitan dahil walangya, I maybe overreacting but my tears fell uncontrollably!   “Bakit? Ano’ng nangyari sa’yo?” he scanned me from head to toe. “Lae, ang putla mo.” Kinakabahang sabi niya.   He held both of my arms but since my emotions overwhelmed me, marahas kong binawi iyon mula sa kanyang pagkakahawak.   “Tarantado ka! Akala ko kung sino’ng nasa loob, ikaw lang pala!” sigaw ko sa kanya.   He tried to touch me again but I avoided his hands. Alangan man siya, marahan niya akong nilapitan para aluin mula sa biglang pag-iyak.   “Ba’t ka natakot? Ako lang naman ‘yon, Lae.” He said softly.   Suminghot ako habang pinupunasan ang mga pisngi dahil nabasa iyon sa luha. I looked at him with my puffy eyes.   “Akala ko kasi…multo.” I almost whispered the last word.   I realized that it’s petty to cry in front of him. Pero ano’ng magagawa ko? Natakot ako, eh!   “Multo?” ulit niya.   Tumango ako at nag-iwas na ng tingin dahil sa namumuong kahihiyang nagawa ko. Hayst! If I just tried to think rationally. Hindi dapat ako nagpasakop sa kaduwagan. I should have acted the way it is to be.   Ang tanda tanda ko na para sa mga ganitong bagay! Ugh!   Naglakad ako siya para pulutin ang walis na inihagis ko sa kanya. Itutuon ko na lamang ang atensyon ko sa paglilinis. May oras pa naman para sa paglilinis. Kayo ko pang tapusin iyon bago magsimula ang flag ceremony.   Pero bago kopa siya lampasan, hinawakan niya ako sa aking braso. I looked at his hand, gently holding mine. At saka lumipat ang tingin ko sa kanyang mukha.   “Mukha ba akong multo sa paningin mo?” nakakalokong tanong niya sa akin.   Nangunot ang noo ko sa paraan ng pagtatanong niya. Nang-aasar ba ‘to?   “Sorry! Okay? Akala ko nga multo eh!” depensa ko.   Iniwas ko na ang tingin sa kanya at desididong iwan siya roon para kunin ang walis na inihagis ko sa kanya kanina. Nakakainis! Hindi lang sa kanya kung ‘di maging sa aking sarili.   Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan. Inis ko siyang tiningnan ulit. He pursed his lips to hide a ghost of smile on his face. Nang makita niya ang reaksyon kong badtrip pa rin sa nangyari, marahan niya akong hinila para mapalapit ako sa kanya at magkaharap kami ng maayos.   “Come here.” Sabi niya.   Wala akong ibang nagawa kundi ang magpatianod sa rahan ng paghila niya sa akin. Kaming dalawa lang ngayon ang nasa botanical garden. Tahimik pa ang lugar pero mayabong ang mga halaman at bulaklak na nakatanim roon.   Nakita ko ang pag-angat ng libreng kamay niya papunta sa direksyon ko. Thinking that he would continue annoying me, agad akong umiwas sa kanya.   “Chris---”   “Shhh.” He shushed me.   Tinikom ko ang aking bibig. His hand landed on the side of my right eye. Pinunasan niya ang natirang luha sa aking mata. He did it so gently na halos hindi ko maramdaman ang pagtama ng kamay niya roon. Ipinilig niya ang kanyang ulo para gawin din iyon sa kaliwang mata ko. Maingat niya iyong ginagawa. Pati ang mga pisngi ko, hindi nakaligtas sa pagpupunas niya.   Nagkandabuhul-buhol ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niyang ‘yon. Halos hindi ako humihinga nang mga sandaling iyon. Ano ba naman ‘to! He’s so gentleman. I can’t refuse to acknowledge my feelings for him. Parang halaman iyon na dinidiligan niya ng kanyang mga kilos.   Ayoko. Hindi pwede ‘to. This is ridiculous!   Iniwas ko ang aking mukha. Pinapahiwatig ko sa kanyang itigil niya na iyon dahil hindi ako makapagsalita. Para akong napipi dahil sa nararamdaman ko. Mabuti na lang, agad niya iyong nakuha at itinigil na ang ginagawa. Kahit ang paghawak niya sa akin, unti-unti na ring lumuwag.   “Okay ka na?” tanong niya.   Trying to dismiss my unexplainable feelings towards him, I showed how disgusted I am with his actions towards me.   “Tss. Stop it, Christian.” Inirapan ko siya at saka iniwan siya roon para ituloy ang pakay sa garden na ‘yon.   Hindi ko na siya muling tiningnan pa. I continued cleaning the area. Kahit distracted ako sa ginagawa, pinilit ko pa rin ituon ang sarili ko sa pagwawalis.   Ayoko itong nararamdaman ko. This is wrong! If I effin’ acknowledge this feeling, it’s a betrayal to my dear friend.   I can’t lose a friend. I can’t take the judgement of people if they would know about this.   I should keep this to myself.   Tinapos ko ang ginagawa nang hindi siya kinakausap. Saka na lang siguro, kapag may bago akong sasabihin tungkol kay Monica, o kung may itatanong siya tungkol sa kanya.   Ewan ko ba sa sarili ko. I always get nervous when I look into his eyes. It’s beautiful. So soulful. Alam kong mga bata pa kami but the way he graces his actions, how he decides, how he speaks…ang mature mature niya sa paningin ko.   Not including that he’s handsome, manly man.   Ano ba ‘yan! Mga bata pa kami! Bakit ba ganito ako mag-isip?!   Isinara ko ang libro ko at iniwan na iyon sa arm chair ko nang mag-ring ang bell hudyat na recess na. As usual, sumama ako sa grupo nila Paul Luis. Ako at si Aby lang ang babae dahil si Mona, nakabuntot na naman kay Christian. Minsan, gusto ko nang matawa sa ginagawa niya. pwede naman kasing hintayin niyang si Christian ang mag-first move pero hindi talaga nagpapapigil.   Nang makabalik ako galing sa canteen, niligpit ko ang gamit ko na nakalagay sa arm rest ng arm chair ko para mailabas ang isang libro ko sa susunod na subject. Nang maisuksok ko iyon ng maayos, I noticed that my book has something in between its pages. Parang may nakaipit. Medyo kita nga iyon dahil sa may konting siwang na nilikha sa gitna ng mga pahina.   Muli kong inilabas ang libro at binuklat iyon kung saan may nakaipit na bagay. Nasa gitnang bahagi iyon ng libro ko. Tumaas ang kilay ko nang mapansin ang isang nakatuping kulay asul na stationary paper.   Ano ‘to?   Mabilis kong binasa ang nakasulat doon.   ‘My Lae.’   I scoffed. What the heck?   “Uy ano ‘yan?” usisa sa akin ni Aby.   Agad kong isinara ang libro para hindi niya makita ang sulat na naroon. Mamaya ko na lang babasahin. Sa bahay na lang siguro para walang makakita.   Ibinalik ko iyon sa bag ko at inilabas ang libro para sa next subject. Siyang dating ng teacher namin, umayos na ako sa pagkakaupo ko.   “Wala. Scratch paper lang.” sagot ko at itinuon ang tingin sa harapan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD