Lae
“Tumayo lahat ng mga tatawagin kong pangalan.” Sabi ni Ma’am Wilma pagkatapos ng Flag Ceremony kanina.
Kapapasok ko lang sa room dahil dumaan muna ako sa CR. Nang madatnan ko siyang nakatayo sa harap, nagmadali akong umupo sa designated seat ko.
“Ano’ng meron?” Tanong ko kay Aby.
“Tatawagin ni Ma’am ‘yong pangalan ng mga nag-cutting class no’ng Friday.” Kaswal na sagot niya.
Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. I already expected last weekend pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin dahil madalas namang may mangyaring ganito. I was preoccupied with that had happened last Friday. Parang nawalan ng bisa ‘yong kaba ko dahil sa…
Hmm. Hindi muna dapat iyon ang isipin ko.
Kahit alam kong posibleng nasa listahan ang pangalan ko, umasa akong hindi matatawag ang pangalan ko. Nang magsimula nang magtawag si Ma’am Wilma ng mga pangalan, dumoble ang kabang nararamdaman ko.
Naunang natawag ang mga kaklase kong madalas tumakas kapag vacant period. In-expect ko na kasali sila Paul Luis at Joshua pero hindi na sila natawag. Anim na sa amin ang napapatayo. Nanlalamig na ako dahil pakiramdam ko, anumang oras ay tatawagin na ang pangalan ko.
“Karl Esteban…”
Pito.
“Cyrus Mesa…”
Walo.
No.
“Tsk. I didn’t expect that these two would include in the list.” She commented.
What? Oh, no.
“Christian Ponferrada.”
Mabilis ko siyang tiningnan. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko siya kinakitaan ng pangamba. Unlike me, na siguradong mukhang tanga na dahil sa sobrang kabado.
Tumayo siya. itinukod niya ang magkabilang kamay sa armchair sa kanyang harapan.
“Lae Margarette Asuncion.”
Napapikit ako. Mariin. I bit my lip before I stood up.
Ibinagsak ni Ma’am Wilma ang kamay niyang may hawak na papel sa kanyang mesa.
“Ano’ng mga pumasok sa utak ninyo’t nagawa ninyong tumakas? It’s supposed to be your study period! Dapat nasa library lang kayo o nandito sa classroom para mag-review!” pagalit na sabi niya sa amin.
Walang umiimik sa amin. Walang may gustong bumasag ng katahimikan at salubungin ang galit ni Ma’am Wilma.
“At kayong dalawa, Christian and Lae! You are the top of this class! You should be the role model to your classmates! Kayo pa naman ang mga class president at vice president pero nangunguna kayo sa pagka-cutting class!”
Tumungo ako. Feeling guilty and ashamed of what I’ve done, hindi na lang ako umimik.
“Pinapatawag na kayo ngayon sa Disciplinary Office.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Umalma rin ang ibang classmate namin na napatayo pero walang pinakinggan si Ma’am Wilma. Mas lalo lang siyang nagalit sa amin.
Nanghihina akong dinampot ang bag ko para tunguhin ang opisinang iyon. That is the least office I wanted to visit. It’s my first time. Nakakaiyak! Nakakahiya sa mga nasa paligid ko. Just imagine, a class president, with high honors, good reputation with the eyes of everyone, mapapatawag sa Disciplinary Office?!
Hindi ko naman sinisisi si Christian dahil sumama ako sa kanya. I benefited with what we have done, too. Hindi naman ako naglakwatsa na katulad ng ginawa ng ibang kasama ko. I went home straight to our house because I had my period.
Sinulyapan ko ulit si Christian. Bitbit na niya ang bag niya. Nakita kong mabilis ang lakad niya patungo kay Wilma. They talked. Hindi ako agad umalis sa kinatatayuan ko. Hihintayin ko na lang na matapos silang mag-usap para may kasama ako papunta roon.
Pinilit kong makasagap sa pinag-uusapan nila. Wala akong maintindihan. Pero nang lumingon si Ma’am Wilma sa akin ng ilang segundo bago ibinalik ang tingin sa kausap, umiling siya rito. I couldn’t say I’m wrong but I saw her mouthed ‘I’m sorry’ to him.
Umayos ako sa pagkakatayo ng makita kong tumango siya sa adviser namin bago niya ito tinalikuran. He looked at me and nodded, too.
“Tara na.” Mahinang sabi niya sa akin.
Tumango ako. Kami ang huling lumabas ng classroom. Kami rin ang huling dumating sa opisinang iyon. As expected, hindi lang kami sa buong klase ang naroon. Mayroon pang iba. Mostly, seniors. Napagsabihan din kami roon. Ang iba, ipinatawag na ang mga magulang pero ang mga first timer, 8 hours community service raw.
Nagsimula na kami ng araw na rin na ‘yon. Pinaglinis kami sa chapel ng school. Hawak ko ang basahan para punasan ang mga pews habang si Christian naman nagwawalis sa sahig.
I was busy wiping when I saw in my peripheral vision that he’s approaching me.
“Lae, I’m sorry.” He said in a low voice.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at mapait na ngumiti. I can in his eyes that he’s worried and guilty, too.
“Okay lang ‘yon.” Ani ko.
Umiling siya. “Hindi. Ako ang nagyaya sa’yo para gawin ‘yon.”
I slightly giggled to alleviate his worrisome.
“Ano ka ba? Kagustuhan ko ring sumama sa’yo no’n.”
He sighed. “Pwede naman sanang nag-request na lang tayo ng gatepass para makauwi ka ng maayos.”
“Tss. Tapos na ‘yon, Christian.” I pacified him.
“If I wasn’t just being selfish at that time…” dagdag niya.
Huh? How could he say that he’s selfish? Tinulungan niya nga akong makatakas ‘di ba?
“B-bakit naman?”
He sighed. “Wala…sabihin mo sa akin kung pagod ka na. Tutulungan kita sa pagpupunas. Tatapusin ko ng mabilis ang pagwawalis.” Seryosong sabi niya.
My lips parted. Wala akong maisagot sa kanya kundi pagtango lamang. Nang talikuran niya ako, hindi ako agad nakakilos. Parang nag-hang ang utak ko sa maikling pag-uusap na iyon.
Eto na naman ako. Pinilit ko na ngang kalimutan ‘yong namuong nararamdaman ko sa kanya noon. Pero habang tumatagal na nagkakaroon kami ng ugnayan, lalo lang akong…
What? Lae!! Stop thinking about it!!!
Hindi pwede ‘tong iniisip ko! I have to remind myself daily that I am doing this because of my friend. If I will acknowledge this feeling, para ko na rin trinaydor ang kaibigan.
That’s it. Kung ipagpapatuloy ko ang nararamdaman ko, magiging traydor ako sa kaibigan ko. Magbabago ang tingin ng mga tao sa akin. I don’t want that to happen. Lalo na’t maraming nakakakilala sa akin.
Baka naguguluhan lang siguro ako. O baka napagkakamali ko itong closeness namin ngayon.
Natapos kami sa paglilinis bago mag-recess sa umaga. We spent 2 hours cleaning the chapel. So ibig sabihin, anim na oras na lang ang bubuuin namin para matapos na itong punishment na ‘to.
I have to attend to our next class. Dalawang subject ang na-miss ko ngayong araw. Kung ayaw kong bumaba ang grades ko, I have to render my service nang walang subjects na masasagasaan.
“Kapagod!” bulalas ko matapos naming ibalik ang cleaning materials sa baul.
“Tara na sa canteen?” yaya niya sa akin.
Nag-isip ako sa pwede kong isagot. Pwede ko namang gawin ang tulong na hinihingi ni Monica kahit na hindi kami magsama palagi ni Christian ‘di ba? I wanted to help her too but being a bit distance with him doesn’t cost much of my effort.
This is for myself, too. So I can protect my heart for its possible heartbreak.
Hindi ko napansin na habang nakatulala’t nag-iisip ako, inilabas ni Christian ang panyo niya galing sa kanyang bulsa. Akma niyang pupunasan ang namuong pawis sa noo at leeg ko pero agad kong iniwas ang sarili.
“O-Okay lang. May panyo ako.” Ani ko.
But he insisted. Lumapit siya sa akin at maingat na pinunasan ang noo ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, kasabay nito ay ang mabilis na kabog ng puso ko. Parang may nagrarambulan sa loob ko. Bumibigat pero bumilis ang mga paghinga ko. Sa kaunting dampi ng mga daliri niya sa akin, para akong nagwawala sa saya.
No, Lae. Please, stop yourself.
“Lae?” tawag sa akin ng kung sino.
Para akong natauhan sa tawag na iyon. Tumikhim ako at umayos ng tayo. I looked at him while trying my best not to be affected with his actions. Ngumiti ako para matabunan ang kabang nararamdaman.
“Lae!” sigaw ulit sa pangalan ko.
Nauna na akong lumabas sa stock room. Mabilis ang mga naging kilos ko. Ayokong may makakita sa amin ni Christian na napagiisa sa loob.
Medyo nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko sila Aby at Joshua sa gitnang bahagi ng chapel. Maluwang ang ngiti ni Aby habang natatawa na ang itsura ng kasama niya.
“Ang malas mo naman, Lae! Kung kailan mo naisipang magloko, saka ka pa nahuli!” at saka humalakhak.
Pinandilatan ko siya. “Umayos ka nga Josh. Nasa loob tayo ng chapel!” saway ko.
Bigla siyang nagseryoso at ipininid ang sariling labi. He even acted to zip his mouth. Nailing ako sa ginawa niya.
Napansin ko ring papalapit na sa amin sila Paul Luis at Monica. Nakangiti silang pareho sa akin. I smiled back. Pero pansin ko ang pag-iba ng direksyon ng tingin ni Monica. Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang dumako iyon sa likod ko.
Hindi ko na kailangang lumingon pa. Alam kong si Christian iyon.
“Tara na. Gutom na ako!” pagyaya ko sa kanila.
Nagpatiuna ako sa paglabas sa chapel. Sumunod lang sila sa akin. Hindi pa rin tumigil sa pang-aasar si Joshua sa akin na sinabayan din ni Paul. Si Aby ay nakikitawa lang habang ‘yong dalawa sa likuran namin, parang may sariling mundo.
“Next time, Lae, magpaturo ka sa aming mga expert! Baguhan ka pa lang sa kalokohan, eh!” ani Joshua at bumunghalit ulit ng tawa.
Kasalukuyan na kaming kumakain ng meryenda sa canteen. Si Joshua sa kabisera ng mesa, habang nakaupo na kami sa gilid. Magkaharap kami ni Christian habang katabi niya si Monica. Pinaggitnaan naman naming dalawa ni Aby si Paul Luis.
I eyed him. “Hindi ko na ulit gagawin ‘yon!”
Si Paul naman ngayon ang nagsalita. “Ano ba kasing ginawa mo no’ng Friday?” usisa niya at saka kinagatan ang burger niya.
“Umuwi ako. Nabagot.” Kaswal kong sagot.
Hindi pwedeng malaman nilang magkasama kaming dalawa ni Christian. Baka kung ano’ng isipin nila.
“Monica, ituloy na pala natin ‘yong sa research.” Narinig kong sinabi ni Christian sa kanya.
Nagpatuloy sa kwentuhan ang ibang kasama ko. Ako naman, nagkunwaring nakikinig kila Paul pero ang totoo, nasa kaharap ko ang atensyon ko.
“Sige ba! Kailan? Sa sabado? Sa bahay na lang namin ulit!” Excited na sagot ni Monica sa kanya.
I gulped. Inasahan ko ang pagbaling ni Christian sa gawi ko. Agad kong iniwas ang tingin at nakitawa sa joke ni Joshua kahit hindi ko naman iyon naiintindihan. Hindi ako nagkamali dahil nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin.
“Ah, sa library na lang.” sagot niya.
“P-Pero…” napansin ko ang lungkot sa boses ni Monica.
“Hindi ako pwede sa sabado, Mon.” simpleng sagot niya.
“O-okay.” Disappointed na sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit pero…I felt relieved when he turned down her offer.