CHAPTER 12

1929 Words
Lae     Patakbo na akong pumasok sa loob ng bahay. Kasunod ko lang si Christian sa likod ko. Niyaya ko siyang pumasok sa loob para makapagmeryenda. Isa pa, naisip ko kung uuwi siya agad, paniguradong magtataka rin ang parents niya. Iisipin pa nilang nag-cutting classes siya, kahit ang totoo naman ay sumama lang siya sa akin dahil sa sitwasyon ko.   “Manang Lusing! May kasama po ako. Magpapalit lang po ako sa taas!” tawag ko sa kanya. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at binalingan si Christian.   “Dito ka muna, ah? Magpapalit lang ako.” Paalam ko.   Tumango siya. Iniwan ko na rin siya roon at mabilis na umakyat sa taas. Naligo na ako dahil hindi ko matagalan ang discomfort sa katawan. Naramdaman ko ulit ang sakit ng puson ko. Mabuti na lang at Biyernes na. Makakapagpahinga ako sa Sabado at Linggo. Madalas pa naman akong magka dysmenorrhea ‘pag may buwanang dalaw.   Nagsuot lang ako ng cotton shirt at tokong maong shorts. Mabilis akong nagsuklay at inayos ang sarili. Kailangan kong magmadali dahil may naghihintay sa akin sa baba.   Bago ako bumaba, tiningnan ko ang jacket na ipinangtakip niya sa likuran ko. I saw fresh bloodstains on it. Ngumiwi ako. Hindi ko ito ibabalik sa kanya ng hindi pa nalalabhan. Bumalik ako sa banyo ko sa kwarto para ibabad iyon sa tubig na may sabon.   Nadatnan kong pinaghahain na siya ni Manang Lusing ng meryenda sa sala. Napansin kong tinanggal na niya ang polo shirt niya. Naka t-shirt na puti na lamang siya ngayon sa kanyang pang-itaas.   “Salamat po.” Narinig kong sabi niya.   “Kain ka lang, hijo. Huwag kang mahihiya.” Ani Manang Lusing.   “Opo.”   Nakababa na ako sa huling baitang ng hagdanan nang masalubong ako ni Manang. I stopped. Sandali kong sinulyapan si Christian na nakatingin na rin pala sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Manag Lusing dahil mukhang may sasabihin sa akin.   “Paano kayo nakauwi ng maaga?” usisa niya sa akin.   Napatda ako sa tanong niyang iyon. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanya. Lahat kasi ng ikinikilos ko ay nirereport niya kay Papa. Siya ang kasa-kasama ko rito sa bahay. Lalo na’t malayo ang destino ng tatay ko’t ayaw naman niyang mag-isa akong tumira rito.   “Eh…” kinamot ko ang aking ulo.   “Tumakas ba kayo?” hula niya.   Napangiwi ako sa sinabi niya. Mukhang wala na akong choice kundi ang magsabi ng totoo.   Hinawakan ko siya sa kanyang braso. “Manang, huwag mong sasabihin kay Papa. Please? Natagusan kasi ako, eh. Hindi naman nagpapalabas ang gwardya ng estudyante kapag wala pang 5 p.m.”   “Hindi ba kayo hahanapin ng maestra niyo? Tumakas kayo sa eskwelahan!”   Umiling-iling ako. “Hindi! ‘yong ibang classmates ko nga, nagka-cutting din eh!”   She sneered at me. Matanda na si Manang. Papasa na ngang lola ko eh. Kaya kapag may nagagawa akong kapilyahan, nakakatikim din ako sa kanya ng pangaral.   “Oh siya, siya…kumain ka na. Sabayan mo ‘yong kasama mo ro’n.” masungit na sabi niya at iniwan ako na ako.   Sinundan ko ng tingin ang paglayo niya sa akin. Bahala na. Kung isusumbong niya ako kay Papa, mage-explain na lang ako.   Lumabi akong lumapit kay Christian. He’s looking at me intently. Nang makaupo sa single sofa, dinampot ko ang isang wrap ng turon at sinabayan na siyang kumain.   “Napagalitan ka?” tanong niya.   Umiling ako. “Hindi naman. Nagtanong lang.”   Tumango siya at saka kumain na rin.   “Yung jacket mo pala, ibabalik ko na lang sa’yo sa Lunes. Namantsahan ko na, eh.”   “Hindi na. Ako na ang maglalaba.” Tutol niya.   “Ayoko! Ako ang maglalaba!” ani ko.   Tumaas ang kulay niya. “Ikaw ang maglalaba? Hindi mo…ipapalaba sa iba?”   “Oo! Kaya ibabalik ko na lang sa’yo sa Lunes. Kukusutin ko na ‘yon mamaya. Ibinabad ko na kanina.”   “Sige. Ikaw naman ang boss eh.” At saka ngumisi.   “Ano?” nangunot ang noo ko.   Uminom siya ng juice bago sumagot. “Ikaw naman ang laging nasusunod sa ating dalawa.”   Napanganga ako sa narinig. Wala akong mai-rebut sa sinabi niyang ‘yon! Paanong ako ang laging nasusunod? Minsan nga, siya ang mapilit ‘di ba? Katulad ngayon, nandito siya para ihatid ako. Eh pwede rin namang ako na lang mag-isa ang umuwi dahil tinulungan niya na akong makalabas ng campus premises.   “Uhm…since wala pa namang oras ng uwian at nandito ka na rin, magkwentuhan tayo!” I said excitedly.   Ito na rin ang time para maibida ko ulit ang kaibigan ko. Mukhang wala pa naman siyang balak umalis, eh.   “Tungkol saan?”   “Kay Monica!”   Nangunot ang noo niya. “Na naman?”   Umangat ang gilid ng labi ko at saka siya tiningnan ng matalim. “Oh akala ko ba, magpapatulong ka?”   Lalong nangunot ang noo niya sa tanong ko. Nagkamot lang siya ng kilay at tiningnan ang wrist watch niya.   “Ang dami mo nang ikinwento tungkol sa kanya. Hindi ka ba nauubusan?”   I pouted. Nagsasawa na ba siya sa gano’ng style? Maybe I should think of another ways? Baka mabored na siya sa kaibigan ko at hindi na niya lalong magustuhan!   “Eh ano bang gusto mong pag-usapan natin?” tanong ko.   “Ikaw.” He said casually.   Hindi ako nakaimik sa isinagot niya. Kaswal lang niyang sinagot iyon habang tinatapos niya ang meryenda. Hindi kaya…pabitin lang na sagot iyon? Iyong tipong ako na ang bahala sa mapag-uusapan?   “Ako…na ang bahala?” paglilinaw ko sa sagot niya.   He pursed his lips. Sandaling natahimik sa pag-uusap namin. It took me a chance to look at him intently. Maamo ang mukha niya kahit suplado siyang makitungo sa iba. Sa tuwing ngingiti, lumilitaw ang dalawang dimples niya. Makapal ang kilay at parang nangungusap ang mga mata niya. May katangusan din ang ilong at ang mga labi, mapupula. Kissable!   In short, pretty boy.   He may be so oblivious about that pero kung tutuusin, pwedeng-pwede siyang ihilera sa mga gwapong estudyante sa school namin.   Plus the fact that he’s brainy.   Saan ka pa?   Hinatid ko siya hanggang sa labasan ng bahay namin. Babalik daw siya sa school para doon na sumakay sa tricycle na madalas nilang sakyan. Bago siya umalis, nag-usap pa kaming dalawa hanggang sa gate.   “Sa Lunes, tingin ko, mapapagalitan tayo.” Ani ko.   He smirked boyishly. Lumitaw ulit ang mga dimples niya. “Tss. Madalas ngang gawin ng ibang kaklase natin ‘yon eh.”   I giggled. Kinain ulit kami ng katahimikan. Nakasukbit sa isang balikat niya ang bag niya. Muli niyang isinuot ang polo niya pero hindi na niya ibinutones pa.   Medyo nakakaramdam na ako ng pagkailang. Ganoon din yata siya dahil hindi rin siya makatingin ng maayos sa akin. Sa tuwing nagsasalubong ang mata namin. Agad kaming nagkakaiwasan at matatawa na lang.   “Umalis ka na nga!” Pagtataboy ko sa kanya. Sinabayan ko iyon ng hagikhik dahil sa tingin ko, wala talaga siyang balak umalis.   “Sige. Text na lang?”   “Oo. Mag-uusap tayo ulit dahil puro tungkol sa akin ang tanong mo!”   Tipid siyang ngumiti. At saka nagpaalam na.   Iba ang pakiramdam ko ngayong araw. Nakakakaba pero…ang gaan din sa pakiramdam. Sandaling oras lang naman kaming nagsama pero pakiramdam ko, ang tagal-tagal na naming magkakilala?   Ito ang pinakamaayos na pag-uusap namin simula noon pa. Kaya masaya ako. Oo. Masaya ako ngayong araw na ito dahil nakasama ko siya.   I sighed. The bitter truth passes on my mind. Ginagawa ko ito dahil nagpapatulong sa akin ang isang kaibigang nagkakagusto sa kanya. I shouldn’t involve my feelings to this, kung ayaw kong may masaktan. I smiled bitterly. Sinara ko na ang gate ang pumasok na sa loob ng bahay.   Nilabhan ko ang jacket niya na ibinabad ko sa banyo kanina. Kinusot ko iyon. Sinigurado kong natanggal ko ang mantsa. Pero nang kusutin ko ang parte na may bulsa, nangunot ang noo ko nang may makapa akong matigas na bagay.   Sinuyod ko kung saan ang bulsa. Nang mahanap ang butas, isinuksok ko ang kamay ko sa loob. Agad naramdaman ng  mga daliri ko ang bagay na iyon. Mukhang…key chain.   Inilabas ko iyon para matingnan. Nangunot ang noo.   “C.A.L.M.”   Apat na letra na cursive font style. Lahat bold letters. Kulay silver ito. Parang pinasadya. Hinugasan ko iyon at itinabi para maibalik din sa kanya sa Lunes.   Hindi ako madalas maglaba ng ganito kalalaking damit. Undies ko lang ang nilalabhan ko dahil iyon ang turo sa akin ni Manang Lusing. Kaya nang matapos ako sa paglalaba, medyo namaltos ang mga daliri ko.   Tsk. Kailangan ko na sigurong matuto rin sa paglalaba.   Maayos ko rin iyong isinampay. Nangiti ako sa maliit na achievement na nagawa ko. Bukas matutuyo na ito.  Hindi na nakakahiyang ibalik sa kanya dahil malinis at mabango na.   Bago ako pumasok sa school, inilagay ko sa maayos na paperbag ang jacket niya para hindi marumihan. Kasama na rin sa loob ang key chain niya. Naglalakad na ako sa corridor papuntang classroom nang biglang may umakbay sa akin!   Sa gulat ko, I shrieked out. Agad akong lumayo sa taong ‘yon! Matalim ang mga mata kong tiningnan kung sino iyon.   “Sira ulo ka! Ang aga aga Paul Luis!” gigil kong sabi.   Humalakhak siya ng malakas. Dinig na dinig iyon sa buong corridor. Kahit ang mangilan-ngilang estudyante na naroon, napapalingon sa kanya.   “Nag-cutting ka no’ng Friday ‘no?” tanong niya na may halong akusa.   Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang iyon.   “H-h-hindi ah!” I denied.   “Sinungaling! Nauutal ka eh!” at saka muling tumawa.   Tumaas ang gilid ng mga labi ko. “Pinagsasabi nito…” I murmured.   “Tumanggi ka pa.” at saka pinisil ng mariin ang pisngi ko.   I winced in pain! Madiin ang pagkakapisil niya. Siguradong namumula na iyon. Kahit binitawan niya na ‘yon, ramdam ko pa rin ang hapdi ng ginawa niya.   Dahil doon, hinabol ko siya para gumanti! Tumakbo ang loko sa direksyon papunta sa classroom namin.   Hah! Wala ka ng kawala ngayon! Pagkarating sa loob ng room, may mangilan-ngilan na kaming mga kaklase roon. Naghihintay na lang sa tunog ng bell para sa flag ceremony. My eyes instantly locked at Paul. Nasa kanyang upuan na habang hinihingal at natatawa sa itsura ko.   Sinugod ko siya habang tinitingnan ng matalim. Natatawa lang talaga siya habang nakikita akong bwisit na bwisit. Nang makalapit ako, pinagsusuntok at pinagkukurot ko ang braso niya.   “Masakit…” habang hinahampas siya gamit ang kamay ko. “Yong ginawa mo! Bwisit na ‘to! I hate you!”   “Uyyyy! The more you hate, the more you love!” buyo ng mga kaklase ko.   Natigil ako sa narinig. Lalong lumakas ang mga halakhak ni Paul nang tumigil ako sa p*******t sa kanya. Binalingan ko ang direksyon kung saan galing iyong boses ng nagsalita.   And there, I saw…Christian. Sinulyapan niya ako ng minsan bago ibinalik ang tingin sa notebook na hawak niya.   My breath hitched. Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko. Lakas ng boses ko kanina at sa pambubuyo ng mga kaklase ko, sigurado akong narinig niya ang lahat ng iyon.   Pero bakit ako bothered kung narinig nga niya?   “Love mo nga ba ako, Lae? Hate na hate mo ako, eh!” ani Paul Luis at saka tumawa ulit.   I sneered at him with so much annoyance. Umamba pa ako ng isang sapak pero hindi ko na itinuloy.   “In your dreams! I hate you!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD