Lae
“Favorite snack ni Monica ang spaghetti.” Ani ko habang kinukwentuhan si Christian ng mga bagay tungkol sa kaibigan ko.
Magkatabi kami ngayon sa likurang bahagi ng library. Nakasalampak kami sa sahig kaya hindi kami masyadong napapansin ng mga estudyante. The shelves are blocking us kaya hindi kami basta nakikkita. Habang nagsusulat ako ng mga notes, nagbabasa naman siya roon.
“Okay.” Tipid na sagot niya.
Hindi ko na pinansin ang maiksi niyang sagot. Ganito naman siya lagi sa akin. Paisa-isa ang sagot kapag nag-uusap kami tungkol sa pagrereto ko kay Monica sa kanya.
Nilingon ko siya. “Kaya dapat bigyan mo siya lagi ng gano’n.”
Sinalubong niya ang tingin ko at tumaas ang isang kilay niya. “Baka naman mapurga siya kapag palagi ko siyang bibigyan?”
Natawa ako ng bahagya. “Diskarte mo na ‘yon!” at nagpatuloy ako sa pagsusulat.
“Eh ikaw? Ano’ng paborito mong pagkain?” he asked.
Napahinto ako sa pagsusulat at napanguso. Ano nga bang paborito kong pagkain? Hindi naman kasi ako mapili, eh. Turo kasi ni Papa, kainin kung ano ang nasa hapag.
“Kahit ano. Pero ayaw ko ng mapait at masyadong maanghang.” Sagot ko.
Umayos siya sa pagkakaupo. Isinara niya ang librong binabasa at mataman ng nakatingin sa akin.
“Ayaw mo ng mapait? Eh ‘di hindi ka kumakain ng ampalaya?”
“Oo.” I answered and made face like disgusted. Iniisip ko pa lang na kakain ako no’n, parang babaliktad ang sikmura ko.
“Eh ‘yong maanghang?” dagdag niya.
“May level lang ng anghang ang kaya kong kainin. I’m not fond of eating spicy foods.”
“Eh sa meryenda?”
I stopped and think again. “Mahilig ako sa malamig at matamis.” Nakangiting sagot ko.
Tumangu-tango siya. “Alright. Tatandaan ko ‘yan.”
Nagpatuloy ako sa pagsusulat, ganoon din siya sa pagbabasa. Naging tahimik ulit sa pagitan naming dalawa. Habang nagsusulat ako, iniisip ko pa kung ano’ng mga bagay pa ang pwede kong ikwento tungkol kay Monica. Kailangan good shot siya sa kanya!
Naguguluhan na kasi ako. Ang sabi ni Christian, hindi niya gusto si Monica. Pero nakikita kong nag-uusap at nagsasama naman sila. Sigurado ako na may gusto si Monica sa kanya. Kaya…hindi ko alam kung ano bang estado nilang dalawa talaga.
Nang makuha ko na ang sagot na kailangan ko sa librong hawak ko, tumayo ako para ibalik iyon sa shelf. Kanina ko pa iniinda ang sakit ng puson ko. Siguradong malapit na ang buwanang dalaw ko.
Nakita ko ‘yong libro na hinahanap ko kanina pa pero nakalagay iyon sa mataas na bahagi ng shelf. Kinalabit ko ang balikat ni Christian para magpatulong sa kanyang abutin iyon.
Napansin ko naman ang paglingon niya sa akin pero hindi siya umimik.
“Christian, paabot naman nung libro!”
Tumayo siya sa bandang likuran ko. He towered me behind my back pero nanatili lamang siya roon. Like he was protecting me from someone who can see me.
“Lae, may mantsa sa palda mo.” Bulong niya.
“Huh?” takang tanong ko. “Saan?”
“S-Sa l-likod.” Nauutal na sagot niya.
Pumihit ako patalikod at inabot ang palda ko mula roon. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong ang mantsa na tinutukoy niya ay mantsa ng dugo!
May lower year na estudyanteng dumaan kung nasaan kami. Kinabahan akong bigla dahil baka makita nilang natagusan ako. I hate it when my period comes unexpected. Kaya pala sumasakit na ang puson ko. Pero hindi ko inasahan na ngayon pa ito darating at sa school pa!
Mas lalong nakakahiya dahil hindi ako ang unang nakakita. Biglang hindi ko na alam kung ano’ng gagawin. Hindi ako makapag-isip ng tuwid. Gusto ko nang magpalit pero wala akong dalang ekstrang damit.
Iniharang ni Christian ang sarili niya sa akin para takpan ang likod ko. Mukhang napansin niya rin ang pagiging balisa ko kaya agad niyang ipinantakip ang sarili para walang makakita sa tagos ko.
“May baon ka bang ekstrang damit?”
Umiling ako. Para na akong maiiyak. Ang option ko na lang ay ang kagustuhan kong umuwi na sa bahay para magpalit.
Tiningnan niya ang kanyang relo. “Wala na tayong klase pagkatapos nito. Pwede na sana tayong umuwi pero hindi rin tayo palalabasin ng gwardya dahil wala pang alas singko ng hapon.”
Napalunok ako dahil sa kawalan ng ideya kung paano ako makakauwi sa bahay para makapagpalit. May pumasok sa isip ko’t madalas gawin nila Paul Luis at Joshua pero…natatakot akong mahuli ako.
Kinuha ni Christian ang jacket niya sa loob ng kanyang bag. Inabot niya iyon sa akin. Tiningnan ko lang ‘yon dahil hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari.
Siya na ang naglagay ng jacket sa pang-upo ko. Ginamit niya ang magkabilang manggas para ipulupot iyon sa baywang ko at saka itinali ng mabuti para hindi iyon malaglag.
“Gamitin mo ‘to para hindi nila makita ang mantsa.” At saka binalingan ang mga gamit namin. Sininop niya iyon at isa-isang nilagay sa bag niya ang gamit niya. Ganoon din ang ginawa niya sa bag ko.
“K-Kailangan ko ng u-umuwi. Matatagusan ko rin ang jacket mo kapag nagtagal pa ako rito school.” Bulong ko.
Tumango siya. “Ihahatid kita.”
“Paano?” nangungunot ang noo kong tanong sa kanya.
Natahimik siya. Mukhang nag-isip siya saglit. “Basta sumama ka sa akin.” seryosong sagot niya.
Tahimik kaming lumabas na dalawa sa library. Mabilis ang naging mga kilos niya kaya kailangan ko ring bilisan ang mga kilos ko. Bitbit niya ang mga gamit ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang sundan lang siya kung saan siya pupunta.
Napansin kong papunta iyon sa dulong bahagi ng lumang building ng high school department. Dito matatagpuan ang CR. Medyo masukal na sa parteng iyon kaya hindi na masyadong napapansin ng ilang estudyante.
Mukhang may ideya na ako kung paano kami makakalabas ng campus. But…this is cutting classes!
“Christian! Tatakas tayo?” Alanganing tanong ko sa kanya.
“Hindi tayo palalabasin ng gwardya kung sa gate tayo dadaan.”
“Pero…” binalingan ko ang masukal na daan na iyon. Matataas ang talahib pero hindi kalayuan doon ang pader. Mga 5-7 meters lamang ang layo no’n mula sa kinatatayuan namin.
He extended his arm towards me. “I’ll guide you. Humawak ka lang sa akin.” he said with assurance.
Napatingin ako sa kamay niya at saka muli siyang tiningnan. Bakas sa kanyang mukha ang kaseryosohan at pangungumbinsing magtiwala ako sa gusto niyang mangyari. Aminado akong kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataong gagawin ko ito.
Pero hindi naman siguro masama ito ‘di ba? Vacant period na namin hanggang alas singko. Wala na kaming klase. Isa pa, hindi naman ako tatakas para mag-lakwatsa. My reason is urgent! Kailangan ko nang magpalit ng damit dahil dinudugo na ako.
Nagbuga ako ng malaim na hangin para mapalis ang kabang nararamdaman. Bahala na!
Tinanggap ko ang kamay niya. It’s warm and rough. Parang sanay sa trabaho. Bahagya siyang nangiti ng tanggapin ko iyon. Kaso uminit ang pisngi ko ng baguhin niya ang paghawak sa akin.
Pinagsalikop niya ang mga daliri niya sa pagitan ng mga espasyo ng mga daliri ko. He intertwined his fingers on mine. Kahit mas malaki at mahaba ang kang mga daliri sa akin, it fit perfectly on my hand.
He guided me the way. Mabato at madamo sa paligid kaya kung saan siya umaapak, iyon din ang sinusundan ko.
Hinawi niya ang isang palumpon ng kadena de amor sa pader. May malaking butas doon! Sapat para makalabas ang isang tao.
“Paano mo nalaman ‘to?” takang tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya. “Alam ko lang. Sige na, labas na.”
Inalalayan niya akong lumabas. Pinagkasya ko ang sarili ko sa butas. Hinawakan niya ang ulo ko para hindi matamaan sa matalim na bahagi ng hollow blocks. Nang makalabas ako ng tuluyan, sumunod na rin siya sa akin. Ibinalik niya ng maayos ang palumpon na d**o at saka niya ako nilapitan.
“Kaya mo pa bang maglakad hanggang sa kanto? Naroon ang mga tricycle. Ihahatid kita sa inyo.”
Tiningnan ko siya. Sobra-sobra na itong tulong niya sa aking makalabas ako ng campus para makauwi na. Umiling ako bilang tugon.
“Bumalik ka na ro’n. Ako na lang ang uuwi. Magpapara na lang ako ng tricycle.” Sagot ko.
He licked his lips and looked at me intently. Umiling din siya. “Ihahatid kita, Lae. Sasamahan kita hanggang sa maging maayos ka.”
Hindi na ako tumutol sa sinabi niya. Mukhang hindi ko rin naman siya mapipilit na iwan ako rito. Siguro dahil siya ang nagturo sa akin ng daan palabas. Baka iniisip niya lang na wala akong makakasama. Or maybe, he’s just being a gentleman.
Agad kong naramdaman sa ibaba ko ang mainit na likido. Sigurado akong dugo iyon! Kailangan ko nang umuwi agad para maglinis ng sarili. Hindi ko na nagugustuhan ang discomfort na nararamdaman ko.
Si Christian na ang nagpara ng tricycle. Pinauna niya akong makapasok sa loob. Nabahala pa ako dahil siguradong matatagusan ko ang jacket niya kaya kahit nasa byahe na, sinubukan kong tanggalin iyon kahit na medyo masikip sa kinauupuan namin.
“Ano’ng ginagawa mo?” takang tanong niya.
Inaral ko kung paano ko tatanggalin ang pagkakabuhol niya. This is not a usual knot I see. Bago ko lang iyon nakita. Siya kasi ang nagtali no’n kaya hindi ko rin agad maikalas sa akin.
“Tatanggalin ko yung jacket mo. Matatagusan ko ito.”
Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan sa gagawin. Natigilan din ako sa ginagawa. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong mataman siyang nakatingin sa akin.
“Hayaan mo na.”
“Pero nakakahiya!” pagpoprotesta ko.
Nangingiti lang siya sa reaksyon ko. Saka ko lang napansin na nakahawak pa pala ang kamay niya sa kamay ko. I felt a euphoric feeling again. Iyong nararamdaman ko noong mga unang naging interaksyon namin bago ako nagdesisyong kalimutan iyon.
“Ayos lang sa akin. Gusto ko ang ideyang ginagamit mo ang mga gamit ko. Kaya huwag kang mag-alala kung matagusan mo ang jacket ko. I won’t mind, Lae. Baka nga…hindi ko na palabhan ‘yan.” Mahina siyang tumawa at saka bumaling sa kalsada.