CHAPTER 10

1593 Words
Lae Parang hindi ko yata kayang panindigan ‘tong naipangako ko kay Monica. I hate to admit it to myself pero pakiramdam ko, kinakalaban ko lang ang sarili ko. I don’t understand why I’m feeling this way. Nagdesisyon na ako para sa sarili ko. I will not assume anymore. I will return my old self. Iyong hindi nababagabag sa lalaking ito. Just like before. Kung hindi ko lang kaibigan si Monica, nungkang kakausapin ko pa ang isang ‘yon! Sa mga sumunod na araw, pinag-isipan ko kung paano ko ibibida ang kaibigan ko kay Christian. I became busy with my studies, too. Iba pa ang responsibilidad ko sa mga organizations na sinalihan ko sa school. Kaya halos hindi ko matiyempuhan si Christian para kausapin siya ng kaming dalawa lang. Mag-isa lang ako sa library habang nagbabasa ng mga bagong issue ng mga magazines nang mahagip ng paningin ko si Christian. Papunta siya sa dulong bahagi ng library, mukhang magbabalik ng libro. Wala akong sinayang na panahon. Kahit wala akong plano kung paano ko siya kakausapin, sinugod ko na siya roon. Wala siyang kasama, pagkakataon ko na iyon para makapag-usap nang kami lang dalawa. Nang marating ko ang shelf na iyon kung saan siya lumiko, nagpanggap ako na hindi siya nakita. Naghanap ako agad ng librong pwedeng basahin. Bahala na! Importante, hindi ko ipapahalatang sinundan ko siya rito. Napalingon siya sa gawi ko at natigilan sa ginagawa. He just looked at me. I saw it in my peripheral vision. Pinagmasdan niya lamang ako habang abala ako kung ano’ng libro ang dadamputin ko. I have to think quickly! Kailangan kong isipin kung paano ako eentrada sa kanya. Nahagip ng mata ko ang librong gusto kong kunin. Ang siste, nasa pang-apat na row iyon ng shelf. Maaabot ko naman kung titingkayad ako. I tried once, pero inabot lang iyon ng daliri ko. I tried again pero ‘di ko pa rin maabot. Pumasok sa isip kong kunin ang atensyon niya para magpatulong sa kanya. It’s a double purpose, una, para makuha ko ang libro, at pangalawa, para makapagsimula ng maikling pag-uusap. Pero bago ko pa siya tawagin, narinig ko ang buntong hininga niya. Tuluyan na niya akong nilapitan. Doon na rin ako napalingon sa kanya. I saw how his eyes darted on me. Nang makalapit siya sa akin ng husto, inabot niya ang librong pilit kong kinukuha. He handed it to me. Sa kanya pa rin ako nakatingin. Ganoon din siya sa akin. Mas lalo akong binundol ng kaba dahil sa intensidad ng tinginan naming dalawa. Walang may gustong bumawi ng tingin sa amin. Habang nagtatagal, mas ginaganahan akong makipagmatigasan ng titigan. He only looked at me impassively habang ako, hindi ko matandaan kung ilang ekspresyon na ang rumehistro sa mukha ko dahil sa iniisip. I wonder if he noticed it. Sana, ‘di niya lang mahalata na nagpapanggap lang akong hindi ko agad siya napansin. “Ito ang gusto mo, ‘di ba?” Aniya. Tumaas ang isang kilay ko nang marinig siyang magsalita. I rattled a bit. Ano’ng ibig niyang sabihin sa gusto ko? “H-hah?” Litong tanong ko sa kanya. Tumaas din ang isang kilay niya at saka inangat itong libro. Sandaling nalipat ang mata ko roon. My lips parted when I realized what he means. Hayan ka na naman kasi, Lae! Naga-assume ka na naman kasi! Nangingiti akong inabot iyon sa kanya. Kita ko ang pag-iiba ng itsura niya. Kung kanina ay matigas ang masungit ang awra niya, ngayon, o kung hindi ako nagkakamali, lumambot ang mariin niyang titig sa akin. “Salamat.” Mahina kong sabi. Kumurap-kurap siya bago tumango. Pero nanatili lang siya sa kinatatayuan niya. Hindi siya gumalaw. Hindi ko alam kung may sasabihin ba siya o kung hinihintay niya lang akong magsalita. “Ba’t mo ako sinundan dito?” Tanong niya. Tsk! Alam niya! Pero paano? I cleared my throat. Huminga ako ng malalim para mapalis man lang ang kabang nararamdaman. “Christian, gusto ka ni Monica.” Diretsahang sagot ko sa kanya. Hindi ko siya nakitaan ng pagkagulat sa sinabi ko. Wala siyang naging reaksyon kaya nagsalita ako ulit. “Mabait naman siya. Matalino rin at maganda. May gusto siya sa’yo.” I said like marketing my own friend to him. Ipinilig niya ang kanyang ulo. “Ano’ng gusto mong mangyari?” I bit my lip but I did not let my guards down. “Gusto kong...g-gustuhin mo rin s-siya.” I frankly said. Nangunot ang kanyang noo. Mariin pa rin ang titig niya sa akin. I saw a glimpse of anger and irritation in his eyes. Pero hindi ako nagpatinag. Ipinakita kong seryoso ako sa sinasabi ko. I’ve already said it. There’s no point of taking it back now. “It’s not for you to decide.” He said darkly. Tinalikuran niya ako at handa ng umalis. Nataranta ako sa pag-alis niya. Hindi pa kami tapos na mag-usap dalawa! Patakbo ko siyang sinundan. Hinarang ko ang aking sarili sa direksyong tinatahak niya. “But you like her, too, right? Nililigawan mo—-“ Pumikit siya ng mariin at bumuntong hininga. After he opened his eyes again, pagod niya akong tiningnan. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yong wala akong nililigawan sa kanila?” “Pero—-“ “Lae, please. Huwag mong ipilit. Wala akong gusto kay Monica, o kahit sino sa kanila.” Wala siyang gusto? Kahit sino sa kanila? Kung ganoon, sino ang nagugustuhan niya? Nangunot ang noo ko sa naiisip. Eh ano’ng ibig sabihin ng pagyaya niya sa kaibigan ko? Oh kaya sa paghingi niya ng number ko dahil magpapatulong siya sa aking makipaglapit sa liligawan niya? As I tried to recall our conversation before, wala akong maalalang nagbanggit siya ng pangalan ng babaeng liligawan niya. Matalim ko siyang tiningnan. Kita ko man ang pagtataka sa kanyang mukha, nang makita niyang nangunot ang noo ko, napalitan iyon ng pag-aalala. “L-Lae—-“ I cut him off. “Sino kung gano’n?!” He looked down and bit his lip. Kapag kuwa’y biglang umiling. “Akin na lang ‘yon.” Mahinang sabi niya at saka ako tinalikuran para iwan doon. He left me curious with so many things, and at the same time, pissed off. Kung wala siyang gusto sa kaibigan ko, bakit madalas silang magkasama at...niyaya niya rin itong lumabas minsan? I can understand if he didn’t pursue Carlyn. Pero si Monica... Asang-asa pa naman siya sa lalaking ‘yon! Thinking that he’s also attracted to her. Pero sa huli...tsk. Should I tell her about it? Pero...masasaktan ang kaibigan ko. Pero naisip ko rin, kaya ko nga siya ilalakad ‘di ba? Para mas magustuhan niya ang kaibigan ko. Kung hindi niya man gusto si Monica ngayon, maybe after I make a connection in between them, magugustuhan niya rin siya kalaunan. Pero badtrip talaga! Tinanggihan din niya ako. Hindi niya tinanggap ang offer kong gustuhin din niya si Mon. At sa puntong iyon, hindi ko alam kung mamamangha ba ako dahil kahit alam niyang may gusto sa kanya ang isang babae, hindi siya nag-take advantage dito. Kung ibang lalaki nga siguro ‘yon, baka kahit wala siyang nararamdaman para rito ay siguradong gagawin niya itong girlfriend! O...pakiramdam ko nayayabangan ako. He just turned down my friend indirectly. Pero kayabangan bang matatawag iyon kung talagang wala siyang gusto sa kanya? Inis akong napakamot sa ulo ko habang naiisip pa rin ang nangyari kanina sa library. Hindi talaga magandang ideya itong pinasok ko. I just created a huge problem, na hindi ko naman dapat na pinoproblema. Tuluy-tuloy ang pag-iisip ko kahit nakasakay na ako sa tricycle. Hindi pa naman kami aalis dahil naghihintay pa ang driver ng pasahero. Nakatulala lang ako sa kawalan. I sighed. Bawiin ko na lang kaya iyong ipinangako ko kay Monica? Wala na rin naman akong maitutulong sa kanya dahil tahasang sinabi ni Christian sa akin na wala siyang gusto sa kanya. I may not know him for so long but I can sense that he’ll not take back his words. Walang gana kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda nang marinig kong tumunog iyon. But when I saw who texted me, my laziness immediately disappeared. Ilang beses ko pang binasa iyon, na baka nagkakamali lang ako pero hindi...totoo nga itong nababasa ko ngayon. It’s a text from Christian. Christian: Is your offer still up? Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako nagtipa ng isasagot. Ako: Oo. Inabangan ko ang reply niya. Kahit paalis na ang tricycle, hindi ko itinago ang cellphone ko. Alerto ako sa mga text at tawag na mare-receive ko. Pero nakarating na ako sa bahay ay wala pa rin siyang reply. I pouted. Siguro wala talaga siyang interes sa mga sinasabi ko. Baka nga natatawa pa ‘yon ‘coz he find it silly and stupid! Inilapag ko ang cellphone ko sa tokador sa kwarto ko. I did my usual routine after school hours. Kumain at nagreview ng ilang notes. I was about to sleep when I checked my phone again. May mga mangilan-ngilang text messages akong nareceive. I checked them all. Pero nang mabasa ko ang pangalan ng inaasahan ko kanina, iyon ang una kong binuksan. Christian: I’m taking it, then. I bit my lip to suppress my smile, pero hindi ko pa rin napigilan ang mapangiti. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagpayag niya. But at the back of my mind, I knew, I would oftenly communicate with him with lots of things. At ewan ko ba…my heart felt giddy and excited with that thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD