CHAPTER 9

1714 Words
Lae “S-sino’ng nagyaya sa’yong lumabas?” nanginginig ang boses kong tanong sa kanya. May hinala na ako. Pero naninigurado lang dahil wala naman siyang binanggit na pangalan. She swifted her hair using her right hand at saka humagikhik. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga para maibulong ang sasabihin. “Si Christian.” Aniya. Kahit may kung ano mang mabigat sa loob akong naramdaman, pinili kong itago iyon. I smirked playfully and looked at her with so much amusement. “Sus! Baka niloloko ka lang no’n, ah?” mapang-asar kong tanong sa kanya. Pero sa loob-loob ko, para akong nanghihina. I feel so bitter about it. Nakakainggit. She rolled her eyes. I faked a laugh. Sige lang. Sasakyan kita. I don’t want to feel bad about this. I don’t want to feel about how happy Monica is when Christian asked her to go out with him. She is my friend. I should be happy for her. “Magde-date kami mamaya, Lae! Excited na ako!” nakangiting sabi niya habang magkasalikop ang magkabilang palad at nakatingin sa kawalan. Nanlaki ang mga mata ko. “Mamaya na?!” Saan naman sila pupunta? Oo nga’t early out kami pero…saan sila pupunta? Tumango siya. Muli siyang kumapit sa braso ko at isinandal ang ulo sa aking balikat habang mabagal kaming naglalakad. “Tulungan mo naman ako sa kanya, Lae.” Aniya. Inilayo ko ang sarili habang nangungunot ang aking noo. What the hell is she thinking? “Pinagsasabi mo? Ano’ng tulong?” “Tulungan mo akong mapalapit lalo sa kanya.” Humalakhak ako. “Kailangan mo pa ba ‘yon? Eh niyaya ka na nga niya. Saka…bakit sa akin?” Narinig ko siyang huminga ng malalim. “Crush na crush ko talaga siya, Lae. Pero narinig ko kasing crush din pala siya no’ng sophomore na maganda.” Sabi niya. Ramdam ko ang panghihina sa kanyang boses. Sinong sophomore? Ang alam ko, si Christian ang may nagugustuhan na sophomore. Not the other way around. Pero para mas makasigurado, tinanong ko na rin siya. “Sino naman?” I asked. “’yong maganda sa Section A. Carla yata ang pangalan. Nakasama niyo na rin dati ‘yon sa quiz bee.” Tumangu-tango ako. Tama ang hinala ko. “Si Carlyn.” Pagtatama ko. Paakyat na kami ngayon sa hagdan papunta sa classroom. Nakahawak pa rin sa akin si Monica habang nagkukwentuhan. “Oo siya nga.” I scoffed. “Selos ka?” “Uhm. Medyo? Hindi ko alam. Tulungan mo na ako.” “Tss. Bakit nga ako?” Tumigil kami sa paglalakad. Tumuwid siya sa pagkakatayo at humigpit ang hawak niya sa aking braso. “Hindi ba…madalas kayong mag-usap? Noong pumunta kayo kila Paul, close kayo.” Aniya. Mataman ko siyang tiningnan. Seryosong-seryoso siya sa sinasabi. I never saw her so serious like this. She added. “Ikaw lang ang kinakausap no’n sa classroom natin maliban kila Gil at Edmund. Kahit ako, aloof pa sa kanya.” Ngumuso ako. Hindi ba sila nag-uusap na dalawa? Eh niyaya na nga siyang lumabas mamaya ni Christian! Hindi naman siya yayayaing lumabas kung hindi muna sila nagkapalagayan ng loob ‘di ba? Bumaba ang tingin ko sa nakahawak niyang mga kamay. “Please, Lae.” Nangingiti ako habang nakangiwi. “Ano ka ba, Monica. Huwag mong seryosohin ‘yong mga ganyang bagay. Ang babata pa natin.” Umiling siya. Bumalandra ang kabiguan sa maamong mukha niya. “Ayaw mo akong tulungan? ‘di ba, ayaw mo naman sa kanya?” diretsahang tanong niya sa akin. Umawang ang labi ko sa sobrang gulat. Saan niya hinugot ang mga tanong niya sa’kin? Narinig ko ang mahina niyang pagsinghot. Nang tingnan ko siya sa kanyang mga mata, medyo naluluha na siya. What is wrong with her? Ganoon ba kalakas ang tama niya para iyakan ang lalaking 'yon? Dahil hindi lang naman kami ang estudyante roon, minabuti kong ilayo si Monica sa bungad. Hinila ko ang kamay niya at dinala ko siya sa pinakadulo na bahagi ng pasilyo, malapit sa classroom namin. Nang makarating kami sa sulok, binitawan ko ang kamay niya’t nagsimula akong magtanong sa kanya. “Monica, ano ba? Umiiyak ka? Seryoso ba ‘yan?” I asked. Lumingon-lingon pa ako para masiguro kong walang nakakakita sa amin. I even used my body so that I can block her from the eyes of everyone. Nakita kong nagpunas siya ng kanyang mata. “Lae, gustung-gusto ko siya. Gustung-gusto. ‘di ba, ayaw mo naman sa kanya? Humihingi ako ng tulong sa’yo!” ulit niya. Medyo mataas na rin ang boses niya ngayon. “Ano’ng ibig mong sabihin sa tanong mo? Ayaw ko sa kanya?” naguguluhan kong tanong. Wait. Ano bang alam niya. Umiwas siya ng tingin sa akin. “Narinig ko kayong nag-uusap sa room noon. Kayong dalawa lang. Pupuntahan na sana kita dahil narinig kong sumisigaw ka. Pero nang makita kong hawak-hawak ka niya sa siko, nadudurog ako.” Mahinang usal niya at saka suminghap. Oh no. Monica…is she in love with him? “Mon, tama na ‘yan.” Saway ko sa kanya. She shook her head. “Wala kang gusto sa kanya, Lae? ‘di ba?” Napalunok ako. At dahil ayokong biguin ang isang matalik na kaibigan, kahit hindi ko pinag-isipang mabuti ang tanong niya, binigyan ko siya kaagad ng sagot. Marahan akong tumango. “W-wala. Wala akong…gusto sa kanya.” Nakita kong lumiwanag ang mukha niya. “T-totoo?” Tumango ako ulit at saka simpleng ngumiti. “Oo naman. A-ano bang gusto mong gawin ko?” Maluwang na ngiti ang isinukli niya sa akin. “Tulungan mo akong mapalapit sa kanya, Lae.” Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ano itong pinapasok ko? Kung kailan naman nakakaiwas na ako, saka naman hihingi ng ganitong tulong sa akin ang kaibigan ko. “S-Sige! Pero…hindi ako nangangako ah? Pero susubukan ko.” I assured her. Lalong lumiwanag ang mukha niya sa narinig. Niyakap niya ako ng mahigpit. I was stunned. Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nang kumalas siya sa yakap niya sa akin, dumausdos ang mga kamay sa aking kamay at ngumiti ng pagkaluwag-luwag. “Thank you, Lae. Thank you!” I scoffed. “Sira ka talaga. Dahil lang ‘don papakabaliw ka?” Humalakhak lang siya sa tanong ko. Napansin kong lumagpas ang tingin niya sa likod ko. Unconsciously, sinundan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin. And right there, I saw Christian standing in front of the door, looking intently at us. Agad kong binalik ang tingin sa kaibigan. Nakita ko siyang nakangiti sa tinitingnan at kumaway sa kanya. I smiled inwardly. Hindi ko alam na sa pagtanggi sa sarili kong nararamdaman at pagsang-ayon sa gusto niyang mangyari, napasaya ko siya. Nakapagpasaya ako ng kaibigan. “Sige, Lae. Puntahan ko lang siya sandali ah?” she said so hopefully. Ngumiti ako at saka makailang ulit na tumango. Iniwan niya ako roon. Binati niya ang lalaking kanina pa nakatingin sa amin. Pinagmasdan ko ang unti-unting paglayo ni Monica para puntahan si Christian sa kinatatayuan niya. And when I look at her, tipid siyang nakangiti sa kaibigan kong papalapit sa kanya. Pinagmasdan ko sila. He looked at her so gently. Itinanong ko sa sarili ko kung ganoon ba ang mga tingin niya sa akin kapag tinitingnan niya ako ng patago. They were talking while laughing so hard. At nang makuntento ay niyaya na siya ni Monica sa loob. Tumango siya at bago tuluyang makapasok sa room, nilingon niya ako. Parang tumigil ang mundo ko nang muling magtama ang aming mga mata. Para akong nabuhayan ng loob nang tapunan niya ako ng atensyon. Saka ko lang na-realize na na-miss ko ‘yong laging nagtatama ang tingin naming dalawa. Ngayon kasi, umiiwas ako sa kanya dahil sa huling pag-uusap naming dalawa. Bakit ganoon? Bakit sa akin pa? Pwede naman siyang makipaglapit pa rin kay Christian nang hindi humihingi ng tulong sa akin. Ngayong alam niya ang tungkol sa pag-uusap namin, mas lalo akong napapaisip. Sinaway ko ang aking sarili. I shouldn’t feel this way. Bata pa ako. Kailangang malusaw itong nararamdaman ko. Bata pa ako. Hindi ko prayoridad ang mga ganitong bagay. Liking someone too much at an early age is like gambling your young heart to be wounded. Hindi dapat ganoon. Pero kasi…nakapagbitaw na ako ng salita kay Monica. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Paano ko ba tutulungan ang kaibigan ko? Of course, I have to talk to him. Paano ko ilalakad si Monica kung hindi ko siya igu-good shot sa kanya? Umiling ako. Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend pero heto ako ngayon at nag-iisip kung ano’ng paraan ang gagawin. Come on! Think, you self-proclaimed cupid! I rolled my body. Nagtipa ako ng text sa cellphone ko. Nakailang beses ko ring binura ang tinangkang huwag na muna siyang i-text pero sa huli, nag-type na lang ako ng random text. Ako: Good evening. Sinend ko iyon pero hindi ako nag-eexpect na magre-reply pa siya. After what happened, sigurado akong inisip na rin niya ang dumistansya sa akin. Kumunot ang noo ko nang makatanggap ako ng text. Umayos ako sa pagkakahiga ng mabasa ko kung sino iyon. Christian: Good evening. I bit my lip. Oh? Ano na? Umiling ako ng minsan habang nagrereply sa kanya. Ako: Kumusta ang lakad ninyo ni Monica? :) I paused for a while. Tama ba ito? Hindi ba mukhang nanguusisa? I decided not to send it. Pero imbes na ‘Delete’ button ang i-press ko, ‘yung ‘Send’ button ang napindot ko nang wala sa sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko sa screen and ‘successfully sent’ ang message ko. Gusto kong magmura. Nakakahiya! Ano na lang ang iisipin niya? Na nakikiusosyo ako? Dah! Kahit naman ano’ng gawin niya, dapat wala na akong pakealam ‘don! Kaso…oo nga pala. Naalala ko ang pakay ko sa kanya. Suminghap ako ng muling tumunog ang cellphone ko. Christian: It’s fine. We had fun. Bakit? Natigilan ako sa nabasa ko. The side of my lips rose in so much irritation. Fun? You had fun? Talaga? “Tss. Eh ‘di kayo na ang masaya.” Bulong ko. Hindi na ako nag-reply. Saka ko na lang siguro ite-text ulit kapag may naisip akong bagong gimik para mapansin niya lalo si Monica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD