CHAPTER 8

1401 Words
Lae Dahil sa sinabi ni Papa sa akin, I tried my best to return my old self. Iyong hindi nag-ooverthink, hindi naglalagay ng kulay sa bawat ginagawa. Pinilit kong tanggalin sa sistema ko ang naiisip tungkol kay Christian. I focus more on my studies and spent more time with my friends. Kahit nagte-text siya sa akin, sinasagot ko lang iyon ng maayos. Sabi ko nga sa sarili ko, I have to stay casual towards him. Naitawid namin ang report namin noong Lunes. Nakakapagod pero worth it ang lahat ng ginawa namin dahil mataas ang naging marka namin sa reporting. Kahit si Joshua na hindi nakasama sa amin noong nakaraan, nakapag-report ng maayos dahil ibinigay ko sa kanya ang topic niya noong gabing din iyon. There was a time that I was the only one in our classroom. Hindi na ako umuwi sa bahay para mananghalian. Nakatukod ang braso at ulo ko sa arm chair habang nakapikit at pilit na kinukuha ko ang aking tulog ng biglang bumukas ang pintuan. Hindi na ako nagtapon ng oras para lingunin kung sino ang pumasok dahil alam ko namang kaklase ko naman iyon. Narinig ko ang yabag niya papunta sa likurang bahagi ng classroom. Nakapikit pa rin ako at nakakaramdam na ng pagkaantok. Narinig kong nagsalita ang lalaking pumasok sa classroom pero hindi ko siya nabosesan. Mas nanaig ang antok ko kesa sagutin ko pa siya. Inignora ko ulit siya nang muli siyang magsalita dahil nakukuha ko na talaga ang lalim ng tulog ko. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatulog pero nagising ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Pupungas-pungas pa ako nang lingunin ko siya. I saw him in my blurry vision. Nang makapag-adjust ang mata ko ay nakilala ko ang lalaking tumabi sa akin. “Okay ka lang ba?” Tanong niya sa akin. Pumikit ulit ako at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking panyo para humikab. Tumango ako. “Oo.” Kaso para akong napaso nang damahin niya ang leeg ko gamit ang likod ng kanyang palad. Pati ang noo ko ay dinama niya rin. Bahagya akong natawa. “Wala akong lagnat.” Tanging nasabi ko. Sinubukan kong bumalik sa dati kong posisyon para makatulog ulit. Wala pa namang time. Isa pa, wala pa kaming mga classmate kaya makakaidlip pa ako. “Sigurado ka?” Tanong niya ulit sa akin. Tumango lang ako ulit pero hindi ko na siya nilingon pa para tumigil na siya sa pagtatanong. Gusto ko pang umidlip. Parang nagsisisi tuloy akong hindi umuwi sa bahay ngayong lunchbreak. “Are you avoiding me?” He asked again. Tss. Bakit ba ang kulit nito? Hindi ko siya sinagot. Nakapikit pa rin ako. Mainam na ‘yon para isipin niyang nakatulog na ako. “Why are you cold when I’m texting you?” Dagdag niya. Hindi ulit ako kumibo. Bahala ka diyan. “Lae...alam kong gising ka pa. Sagutin mo ang mga tanong ko. I snapped. Tuluyan ko na siyang hinarap at iritadong tiningnan siya ng tuwid. “What’s wrong with you? I am trying to get some sleep!” Pumikit siya ng mariin. Nang dumilat siya ay matalim niya akong tiningnan. “Answer my questions!” I scoffed. “Ano bang gusto mong marinig para tumigil ka na?” Nakita ko ang gulat na bumalatay sa kanyang mukha. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsagot ko sa kanya. “Tss.” At saka ako umiling. Wala na akong balak matulog. Panigurado namang hahaba pa ang usapan namin. “Hindi ko hinatid si Monica sa kanila noong Sabado. Pero ipinagpara ko siya ng tricycle para makauwi na rin siya.” Marahang sabi niya. Nangungunot ang noo kong nilingon siya. He’s looking at me intently. Tila naghihintay sa maaaring isagot ko sa sinabi niya. “Wala naman sa akin ‘yon.” Matabang na sagot ko. Pinaglaruan ko ang panyong hawak ko dahil hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Siya naman ngayon ang sarkastikong suminghal. “Hindi naman iyon ang nakikita ko sa mga ikinikilos mo.” Patuyang sabi niya sa akin. What? Marahas ko siyang nilingon. I saw his jaw clenched. Sa edad naming iyon, prominente na ang panga niya. Puberty hit him hard. “And what do you mean by that?” He smirked. “Ano nga ba?” Lumukot ang mukha ko. Huwag niyang sabihin sa’king... “If you think I’m jealous,” umiling ako ng may halong panunuya. “I’m sorry to burst your bubble but I’m not.” Mababang boses na sabi ko sa kanya. Naningkit ang kanyang nga mata. Wala akong ibang makita kundi iritasyon at pagkapahiya. “Hindi ko sinabing naseselos ka, Lae. Pero kung iyan nga ang nararamdaman mo, tatanggapin ko.” Marahang sabi niya sa akin. Tumaas ang kilay ko. Tumayo na ako at humalukipkip dahil balak ko na siyang iwan do’n. Sa labas na lang ako maghihintay ng mga kaklase namin. “Pwes, hindi ako nagseselos.” Hindi siya nakaimik. Nanatili ang malamig na titig niya sa akin. I took that as an opportunity to strike him more. “Magkaliwanagan na nga rin tayo, Christian. You are acting vague towards me. Aren’t you courting that sophomore? And how about Monica? Hindi ba’t nililigawan mo rin siya?” Angil ko sa kanya. Nangunot ang kanyang noo at marahas na tumayo. Bahagya pang umatras ang arm chair na inupuan niya. Lumikha iyon ng ingay. Kahit ako, bahagyang napaatras dahil sa inasal niya. “What did you say?!” He asked angrily. I rolled my eyes. “Ang sabi ko, nililigawan mo sila! “I’m not courting anyone—-“ “Eh ‘di ligawan mo! Pakealam ko ba kung nililigawan mo sila?! Ligawan mo na lahat ng gusto mong ligawan dahil wala akong pakialam!” Singhal ko. My breathings became deeper and labored. Nagwawala ang utak ko sa mga naiisip at parang pumipiglas ang puso ko sa tindi ng kabog no’n Napatda lang ako nang madiin niya akong hawakan sa aking siko. “Iyon ba ang gusto mong mangyari, hah?” Tanong niya. Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko dahil nang marinig ko iyon, mas lalong nag-init ang tainga ko. “Oo! Para tigilan mo na ako dahil naiirita na ako sa tuwing nahuhuli kitang nakatingin sa akin!” Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang galit at sakit nang bitawan ko ang mga salitang ‘yon. Gusto kong bawiin pero kung gagawin ko ‘yon, hindi niya ako titigilan. Marahas kong binawi sa kanya ang aking braso at padabog ko siyang iniwan do’n. Hah! What was he thinking? Na kaya hindi na ako nakikipag-usap sa kanya ng madalas dahil nagseselos ako? Yes, I was a bit upset that time but hell, yeah, I’m not jealous! Wala akong karapatang magselos dahil para lamang sa magkarelasyon ang ganoong klase ng nararamdaman! Obviously, I don’t have one and he’s not my boyfriend so technically, wala lang dapat sa akin ‘yon! Pinilit ko ulit kalimutan ang nangyaring sagutan namin ni Christian. Pero minsan, naiisip ko pa rin na sana...naging maayos na lang ang pag-uusap namin. Na sana, hindi na kami humantong sa sigawan. Sinubukan ko nga ring sulyapan siya minsan. Normally, I would caught him looking at me o kaya, siya naman ang makakahuli sa akin. Pero noong minsan kong sinulyapan siya, his eyes are not into my directions. Kung hindi nakatingin sa notebook o libro niya, tinitingnan niya ang direksyon ng upuan ni Monica. Kaya...para hindi na rin ako tuluyang maapektuhan sa pangyayari, sinikap ko talagang burahin na lang lahat ng alaala naming dalawa. Not until one day, Monica approaches me. She looked very enthusiastic when she went to me. Kitang-kita ang ningning sa kanyang mga mata habang nakangiti sa akin. Nagtataka man ay alangan akong nangiti sa kanya. Natawa siya sa naging reaksyon ko. “Lae! May good news ako!” Masayang sabi niya sa akin. Ipinulupot niya ang kamay niya sa aking braso. Magkasabay kami ngayong naglalakad sa corridor papunta sa canteen. I giggled. “Oh ano na naman?” She shrieked out. Hindi niya mapaglagyan ang kilig na nararamdaman niya. Kahit nasa labas kami, para siyang batang nagtatatalon sa sobrang kilig. “Secret lang natin ‘to ah?” “Oo, promise!” Lumapit siya sa akin para ibulong ang sasabihin niya. Pero nang marinig ko iyon, para akong nanghina. “Niyaya niya akong lumabas!!” Bulong niya at paimpit na tumili sa kinatatayuan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD