CHAPTER 7

1810 Words
Lae “Ano, Lae? Aangkas ka ba talaga?” Paul Luis asked demandingly. Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. Nakaramdam ako ng pressure sa pagsagot. Parang gusto ko na lang tuloy lumubog sa kinatatayuan ko. “Sinabi ko sa Papa mong ihahatid kita pauwi, Lae.” Ani Christian. I looked at him. Kita ko ang kaseryosohan at determinasyo niyang ihatid ako sa bahay. When I looked at Monica, bahagyang nakataas ang isang kilay niya habang nakahalukipkip siya. Nalilito akong sumagot. “P-pwede naman—-“ “Hayaan niyo kasi kung ano’ng gusto niya. Kesa naman pinipilit niyo siya, ‘no!” Sabi ni Monica. Her voice sounds irritated. Marahil ay sa tagal kong sumagot. O baka...naiinis siya dahil pinipilit ni Christian na ihatid ko? My lips pursed because of that thought. Parang gusto ko na lang pumayag sa gustong mangyari ni Paul Luis. Sunud-sunod na pitada ng motor ang umagaw ng pansin naming lahat. Nakita ko si Papa habang naka-angkas sa kanyang motor. Nakasuot siya ng black na sleeveless shirt, puting short pants, at itim na leather slipper. Nakahantad ang malaking tattoo ng itim na musang sa kaliwang braso malapit sa balikat niya habang nakasuot ng paborito niyang polarised sports eyewear at itim na helmet. Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko siya. Hindi ko na kailangang magdesisyon dahil sasama na lang ako sa papa ko. “Sino ‘yan?” Bulong ni Monica. Paul smirked. “Papa ni Lae.” Lumapit si Paul sa gate para buksan iyon. “Uncle Henry!” Bati niya. Inalis ni Papa ang helmet niya at saka ngumiti sa paparating na si Paul. Paul took his hand and place it in his forehead. “God bless you. Tatay mo?” Tanong niya. Inilagay ni Paul ang isang kamay niya sa kanyang ulo. “Umalis po eh. Pinaayos po yung motor.” Nilingon ko si Christian. Nakatunghay din siya sa dalawang lalaking nag-uusap sa labas. “Ako na lang ang ihatid mo, Christian. Madadaanan mo rin naman ang amin.” Presinta ni Monica sa kanyang sarili. Nakangiti pa siya na parang batang nag-aabang na mabigyan ng kendi. I gulped. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Gusto kong tumutol pero...wala akong karapatan. “Mukhang susunduin naman si Lae, eh.” Dagdag niya. Bumaling ako kay Christian. Kita ko ang paglingon niya sa nakaabang na si Monica. He smiled a bit and just nodded. Maluwag na ngiti ang tinugon ni Monica sa kanya. I even notice how she jumped a bit because of excitement. Patago akong lumabi. Tss. Kinuha ko ang bag ko sa basket ng bike ni Christian. Nagpaalam ako pero hindi ko na sila tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang ang lakad ko patungo kay Papa at tahimik lang na umangkas sa likod niya. Papa handed me the extra helmet. After I wore it, nilingon ko si Paul na nakatayo pa rin sa gilid. “Thanks, Paul. Text text na lang.” malamya kong sabi sa kanya. “Ah! Oo, sige.” Nakangiting sagot niya. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Nang muli kong sulyapan sila Christian at Monica ay nag-uusap na sila. Nagngitngit ang loob ko sa nadatnang ayos nilang dalawa. Ang bigat sa pakiramdam. Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. “Tara na? Maggo-grocery pa tayo.” Narinig kong sinabi ni Papa. Ibinalik ko ang tingin sa kalsada at saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Opo.” Tanging sagot ko. Isinuot muli ni Papa ang helmet niya. When we’re about to go, bumusina siya ng minsan at saka nag u-turn papunta sa plasa. Natutukso man akong tumingin ulit sa pinanggalingan ko ay hindi na ako muling lumingon pa. Kinastigo ko ang aking sarili. Hindi dapat ako umaasa sa mga ganitong bagay. Ako lang ang magkakaproblema. Ganoon lang talaga siguro siya. I am just fascinated because it’s actually our first time that we had an interaction. Dati naman kasi, halos hindi kami nagpapansinan. I sighed. Maybe I should focus my attention to better things. Hindi iyong ganito. Nag-ooverthink na ako masyado. Itinuon ko ang atensyon ko sa pamimili habang si Papa naman ang nag-tutulak ng malaking cart. Ganito naman kasi palagi kapag umuuwi siya. Pinupuno niya ang mga tokador namin sa kusina ng mga grocery. Katulad ngayon, kaunti na lang ay mapupuno na ang cart pero hindi pa kami tapos sa pamimili. “Ay ‘nak, kuha ka ng ice cream.” Sabi niya matapos niyang sipatin ang ilang items doon. Ngumuso ako. “Bakit po ice cream?” Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos niyang ilagay ang dalawang supot ng wheat bread. “Anniversary namin ng nanay mo. Ise-celebrate natin!” Nakangiting sabi niya at nag-angat pa ng kilay. I scoffed. “Ba’t kayo may anniversary, eh hindi naman po kayo kasal?” Natigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. His expression is blank. Hindi ko tuloy matukoy kung galit ba siya o ano. Bigla tuloy akong nagsisi sa sinabi. Na-offend ko yata siya. Pero isang nakakalokong ngiti ang iginawad niya sa akin matapos niyang matigilan ng ilang segundo. Pinisil niya ang ilong ko at saka iyon pinanggigilan! “Ang dami mo namang tanong! Manang-mana ka talaga sa Mama mo!” Aniya at saka natatawang binitawan iyon. Hindi naman iyon masakit pero dama ko ang diin sa ginawa niya. Kahit hindi naman ako nasaktan, I acted like I was hurt. Tinampal ko pa ang braso niya para bitiwan niya ang ilong ko. “Mas mana ako sa’yo, ‘no! Tingnan mo nga, ‘Pa. pareho tayo ng ilong!” Palatak ko habang hinihimas ko ang aking ilong. Ganito ang madalas na naging bonding ni Papa. Minsan lang siya sa isang taon kung umuwi kaya kapag nandito siya, sinusulit naming dalawa ang oras na nandito siya. Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga patatas at carrots para sa lulutuin niyang chicken curry nang bigla siyang magsalita. “Lae, sino ‘yong lalaking sumundo sa’yo kaninang umaga?” Tumaas ang kilay ko nang marinig ang tanong niya. I remembered him again. Tss. Nawaglit ko na nga siya sa isipan ko kanina tapos ipapaalala pa niya. “Classmate ko po.” Kaswal kong sagot sa kanya at ipinagpatuloy ko ang paghihiwa. Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang malakas niyang halakhak. I let him see the confusion on my face. Naiiling pa siya habang naghihiwa ng manok. “Ang batang ‘yon.” Umiiling na sabi niya. “Tinanggihan ako nang yayain kong magkape dahil baka bumaba ka na raw anumang oras.” I scoffed. Ba’t pa ba niya sinasabi sa’kin ‘to? “Manliligaw mo ba ‘yon?” He asked accusingly? I glared at him. “Papa!” Humalakhak siya ng pagkalakas-lakas. Kahit nainis ako ng bahagya sa sinabi niya ay nahawa na rin ako sa tawa niya. “Ano nga?” “Hindi, ‘no!” Mariing tanggi ko. Lalong lumakas ang halakahak niya. My face flared up with so much embarassment. Para akong lagnatin dahil sa init na nararamdaman ko. Pulang-pula siguro ang pisngi ko dahil sa lakas niyang mang-alaska. Naiiling siya habang inilalagay ang mga nahiwang manok sa stainless bowl. “May nalalaman pang sundo-sundo.” At nagpatuloy sa paghagikhik. Lumabi ako para hindi masyadong halata ang inis na nararamdaman ko. “Susunduin nga po sana ako ni Paul—-“ “Oo nga, anak!” Natatawa pa rin niyang sabi. “Pero kasi—-“ he cut me off again. “Pero ano, ‘nak?” Nakangiting sabi niya habang taas baba ang kanyang mga kilay. Ugh. Hindi na ako sumagot. I grimaced and continued chopping the remaining potatoes. “Sir pa ang tawag sa’kin, ‘di ko naman kadete ‘yon!” Dagdag pa niya. Natawa ako sa biro niya. “Sana pinag-push up mo! 10 counts!” Narinig ko ang halakhak niya habang iginigisa ang manok sa kawali. Sandali kaming natigil sa usapan. Nang takpan niya na iyon ay nagpatuloy siyabsa pagsasalita. “Lokong bata ‘yon! Sa bike ka pa inangkas! At ikaw naman...” bahagya niya akong kinurot sa tagiliran. “...pumayag!” I winced when he pinched me on my waist. Hindi iyon madiin pero ramdam ko ang hapdi. Lumukot ang mukha ko sa ginawa niya pero kalaunan, natawa na rin ako. Nakita niya pala kami! Bakit hindi ko kasi naisip iyon? Buti na lang hindi siya nagalit. “Hindi lang ako nakatanggi, Papa.” I said in a low voice. “Oo kasi gwapo!” Ngumuso ako. Gwapo ba siya? Naglakbay ang isip ko sa kanyang mukha. Well...he got a pair of deep set, brooding eyes. Na sa tuwing nahuhuli kong nakatingin sa akin, parang malalim ang iniisip. May misteryo sa mga mata niya. His nose? Matangos. His lips are small but full. May bahagyang may hati sa gitna. Okay naman din katawan. Matangkad. Moreno. Clean cut ang gupit ng buhok. “Lae! Natahimik ka na!” Aniya para makuha ulit ang atensyon ko. Para akong natauhan sa lakas ng boses niya. I pursed my lips. Niligpit ko ang kalat para maitapon sa trash can. “Basta po! Hindi nanliligaw ‘yon.” I said with finality. Iba kasi ang gusto niya, Papa. “May gusto sayo ‘yon, ‘nak.” Inilagay niya ang kanang kamay sa dibdib niya. “Ramdam ko!” Nangunot ang noo ko habang naiiling. He sighed. Medyo nagseryoso ang itsura. Parang may naalala. “Ganoon din ako sa nanay mo no’n.” Bahagya akong natigilan sa ginagawa pero agad ding nakabawi. Tinipon ko ang mga napagbalatan sa chopping board at tinungo ang trash can para doon itapon ang mga ‘yon. “Ang alin naman?” I said with my voice a bit cheerful. Ramdam ko kasing nagsisimula na naman siyang malungkot. “Nagpapa-impress.” He smirked. Nangingiti ako habang naiiling pa rin. “Halika nga rito, ‘nak.” Tawag niya sa’kin. Inilapag ko ang hawak kong sangkalan sa sink at nagpunas ng kamay sa apron ko bago ako lumapit sa kanya. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng mesa. He hugged me sideways. Ang kamay niya ay dumapo sa aking balikat. Bahagya niya akong niyugyog at hinalikan sa ulo. “Masarap ang magmahal, anak. Pero sa edad mong ‘yan, pag-aaral muna ah? Saka na ang pag-ibig kapag nakatapos ka na. Dahil kapag iibig ka, dapat buong atensyon ang ibibigay mo.” Mahabang sabi niya. I was struck by his words. Tiningala ko siya. He smiled at me and continued talking. “Paano ka magmamahal ng buo kung nahahati ang atensyon mo?” Makahulugang tanong niya. Lumuwang lalo ang ngiti ko at saka unti-unting tumango. Pinisil niya ang ilong ko at ngumiti rin. “Pero ‘pag nanligaw talaga ‘yang lalaking ‘yan sa’yo ‘nak, dadaan ‘yan sa mga palad ko.” Pareho na lamang kaming natawa sa biro niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD