CHAPTER 6

1945 Words
Lae Halos magbuhol-buhol ang mga iniisip ko habang nakasakay ako sa bike niya. We rode for about 15 minutes until we reach Paul’s house. Kung tutuusin, nasa 5-7 minutes lang iyon kung sasakay ng tricycle. Pero dahil angkas niya ako, hindi mabilis ang pagpapatakbo niya sa bike niya. I was gripping so hard in the steering wheel of his bicycle. Not only because I am afraid to fall, but everytime his arms touches mine, para akong nakukuryente. Hindi naman maiiwasan ang pagdikit ng mga balat namin. I was caged in between his arms. At kung maglilikot ako, baka malaglag ako. Nang marating namin ang bahay nila Paul, nakita naming naghihintay na sa may garahe si Monica. Nakaupo siya at madalas ang check sa cellphone. Parang hindi mapakali, may inaabangang tawag o text. Sino kaya? Itong kasama ko? Hindi ka talaga niya mare-reply-an dahil nagmaneho ng bisikleta. Napatayo si Monica nang matanaw niya kami mula sa gate nila Paul Luis. Maluwang ang ngiti niyang sinalubong kami at pinagbuksan para makapasok na sa loob. “Uy! Buti nakarating kayo agad. Si Josh, mali-late daw ng konti.” Nakangiting sabi niya at saka binalingan ang kasama ko. “Ipasok mo na ‘yong bike mo rito, Christian.” Narinig ko pang nag-usap ang dalawa pero hindi ko na sila binigyan ng pansin. It’s very evident that she wants to get his attention. So I let them be and went inside Paul’s house. Nadatnan ko si Uncle Isko na nagkakape habang nanonood sa TV ng pang-umagang balita. Lumapit ako sa kanya para magmano. “God bless you, neng.” Aniya. “Katatapos maligo ni Paul, Lae. Iyang bata na ‘yan. Kung hindi pa dumating si Monica ay hindi pa gagayak eh!” Umupo ako sa sofa at nakinood na rin sa TV. “Hindi nga rin po niya ako nasundo kanina.” “Aba’y nagsabi ba ang batang ‘yan? Sira yata kasi ang spark plug ng motor kaya hindi umaandar.” Sagot niya sa akin. Ngumuso ako at sumandal sa sofa. “Nakauwi na ba si Pareng Henry?” Tanong niya ulit. “Opo, Uncle. Dumating po si Papa kaninang madaling araw.” Magalang na sagot ko. Lumingon ako sa kwarto kung saan iniluwa ng pintuan si Paul. Bagong ligo rin at nakasuot ng white tshirt at red na jersey shorts. “Hi, Lae!” Bati niya sa akin. Tumango ako sa kanya at nginitian siya. May kinuha siyang ilang libro, papel, at lapis sa istante malapit sa TV bago ako nilapitan. “Sorry hindi kita nasundo. Nasira ang motor ko.” Hingi niya ng dispensa. I shrugged my shoulders at tumayo na rin mula sa pagkakaupo ko. “Okay lang.” “Ano’ng sinakyan mo?” Tanong niya. Nangunot ang noo ko. Hindi ba niya alam na sinundo ako ni Christian? I quickly remembered the exchange of messages in our GC. Nakita ko nga roon na ni-mention ako ni Paul na hindi niya ako masusundo pero...wala akong maalalang may nabasa akong si Christian na ang susundo sa akin. Should I tell him? Hindi kaya mag-isip siya ng iba? Instead of answering him, lumabi lang ako sa kanya at nauna nang lumabas. Natigil lang ako ng bahagya nang makita ko sila Monica at Christian na nagku-kwentuhan habang natatawanan. Nangunot ang noo ko sa nakita. Para akong nairita na hindi ko maintindihan. “Pasasakayin na lang kita mamaya, Lae.” Ani Paul nang makaupo na kami sa monoblock chair na naroon. Sa gitna non ay may mesang kulay puti rin. Sakto lang para may mapagsulatan kami. “Huwag na. Kaya kong umuwi mag-isa.” Wala sa sarili kong sinagot siya habang inilalabas ko isa-isa ang mga gamit. Humalakhak siya ng kaunti at saka pinisil muli ang pisngi ko. Hindi naman iyon masakit pero dahil sa emosyon ko kanina nang madatnang nasa ganoong ayos ang dalawa naming kasama, nabunton ko ang inis ko kay Paul. Hinawi ko ng may halong iritasyon ang kamay niya. Pero imbes na tumigil ay natawa pa siya lalo. “Uy ang agang LQ naman niyan!” Panunukso ni Monica sa amin. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Paul Luis. Ako naman ay nangungunot lang ang noo pero natatawa na rin sa sinabi niya. Paul’s my friend. He’s handsome and a bit athletic, too. But, duh? Di ko siya type! “Magsimula na nga tayo!” Tanging nasabi ko. But before I opened my book, I accidentaly glanced at Christian. I caught him staring at me again. Mabilis niya rin iyong iniwas at binuklat ang sariling libro niya. Nagsimula na kami sa pagre-research ng kanya-kanyang topic namin sa report. Kinuha ko na ang 1st and 2nd part ng topic. The rest, pinaghati-hatian na nila. Hinayaan ko na silang mamili kung ano’ng topic sila kumportableng i-report. We were busy writing, researching, and summarizing everything we find in our books. Nag-browse din ako sa Internet gamit ang Ipad ko. Halos hindi namin namalayang malapit na pala ang oras ng tanghalian. “Dito muna kayo, ah? Check ko lang ‘yong sinaing ko.” Paalam ni Paul. Tumayo rin si Monica para sumama sa kanya sa loob. Magsi-CR daw. Kaya ang siste, napag-isa na naman...kami. Hindi ko siya pinansin dahil medyo marami-rami pa akong kailangang hanapin. Ginugol ko ang sarili sa pagre-research. Somehow, nawala ang nararamdaman kong pagkailang nang makapag-focus ako sa ginagawa. Narinig kong tumikhim siya. Umangat ang tingin ko sa kanya’t nakita siyang nagsusulat. Muli kong ibinalik ang atensyon sa ginagawa. I reprimanded myself not to assume too much! This is crazy! I copied some information from the Internet. Kung tutuusin, the infos that I found are enough to supplement the topic that I’m going to report. Pero I wanted to look for another information about my groupmate’s topic, para naman may maidagdag pa sila maliban sa kung ano’ng nakasulat sa libro. Nakakita ako ng ilang impormasyong related sa mga topics na pwedeng idadag sa report nila. I copied it so Paul and Monica can add it to their presentation. Iyong kay Josh ay aayusin ko na rin dahil may pakiramdam akong hindi na iyon makakahabol pa ngayong araw. Nakakita rin ako ng infos na related sa topic ni Christian. I copied it too and wrote it on the paper. Nang matapos ay saka ko pinagmasdan ang papel. Pero nagdadalawang-isip ako kung ibibigay ko nga ito sa kanya o hindi na. I wanted to get rid of my thoughts for him. Pero kung ako na naman ang unang papansin sa kanya, baka mas lalo akong mabaliw. Inilapag ko na lang ang papel sa mesa. Pinilas ko ang pinagsulatan at inipit sa ibang libro. Itinigil ko na ang pagsusulat dahil tapos naman na ako. Ano na ang gagawin ko? Tutunganga na ba? Should I follow them inside the house at iwan na lang siya rito? Nakita kong inilapag niya na rin ang mga gamit niya at prenteng sumandal sa upuan niya. Hinugot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at nagsimulang i-check ‘yon. Sino kayang ite-text niya? Si Monica? Her phone’s here in the table. Kung hindi siya...sino? Si Carlyn? Namilog ang mga mata ko sa naiisip. What the heck? What is he? A playboy? Wala sa itsura niya ang gagawa ng ganoon. Iyong pagsasabaying manligaw ng mga babae. That’s disgusting! Bahagya akong nagulat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa pagkakapatong nito sa mesa. When I opened it, tumaas ang isang kilay ko sa nabasa. Why is he texting me? Christian: Ang tahimik mo. Sinulyapan ko siya. Pero nataranta ako nang mahuli kong nakatingin na naman siya sa akin. Agad akong bumawi ng sulyap at napalunok. Pwede naman kasing tanungin ako ng personal. Ba’t sa text pa? Nagtipa ako ng reply. Ako: Wala lang. Hindi ko rin alam kung bakit. I send it. Siya naman ngayon ang busy sa cellphone. I anticipated that he’ll reply kaya ‘di ko na ibinalik sa bag iyon. Tumunog ulit ang phone ko. Christian: Bakit? Badtrip ka? Ako: Siguro. Hindi ko nga alam. Wala pang isang minuto, tumunog ulit ‘yon. Christian: Why? Disappointed? Nangunot ang noo ko sa nabasa. I heard him sighed. Ako: Why would I be? Christian: Because it was me who fetched you instead of Paul Luis? Napanganga ako sa nabasa. Bakit naman niya naiisip ‘yon? It never even crossed my mind! Nakita kong itinago niya na ang cellphone niya. It means, he’s not expecting for my reply anymore. I decided to reply that text. Bahala na. Ako: Of course not! I am thankful for that, actually. I find it thoughtful, too. Ilang ulit kong binasa ang text na iyon. Ise-send ko ba ‘to? “Kain na!” Tawag sa amin ni Paul Luis. Nagulat ako sa tawag niyang iyon. I decided not to send my reply. Dahil sa pagtawag ni Paul, agad kong ibinulsa ang cellphone ko. Hindi ko na chineck pa kung na-close ko ba yon o ano. Pero nang marating namin ang dining, muling tumunog ang phone ko. Patay malisya ko iyong chineck at laking gulat ko sa nabasa! I accidentally sent my reply to him! At lalo akong namamangha dahil sa nabasa kong reply niya. Christian: I won’t mind doing that to you...everyday. Agad kong itinago ang cellphone ko dahil sa kahihiyang nararamdaman. Dapat kasi binura ko na lang yon para di na umabot sa ganito! Stop assuming, Lae! Stop it!! Kaya habang kumakain kami, pakiramdam ko, lumulutang ang isip ko sa nabasa. Parang gusto ko ng matapos agad ‘to dahil pakiramdam ko, hindi na ako makatagal na makasama pa siya. Normal ba tong iniisip ko? Na maybe...he likes me? Kaya ganito siya mag-text sa akin? I inhaled deeply. I should collect my thoughts and think rationally. Kung magpapaapekto ako ng husto sa mga ganito, baka mabaliw na ako mg tuluyan. “Ako na lang magko-consolidate ng mga na-research natin para magawan ko na ng powerpoint mamayang gabi.” Sabi ko ng walang kabuhay-buhay. We finished everything until 3pm. Kasalukuyan na kaming nag-aayos para makauwi na. “Pwede kitang tulungan.” Sabat ni Christian. Sinulyapan ko siya. He looked serious. Pero umiling ako. “You already have the biggest part of our topic. Iba pa iyong gagawin mo kay Josh. Let me help you.” Dagdag niya. Umirap ako. Mapilit. “Oo nga naman, Lae. Nag-ooffer na si Christian ng tulong. Let him!” Nakangiting sabi ni Monica at saka sumulyap sa kanya. Parang batang naghihintay na bigyan ng atensyon. I rolled my eyes. I don’t know what to feel. “Fine. Gawin mo na lang ‘yong kay Josh. Send it to me until tomorrow para maisali ko sa powerpoint ang topic niya.” I blandly said. Hindi ko na hinintay ang tugon niya. Tumalikod na ako para lumabas na. I can ride a tricycle from here. “Lae, ipagpapara na kita.” Presinta na Paul Luis. Palabas na kami ng gate nila. “‘kay.” Tipid kong sagot. “Paul, ako na ang maghahatid sa kanya.” Narinig kong nagsalita siya ulit. Natigilan kaming lahat sa sinabi niyang iyon. Nilingon ko siya. Mas lalong sumeryoso ang itsura niya’t parang lumalim din ang tingin kay Paul Luis. “Hah? Paano? Sa bike mo?” Sunud-sunod na tanong ni Paul. Tumango siya. Uminit ang pisngi ko. Malalaman na nilang siya ang sumundo sa akin kaninang umaga. Bumaling sa akin si Paul. “Aangkas ka, Lae?” My lips parted. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. All eyes are on me, nag-aabang sa sagot ko. But Christian answered him on my behalf. “Ako ang sumundo sa kanya kaninang umaga kaya ako rin ang maghahatid sa kanya.” He said with finality.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD